Chereads / Fall For You / Chapter 6 - IV - List about him

Chapter 6 - IV - List about him

Pagdating sa bahay ay dumiretso agad ako sa kwarto at nagpahinga na. Nilagay ko muna sa mini refrigerator 'yong binili kong chocolate at ice cream dahil tunaw na. Mabuti na lang at may mini refrigerator ako rito sa kwarto.

Nakaharap lang ako ngayon sa laptop at nagf-facebook. Puro scroll, react sa mga post, comment. Paulit ulit na lang 'yan. Bigla kong naalala 'yong nangyari kanina at hindi rin mawala sa isip ko 'yong nangyari kaya naman napadpad ako sa search bar at nagtype doon ng pangalan ni Kean. Hindi ko namalayan na nagsent na pala ko ng friend request sa kanya. I sighed. Bahala na nga. As if naman i-aaccept ako ng lalaking 'yon diba? Tch. Tinigilan ko na ang pag-i-scroll ko sa timeline niya. Wala naman siyang gaanong post doon. Kumuha na lang ako ng isang mini notebook at nagsimulang mag-sulat doon.

'The List about Him'

I started writing some things about him. Iyong mga bagay na napapansin ko sa kanya ay isinusulat ko.

Kung hindi mo kayang sabihin kung sino ka, ako mismo ang tutuklas. Ito na lang ang gagawin ko para makilala siya. Tutal sinabi niya naman na hindi siya mahilig magkwento tungkol sa sarili niya. Tulad nang sinabi ko sa sarili ko, ako na lang ang tutuklas no'n, sa sarili kong paraan.

* * *

"Cassie…" rinig kong tawag sa'kin.

"Baby girl, gising na." Kahit inaantok-antok ay pinilit kong bumangon at imulat ang mga mata ko.

"Hello Daddy!" inaantok ko pang bati.

"Bumaba ka na do'n at kumain ka na. Masama ang natutulog ng walang laman ang tiyan."

"Okay po. I just fix myself then susunod na po ako."

"Bilisan mo. Mag-ayos ka na agad, 'wag ka nang matulog ulit."

"Yes Dad." Hinalikan niya ako sa noo bago lumabas ng kwarto. Tumayo na ako sa kama at dumiretso sa banyo para mag-ayos ng sarili. Paglabas sa banyo ay napatingin ako sa orasan.

What the? 8:30 PM na? Hindi ko alam na gano'n pala ako katagal nakatulog. Bumaba na ako at dumiretso sa dining area. Wala na doon sina Mom at Dad tanging sina Yaya na lang ang nandoon. Nauna na siguro silang kumain.

"Gising ka na pala, sandali lang at ipaghahanda na kita ng pagkain."

"No need. Kaya ko naman ang sarili ko"

"Sige po."

"Wait, bago ka lang ba dito?" pagtatanong ko. Bago lang kasi siya sa paningin ko.

"Opo, grace nga pala. Ako 'yong magiging kapalit ni Dina."

"Oh, by the way I'm Cassie, just call me Cass hindi naman nagkakalayo ang edad natin. Saka one thing about me, ayokong pinagsisilbihan ako dahil kaya ko naman ang sarili ko, unless humingi ako mismo ng tulong. "

"Masusunod." Nakangiti nitong saad. I like her, ang bilis kausap.

"Sige na, baka may gagawin ka pa."

Dumiretso ako sa kusina para maghanda ng kakainin ko. Gusto kong maging independent, kaya kahit may mga katulong kami sa bahay, hindi ko sila hinahayaan na sila ang gumawa ng mga bagay na ako dapat ang gumagawa. Ayoko rin na tinatawag ng Ma'am or what-so-ever, pangalan ko lang pwede na. Basta alam nila ang salitang respeto at kung hanggang saan ang limitasyon nila, ayos na sa akin 'yon. Baka nga maging magkaibigan pa kami eh, wag lang silang aabuso.

* * *

KINABUKASAN, habang nagsusulat ng lecture ay tinawag ako ni Ma'am.

"Miss Smith?"

"Yes Ma'am?" tanong ko ng makalapit sa kanya.

"Pumunta kayo ni Mr. Salvador sa faculty after our class."

"Okay po Ma'am" sagot ko. Ano naman kayang gagawin namin do'n? Bakit kailangang kasama ang lalaking 'yon? Kainis naman! Nawala tuloy ako sa mood dahil do'n.

Nang matapos ang klase ay nag-ayos muna ako ng gamit at saka lumapit kina Bessy.

"Guys, mauna na kayo sa canteen susunod na lang ako." Paalam ko sa kanila. Natatingin sa akin si Sofie habang nag-aayos siya ng gamit.

"May gagawin ka pa ba?" tanong ni Sofie habang sinisilid ang notebook sa bag.

"Pupunta pa akong faculty. May sasabihin yata si Ma'am Salcedo."

