Chereads / Fall For You / Chapter 10 - VIII - Like a fairytale

Chapter 10 - VIII - Like a fairytale

Matapos ang activities sa buong araw. Around 2 PM ay tinapos na rin ang program para makapaghanda sa party mamayang gabi. Medyo nakakapagod din pero enjoy naman.

"Uupo ka na lang dyan Cass?" sarkastikong tanong ni Aine. Ang ganda-ganda nang pagkakasalampak ko dito sa damuhan. Panira talaga 'to ng momentum kahit kailan.

"Ay hindi... hihiga ako dito. Actually dito na nga ako matutulog mamayang gabi." sarkastiko ko namang sagot. Inirapan naman ako ng bruha. Namumuro na talaga 'to sa'kin ngayong araw.

"Nasaan si Bessy?" pag-iba ko ng usapan.

"May kausap pang teacher sa loob. Alam mo naman 'yon, masyadong busy. Minsan nga isama nating gumala 'yon ng malibang naman, hindi 'yong puro paper works amg kaharap. Kaya hindi nagkakalove-life!" Nagkatinginan kami ni Aine tapos tumingin naman kami Sofie sabay pa naming sinabi,"Parang siya may lovelife" sabay tawa namin.

"Ikaw nga na hindi abalang tao, walang lovelife hahahahah! Siya pa kaya na busy." Lalo pa kaming natawa dahil sa nagging expreksiyon ng mukha niya.

"Bakit kayong dalawa ba mayro'n ha?" asar na tanong nito.

"Syempre...WALA hahahahahah!" sabi ko habang tawa pa rin ng tawa.

"Hahahah sinabi ba naming mayro'n? Hindi naman diba?" gatong pa ni Aine. Napa-apir kami sa isa't isa. Nagkatinginan kaming tatlo sabay tawa. Aakalain siguro ng ibang estudyante na makakakita sa amin, nababaliw na kami rito. Tawa pa rin kami nang tawa ng biglang dumating si Bessy.

"Let's go!" sabi nito at nauna na.

Sinundan naman namin siya. Nagkatinginan ulit kaming tatlo, pero ngayon ay nagtataka na kami . Anong nangyari kay Bessy? It seems, hindi naging maganda ang araw niya. On second thought, lagi naman mukhang hindi maganda ang araw niya.

* * *

"Anong nangyari sa'yo at ganyan ang mukha mo pre? Hahahaha!" natatawang tanong ni Justin kay Kyle. Asar na ibinaling ni Kyle ang mukha sa kaibigan. "Kung ayaw mong tumama 'tong kamao ko sa mukha mo, manahimik ka."

Napa-akto naming zinipper ni Justin ang bibig niya. Ngunit halata mo pa rin na nagpipigil ito ng tawa.

"Yow guys!" Bati ni Ryan sa mga kaibigan. Sumandal muna ito sa pinto at nakangising nakatingin sa mga kaibigan.

Tumingin sa kanya si Kean saka bored na nagsalita. "How long do you want to stand there?" napakamot tuloy siya sa ulo saka lumapit kay Kean. Inakbayan ito saka nagsalita, "Napaka-mainipin mo talaga Kean. Tara na nga, kailangan ko pang magpagwapo."

"Loko pre! Wala ka ng igagwapo, ganyan na talaga 'yang mukha mo!" singhal ni Justin sa kanya.

"Hay nako Fafa Justin, sa'yo lang ako kaya 'wag kang ganyan! Alam ko naman na sa ating apat ako ang pinakagwapo at hindi mo matanggap 'yon." Pang-aasar ni Ryan at lumapit pa ito kay Justin.

"Mandiri ka nga sa pinagsasabi mo Ryan, nakakasuka!" balik sa kanya ni Justin habang umaakto pang nasusuka.

"Nako justin, naiinggit ka lang! HAHAHAHA!" These guys...tsk. Kean thought. Hindi niya na lang pinansin ang mga 'to at saka naglakad papunta sa parking lot.

Kean stopped walking too when he saw Kyle stopped. He traced Kyle's gaze and found out that he's looking at Jaiden and the girl look back at his friend. Is there something happened to them? Jaiden shifted her gaze and continue walking with her friends.

