PAGBABA pa lang ng mga gamit ko sa upuan ay may binigay ng papel 'yong yelo.
"Aanhin ko 'yan?" pagtataray ko habang nakatingin sa papel.
"Can you just get this paper so you'll know what it is all about?" masungit namang sagot nito. Hihigitan pa ang katarayan ko. I just rolled my eyes and get the paper. Pakain ko sa kanya 'to eh. Tinignan ko naman ang papel na binigay niya. Tignan lang daw eh. Pero syempre joke lang 'yon. Baka mamaya masabihan pa akong tanga, mahirap na. Binasa ko na lang kung anong nakasulat doon.
~*~
'I hate loud girls. Meaning I hate you. I don't talk to much, so don't bother to talk to me. It's useless. Most of the people say I'm cold, so be use to it. I hate attention. I hate someone else especially a girl together with me. I don't feel sharing what I feel, what I know, what I want and who am I. It's just that, I need to write this damn letter because it was a project, so don't assume as if I want to do it. Just write yours and give it to me. And last, memorize this song: Zoetrope by Yanagi Nagi.
I bet we're finished in this project so do what you want as well as I am. So don't bother me anymore.'
~*~
[A/N: Zoetrope by Yanagi Nagi was an anime song.]
Just wow! If he hate me, then I hate him more than he feel. And as if naman mag-aassume ako. Baka nga siya ang nag-assume dyan.
Psh. Hindi ko na lang siya pinansin. Lumabas muna ako ng room. Kailangan ko ng fresh air, may pollution kasi akong katabi. You know, kailangan lumayo baka mamaya magkasakit pa ako much more makasakit pa ako… Baka kasi hindi ko ma-kontrol 'tong kamao ko at biglang tumama sa mukha niya. My poor soft hand. Huhuhu. Pupunta na lang akong canteen, bibili muna ako ng tubig.
Habang papunta ako sa canteen ay nakita ko sina Aine at Justin. Kaya naman pala laging masaya 'tong friend ko, together with her crush palagi. Malapitan nga. Hahaha may gagawin lang ako since nawala ako sa mood kanina.
"Hi guys!" bati ko sa kanila. Ang seryoso naman ng dalawang 'to.
"Hi din Cassie!" nakangiti namang bati din ni Justin. Si Aine naman nakatingin lang sa akin. Luh? 'wag mo sabihing nagseselos siya sa lagay na 'yan. Bilis mo naman magselos friend! At dahil d'yan may naisip ako since nawala nga ako sa mood kanina. Umupo ako sa tabi ni Justin. Chichikahin ko muna. Mukha kasing nag-uusap sila ni Aine para sa project nila, sorry Aine I need to do this. May benefits ka rin naman kapag nagkataon. Kung magiging ayos nga lang 'to.
"Simple Cass would do" nakangiti kong sabi.
"Okay. Cass may kailangan ka ba sa amin?"
"Hm... Justin? Can I have a question?" Napalingon naman silang dalawa sa'kin dahil doon. Si Justin lang ang tatanungin ko pero pati siya napalingon, nakataas pa ang isang kilay. Nagbago na pala siya ng pangalan?
"Yes. Tungkol ba kay Kean 'yan?" Lintek na! Bakit nasali ang kumag na 'yon sa usapan? Wala naman akong mapapala do'n.
"What? Hell no! Ano bang mapapala ko sa lalaking 'yon? Wala naman." Naiinis kong tugon. Nagkatinginan naman sila at sabay pang sinabi, "Project/Grade?" Imbis na matuwa ako sa kanila, feeling ko sila pa talaga ang dahilan kung bakit lalong sumakit ang ulo ko. Bakit ba nagsama ang parehong slow? Slow nga ba o talagang trip lang akong bwisitin ng mga 'to.
"Drop the topic. Hindi naman kasi iyon ang itatanong ko!"
"Ano ba ang itatanong mo?" walang muwang na saad ni Justin.
"What if may nagkakagusto pala sa'yo, tapos hindi niya lang maamin na she likes you kasi nahihiya siya. Anong gusto mong sabihin para naman umamin na siya?" tanong ko habang nakatingin kay Aine. Ang sama ng tingin sa akin. Hahahahah!
