Chereads / Fall For You / Chapter 14 - XII – Sleep Over

Chapter 14 - XII – Sleep Over

TINIGNAN ko ang oras at nang makitang 1:15 PM na pala. Nagtext na ako sa kanila. Magkita-kita na lang kami sa supermarket para bumili ng pagkain. Chineck ko muna ang mga dadalhin ko at saka bumaba. Nadatnan ko namang abala si Mom sa laptop niya. May mga papeles din na nakalatag sa table nito.

"Mom, alis muna po ako. Baka po bukas na ako maka-uwi" pagpapaalam ko sa kanya. She paused a bit and looked at me. "Saan ang punta mo?" then continue typing.

"Mag-sleep over po kina Jai."

"Oh, take care then. Okay?"

"Yes Mom. Bye" then I kissed her on the cheeks. She's really busy.

* * *

I waited for them for about a minute. Pumasok naman kami agad sa supermarket para makabili na. Nagparte-parte na rin kami kung ano ang bibilhin namin. Ako sa mga ingredients, Sofie for the snacks while Aine and Ingrid for our drinks.

Dinamihan ko na rin ang binili ko dahil alam kong pupunta si Kuya Rj. Iyon pa, kunwari lang 'yon na boring kina Jai, pero ang totoo, siya pa ang mas excited kaysa sa amin. Lagi ngang tambay sa bahay ni Jai 'yon. Sinabi ko rin sa kanila na damihan na ang bibilhin nila. Mas maganda na 'yong sigurado.

Matapos naming bumili ay nagkanya-kanya na kami papunta kina bessy. May dala rin kasi silang sasakyan. Pagpasok sa bahay ay nagulat pa ako dahil kasama ni Kuya Rj 'yong mga barkada niya. Akala ko ay siya lang ang pupunta. Hindi ko na lang gaanong pinansin at dumiretso na lang sa kusina para ayusin ang mga pinamili namin. Habang nag-aayos ay narinig ko ang maingay na boses ng bagong dating.

"Hi Everyone!" masiglang bati nito.

"Abby! We miss you!" Aine welcomed her. She is Jaiden's cousin. Ang isa pang maingay at madaldal sa pamilya nila. Samantalang pagdating kay Bessy, tahimik na.

"Magkakakilala naman na tayo, so what do you want to do first? Since, mamaya pa naman ang swimming" I asked them. "Movie marathon muna tayo." Aine suggested. Kinuha niya na rin ang remote. Naka-connect naman kasi sa internet ang television nila kaya hindi na kami mahihirapan.

"Kayo na munang bahala dyan. Feel at home lang. Kung nagugutom kayo may pagkain sa kusina. May gagawin lang ako. Kung may kailangan kayo, na sa veranda lang ako." saad ni bessy. Huwag mo sabihin na hindi niya kami sasamahan dito? What's the purpose of this kung hindi man lang naming siya mapapasama dito.

She's about to step when I asked her. "Hindi ka sasama sa panunuod?"

"Nah. Mamaya na lang siguro."

"Okay, basta mamaya ha? Kailangan talaga kasama ka na!" malungkot kong saad. She smile and say, "Sasama ako don't worry, may kailangan lang akong gawin." paninigurado nito. Matapos no'n ay umalis na sya. Sinundan ko na lang siya ng tingin paakyat sa hagdan. Nakita ko namang sumunod din si Kuya Rj kay bessy, mukhang kakausapin niya.

Namili na lang kami ng papanuorin. Nagtalo-talo pa nga kami sa movie but in the end we choose the movie, Don't Be Afraid of the Dark.

Tahimik naman akong nanunuod. Hindi ko nga alam na 'yong kumag pala ang katabi ko. Wala tuloy sa movie ang atensiyon ko.

Siniko naman ako ni Abby kaya napatingin ako sa kanya. I mouthed, "What?"

