Chereads / Fall For You / Chapter 7 - V – Are you my hero? Or my nightmare?

Chapter 7 - V – Are you my hero? Or my nightmare?

DAYS passed and we're literally busy due to the upcoming acquaintance party.

We are discussing about the new lesson today in our 21st Century, when two people knock the door and talk to our teacher. After a minute, our teacher return in front and look at our direction.

"Cassie and Kean, you're excuse. You can go now to the Student Council Room."

I quickly arrange my things and put inside my bag. Nauna naming umalis si Kean kaya hinabol ko pa.

We are heading to the SC Room and apparently, I felt the awkwardness. I just shrugged it off and continue walking. Hindi ko dapat iniisip ang mga gano'ng bagay.

May meeting kami ngayon regarding sa mga gagawin sa acquaintance party. Lahat ay naka-organize na. Mabilis talaga mag-ayos ng plano ang mga SC Officers.

First Friday ng July gaganapin ang party in a private resort.

Mabuti na lang din at no'ng ginawa namin ang survey last week ay hindi kami magkasama ng mokong na 'yon. Lumayo daw, alangan naman na ipagsiksikan ko ang sarili ko sa taong ayaw naman sa'kin at ayaw ko rin naman sa kanya. Nandito kami para pag-usapan kung ano bang design ang babagay para sa theme na napili. Ang gusto kasi nila ay more on outdoor activities. We decided na gawing isang team building ang acquiantance.

Settled na ang lugar at pagkain. Mga activities na lang at decoration for the venue ang kailangan para masigurong tapos na ang lahat.

"Let's start the meeting." Alinah said (the secretary of the SC). Hawak nito ang folder kung na saan ang mga impormasyon tungkol sa acquaintance party.

"Student Council together with the representative to welcome the students will have a dance presentation. Gumawa na rin ako ng flow of events, kaya ang mga activities na lang ang hinihintay ko. I want you to suggest the activities, ayokong sa akin na lang manggagaling lahat ng desisyon." Yesha explained since most of the work was done by her. She's the SC President.

Yesha return to her seat. The other representatives as well as the officers start discussing about the activities.

We are brainstorming for the possible activities that we do at the party. Sinusulat naman ito ni Alinah sa board. Magbobotohan kung ayos lang bang isama 'yon. Most games are simple. Alam naman namin na minsan ay hindi sumasali ang mga estudyante especially the higher years.

"We will have a meeting the day before the event to finalize it. For now, meeting adjourned."

Sa wakas natapos rin ang meeting! Napagod yata ako dahil do'n. I was about to walk outside the room when my phone rang. I look at my phone.

'Sofie is calling?' I mumbled to myself.

["Hello Cass?"]

"Hello Sofie, napatawag ka?"

["Tapos na kayo sa meeting?"] Sagutin ba naman ng isa pang tanong. Pwede naming sagutin muna 'yong tanong ko 'di ba?

"Katatapos lang, why?"

May kailangan ba siya sa'min?

["Since friday naman ngayon, punta tayo sa resto bar nina Tito. Balita ko ngayon daw magpeperform 'yong bagong banda."]

"Okay, sasabihin ko na lang kay bessy. Then, susunod kami doon."

["Sige, mauna na kami doon para makapag-reserve ng upuan natin."]

"Okay, ingat kayo!"

["Kayo din, bye!"]

"Bye."

Then, I hang up the call. Pinuntahan ko na si Jai na busy sa pag-aayos ng gamit niya. Umalis na ang iba pang officers at kakaunti na lang ang nandito sa room.

"Bessy, sa resto bar daw tayo sabi ni Sof."

"I just finish this." Hindi man lang ako tinapuan ng tingin habang sinasabi 'yon. Busy sa pag-aayos ng mga gamit sa table.

"Hintayin na lang kita sa parking lot."

Tumango naman siya kaya umalis na rin ako matapos no'n at dumiretso sa parking lot. Nasa tapat lang ako ng kotse ni bessy since nagpahatid lang ako kanina. Ayoko rin naman kasing dalhin 'yong bike ko. Mabuti na lang at may extra akong damit na dala kanina.

Ilang minuto lang din ay dumating na siya. Sumakay naman ako at pumwesto sa front seat. Nilagay niya muna sa back seat 'yong mga gamit niya at saka siya sumakay sa driver seat. Tahimik lang kami hanggang makarating ng resto bar. As always naman. Hindi na kasi pala-salita si bessy since mawala sina Tito at Tita even Ate Yas, her sister. Since then, naging tahimik na siya.

Hinanap agad namin sina Sofie at Aine. Mabuti na lang at kakaunti pa lang ang tao kaya madali ko silang nakita. Maaga pa naman kasi. Malapit sa counter ang napiling pwesto nila Sofie.

"What happened?" bungad na tanong sa akin ni Sofie.

"Wala naman."

"Sure?" pagtatanong pa ulit nito.

"Yup." Tipid na sagot ko. Ilang minuto ako nitong tinignan bago ulit humarap sa stage.

May mali ba sa mukha ko? Parang hindi siya kumbinsido sa mga sinasabi ko sa kanya.

"Ladies and gentleman, let's all welcome the Life and Death Band."

