Chereads / Fall For You / Chapter 15 - XIII - Mr. Enemy

Chapter 15 - XIII - Mr. Enemy

THE next day after that incident, I guess back to normal na ang lahat. Wala ng nagbring-up pa ng topic na 'yon kahit si Jai ay tahimik lang tungkol doon.

Maagang umalis ang mga boys dahil may pupuntahan pa daw sila. The same with Ingrid dahil may gagawin pa siya. Matapos no'n ay umalis din si Jai, may meeting siyang pupuntahan ngunit sandali lang naman 'yon. Nang makaalis sila ay pumunta na lang ako sa kusina at saka nagbake ng cookies. Wala kasi akong magawa. Naiinip na ko rito.

Busy ako sa paghahalo ng dry ingredients nang dumating sina Aine at Sofie sa kusina. Ang tahimik at maayos kong ginagawa kanina ay gumulo.

"Ano ba aine, 'wag mong ganyanin ang flour. Nasasayang kaya!" pagrereklamo ni Sofie sa ginagawa niya. Ang kalat ng mesa. Tapon-tapon na rin ang ibang mga ingredients dito.

"Kill joy mo naman Sofie!" aniya at biglang pinahidan ng harina ang mukha ni Sofie. Hahahaha!

"Aaaah!! Lagot ka sakin aine, lumapit ka nga dito!"

"Ayoko nga! Hahahahaha!" napailing na lang ako sa inakto nila. Naghahabulan at nagpahiran nang harina sa mukha.

Natigilan ako sa ginagawa ko nang makita ko silang tatlo. Oo, tatlo! Pati si Abby ay dinamay na rin nila. Mabuti na lang at nakaiwas ako sa binabalak nila.

"Kapag hindi pa kayo tumigil d'yan sa ginagawa n'yo, ako mismo ang magngungud-ngod sa inyo sa harina!"

"Duh! As if naman mapapatigil mo kami! Hanggat hindi namin nalalagyan ng harina 'yang mukha mo hindi kami titigil hahahaha!"

Nako naman my beloved bestfriend, bakit ba wala ka kapag kailangan kita? Ilayo n'yo po ako sa mga baliw na 'to. Ang ending? Naghabulan kaming apat at nagpahiran ng harina sa mukha at katawan. Mga mukha na kaming espasol dito.

"Tama na nga. Tapusin na natin 'tong pagb-bake." Mabuti naman at nakinig na sila. Tinulungan na nila ako sa ginagawa ko. Mabilis lang naman kaming natapos. Nilagay na namin sa oven. Hinintay kong mabake ang cookies, samantalang sila ay pumunta na sa kwarto para maglinis ng katawan dahil ang dudumi na namin tignan. Puro harina ba naman. Feel yata nila maging white lady.

Nang mabake ang cookies ay kinuha ko na ito sa oven. Hinayaan ko na lang muna lumamig bago ko nilagay sa refrigerator. Nilinis ko na rin kusina dahil ang dumi at baka maabutan pa ni Jai. Masermunan pa kami. Pumunta na rin ako sa kwarto para makapag-linis ng katawan.

* * *

NAGISING ako dahil sa ingay. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Pagpunta ko sa living room ay nakita ko silang kumakain. Waaahhh yung cookies ko! Nagmadali akong pumunta sa kanila at kinuha yung lalagyan ng cookies. Mabuti na lang at may natira.

"Bakit mo naman kinuha? Nakita mo namang kumakain kami!" pagrereklamo ni Aine. Naiinis naman akong nagsalita. "Sinabi ko bang kainin n'yo 'to? Wala naman kayong paalam."

"Kasama naman kami no'ng nagbake niyan, ang damot mo naman!" pagsali ni Abby sa usapan.

"Hindi ako madamot. Yes, kasama kayong nagbake pero hindi naman ibig sabihin no'n ay kukuhanin n'yo na lang 'to ng walang paalam at isa pa hindi ko naman hiningi ang tulong n'yo!" matapos kong sabihin yo'n ay pumunta ulit akong kwarto at nilock ang pinto. Wala akong pakialam kung magmukha akong madamot sa paningin nila. Hindi naman kasi nila naiintindihan. Hindi naman sa ayaw ko silang bigyan, kaya lang hindi naman para sa sarili ko yung cookies na 'to, para 'to kay Jai. It's her favourite.