"I smell something fishy to you and that guy." She whispered. Pinanlakihan ko naman siya ng mata. Kita mo 'tong babae na 'to, issue agad. "And where did you get that idea?" she teasingly smile and looked at Aine. Sinasabi ko na nga ba, hindi naman maiisip 'yon ni Abby kung walang madaldal na nang chismis. Sasagot pa lang ako nang magsalita ang katabi ko.

"Can the two of you keep quiet? I can't focus on te movie." Tsk. Sungit.

Umusod naman ako para lumayo sa kanya. "Kita mo na, napagalitan pa tuloy tayo." Bulong ko kay Abby. Nginitian lang ako nito.

Bumaba naman si Kuya Rj at tumabi kay Sofie. Tahimik lang kaming nanonood. Nasa kalagitnaan na 'yong movie nang tumayo si Kyle. Akala ko pupunta ng kusina para kumuha ng inumin pero dumiretso siya sa taas. Mukhang close na sila ni bessy. Pansin ko lang na parang palagi na silang magkasama.

* * *

Nakatatlong movie rin kami. Nang matapos ang movie ay dumiretso kami sa kusina para maghanda ng pagkain.

"Tapos na ba yan?" tanong ko sa kanila. "Oo... dadalhin na ba natin doon?"

"Yep, sila naman ang magluluto niyan. Sasakalin ko sila kapag ako pa ang pinagluto nila dyan" inis na saad ko. Natawa naman si Sofie. Matapos kasing maayos ng mga ingredients kanina ay nagsilayas na ang mga lalaki at dumiretso sa pool area. Doon kasi kami kakain mamaya.

Dinala naman nila sa labas ang mga iihawin. Si Kuya Rj na daw ang bahalang mag-ihaw.

Binalingan ko naman si Kean. "Hindi ko alam na invited ka pala dito." pinagdiinan ko pa talaga 'yong word na invited. Naiinis na naman kasi ako sa kanya. Kanina kasi nagtatalo kami kung ano ba ang lulutuin. Iniwan na nga nila kami sa kusina dahil hindi matapos-tapos ang bangayan naming dalawa. Sino ba kasing nagpaputa sa lalaking 'yan? Lalong nasisira ang araw ako.

"You wouldn't see me here if I'm not invited."

"Well, you still have a choice not to go." Iritang pahayag ko. Bakit pa ako magkukunwaring ayos lang sa'kin 'to kung ang totoo ay hindi naman talaga.

"Do you think I'm stupid bec—" I cut him off. "Yes I think you are." Lalo naming nalukot ang mukha niya sa paraan ng pagkakasabi ko no'n.

"Excuse nga, nakaharang ka sa daan!" singhal ko sa kanya. Nabunggo ko pa ang balikat niya. Hindi nakaligtas sa akin ang pagmumura niya ng sandaling 'yon. Umirap na lang ako at saka dumiretso sa kubo.

Nasa gilid ng pool sila Abby samantalang si Aine at Justin ay nandito sa kubo at kumakain. Samantalang ako, heto at tinutulungan si Kuya Rj sa pag-iihaw. Nakakaawa na tignan, puro uling na kasi pati ang mukha.

Padilim na rin nang bumaba sina Jai at Kyle. Mukhang madami yata silang napag-usapan, ang tagal din nila sa veranda.

Matapos namin mag-ihaw ay lumapit na ako kina Sofie. Kauupo ko pa lang sa gilid nang marinig ko ang boses ni Jai.

"Kyle! I'm warning you. Put me down now!"

Isang malakas na pagbagsak sa tubig ang narinig naming. Ang lakas ng trip nitong si Kyle. Buhatin ba naman si bessy tapos ihagis dito sa pool. Mabuti na lang at marunong lumangoy si Jai. Lagot talaga 'to mamaya.

But, minutes later… still no Jaiden showing up. Until nakita namin nalulunod na sya.

"Kyle! Kuhanin mo na si Jai! Baka kung ano nang nangyari sa kanya!" Sigaw ko sa kanya. Tumalon naman agad si Kyle at no'ng umahon siya ay nakita kong wala ng malay si Jai kaya nagmadali akong pumunta sa kanila. Pinasok namin siya agad sa loob ng bahay. Si Aine naman ang gumawa ng first aid para sa kanya. Tinawagan ko agad ang personal doctor nila.