Kanina kasi no'ng nakita ko silang nag-uusap, iba 'yong tingin ni Aine kay Justin. Bihira lang kasing maging ganyan 'yan towards a guy. Yes, she surely talks about a guy – the characteristics of him – kung gwapo ba o kaya ay may gusto s'ya. She never talks to any guy. Well except if kaibigan naman 'yon, but she doesn't trust easily. And with that look on her face awhile ago, confirm that she likes him
"M-may nagkakagusto sa'kin?" medyo gulat pang tanong ni Justin. Nakaturo pa ang hintuturo sa sarili na para bang hindi kapani-paniwala ang narinig.
"Kasasabi ko lang diba? Saka 'wag mong sabihin na nagulat ka pang malaman 'yon. Sasapukin kita d'yan! Sikat kayo dito sa campus." paliwanag ko pa sa kanya. Lalo namang nadagdagan ang pagtataka sa mukha niya.
Hahampasin ko 'to eh! Hindi lang naman sila sikat bilang varsity player, ang isa pang dahilan ay dahil pasaway sila. Malay ko ba kung bakit marami pa rin silang fangirls kahit gano'n. Siguro kasi may mga ipagmamalaking itsura naman sila.
"Sikat? Artista na ba kami?" Kinginang 'yan! Ito ang mahirap kapag kausap ang ganitong klaseng tao. Ang hirap mag-explain!
"Ay nako 'wag na nga! Mamaya lalo pang sumakit ang ulo ko sa inyong dalawa. Good luck na lang sa crush mo. Makaamin sana siya at sana kapag umamin siya nasa maayos na kalagayan ang utak mo para kapag nangyari 'yon, hindi iba ang interpretation mo."
Tumayo na ako at naglakad papuntang canteen. Ang sakit sa bangs ng dalawang 'yon, though wala naman akong bangs hahaha. Bumili na ako ng tubig at saka bumalik sa room. Medyo marami na ang tao kumpara kanina. At ano pa bang aasahan? Malamang about their projects ang pinag-uusapan nila.
Kita mo 'tong si Sofie, walang problema sa partner niya pero I smell something fishy. Ang sama kasi ng tingin ni Kuya RJ doon sa guy na kasama ni Sof. While Bessy Jai naman as always nakadukmo na lang palagi. Kung 'wag na kaya siyang pumasok tapos matulog na lang siya sa bahay nila. Feeling sleep beauty lagi ang lola niyo.
Ilang minuto lang din ang lumipas ay nag-umpisa na ang klase. Nagsisimula pa lang pero hiling ko na matapos na sana ang klase. Inaantok ako eh. Imagine guys, first subject niyo ay history sinong hindi aantukin diba? Mabuti na lang at every wednesday lang 'to.
* * *
NATAPOS ang buong araw na puro discussion at quiz ang ginawa namin. Mabuti nga nakinig pa ako. Bago umalis ay binigay ko ang letter kay Kean. Yung katulad ng ginawa niya kanina. Anong nakasulat do'n? Tanungin niyo sya, 'di joke lang as if naman sasagot 'yan.
~*~
'Dear Mr. Cold Guy.
I'm not assumera, baka ikaw. And if you hate me then I hate you more than you feel. So here's my oh so loving characteristics. Saksak mo sa lungs mo ah?
First of all, maingay ako at you can't do anything about it. Madaldal ako at hindi mo ko mapipigilan do'n. Magaling rin naman akong kumanta kaya walang problema ang pinapagawa mo sa'kin. Pero 'yong sinasabi mong "don't bother you?" Well, hindi ko masasabing kaya kong gawin 'yon. And sorry to say, hindi uubra sa akin ang pagiging woman hater mo lalo't ako ang kapartner mo. Meaning whether you don't like it or I don't like it. Tayo ang magkapartner. Warfreak ako sabi nila, so wag kang magugulat kung bigla na lang akong mapaaway sa kanto. Kidding aside hindi ako gano'ng tao. May manners naman ako, ginagamit ko nga lang sa tamang tao. Mabait naman ako eh, 'wag lang gagalitin o iinisin. Pero dahil nabwisit ako sa'yo, don't expect that we will be in good terms. And lastly, MAGANDA AKO! And don't you dare na kumontra. Dahil totoo 'yan. Yan lang. Bahala ka na makadiscover ng iba pa. CIAO!'
