GOOD Morning world! Ang sarap talagang gumising kapag alam mong walang pasok. Saka infairness, maayos ang naging party kagabi.
Lalalala~ Lalalala~
Patalon-talon pa ako habang papunta sa banyo. Nag-ayos ako ng sarili ko. Naghilamos. Nagtoothbrush. Nagpalit ng damit. Kinuha ko ang phone ko at lumabas ng kwarto. Napakaganda ng araw. Nakangiti pa ako habang pababa ng hagdan not until...
"L-lola....?"
Nauutal kong tawag sa babaeng may katandaan na, nakatalikod ito at nakikipag-usap kina Mommy. Hindi ako pwedeng magkamali, sa postura pa lang niya ay alam kong si Lola 'yon.
Dahan-dahan akong naglakad palapit sa kanila. Napatigil ako ng tumingin sa akin si Mom at nagsalita, "Gising ka na pala anak! Tara dito at kanina ka pa hinihintay ng Lolo at Lola mo."
The Fudge? Pati si Lolo nandito rin? Huhuhu ano na naman kaya ang plano nilang dalawa sa'kin ngayon. Hindi kasi talaga magandang idea kapag nandito sila. Feeling ko nakakulong ako then sila ang mga bantay, and there's no way na makakalabas pa ako. It can't be!
"Mi? Kailan pa po kayo nakauwi?" tanong ko kay mommy. Avoiding my grandmother's gaze.
"Last last night pa. Hindi ka na namin naabutang gising. Kahapon maaga ka namang umalis at gabing-gabi ka na rin naka-uwi. Kaya ngayon mo lang napansin na nandito na kami." Paliwanag ni Mommy.
That's explain why there's a familiar Van at the garage. Iyon kasi ang ginagamit nilang sasakyan kapag umuuwi sila Lola. Bakit ba hindi ko agad na alala 'yon? Cassie, nagiging makakalimutin ka na!
"Hm...'la? Bakit biglaan po yata ang pag-uwi niyo?" tanong ko naman. Natatakot talaga ako sa presensiya niya, mas comfortable pa kasi ako kay Lolo.
"Wala naman Apo, namiss lang namin kayo ng Lolo mo kaya we decided na umuwi muna. To check if you're alright here and to visit Ara."
Sana 'la, nagvideo call na lang tayo. Sayang lang ang plane ticket, o kaya naman, pinapunta mo na lang sila Kuya doon. Ang dami kayang paraan. Ang daming paraan para maka-excuse ka noh cass? Bakit ba hindi ako pinapaburan ng sarili ko? Naloloka na yata ako, kinakausap ko na naman ang sarili ko.
"Ahh... hehe. Hmm, pupunta lang po muna ako sa dining room. Nagugutom na po kasi ako." Excuse ko sa kanila at mabilis na umalis – mas mabilis pa yata kay Flash. Nadatnan ko naman sa living room si Kuya na kumakain mag-isa kaya nilapitan ko agad.
"Kuyaaaa" sabi ko dito at napaupo na lang sa sahig.
"Bakit?" ani nito at nakangiting pinagpatuloy ang pagkain niya. Mabulunan ka sana dyan!
"Bakit naman hindi mo sinabing nandito sila?" nanggi-gigil kong tanong sa kanya. Sinamaan ko siya ng tingin pero tumawa lang siya. Minsan talaga hindi ko maintindihan ang pag-iisip ng taong 'to.
"Nagtatanong ka ba? Hindi naman diba. Saka ayoko namang i-spoiled ang napaka sayang araw mo kahapon." pang-aasar pa nito. Tumayo naman ako mula sa pagkakasalampak at saka binatukan siya.
"Para saan 'yon?" inis na singhal nito habang hawak ang ulo na binatukan ko.
"Nakaka-inis ka talaga! Trip na trip mo talaga akong bwisitin noh?" naiinis kong sabi sa kanya. Hahampasin ko sana siya nang may nagsalita, "Oh mga apo, bakit ba kayo nagsisigawan dyan?" Napalingon tuloy ako sa nagsalita. Nakita ko si Lolo na galing sa kusina, naka-apron pa ito. Mukhang siya ang nagluto ng breakfast ngayon. Naibaba ko naman ang kamay ko, nakapameywang na humarap kay Llo para magsumbong.
"Kasi naman 'tong si Kuya, pinagtitripan na naman ako!" nakasimangot kong saad habang 'yong magaling kong Kuya ay tawa nang tawa. Ugh! Peste!
"Ang aga-aga nag-aaway kayo. Maupo ka na dyan at kumain ka na."
Umupo naman ako at naglagay ng pagkain sa plato ko. Matalim akong naka-tingin kay Kuya, nginitian naman ako nito. Humanda ka talaga sa'kin mamaya.
Nakita ko si Ara na kagigising lang at nakatayo sa pintuan ng dining room.
"Hey princess! Good morning!" bati ko sa bata.
"Good morning Auntie! *yawn*" bati naman niya sa akin. Kyaaahhh ang cute cute niya talaga. Mabuti na lang at hindi nagmana kay Kuya 'tong pamangkin ko. Baka bata pa lang, mailagay ko na sa sako.
