"Girl, nakasimangot ka na naman d'yan! Dream mo ba talagang pumangit?" tanong ni Aine.
Nandito kami ngayon ni Aine sa Canteen. Walang klase dahil may meeting 'yong teachers kaya ngayon ito at nakatambay muna kami dito. Si Sofie kasi may ginagawa pa sa room. Si Bessy naman, as usual natutulog sa room. Ayokong gisingin baka masapak ako bigla.
"Batukan kita d'yan you want?" banta ko sa kanya. I rest my chin at my right palm. Heavily sighed and looked at the students here.
"Ano ba kasi 'yang pinoproblema mo?" tanong naman niya. Napalingon naman ako at naiinis na nagsalita, "Tinanong mo pa talaga noh?" Aaaah! Nagulo ko na lang buhok ko sa sobrag inis.
"Naman kasi friend, bakit mo ba kasi pinoproblema 'yong grandparents mo?"
"Hindi ako makagalaw ng maayos okay? Feeling ko bawat galaw o mga gagawin ko kailangan perfect, lalo na kapag nandyan sa paligid si Lola. Lagi pang tinatanong 'yong mga ginagawa ko dito sa school, as if naman may kababalaghan akong ginagawa dito. Last time, ginawa na naman niya akong personal assistant sa company." Daig ko pa ang reporter kapag nagtatanong si Lola. Kailangan alam lahat ng detalye! Nagmumukha tuloy na napakalaki ng problema ko dito.
"Maiba ako, kumusta naman 'yong ipepresent niyo na project?" tanong ni Aine.
"Iyong sa akin? Maayos naman. Iyong kanya, anong malay ko d'on."
"Taray naman girl, samantalang no'ng nakaraan lang may pasayaw-sayaw under the night sky with those beautiful shining stars pa." pagpapaalala niya.
"Grabe rin ang pagkakadescribe ano?" pagputol ko sa sinasabi niya.
"Keshe nemen, ang haba no'ng buhok no'ng girl. Pero eto na nga, nakakita kasi ako ng dalawang taong nagsasayaw… tipong hindi lovers, 'di rin naman friends... worst enemy pa nga nila ang isa't isa. Then, bigla mo na lang makikita na nagsasayaw together. Take note girl, please take note… they are slowly dancing with romantic music as a background and looking so sweet. Tipong nakatingin ka sa mga bituin tapos siya naman nakatingin sa'yo. Perfect masyado eh, hindi ko maimagine na mangyayari 'yon sa inyong dalawa. Nakaka-shookt" mahabang paliwanag nito.
Kaechosan na naman ng babaeng 'to. May looking so sweet pang nalalaman. Pero hindi nga? Nakita niya 'yon? Akala ko naman walang makaka-alam.
"Kaya akala ko naman friendlalu na kayong dalawa. Iyon pala enemy pa rin." dagdag pa nito.
"Ewan ko sa'yo! Tigilan mo ako sa topic na 'yan. Bumalik na lang tayo sa room." sabi ko. Tumayo na ako at hinatak siya.
Mukhang mas magandang nasa room na lang kami. Ang daldal lang kasi ng babaeng 'to, nagkalat pa naman ang chismakers sa tabi tabi. Lalo na 'yong mga insecure sa kagandahan ko. Wala aangal! Well, marami kasing inggit sa 'kin. Tingin ko naman mas maraming takot, tipong kahit gaano pa nila ako tignan ng masama, wala silang magagawa lalo na no'ng nalaman nilang partner ko sa isang project si Kean. Kinamalayan ko bang heartthrob pala ang mokong na 'yon. Akalain mong may magkakagusto pala sa Mr. Cold Guy na 'yon.
Naglalakad kami pabalik ng room ng makasalubong namin sila Kean kasama ang mga kaibigan niya. Nakatingin lang siya sa akin. Akala ko naman nagbago na, back to normal na naman pala. Tumingin siya pero agad din umiwas. Dumaan lang siya na parang walang nakita. Nakapoker face look na naman. Luminga ako sa paligid at nakitang parang mga bulate ang mga babae sa paligid. Daming fangirls huh. Hindi ko na lang din pinansin at saka nagpatuloy na lang sa paglalakad.