Ibibigay ko sa kanya bilang thank you gift sa friendship namin. Nagtatampo na nga ako, kasi hindi man lang nila naalala. Kaya siguro nasabi ko kanina sa kanila yo'n kasi naghalo-halo na ang emosyon ko. Si Jai lang ang binigyan ko ng cookies dahil iyon ang regalo ko sa kanya. Samantalang yo'ng gift ko sa kanila, nasa bahay na nila. Ngayon ang araw ng delivery no'n, kaya sigurado akong pag-uwi nila, nando'n na ang mga gifts.

I'm busy packing my things when my phone rang. I see my mom's name in the screen.

"Hello Mom?"

["Go home now."] May nangyari bas a bahay? Ang seryoso ng boses ni Mom.

"But Mom, can I stay—"

["No more buts Cassie. I said now. We're going somewhere."] Then Mom hanged up the call. Some thing is wrong.

Tinapos ko lang ang ginagawa ko kanina. Bitbit ang mga gamit ay lumabas na ako ng kwarto. Naabutan ko namang kadarating lang ni Jai.

"Bessy, I have to go. Pinapauwi na kasi ako ni Mom."

"Alright." Saad nito. Tinignan niya muna ako then sila Aine. "Did something happened while I'm not around?"

"Ha? Ahm… its nothing."

"Well, If you so." She shrugged her shoulders and sit on the couch.

"Sige bessy aalis na ko, baka lalo pa akong mapagalitan ni Mom kapag hindi agad ako naka-uwi, kilala mo naman yo'n. Here's the cookies binake namin yan. Happy friendsary!"

"Thanks for this." Pasasalamat niya a cookies. "Take care." Aniya. Alam ko naman na narinig nila ang usapan namin.

Nagmamadali naman akong umalis. Mahirap masermonan.

* * *

NO choice talaga 'tong pag-uwi ko ng maaga. Ayoko lang kasi na mapagalitan pa. Sino namang gugustuhin 'yon remember?

Mainit din ang ulo niya kasi nga tinakasan ko 'yong anak ng client niya. Duh! He's not my type kasi. May pagka jejemon yata 'yon. Imagine ang init-init na nga ng panahon, naka-jacket pa siya. Naka-cap sa loob ng restaurant. And just imagine, ang sakit sa mata ng kulay ng damit niya. Worst, he have a piercing! Iyon pa naman ang pinaka-ayaw ko sa lalaki. Feeling bad boy look at lakas maka-feeling cool. Hindi naman bagay! By the way, that's not the story now.

Nang makauwi ay agad kong hinanap si Mom.

"Mom? Bakit ba pinapauwi niyo ako agad?" bungad kong tanong matapos ko siyang makita sa dining room. Weekend naman kasi at sinabi ko na rin na doon muna sa bahay nila Jai. Ewan ko ba, minsan ang gulo kausap nitong nanay ko.

"Mabuti at nandito ka na. May family dinner tayo mamaya at magandang sabay-sabay na tayong pupunta doon sa restaurant. Pumunta ka muna sa kwarto mo at mag-pahinga." paliwanag niya.

Hindi na ako nagtanong pa at sumunod na lang. Nagpahinga ako katulad ng sinabi ni Mom. Humiga muna ako sa kama at kumuha ng libro para magbasa. Hindi man halata pero nahawaan yata ako ni Sofie sa pagbabasa ng libro. Iyon nga lang, more on novels ang binabasa ko.

Natutuwa na ako sa pagbabasa nang mapatingin ako sa orasan at makita kung anong oras na. Itinigil ko ang pagbabasa at nagpasyang mag-ayos na. I take a quick shower. Blow dry my hair and leave it be, medyo curly naman ang buhok ko kaya hindi ko na inayos pa. I put a light make up and wear a simple yellow dress. It's above the knee. I pair it with a 3 inches heels.

