NAGMADALI akong nagpunta kay Jaiden na ngayon ay walang malay sa sahig. I don't know what to do. Mas pinapangunahan ako ng panic.
"Somebody help me please. Lets bring her to the infirmary." Nararamdaman kong nanunubig na ang mga mata ko. I might cry sooner. I'm worried to my friend.
"Ako nang bahala sa kanya."
I looked to that person. Hindi na ako umangal pa. I paved way for him to take my bestfriend.
"Calm down. She will be alright Cass." Pag-aalo sa akin ni Sofie, patting my back.
"I know. I know." Magiging ayos lang siya, Cass.
"Let's go home. Bukas na lang natin siya kumustahin, she needs to rest." Tumango naman ako. Kinuha ko na ang mga gamit ko at sumabay na sa kanilang umalis. Performance pa naman bukas.
* * *
Until now, I'm worrying about Jaiden. I kept on texting her yesterday but she doesn't reply. I put my earphone on and listen to the song we will sing later. But it seems that I can't focus on that. When it terms to my friend's health, hindi talaga ako makampante hangga't hindi ko alam ang totoong lagay nila.
My classmates were busy discussing their performance. I was pre-occupied about Jaiden when Aine talk. "Friend, ready ka na sa gagawin niyo mamaya?"
Hindi ko man lang namalayan na nasa tabi ko na pala siya. "Ha? Ah, Oo naman, ikaw ba?" I answered.
"Medyo kinakabahan lang pero kaya naman."
"Here's your coffee and sandwich." Sofie handed the food to me. Tinanghali kasi ako ng gising kaya hindi na ako nakapagbreakfast. Nagpabili na lang ako ng sandwich at coffee in can since pumunta sila ni Kuya Rj sa canteen. Saktong pagdating ni Ma'am Ally ay kasunod niya lang na dumating si Jai.
"Good morning class!" she greeted us. "Good morning Ma'am Ally" we said in chorus.
"Are you ready to present your projects?" tanong ni Ma'am.
"Yes Ma'am!" Excitement was written on my classmates face. They move aside the table para mabigyan ng space ang mga magpeperform.
"Alright, let's start" Matapos ang ilang presentation ay kami na rin ang susunod. Pumunta na kami sa harap.
[Now Playing: Zoetrope (English Lyrics) Yanagi Nagi]
Cassie:
I've lost the broken pieces
Searching for the final component,
I'll follow the distant stars
To the ends of the sky dyed in the colors of the rainbow~
Kean:
Trapped within the small light seeping through the cracks
Walking, walking a path like a daydream
This accelerating force,
This repetitive power
Will not release my heart~
Both:
I'll take it out anyway…~
Kean:
Connect the particles and dust end to end
If you peer into the circle they form,
The figure changes every time
It begins to turn
So that it can see me again~
Cassie:
There's nothing I can rely on
There's nothing I can believe in
At least if this is a dream, then I could have been saved~
Both:
The destiny I must fulfill
I'll reach for it with my own hands
But I'm not enough on my own
Before it overflows completely…~
Cassie:
I'll catch it and hold it back
Even if only a little
If this world must be meaningless,
In order to create a tomorrow I can believe in,
I won't give up anymore~
Both:
Sleeping through the cracks
Never again for eternity…~
Now
Seize it with your own hands
And lead me there!~
Kean:
Overlapping many times like a kaleidoscope,
We'll continue to trace the future wherever it goes
Unable to imagine what even one may look like
Filling in the final gaps~
(Credits to the owner. of the translation. Since its a japanese song, I searched for an English translation.)
Matapos ng kanta ay umupo na rin kami. Mabuti at nagging maayos ang performance namin. Iba't ibang performance ang pinakita ng bawat isa sa'min.
Some pairs dance, acts and make a presentation. Ma'am Ally make a speech saying she's proud and happy that we present this project well.
Inaantok-antok na ako rito, dahil siguro sa pagpupuyat ko kagabi. Muntik na akong mapapikit ng tuluyan when someone shout.
"Friend!" sigaw ni Aine nang makalapit sa'kin. Hinawakan ang magkabilang balikat ko at inalog-alog pa ito.
"Ano ba 'yon?" walang gana kong tanong.
"May chika ako sa'yo!" saad nito. Napataas ang kilay kong napatingin sa kanya"Anong chismis na naman ang nasagap mo?" Inirapan naman ako ng babae. Kita mo 'to, may gana pang mag-taray sa'kin.
"Grabe ha, dahil ba sa sinabing ko chika…nakasagap na agad ng chismis!" kunwari pang nagtatampong sabi nito.
"Ay, hindi ba?" mapang-asar kong tanong.