"Aray naman!" reklamo ko. Paano naman kasi may babaeng nagmamadali kaya nabunggo ako. Muntik pa akong ma-out of balance dahil sa lakas ng impact mabuti na lang at nasa likod ko si Aine kaya nahawakan niya ako. Samantalang 'yong babae, nakasalampak sa sahig.
Hindi kasi siya nakatingin sa dinadaanan niya, nakatingin sa malayo. May hinahabol ka sis? Mukhang nagmamadali. Hindi ko rin napansin kasi bigla na lang sumulpot. Paliko na kasi kami papunta sa building namin kaya hindi ko talaga siya mapapansin na parating.
"Ayos ka lang girl?" tanong ni Aine kaya tumango naman ako.
"Ikaw? Ayos ka lang ba?" tanong ko sa babae habang tinutulungan siyang tumayo.
"Pasensya na ha. Nagmamadali kasi ako kaya hindi kita napansin. Pasensya talaga." paghingi niya ng dispensa.
"Halata nga" komento ko naman. Kaya siniko ako ni Aine. Ano bang problema sa sinabi ko?
"Pasensya na rin sa sinabi nitong kaibigan ko, ganyan lang talaga 'yan. Sino ba kasi 'yang hinahabol mo at talaga namang nagmamadali ka?" May pagka-chismosa ka talaga friend.
"Do you know someone named Kean? Kean Salvador."
Natigilan naman ako sa sinabi niya. Don't tell me may gusto rin 'tong babae na 'to sa kumag na 'yon? Seryoso siya? Mukhang mabait pa naman 'to. Well mannered din, posture pa lang at ang hinhin kung magsalita. I wonder what's her connection to Kean.
"Oh, si Kean ba? Actually nakasalubong namin siya, diretsuhin mo lang 'yan at baka maabutan mo pa siya." nakangiting saad ni Aine. Emphasizing the word Kean. Tsk.
"Thank you Miss." sabi nito at saka umalis. Iniwan ko naman si Aine doon at pumunta na sa room.
"Hintay naman friend! Selos ka naman agad." rinig ko pang sigaw ni Aine pero di ko siya pinakinggan at nagtuloy-tuloy lang. Nang makarating ako sa room ay umupo agad ako sa pwesto ko.
"Whooo! Grabe ka girl, ang bilis mong maglakad!" hinihingal na ani niya. Nakahawak pa sa dibdib at napasandal pa sa pinto.
"Napano ka Aine at hingal na hingal ka dyan? Hinabol ka ba ng aso at ganyan ka?" takang tanong ni Sofie.
"Hindi ako 'yong hinabol, ako 'yong humbol. Paano naman kasi 'tong friend natin, ang bilis maglakad."
"Ano ngang nangyari? At ito namang isa ay hindi maipinta ang itsura." Pagpuna naman sa'kin ni Sofie. Itinabi muna ang ginagawa at humarap sa'kin.
"May nakasalubong kasi kaming pretty girl kanina. Hinahanap daw si Kean kaya tinuro ko naman." Napataas pa ang kilay ni Sofie bago nagsalita. "Nasaan ang problema do'n?"
"It seems na may nagseselos kasi… you know." makahulugang sabi ni Aine at talagang tumingin pa sa'kin.
"Oh! I get it. Kaya naman pala I smell something fishy sa aura ng isa diyan hahahaha!" komento ni Sofie.
"Sinabi mo pa girl! Lalo na 'yong twinkle twinkle little star~" Pagkanta pa nito. Mga baliw talaga. Obvious naman na ako ang pinag-uusapan nila. Minsan ang sarap nilang pag-untugin.
"Smile na girl. Malay mo random girl lang 'yon, 'wag ka nang magselos d'yan" Sinamaan ko nga siya ng tingin.