"Sige, sumunod ka ha." Tinanguan ko na lang siya bilang sagot bago umalis. Sukbit ang bag ay tinungo ko ang hallway papuntang faculty. May kalayuan din ang ito dahil na sa kabilang buiding pa ang faculty.

Pagpasok sa faculty ay hinanap ko ang table ni Ma'am Salcedo. Nandito na pala si Kean. Hindi man lang ako hinintay. Ano nga bang aasahan ko sa kanya?

Nadatnan kong gumagawa ng paper works si Ma'am. Kahit na maraming gamit sa ibabaw ng mesa niya ay makikita mo'ng naka-organize ang lahat ng 'yon. Pagkalapit ko ay tumingin siya sa'kin. Inayos niya ang suot na salamin saka umayos ng upo at humarap sa'min.

"Gusto ko lang sabihin na since kayo ang President at Vice-President ng section niyo. At bilang na sa star section na rin, kayong dalawa ang napili bilang representative ng inyong grade level na tutulong sa Student Council. Tutulungan niyo sila sa paghahanda para sa Acquaintance Party na gaganapin ngayong buwan. Every representative ay gagawa ng survey sa mga students kung anong theme ang gusto nila. Tutulong din kayo sa pag-aayos, once settled na ang lahat. Maaasahan ko ba kayo?"

"Yes po."

"Ikaw Mr. Salvador?" pagtatanong nito saka humarap sa gawi ni Kean.

"I can do it. 'Wag lang po sanang madadamay ang mga subjects ko since ayokong umaabsent."

"Don't worry, we will give you a consideration regarding this. Gagawin niyo naman 'to in your vacant time o kaya ay gagawan kayo ng excuse letter." Paliwanag pa ni Ma'am.

"Okay po, and by the way Ma'am. Kailan po pala magsisimula?" tanong ko.

"We will give you a notice. Sa ngayon ay pinag-uusapan pa ng SC Officers ang tungkol dito."

"Okay po."

"Iyan lang ang gusto kong sabihin. You can have your lunch now."

"Thank you Ma'am." Sabi ko bago lumabas ng faculty room. Nauna na si Kean. May lakad yata, palaging nagmamadali. Dumiretso na lang ako sa Canteen. Nakita ko naman agad sina Sofie kaya pumunta na agad ako sa table nila. Mabuti na lang at walang gaanong tao dito kapag lunch time.

"Anong sabi ni Ma'am?" bungad ni Aine sa'kin.

"Wait, can I just sit muna? Mamaya na sa questions dahil I'm super hungry na talaga"

"Mabuti pa ngang kumain ka muna. Hindi ko matake kapag ganyan ka magsalita. Feeling ko sasakit ang ulo ko" reklamo ni Aine. Duh! Im not a sakit sa ulo okay. Sa ganda kong 'to? Maybe because of that kaya may headache sila. Hahahaha!

"Waahh! Sorry friend. Gutom na kasi talaga ako, you know naman why ganito ako magsalita diba?"

"Oo, kaya nga kumain ka muna dyan. Hindi ka naman naiinip pero ganyan din ang epekto sa'yo kapag gutom ka. Nagiging conyo ka!"

Kumain na lang muna ako. Pagkatapos kong kumain ay uminom muna ako ng tubig. I compose myself before talking.

"Where is Bessy?"

"May meeting sa SC room." Sofie answered.

"Oo nga pala. I forgot" sabi ko ng maalala ang sinabi ni Ma'am kanina about sa meeting.

"Ano na nga 'yong sinabi sa'yo ni Ma'am?" tanong ni Sofie.

"Kami daw 'yong representative sa grade level natin na tutulong sa SC Officers for acquaintance party."

"Kayo? Sinong kasama mo?" tanong naman ni Aine.

"Unfortunately, si Kean" nakasimangot kong sagot. Nakatahimik lang ang dalawa. Why? Did I say something to make them like that?

"You can quit anytime. Wala namang pumipigil sa'yo. Kung ayaw mo sa isang tao, then don't pretend that you're okay with them. Stop pretending. Tch." He coldly said then leave. I just stare at his back while walking away.

I frowned and turn my gaze at my friends. "Okay? May sinabi ba akong ayaw ko sa kanya?"

"Gusto mo talagang sagutin namin ang tanong mo Sis?" Sofie raised his left eyebrow and reply in a teasing tone.

"Ano ba kasing masama sa sinabi ko? I just tell what I feel. Na-hurt ba siya sa sinabi ko? Kasi naman... bakit ba gano'n siya?" Ang cold saka wala naman kasi akong sinabi na ayoko siyang makasama do'n, pero 'wag niyong isipin na gusto ko rin siyang makasama noh.

"Minsan kasi 'yong bibig mo walang preno. Dire-diretso sa kung anong gustong sabihin."

"Anong magagawa ko? Alangan naman lagyan ko ng tape 'yong bibig ko."

Napasapo na lang sa uno si Sofie dahil sa sinabi ko. Si Aine naman ay napailing na lang.

I get my phone and earphone in my bag. Makikinig na lang ako ng music.