"Kuya aalis muna ako!" sigaw ko habang papaba ng hagdan.
"Saan ka pupunta?" tanong nito ng makalapit sa akin. Nasa kusina kasi siya, nagluluto. Si Kuya at 'yong family niya ang kasama ko ngayon. Nasa Canada kasi sila Mommy, binisita si Lola doon.
"Magpa-practice lang po" sagot ko naman sa kanya.
"Sige. Siguraduhin mo lang na magpa-practice ka at hindi makikipag-date."
"As if naman Kuya. Tinatakasan ko nga 'yong mga pinapakilala ni Mommy tapos ngayon makikipagdate? Pwede ba!" Mas malala pa kasi 'yan kina Dad. Kulang na lang itali at ikulong ako sa loob ng bahay. Sina Mom naman kulang na lang ay patirahin ako sa isang bahay na puro lalaki. See the difference diba.
"Take care kapatid! Mag-iingat sila sa'yo! Hahahaha!" Pesteng kuya 'to. Binato ko siya ng unan na nadaanan ko bago ako umalis.
"Bahala ka dyan! Masunog sana 'yang niluluto mo!" asar kong sigaw sa kanya.
"Shit! Iyong niluluto ko nga pala!" narinig ko pang sigaw niya bago ako tuluyang makalabas ng bahay. Tawa tuloy ako nang tawa paglabas ko ng bahay.
* * *
"Hi bessy!" bati ko kay Jai. Binaba ko ang mga gamit ko at lumapit sa kanya.
Tinignan niya lang ako nang dumating ako, hindi ko malaman kung nagiging pipi na ba 'tong kaibigan ko. Minsan tango at minsan naman ganyan lang.
"Huhuhu bessy, umamin ka! May nangyayari ba sa'yong hindi namin alam? Baka mamaya hindi na ikaw 'yan o kaya naman pinalitan ka nang mga alien. Waaahhhh bessy!" drama ko sa kanya.
"Tumigil ka nga dyan Cass, masasapok kita." Sinamaan pa ako ng tingin.
"Ito naman, concern lang ako sa'yo bessy.. malay mo naman diba? Baka kailangan mo ng magpatingin sa doctor." Biro ko pa kaya lang ang seryoso talaga ng itsura niya.
"Tigilan mo ko, wala ako sa mood makipagbiruan ngayon." Sungit naman ni bessy.
"Since kumpleto na 'tayo, let's start the practice"
Tumayo na kami at pum'westo, although hindi ko talaga alam kung saan ako pupwesto. Inayos naman kami at sa malas pa ako natabi. Kailangan ko ng positive energy dahil puro negative lang mayroon 'tong katabi ko.
"Okay guys, listen. Kaya by two's ang formation niyo ay dahil may steps tayo na mayroong partner. Hindi naman mahirap ang mga steps kaya sana masundan niyo kaagad. Lalo na sa magka-partner kailangan ay magkasundo kayo ng partner mo para magawa niyo ng maayos. Para na rin maiwasan ang pagkakamali. Nagkakaintindihan ba?" paliwanag ng dance instructor sa amin. Nasa unahan siya at seryosong nakatingin sa amin.
"Yes." Kailangan daw kasi magkasundo, eh hindi nga kami magkasundo ng lalaking 'to. Baka imbis na magandang performance, sa bangayan lang namin mapunta ang atensiyon nila.
"Wait, hindi kasali si bessy?" tanong ko ng makita ko siyang naka-upo lang. Mabuti pa siya hindi sasayaw.
"Hindi na namin sinali si President since sila ni Xavier ang magiging photographer ng event." paliwanag nito.
"Bakit pumunta ka pa dito bessy?" Pwede naman kasing hindi na siya pumunta since wala naman pala siyang gagawin.
"Ako ang nag-request na dito na lang kayo sa Academy magpractice kaya kailangan pa rin ako dito." paliwanag niya. Oo nga pala, mahigpit sa gano'ng bagay ang Academy. Kung hindi siguro sina bessy ang may-ari nito, hindi naman kami papayagan dito. Matapos no'n ay nagsimula na rin ang practice. Nakakasunod naman kami kaagad, sa by partner lang talaga ako nagkakaproblema.
"Iyong right foot mo muna kasi before left." Sinunod ko naman siya. Bakit kasi kailangan pang umikot? Kaloka 'tong steps na 'to. Nakakasabay naman ako dahil naka-ilang ulit na rin kami kaya lang naiilang talaga ako kay Kean. Kailangan ba talagang tumingin sa partner? Huhuhu pesteng steps 'yan. Iyong steps kasi, may part na mabagal siya then biglang bibilis 'yong beat ng tugtog. Remix kasi 'yong kanta. Sino bang gumawa nito? Pahirap masyado. Lalo na 'yong next step na kailangan may lifting pa. Suko na ko, ayoko na! Waaahhhh!
"Umayos ka nga" sabi nito.
"Naka-ayos naman ako ah, ikaw nga dyan 'yong hindi eh" sabi ko naman.
"Ako pa talaga? Sa tingin mo sinong masisisi kapag bumagsak ka dyan. Diba ako? Kasi ako 'yong may hawak sa'yo" sabi niya na halata mong naiinis na.. pero pinipigilan niya lang na 'wag sumigaw.
"Bakit ginusto ko ba? Hindi naman ah!" naiinis ko na ring sabi. Hindi na siya umimik at ganoon din ako. Patapos na 'yong sayaw at masasabi kong nakakapagod talaga siya. Masyadong alive ang kanta kaya dapat 'yong mga steps gano'n din.
Last step na. Malapit na matapos.
Turn around then clap…
Turn arou—
"Waaahh!" shit! Mahuhulog ako!