"Tara na Cass, kaysa ipaliwanag mo pa Aine, pumunta na lang tayo doon." Naguluhan naman ako sa sinabi ni Sofie. Teka nga, anong mayro'n? Magtatanong pa sana ako nang hatakin na nila ako palabas ng room. May kasama pa pala silang isa.
"Oy Ingrid, ang tahimik mo dyan?" tanong ko sa kanya.
"Ha? W-wala naman. Hehehe"
"Hay nako! Kung nahihiya ka sa amin, alisin mo 'yan. Mga walang hiya pa naman 'tong mga kasama mo. Hahaha." Baliw 'tong sofie na 'to. Siya nga 'yong hindi nahihiya eh.
"Ang sama mo naman sa'min bes, mas malala ka nga dyan" sabi ni Aine.
"Ay, hahaha.. ano ba 'yan. Huwag na kayong mag-talo diyan." Hindi ko alam pero parang naiilang ako sa kanya. Hayaan na nga. Napadpad naman kami sa garden.
"Anong bang gagawin natin dito?" tanong ko sa kanila. Hinila naman nila ako sa likod ng mga halaman. Anong trip nilang tatlo? Mag-spy dito.
"Tignan mo kasi 'yon." Sinundan ko naman ng tingin ang itinuro niya.
Nakita namin si Jai at Kyle na natutulog. Nakasandal sila sa puno, tapos si Kyle naman nakasandal sa balikat ni Bessy. Kinuha ko ang phone ko at nagsimulang picturan sila. Supportive bestfriend here!
"Waahh ang cute nila tignan!" sabay na sabi ni Aine at Ingrid.
"Sshhh...'wag ka maingay baka magising sila!" Pagbabawal sa kanila ni Sofie.
"Ang cute cute kasi nila. Bagay pa sila!" dagdag ni Aine
"Alam ko, kaya manahimik muna kayo dyan alam niyo namang kinukuhanan ko sila ng picture ang iingay niyo! Kapag nagising ang dalawa 'to kayo ang may kasalanan lalo na pag nalaman nila 'yong ginagawa natin." inis kong sabi sa kanila. Nakita naman namin na gumalawsi Jai. Mukhang magigising na siya!
"Oh my! Bilis alis na tayo! Nagigising na sya." sabi ni Aine. Kaloka, masyado namang naghi-hysterical 'tong babaeng 'to. Hahaha
Nakita naming papaalis na si Bessy kaya mas lalo kaming nagsiksikan sa likod ng halaman. Huminto muna siya at sinabing, "Pwede na kayong lumabas na apat dyan" at saka tuluyang umalis.
"Oh my! Nakita na tayo!" baliw talaga 'tong si Aine. Siya pa talaga ang nanisi.
. I think she's alright now, and I'm fine to see her in that state. Yet I can't stop myself from worrying.
* * *
Great! Weekend na rin! Hahaha! Lumapit naman ako kay Jai matapos kong maayos ang gamit ko. Iilan na lang kaming naiwan ditto sa room
"Bessy may gagawin ka ba ngayon?" tanong ko sa kanya. Busy sa pagtipa sa phone niya. Sino kaya ka-text nito?
She looked at me and put her phone inside her pocket."Yes, I have unfinished paper works tonight, why?" sagot niya. Nagpapakabusy na naman siya. Parang hindi hinimatay kahapon ah.
"Alam mo sis, kung ako sa'yo magpapahinga at mag-eenjoy muna ako. Tatanda ka ng maaga d'yan eh" singit ni Sofie. Sofie's right, mas mabuting mag-relax muna siya.
"Fine. What are your plan for today?" tanong niya naman. Infairness ha, sumang-ayon kaagad si bessy. May nangyayari talagang hindi namin alam.
"Sleep over sana sa inyo." Bukas kasi ay 5th Anniversary ng friendship naming apat kaya gusto ko sanang i-celebrate.
"Okay." pagpayag niya. "Really?" tanong ko naman. Naninigurado lang.
"I said okay, o gusto n'yo pang magbago pa ang desisyon ko" Waaahhhh! 'Wag na bessy, minsan ka lang maging ganito.
"Thank you!" sabi ko sabay yakap sa kanya.
"Pwede bang sumama sa'tin si Ingrid?" tanong ni Aine. Wala naman sigurong masama diba? Tinignan muna kami ni Bessy na parang nag-iisip pa siya. Pero sa huli ay pumayag rin naman.
"Okay" Paalis na sana kami ng biglang.
"Hey insan! Kumusta?" bati ni Kuya Rj. Sukbit ang bag sa kanang balikat. Nakita ko pang sumulyap it okay Sofie bago nagsalita ulit. "May gagawin ba kayo mamaya?"
"Mayro'n, bakit?"
"Tatanungin sana namin kayo kung gusto niyong magbar" he paused a bit. "Saan naman ang lakad nyo?" dagdag nito.