"Come to daddy princess, layo ka muna kay Auntie at baka mahawa ka dyan. Pinaglihi pa naman 'yan sa sama ng loob." Tatawa-tawa nitong sabi kay Ara.
"Daddy? what's pinaglihi sa sama ng loob?" takang tanong nito na ngayon ay naka-kandong na sa tatay niyang may sapak ang ulo.
"Wag mong intindihan 'yang daddy mo, minsan talaga gumagawa ng kwento 'yan. May sira yata ulo ng tatay mo." sabi ko naman.
"Wag kang maniniwala kay Auntie. Ganyan lang 'yan kasi walang lovelife, walang nagpapasaya hahahah!"
"Waaahhhh!!! Kuyaaaaa" inis na sigaw ko sa kanya.
"Ang aga-aga nag-aaway agad kayo? Bonding niyo talaga 'yan noh?" sabi ni Ate Shane na kadarating lang din.
"Paano naman kasi Ate itong asawa mo, kung ano-ano na naman ang itinuturo kay Ara." Sinamaan ako ng tingin ni Kuya. Wahahahah akala mo makakaligtas ka ha! Gaganti talaga ako sa'yo.
"Ano na namang tinuro mo dyan ha Carl?" Ang sama ng tingin sa akin ni Kuya. Ako naman nagpipigil ng tawa dito. Hahahahah!
"Huwag mo ng pansinin 'yan sweetie, wala naman akong tinuturong masama kay Ara. Right Princess?" nakangiting sabi pa nito at tumingin kay Ara. Nakong bata ka, 'wag mong pagtatakpan 'yang tatay mo.
"Mommy? What is pinaglihi sa sama ng loob? I don't understand it po."
"Where did you hear that baby?" tanong ni Ate Shane. Gustong-gusto kona nang humagalpak ng tawa dito. Iyong mukha kasi ni Kuya parang takot na ewan. Hahahaha!
"From daddy po." inosenteng ani niya. The best ka talaga Ara!
"Carl" seryosong tawag nito sa pangalan ni Kuya.
"Don't mind your daddy, okay baby?"
"Okay mommy"
"Wait there, mommy will get you some food okay?" Tumango naman ang bata bilang pagsang-ayon. Mabuti pa kapag bata wala pang problema.
"Nandito na pala kayo, sabay sabay na tayong kumain." rinig kong sabi ni Daddy. Wait? Hindi pa ba sila kumakain? Kaya nga ako pumunta dito para maka-iwas. Umupo naman sila. Hinanda ng mga maids 'yong pagkaing niluto ni Lolo. Sa kusina na lang kaya ako kumain? May table naman doon.
Masaya silang nagkukwentuhan habang ako naman ay tahimik lang na kumakain.
"How about you Cassie? Do you already have a boyfriend?" tanong ni Lolo. Nasamid naman ako dahil doon kaya uminom muna ako ng tubig. Bakit ba isinali pa ako sa usapan nila?
"Ho? B-boyfriend? Wala po."
"Why? You're pretty apo. Hindi naman imposibleng may manligaw sa'yo" sabi ni Lolo.
"Allergic sa boys yan 'lo hahaha! Saka walang magtitiis na manliligaw dyan, sinusungitan niya lang." singit ni Kuya sa usapan. Kahit kailan panira 'to.
"Tumigil ka nga dyan Kuya!" nakasimangot kong sabi. Napakaganda talaga ng araw na 'to. Note the sarcasm please
"Carl, tigilan mo nga ang kapatid mo." Seryosong saad ni Daddy.
"Busy lang po sa school. Study first saka na 'yong boys" paliwanag ko naman.
"Nag-aaral nga ba nang mabuti?" tanong ni Lola. Boom basag! Ano Cass? Kaya pa ba? Ganda nang reason natin noh? Study first, tapos biglang tanong kung nag-aaral nga ba? Basag na basag eh. Tipong ang ayos-ayos na ng pagkakahawak mo pero nadulas pa sa kamay mo. Tengene lang.
"Opo naman Lola. Hindi ko naman pinapabayaan ang pag-aaral ko." Seryoso kong sagot.
"Well, that's good. How about the restaurant Carl?" baling nito kay Kuya. Whooo! Para akong nabunutan ng tinik dahil doon. Mananahimik na lang talaga ako. Nakakaloka naman kasi ang napaka-unexpected visitor namin. Hindi ko talaga inexpect at mas lalong ayokong magexpect.
"By the way Cassie, since wala kang pasok ngayon. Sumama ka sa akin sa papuntang company mamaya." sabi ni Lola. Ayan na! nagsisimula na. Kaya ayokong umuuwi siya dito sa pinas dahil dyan. Gagawin na naman niya akong katulong sa kompanya. In short, nagiging P.A. ako doon. Tapos kung saan saan pa siya pumupunta na kailangan kasama ako. Like business meetings niya. Minsan pa nga, bigla na lang akong iiwan do'n at kailangan maging maayos ang proposal.
Bawal naman akong tumanggi. Kapag tumanggi ako, paniguradong samo't saring sermon ang aabutin ko.