"Tigilan niyo nga akong dalawa. Isa pa, hindi ako nagseselos. Bakit naman ako magseselos? At sa mokong na 'yon pa? Duh!" sabi ko sa kanila.
"Tss. Ang iingay niyo talaga!" reklamo ni Bessy. Hala ayan, nagising tuloy si Kamahalan.
"Sorry naman po hehe. Sige, tulog ka na ulit" sabi ko naman.
"Tss."
Hindi na kami nagsalita pa. Mahirap na, kagigising pa naman ni Bessy and to tell you guys, masamang nagigising 'yan lalo na kung dahil sa kaingayan. Kaya shut up na muna ko. Na alala ko na naman tuloy 'yong sinabi nila. Nagseselos ba talaga ako? At bakit naman ako magseselos? Wala naman akong affection towards him.
* * *
LUMIPAS ang ilang linggo at ngayon ang araw ng examination day namin. Lahat kaming magkakaibigan ay naging busy dahil sa school. Sila Lolo't Lola naman ay bumalik na ulit sa Canada. Well, mas maganda na rin siguro 'yon, since hindi naman gano'n kaganda ang relationship ko towards my grandmother. She's very strict to us kaya minsan hindi ko kinakaya 'yong pressure. May business din naman sila doon kaya hindi sila pwedeng magtagal dito.
Maaga akong pumasok ngayon para makapag-ready. Bukas na rin namin ipe-present 'yong projects namin. Kaya busy talaga ako ngayong week dahil puro libro at lectures ang kaharap ko.
Naka-upo lang ako sa pwesto ko ng pumasok si Bessy. Bakit feeling ko hindi maganda ang pakiramdam niya ngayon? She looked pale.
"Friend! Tapos mo na ba review-in lahat ng may exam today?" tanong sa akin ni Aine.
"Yep, ikaw ba?" balik na tanong ko sa kanya. Hindi niya rin kasi maka-usap si Sofie kaya ako ang dinadaldal niya ngayon. Sa aming apat, si Sofie at Jai talaga ang hindi mo maiistorbo kapag malapit na ang exam.
"Tapos na rin. Kaya lang, nag-aalala kasi ako kay Jai" sabi nito. Napansin niya rin pala si Bessy.
"Napansin mo rin pala."
"Gusto ko sanang tanungin, kaya lang alam mo naman kapag ganyan 'yan. Mainit ang ulo sa lahat ng tao hahaha!"
"Sinabi mo pa, mamaya na lang siguro after exam natin kausapin."
"Sige, balik na ako sa upuan ko. Nandyan na 'yong katabi mo." Tumingin pa sa pintuan kaya napatingin din ako doon. Nakita ko siyang papasok ng room. As usual, with his poker face and cold look. Wala namang bago. Nanahimik na lang ako sa upuan ko at hinintay dumating ang teacher namin.
* * *
SHOCKS! Feeling ko naubusan ako ng dugo dahil sa exam namin. Pesteng math 'yan! Bakit ba kasi sa amin pa pinapahanap ang value ng X niya? Pwede namang kalimutan na lang. Dumiretso akong Canteen para bumili ng pagkain. Hiwa-hiwalay kaming apat ngayon. Sabi ko nga, kanya kanya muna kapag exam.
Madali ko namang tinapos ang pagkain at saka bumalik agad sa room. Binasa ko na lang ulit 'yong notes ko para sa natitirang subject na itetake namin mamaya. Mabuti na lang at wala na 'yong math. Makakapag-isip na ako ng maayos para sa susunod na mga exam. Panira kasi talaga sa buhay 'yon eh. Puro numbers na nga, dinagdagan pa ng letters. Apat na subjects na lang ang natitira. I guess masasagutan ko naman agad ang mga 'yon.
Ilang oras din ang lumipas and at last! Natapos na rin ang exam for today. Nag-aayos na ako ng gamit ng may marinig akong bumagsak kaya agad akong napalingon.
Oh my! What happen?