I grabbed my pouch and leave my room. Nadatnan ko sa sala si Kuya Carl kasama si Ate Shane at ang cute kong pamangkin na si Ara.

"Let's go, baka ma-late pa tayo" sabi ni Mom na pababa ng hagdan together with Dad. Stunning as ever. Saan pa ba ako magmamana hindi ba?

Ma-late? Family dinner lang naman 'to 'di ba? Weird. Ang alam ko naman ay kami-kami lang at kapag ganitong family dinner ay nagpareserved na agad sila Daddy. I wonder what's happening.

Tahimik lang ako sa loob ng kotse at ginawang busy ang sarili sa pamamagitang ng paglalaro ng games.

Napatigil lang ako nang maramdaman kong huminto na ang kotse – it's an Italian Restaurant – first time ko yata sa restaurant na 'to.

They assist us. I don't know but 'yong table namin ngayon ay for ten people. Para naman kaming may meeting dito. Dalawa sa magkabilang dulo then apat naman both sides. May apat pang bakanteng upuan since na occupied na namin 'yong six chairs. Bakante pa 'yong isang dulo – kadalasan ay si Mom ang umuupo – at 'yong tatlong upuan sa tabi ko. Pwede naman kasing table for six person na lang. Ako lang ba talaga ang walang alam sa nangyayari ngayon?

Napatingin ako kina Mom at Dad ng bigla silang tumayo.

"Good Evening Mr. and Mrs. Smith. It was nice to see you." bati ng isang boses kaya napalingon ako roon.

"It was nice to see you too Mr. and Mrs. Salvador. Please have a seat." Balik na bati ni Dad. Familiar ang surname, ngunit pwede rin naman na magkapareho lang. Naupo naman si Mr. Salvador sa kabilang dulo.

Mrs. Salvador looked at me and smiled. "Ito na ba ang dalaga mo?" tanong nito. "Yes, my unica hija" Dad said. "She's grown up into a beautiful young lady" puri nito sa 'kin. Bakit parang kinakabahan yata ako sa set-up namin ngayon?

"Thank you Madame." magalang kong pahayag. She's so elegant. I have this feeling na strikta rin siya katulad ni Mommy. Intimidating kasi 'yong itsura, or maybe it just my first impression lang 'yon

"Too formal hija, call me Tita Lizelle and this is my husband, call him Tito Rey."

"Okay po." "Where's your son? Kanina ko pa kasi hinahanap." tanong ni Mommy sa kanya. Tumingin s'ya kay Mommy saka ngumiti. "Nagpunta lang sa washroom. He's here in a minute." Si Tito Rey na ang sumagot sa tanong na 'yon.

Tahimik lang ako habang nag-uusap sila. It's a business matter.

"Oh! Over here Kean!" Tita said waving to the person at my back. I think? Since 'yong washroom ay natatalikuran ko, hindi ko alam kung sino ba 'yon. Nakatingin lang ako sa phone ko but I see in my peripheral vision na may umupo sa tabi ni Tita Lizelle. Lumingon ako para tignan 'to. And swear, sana hindi ko na lang ginawa!

"Ikaw?!/You!" sigaw ko at talagang napatayo pa ako dahil lang sa gulat. Duh! In-english niya lang naman 'yong sinabi ko. Anong akala niya sa akin hindi marunong mag-english?

"I guess with that reaction, you knew each other already."komento ni Dad. Inis akong lumingon sa kanya. "Unfortunately, Yes Dad"

"I'm out of this Mom." Seryosong sabi nito at saka tumayo at akmang aalis.

"Don't you dare go anywhere Kean or else you know what will happen." pagbabanta sa kanya ni Tita Lizelle. Bumalik din agad siya sa upuan niya. Mukhang na-black mail ang lolo niyo. Feeling niya naman kasi matatakasan niya 'to. Siya pa talaga ang may ganang magwalk-out, parang siya pa 'yong napasama. Hiyang-hiya naman ako.

"Sit down Cassie." ma-awtoridad na utos ni Dad. As if naman may choice pa ako, dahil kung mayro'n man kanina pa ako umalis dito.