"Cassie please calm down. Hindi rin makakabuti sa'yo kung nagpapanic ka d'yan."

"How can I Sofie? How? Nakita mo naman siya kanina 'di ba? She look so helpless and here I am doing nothing." Giit ko sa kanya.

"Then, do you think panic can solve what happened?" pagsingit ni Kean kaya siya naman ang binalingan ko.

"Pwede bang huwag kang makisali dito? Kung hindi dahil d'yan sa kaibigan mo—"

"Don't blame him. Wala namang may gusto sa nangyari."

"Pero nang dahil sa inyo naging ganito ang lahat!" paninisi ko sa kanila. I don't care about them.

"Don't be close-minded. Why can't you understand that no one want this to happen?" ramdam ko ang inis niya sa bawat salitang sinasabi niya. Ngunit mas ramdam ko 'yong pagka-inis sa sarili ko.

"Manahimik na nga kayong dalawa." Napalingon naman ako sa boses ng nagsalita. "Bessy!" Kaagad ko naman siyang nilapitan. Salamat naman at may malay na siya.

Sinamahan ko na siya papunta sa room niya. Lumabas din ako agad para makapag-palit siya ng damit.

Dumating din naman ang Personal Doctor nila para tignan ang kalagayan niya. Mabuti na lang at walang nangyaring masama. Kagagaling pa naman niya sa sakit.

Ayon sa doctor ay wala namang problema kay Jai, kailangan lang ng pahinga nito. Iniwan na naming siya sa room niya para makapagpahinga.

Kung may nangyari sa kanyang masama hindi ko siguro mapapatawad ang sarili ko. Nandito na kami sa living room. Niligpit na rin nila yung mga kalat doon sa likod. Umalis na rin 'yong doctor after nitong magbilin kay Jai ng mga kailangang gawin.

"Mabuti naman at ayos na siya." sabi ni aine

"Maayos na sya kaya naman alisin mo na 'yang init ng ulo mo" puna sa'kin ni Kuya Rj.

"Sorry." Hingi ko ng paumanhin sa inasal ko kanina.

"Tama na 'yan ah. Hindi dapat tayo nagsisisihan dito." dagdag pa ni Kuya Rj. Tahimik naman ang iba.

"Guys, may 4 guest room dito at dalawa ang gagamitin natin. Sa dalawang room na 'yon ay kasya na tayo. May 5 beds bawat room. Boys doon kayo sa guest room na kulay green ang pinto while kaming mga girls naman ay do'n sa orange. Kung may kailangan pa kayo sabihin nyo lang kay Ryan James siya na bahala sa inyo." sabi ni abby.

"Pwede ba Abigail tigilan mo na nga 'yong pagtawag ng ganyan sa pangalan ko."

"Ayoko nga! Bleh!" pang-aasar ni Abby.

"Aish. Isip bata ka talaga. Tara na nga!" saad ni Kuya Rj. Sumunod naman sa kanila ang mga lalaki.

Pasaway talaga ang dalawang 'to. Hanggang ngayon ay hindi pa rin magkasundo. Kung hindi lang sila magpinsan, iba na ang iisipin ko sa dalawang 'yan. Pumunta na lang kami sa room at nag-ayos ng sarili. Nauna na silang maligo at magpalit ng damit.

Dumiretso naman ako sa kusina. Hindi pa naman ako naliligo kanina kaya ayos ang kung mamaya na ako magbibihis.

Nakasalubong ko pa si Kean pero hindi ko siya pinansin. Maghahanda na lang ako ng kakainin nila para kapag nakapag-ayos na ang lahat ay makakain na. Dadalhan ko na lang din mamaya ng pagkain si Jai para hindi na siya mag-abalang bumaba pa.

Latest chapters

Related Books

Popular novel hashtag