Maganda kami, alam namin 'yon pero hindi naman kami party girls. Madalang kaming pumunta ng bar at tanging sa resto bar lang ng tito ni Sofie ang pinupuntahan namin. Matitino naman kami kahit papaano.
"Sa bahay nila bessy" sabi ko.
"Ano namang gagawin niyo do'n? Ang boring kaya sa bahay nila!" Loko talaga 'to. Parang hindi tumatambay do'n.
"Boring pala ah, 'wag na wag kang pupunta ro'n. makita ko lang talagang pumunta ka, ako mismo ang magtatapon sa'yo palabas."
Ayan, kita mo na kasing kagagaling pa lang sa sakit, binigyan mo na naman ng panibagong sakit ng ulo. Iniwan naman naming siya do'n nang dumating ang mga kaibigan niya.
"Mauna ka na sis, sunod na lang kami do'n. Kukuha pa kami ng gamit namin, bibili na rin kami ng kakainin natin mamaya." sabi ni Sofie.
"What time kayo pupunta?" tanong niya. I looked at my wristwatch. Maaga pa naman ngayon. "Mga around 2 pm na lang" sabi ko naman.
"Sige, hintayin ko na lang kayo" sabi niya at saka umalis. Umalis na rin kami. Umuwi muna ako para makapagbihis at para na rin kumuha ng gamit.
Nang ayos na ang lahat, pumunta muna akong kusina para kumain. Habang papunta akong kusina ay napansin ko si Mom. Nagiging busy yata sila lately. Lagi ko kasi siyang nakikitang may kausap sa phone. Mukhng business matters.
Dumiretso na ako sa kusina at kumuha ng pagkain. Matapos kong kumain ay bumalik ako sa kwarto para magpahinga sandali.
* * *
Kean is peacefully resting in his room's veranda. He sips a tea then continue reading the book he's holding. It's been a quiet time for him when someone knock at the door.
"Come in." He put down the book and look where his door is. "Sir, nandyan po 'yong mga kaibigan niyo" Ano na namang gagawin ng tatlong 'yon dito?
"Okay, pakisabi baba na ako." The maid nods and leave the room.
As Kean walking down the stairs, he look where his friends are. Bukas ang television. May nakahain na pagkain sa mesa, at komportableng nakaupo sa sofa. Nakapatong pa ang paa sa center table.
"Keaaaan!" Ryan greeted him. Kean give a cold look. "What are you doing here?"
"Hala! Hindi na ba kami welcome ditto? Ayaw mo na ba sa'min?" madramang pahayag ni Justin. May bangas pa ng pagkain sa bibig. Paano ko ba natatagalan 'tong mga 'to? Kean shifted his gaze to Kyle, looking to him asking for help.
Kyle ignored him. "Huwag mo kong tignan ng ganyan Kean. Kaya mo na sila." Malalim na napabuntong hininga ang lalaki at tumingin ulit sa mga kaibigan. Ano pa bang aasahan ko?
"Ano ngang sadya niyo rito?" he repeat his question to them. Ryan look at him and answered, "Ah, tatanungin ka lang sana namin kung gusto mong sumama"
"Where?"
"Sa bahay nila Jaiden, mags-sleep over." Sa bahay ng pinsan niya? Meaning, nando'n din 'yong babae na 'yon? He is about to say something but Ryan cut him off.
"Bawal tumanggi bro. Minsan lang 'to." Kean get a pillow and throw it to Ryan. "Bakit tinatanong mo pa ako kung gusto kong sumama, tapos sasabihin mo lang din na bawal tumanggi." He hissed. "Aray naman! Ikaw kean ha, napapansin ko na talaga."
"Ano na naman?" Ryan teasingly answered Kean's question. "May gusto ka sa'kin noh? Aminin mo na, hindi naman ako magagalit. Minsan kasi ganyan 'yong mga may hidden desire eh, kunwari naiinis pero ang totoo kinikilig na. Amini--"
He unbelievably looked at Ryan. "G*go! Tigilan mo nga ako sa kabaklaan mo!"
"Fafs, pinagpapalit mo na ba ako?" kunwaring naiiyak na tanong ni Justin kay Ryan.
"Huwag kang mag-alala Fafa, ikaw lang sapat na" sagot ni Ryan kay Justin, saka yumakap pa rito.
"Tigilan niyo na nga 'yang kabaklaan niyo. Letse, nakakasuka!" natatawang sabi ni Kyle sabay bato ng unan sa dalawa.
"Fafa Kyle wag kang magselos, love din naman kita" sabi ni Ryan. "Kaya nga…we love you naman!" dagdag ni Justin. Akmang lalapit ang dalawa kay Kyle nang batuhin niya ulit ito ng unan.
"Mga baliw! Tigil-tigilan niyo nga ako." Kyle get up and stay away from those two. Kean quietly walk away and head to the kitchen.