Kean sense that Cassie look where he was but he didn't mind it. While Ryan and Justin don't know what's going on. They are clueless.

"Magkita-kita na lang tayo mamaya." Kyle said in a cold tone. The three of them concluded that there's something really happened awhile ago.

* * *

I put a light make up on my face and wear a simple dress match with a red stilleto.

I came at the event hall on time. Akala ko talaga ay malelate na ako.

The romantic music played. Justin and Kuya Ryan went to our table to ask Aine and Sofie for a dance. Sila na may lovelife! I'm not bitter, actually I'm happy for them. Specially for Aine. Maya-maya lang ay may lumapit na guy.

"Hello cassie!" Wait? Do I know him?

My forehead creased. "Who are you?" I asked.

"Nakalimutan mo na agad ako Cass?" medyo nagtatampo pa nitong tanong. Tinignan ko siyang mabuti, medyo natagalan pa nga eh. Oh! I remember!

"Cian? Hm…Cian Jean?" Tanong ko.

"Naalala mo rin" nakangiti nitong sabi.

"Oh my… how are you? Long time no see!" natutuwa kong saad. Cian was… well he's kinda my crush on my sophomore year. And he's close to me since the two of us became partner in our intramurals. Lumipat kasi siya ng school this year so wala na akong balita sa kanya.

"I guess I'm okay? So, can I have this dance?"

[Playing now: Can I have this dance]

"Sure" I smiled at him. I looked to Jai and she just nodded. Ayoko naman maging lonely ang bessy ko pero hindi ko naman kayang tumanggi sa lalaking 'to. Pumunta naman na kami sa dance floor.

"Kumusta naman?" tanong niya.

"Ayos naman. Minsan nga lang may panira ng araw. Hahaha pero hindi naman mawawala 'yon."

"Hindi ka pa rin nagbabago. Napakalapitin mo pa rin sa gulo."

"Well, in born na 'yon. Hindi na magbabago pa." natatawa kong sagot sa sinabi niya.

"Napadpad ka yata dito?" tanong ko. Ang alam ko kasi ay party 'to ng school namin. So, I wonder why he's here.

"Family business kasi namin 'to, and naimbitahan akong pumunta since hindi naman pwede ang parents ko. At mukhang naging successful naman ang event niyo."

"Yep. Maayos naman siya, kung wala lang asungot!" napasimangot pa ako at napalingon sa kinauupuan nina Kean. Luckily, hindi siya nakatingin.

"It seems na ang laki ng kasalanan sa'yo nang kung sino man na 'yon. Ang laki ng galit mo eh" pabiro pa nitong sabi. Tinawanan ko na lang siya. We continue talking random things until the song ended. He scorted me to our table then bid his goodbye.

"Mukhang may hindi ka sinasabi sa amin Cass." pang-aasar ni Aine at Sofie.

"Tumigil nga kayo dyan. Si Cian lang 'yon. Remember the guy when we were sophomore?"

"Oh... hindi kasi namin na mukhaan. Lalo kasing gumwapo" sabi ni Sofie. Tignan mo 'tong babae na 'to. "Sige kapag narinig ka dyan ni Kuya Rj…lagot ka!" banta ni Aine. Napasimangot na lang si Sofie. Hahahaha hindi pa kasi mag-aminan halata namang gusto nila ang isa't isa.

"Sige girls, pupunta muna akong wash room."

"Okay girl. Ingat baka may mabingwit ka na naman dyan. Ganda lang kasi!" pang-aasar pa ni Aine. Sinamaan ko na lang siya ng tingin.

Sira talaga 'yong babaeng 'yon. Pumunta naman akong wash room. Magreretouch lang ako sandali. Hayss… bakit kasi nasa labas ang wash room nila. Mabuti na lang at malapit lang sa table namin.

Pagkalabas ko ng wash room ay hindi ko napansin na may papasok pala kaya nabunggo ako. Geez. Medyo malakas 'yong impact at na-out of balance ako. Napapikit na lang ako. Ang bilis kasi ng pangyayari, ngunit hindi ako bumagsak. Tanging naramdaman ko lang ay may sumalo sa akin. Ramdam ko ang mga kamay niyang naka-alalay sa likod ko. Dumilat ako para makita kung sino ang taong 'yon. Sa lahat ng taong gagawa no'n, 'yong taong hindi ko pa inaasahan.