~*~
Diba? Ang taas masyado ng confidence ko sa katawan. Totoo naman kasi. So hindi dapat kinakahiya 'yon. Bago ako umuwi ay dumaan muna ako sa convinience store. Bibili muna ako ng chocolates at ice cream. Ayokong umuwi sa bahay na dala-dala pa 'yong sama ng loob ko sa school. Kaya magpapalamig muna ako, since nagke-crave naman ako sa chocolate ngayon. Bumili rin ako ng tinapay at tubig since nagugutom talaga ako.
Pagkalabas ko ng convinience store ay may nakita akong lalaki sa gilid ng eskinita. Medyo may katandaan na. Mukhang doon siya natutulog, may kasama rin siyang batang babae at medyo gusgusin ito. Lalapitan ko na sana para ibigay na lang 'tong tinapay na binili ko pero may nauna na sa'kin. Binigyan niya 'to ng pagkain at kumot. Pero mas nagulat ako no'ng nalaman ko kung sino 'yon. I never knew that Mr. Cold Guy is somewhat a warm-hearted guy.
Yes, Kean is the one who gave those people foods and blanket. Maybe his not that bad. I think I want to know him better not only because he's my project partner, but as a person. Matapos niyang umalis ay sumakay na ako sa bike ko at saka lumapit din doon. Ibinigay ko ang tinapay at tubig na binili ko kanina.
"Pwede pong magtanong?" Napakadakila ko talagang tsismosa.
"Sige lang hija" pagpayag niya.
"Kilala niyo po yung lalaking pumunta dito kanina?" tanong ko.
"Iyon ba? Naku, ang batang 'yon, hindi niya talaga sinasabi ang pangalan niya sa amin. Basta araw-araw dumaraan dito 'yon lalo kapag hapon. Binibigyan kami ng pagkain at minsan naman ay pati damit ay binibigyan niya rin kami. Nahihiya na rin ako dahil malaki na ang utang na loob namin sa kanya. Tuwing tatanungin namin ang pangalan niya ay lagi nyang sinasagot na hindi na daw iyon mahalaga."
"Wag niyo po sanang mamasamain pero bakit po dito kayo natutulog? Baka magkasakit ho kayo lalo na 'tong bata" sabi ko naman.
"Pinalayas kasi kami sa bahay na tinutuluyan namin dahil wala kaming maipambayad sa renta. Kaya dito kami napadpad. Wala na rin kasi akong kilalang kamag-anak lalo na at namatay na ang asawa ko. Hind ko naman maiwan 'tong apo ko." malungkot na sabi nito.
"Kung gusto niyo ho pwede ko kayong tulungan. May charity program po kasi ang parents ko para sa mga homeless people. Lalo ngayon na kulang sa trabahador ang farm, pwede po kayong magtrabaho doon."
"Talaga? Marami salamat hija pero hindi ko alam kung kanino maiiwan ang apo kong si Lianne." sabi niya pa.
"Don't worry po, kasama naman do'n sa program for homeless people ang bahay na titirhan niyo at katabi lang din po ng bahay doon ang farm. Binibigyan din po kasi ng trabaho ang nando'n para sa personal na pangangailangan. Saka para naman po hindi kayo mag-alala sa kanya, may mga nagbabantay naman ho doon at tinuturuan pa sila katulad sa school." paliwanag ko. Gusto ko lang kasi talaga silang matulungan. Hindi naman ito ang first time na ginawa ko 'to. Kaya hindi na bago sa akin 'to. Saka mas naawa ako sa bata. She doesn't deserve this kind of living. Napakabata niya pa.
"Pumunta lang po kayo sa address na 'to, at ibigay 'tong letter. 'Wag niyo pong iwawala 'yan. O kaya naman po, tawagan niyo ako sa number na 'to para ma-assist kayo." Nakangiti kong sabi.
Kinuha ko sa bag ang letter ng sinasabi ko. Nakasulat kasi doon na nirerequest kong isali sila sa program. Nandoon din ang address na pupuntahan nila. Sinulat ko rin ang number ko para naman kung saka sakali ay matawagan ako. Lagi akong nagdadala no'n incase na may makita akong ganito.
"Sige ho, pagabi na rin kasi. Pumunta lang po kayo agad doon para hindi na ho kayo nahihirapan dito. Bye Lianne! Pakabait ka ah" Nakangiti kong sabi at tumango naman siya.
"Maraming salamat talaga dito hija." Nagpaalam na lang ulit ako at tuluyan ng umalis. It's not a bad day after all.