Tumingin ako kay Kuya ngunit nag-iwas lang siya ng tingin. Alam niya ang bagay na 'to pero hindi siya nag-abalang sabihin sa'kin? Akala ko ba ayaw mong maranasan ko 'to?

Habang sineserve ang mga pagkain ay tahimik lang ako. Hindi rin ako umiimik no'ng kumakain na. Mahirap na at baka may masabi pa ako hindi maganda.

Seryoso akong nakatingin sa pagkain at walang ganang tinutusok 'to. Nalipat ang atensyon ko kay Dad nang Tumikhim ito.

"The real reason of this dinner, was for the both of you to know that we're planning to make an arranged marriage."

What the! Seryoso ba sila? Arrange marriage? Sino? Kaming dalawa? Ako na ang magsasabi, malaking gulo 'to kapag nagkataon. I and Him? Paniguradong world war ang resulta nito.

"But Dad! We're too young for this thing."

"Don't worry hija, hindi pa naman ngayon ang kasal. Kapag natapos na kayo sa pag-aaral niyo ay doon pa lang. Gusto lang namin makasigurado na kayong dalawa ang magkakatuluyan." Tita Lizelle explained. The fudge? Wala man lang nagtanong kung gusto ba namin nito?

"Isa pa anak, matagal na naming pina-plano 'to. Kaya hindi na magbabago ang desisyon namin." dagdag pa ni Mommy. Napabuga na lang ako ng hangin. Ang sarap yatang manapak ngayong gabi?

Ganyan talaga kapag magbestfriend noh? Hindi pa yata kayo nabubuo sa sinapupunan nila ay nakaplano na kung sinong makakatuluyan niyo.

Nawalan na ako ng gana sa pagkain kaya naman tumahimik na lang ako, but I'm listening to their conversation. Anong malay ko, mamaya ay magbring-up pa sila ng mga embarassing moments namin. Proud na proud ang parents kapag ganyan eh, tipong gusto mo na lang magpalamon sa lupa dahil sa kahihiyan.

I also heard that Kean's parent are both Doctors. Nasa bloodline na siguro nila 'yon since 'yong nameet kong Tito niya ay doctor din. Aside from that, they have another business which is hotel and restaurant.

I wonder kung ano ba ang pipiliin niya. Teka nga! Bakit ba iniisip ko pa 'yon? Anong pakialam ko sa gagawin niya?

For our family business naman it's resorts and restaurant, Dad loves to manage businesses while Mom, she really likes to cook.

"How about you Carl? I think the last time we saw you was on your wedding day. Look at you, you already have a little princess. How old is she?" Tita Lizelle asked. Napunta naman ang atensyon ko sa kaniya. Now I know why they seem familiar to me. Sila 'yong pinakilala sa'kin nila Mom and Dad noon.

"We're fine and this little girl, she's already five years old."

"What lovely girl" Tito Rey added. Mahilig siguro sila bata, enjoy na enjoy kasi sila habang tinitignan si Ara. Though Ara don't mind them since busy ito sa kinakain niyang dessert.

"Sana ganyan din ka-cute yo'ng magiging anak niyo Kean at Cass, I love to have a grandchi—" Tita said while looking at me.

"What the! Mom!!" Kean exclaimed.

Nasamid yata ako bigla dahil sa sinabi niya. Hindi pa nga nagsisink-ink sa akin 'tong arrange marriage na 'to, nakapag-jump into conclusion na agad siya sa pagkakaroon ng apo. My gee~

"Excuse me, I need to use the washroom." sabi ko at saka tumayo. Hawak ang pouch at cellphone ay inis na inis kong tinungo ang washroom.

Pagpasok ko ng washroom ay naghilamos ako ng mukha. Nagre-touch na rin. Mahirap magmuhkang haggard sa paningin nila.

Sana panaginip lang 'to at paggising ko mamaya ay back to normal na lahat. Aish! Lokohin mo pa ang sarili mo Cass.

Paglabas ko ng washroom ay nagulat pa ako nang makita siyang naghihintay sa labas. Ano namang trip ng isang 'to? Lalagpasan ko na sana siya ng hablutin niya ang kamay ko at hinatak ako palabas ng restaurant na 'yon.

Related Books

Popular novel hashtag