We're busy choosing our order when the audience started shouting.

"KYAAAAAHHHHHHHH!!!!" Mukhang sila na 'yong bagong banda na sinasabi ni Sofie kanina. Makatili naman 'tong mga babaeng 'to. Wala ng bukas? Madededz na ba kayo today ha? Kaimbyerna!

"Tsk. Akala mo kung sino." narinig kong bulong ni bessy. Pfft… Kaya naman pala naiinis, nandito rin kasi sila Kyle . Hahaha asar na asar talaga siya sa beloved partner niya.

"What?!" Sigaw nito sa amin. Nakatingin pala kaming tatlo sa kanya. Nagkatinginan naman kami ni Aine sabay sabing...

"Wala lang." we said in chorus. Mahirap na at baka uminit pa ang ulo.

"Hi girls!" Kuya Ryan greeted us.

"Hi Kuya!"

Tignan mo 'tong lalaki na 'to, iniwanan na lang do'n 'yong mga kaibigan niya. We talked random things. Ang totoo niyan ay inaasar lang namin silang dalawa ni Sofie. Pareho kasing indenial.

"Excuse lang guys, pupunta lang ako sandali sa washroom" sabi ko at tumango naman sila.

Nag-CR lang ako dahil kanina pa talaga ako naiihi. Alangan naman pigilin ko 'yon, nagkasakit pa ako. Nang makalabas ako ng washroom ay may lalaking humarang sa'kin. Shit naman! Mukhang lasing pa 'to. Akala ko ba light drinks lang ang nandito since karamihan sa pumupunta dito ay students. Bakit may ganito dito? Ano kuya? Naliligaw ka na?

Iiwasan ko na sana 'yong lalaki nang hawakan ako ng mahigpit sa braso. Pumalag ako alangan hayaan ko lang. Masyadong mahigpit ang hawak niya kaya medyo masakit na rin 'yong part na 'yon ng braso ko. May daan kasi dito palabas at pilit niya akong hinahatak. Lumalaban ako at nakuha ko pa nga siyang sipain. Kung hindi lang ako nakadress ngayon baka pinatulog ko na 'to. Ang hirap kaya gumalaw kapag ganito ang suot mo.

"Ano ba sabi ng bitawan mo ako eh!" sigaw ko sa kanya.

"Sumama ka na Miss, pakipot ka pa." Aarghhh! Manyak! Kitang kita ko 'yong paraan ng pag-ngisi niya habang nakatingin sa'kin.

"Did you hear her or are you deaf?" Teka! familiar 'yong boses na yun ah.

"Huwag kang makialam dito. Issue namin ng girlfriend ko 'to!"

"Wait? What did you say? Me as your girlfriend? Gago ka talaga noh? Kung magkakaboyfriend lang din naman ako, sa matino at hindi sa manyak na katulad mo!"

"Manahimik ka nga!" ramdam ko ang inis niya dahil mas humigpit ang hawak niya sa braso ko.

"Wow! Ako pa talaga ang mananahimik? Sino ba naman kasi ang papayag na maging girlfriend mo? Bitawan mo nga ako!" Pagpupumiglas ko pero hinatak niya lang ako. Nagulat ako ng may humawak din sa kabila kong kamay kaya napalingon ako.

Nandoon si Kean, hawak ang isa kong kamay. The look in his face is expressionless. I feel a little chill the way he look at me. It makes me feel uncomfortable. Mas kinakabahan pa ako sa kanya kumpara sa manyak na 'to.

"Kapag sinabing bitawan mo, bitawan mo. Hindi ka ba makaintindi o sadyang tanga ka lang talaga?"

Wait, di ko narecord. Tagalog pa naman 'yon huhuhu. Ay nako Cass, focus nga! Mas naisip mo pa talaga ang bagay na 'yan.

"Anong nangyayari dyan?" tanong ng isang guard. Mabuti na lang dumating ka Kuya! "Kuhanin niyo nga 'to Kuyang Guard. Lasing na tapos nanggugulo pa!" Sabi ko, agad namang hinawakan ng guard 'yong lalaki na 'yon. Mabuti na lang at binitawan na rin ako.

Naiwan kaming dalawa ni Kean dito at nakahawak pa rin siya sa kamay ko. I look at him then look at our hands that are now holding. Agad din naman niyang binitiwan 'yon at nagsalita.

"Kung ayaw mong mabastos, 'wag kang magsusuot ng ganyang damit sa ganitong lugar." Masungit na sabi nito at tinignan ako mula ulo hanggang paa. "Hindi naman bagay sa'yo!" sabi nito at umalis. Aba't! isa pang gago 'yong lalaki na 'yon. Kapag ako napuno. Naku! Malilintikan ka talaga sa akin. Nawala tuloy ako sa mood.

Pagbalik ko ay nag-aya na rin silang umuwi dahil naiinip na rin si Bessy. Mabuti pa nga ng makapagpahinga naman ako. Lagi na lang akong bad mood kapag nakikita ko ang lalaking 'yon. Hanggang sa kotse tuloy ay iniisip ko pa rin 'yon.

Always naka-poker face o kaya naman expressionless ng mukha. He may be a hero tonight but he also my nightmare.