"Kean?" nagtatakang sambit ko.

"Bakit ba sa tuwing makikita kita ay doon pa sa panahon na napapahamak ka? Talaga bang lapitin ka ng disgrasya?" tanong nito. Hindi ko alam kung concern ba o nang-iinsulto siya sa paraan ng pagkakasabi niya.

Umayos na ako ng tayo ng maalala kung anong posisyon namin. Tsk. Hindi ko naman kasi alam na mangyayari 'yon at mas lalong wala akong alam na ikaw na naman ang sasalo. Basta na lang siyang umalis. Kaysa tumunganga ako doon ay umalis na rin ako. Hindi muna ako bumalik sa loob. Naupo na lang ako sa bench na nandito sa garden. May mga ilaw rin naman dito kaya ayos lang.

Nakatingala ako sa langit. Pinagmamasdan 'yong mga bituin. Na alala ko lang, when I was a kid. Madalas kaming magstar gazing nila Dad. Lagi rin kaming nagcacamping, pero ngayon hindi na ulit. May sariling pamilya si Kuya. Busy na rin masyado sila Dad. I guess, ngayon ko na lang ulit nagawang tignan ng ganito ang mga bituin. Nakakamiss din pala. Naramdaman kong may umupo din sa bench kaya napatingin ako sa kanya.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.

"I'm not a fan of party and loud music kaya lumabas na lang muna ako."

"Pareho pala tayo" nasabi ko na lang. Tinignan ko naman siya at nakita kong nakatingin siya sa akin ng may halong pagtataka. "I know hindi kapani-paniwala. Kahit ganito ako manamit, ganito ako kaingay at ganito ako umakto... ayoko sa parties. Kahit ang mga kaibigan ko gano'n rin. It's kinda boring. Mas gusto pa namin ang action ang mapuntahan kaysa dito." sabi ko naman. All I said was true. Part of it is because, in the middle of a crowded places I still feel alone. A happy place where you can hide and forget a thousands of memories that bring you pain.

"A bit weird for someone like you" sabi pa nito. Tumahimik na rin naman kami. Maya maya lang narinig kong napalitan na naman ng romantic music ang tugtog sa loob kaya... "I guess, wala ka pang nakasayaw mula kanina…sayaw tayo!" alok ko sa kanya. Well, ngayon lang 'to. Time out muna sa pakikipag-gyerahan sa kanya.

"I said I'm not a fan of-" I cut him off.

"Tumayo ka na dyan. Sasayaw ka lang naman hindi naman magpaparty to the highest level. Minsan try something. Huwag kang magpaka-loner dyan, hindi ka sasaya dyan!"

Hinila ko naman siya patayo. Poker face pa rin ang itsura niya but I don't care. I place his hands on my waist and I placed mine on his shoulders. And we're dancing slowly.

"Alam mo, mabait ka naman eh... bawasan mo lang 'yang kasungitan mo. Try mo rin ngumiti minsan. Hindi naman bawal 'yon." sabi ko pa. Nakatingin lang siya sa akin. Tumingala naman ako at pinagmasdan ulit ang mga bituin. And out of nowhere. I said.

Thank you God, even it's not the one I've dreamed of, like those in fairytales, when the princess dance together with the prince that she's inlove with. Somehow, it's like a fairytale. I looked at him and smile. Atleast my wish granted. That even I don't love nor like this person. Even I hate him, he's the one who grant my wish. To dance under those beautiful stars in the sky while a romantic music is playing.

Tumigil na kami sa pagsayaw. I felt my phone vibrate. Kinuha ko naman sa loob ng sling bag ko at tinignan ito. Nakita kong nagtext si Bessy. Mukhang hinahanap na nila ako.

"Sige, mauna na ako sa loob. Thanks for this night, Mr. Enemy"

I took one glance on him before I went inside. And then, I saw him. I saw his smile for the first time. I guess, it's not bad meeting him after all.