"Tsk. Mag-iingat ka kasi" 'yong isa niyang kamay ay naka-alalay sa likod ko.
Muntik na akong malaglag, mabuti na lang at nahawakan niya ako agad. Hindi ko kasi napansin na wala na palang tatapakan no'ng pag-ikot ko at ang sakit ng paa ko, sana naman huwag lumala 'to. Next week na'to eh. Bike pa naman 'yong dala ko ngayon.
"Tama na muna 'yong na practice natin ngayon. Next week na lang ulit, every afternoon."
"Sige na guys pwede na kayong umuwi."
Hinintay ko muna silang maka-alis bago ako tumayo. Kaya ko pa namang maglakad 'yon nga lang medyo kumikirot na din siya, 'wag lang talagang pupwersahin dahil baka lumala. Mamaya ako pa ang maging dahilan kaya hindi sila makakapagperform ng maayos. Napasama nga talaga 'yong pag-ikot ko kanina. *sigh*
Nauna na rin si bessy. Ayoko naman siyang istorbohin dahil mukhang bad mood talaga siya at mukhang may gagawin pa siya. Nang makalapit ako sa bike ko ay pinahinga ko muna 'yong paa ko dahil baka mabigla.
*beep* *beep*
Napatingin ako sa kotseng huminto sa tapat ko. Mabuti na lang at nakapants ako kaya ayos lang umupo dito sa gilid. Binaba niya ang bintana ng kotse at saka nagsalita.
"Hop in."
"Ha?" Baka kasi mali lang ang rinig ko.
"Sabi ko sumakay ka na."
"Kaya ko na ang sarili ko, hindi ko kailangan ng tulong." Mahirap tumanaw ng utang na loob sa'yo.
"Tss. Bahala ka kapag namaga 'yang paa mo, lalong hindi ka makakasayaw." Inirapan ko siya at saka ako sumakay. Baka mamaya lalo pa akong konsesyahin ng lalaking 'to.
"Hindi naman dito ang way papunta sa amin ah!"
"Hindi nga."
"Saan mo ko dadalhin? May binabalak kang masama noh?"
"Don't assume. Dadalhin lang kita sa hospital para ma-chek 'yang paa mo. Ang OA mo."
Sungit. Pagkarating namin sa hospital ay inalalayan niya ako papasok. Gentleman din naman pala, masungit lang talaga.
"Kailangan mong ipahinga ang paa mo para gumaling agad. Mabuti na lang at hindi gano'n kalala ang nangyari sa'yo. Kapag matutulog ka, dapat medyo naka-angat ang paa mo. Ipatong mo sa unan para mas mapadali ang paggaling, huwag naman 'yong masyadong mataas 'yong tama lang at huwag mo munang pe-pwersahin."
"Okay po. Salamat Doc."
"Hmm..." nakangiti pa nitong tango.
"Tito una na po kami." Wait… meaning Tito niya 'to? Tanga lang cass? Kasasabi lang, Bingi ka na ngayon? I sighed. Hindi lang yata paa ko na-injury, pati yata 'tong utak ko. Hayss!
"Take care hijo. Ingatan mo 'yang girlfriend mo" Wait... WHAT?
"Ah… hehe nagkakamali po yata kayo. Hindi niya ho ako girlfriend." paglilinaw ko rito.
"Ay ganun ba? Hahaha Pasensya na hija ah? Hindi lang ako sanay na makitang may kasamang babae 'tong pamangkin ko kaya akala ko girlfriend ka niya."
"Mabuti na po 'yong malinaw. Sige ho, mauna na kami." Paalam ko at saka lumabas ng opisina niya. Paano niyo naman kasi makikitang may kasamang babae yan, ang sungit sungit. Daig pa 'yong babae sa kasungitan at kaartehan niyang taglay. Hindi na ako nagpa-alalay sa kanya baka mamaya ma-issue na naman ako sa kanya mahirap na, but he still insisted. Hinatid niya din ako sa bahay.
Bago ako bumaba ng kotse ay nagpasalamat muna ako. Hindi na siya nagsalita at umalis na lang pagtapos kong makababa ng maayos mula sa sasakyan niya.
Boy version yata talaga ni bessy si Kean. Halos magkapareho sila. Kunwari walang pakialam sa paligid niya pero ang totoo mayro'n. Kaysa isipin ko 'yon pumasok na lang ako sa loob.
"Sino 'yong naghatid sa'yo?" tanong agad ni Kuya. Kaloka! Nakakagulat naman ang mga tao ngayon. Nasa pintuan pa lang ako oh? Hello? Ang ganda masyado ng bungad!
"Kasama ko lang sa sayaw." paliwanag ko at saka pumasok na sa loob.
"At talagang hinatid ka pa dito? Nasaan 'yong bike mo? Iniwan mo do'n?" misan talaga may pagka-ewan si Kuya. At talagang 'yong bike pa ang inalala. Napakahusay talaga.
"Iyan oh, namali ako ng ikot kanina kaya na-sprain ang paa ko. Mabuti na lang at hindi malala."
"Ayos ka na ba? Wala na bang masakit sa'yo? Dadalhin na kita sa hospital. Ano?" Binatukan ko nga.
"Paano ko sasagutin 'yang tanong mo, sunod sunod. Una sa lahat, okay na ako. Nagpa-check up na rin ako sa doctor kanina kaya hindi mo na kailangang mag-alala. At Kuya... 'wag masyadong OA ha?" Sabi ko at saka ako umakyat papunta sa kwarto ko. Ngayon alam niyo na kung kanino ako nagmana sa pagiging OA. Take note, mas OA siya kaysa sa akin.