ANOTHER great morning. I check my things before going downstair. Naabutan ko si Dad na nagbabasa ng dyaryo habang naghahanda naman ng almusal si Mom. Gusto niya kasing siya ang naghahanda ng pagkain para sa amin.
"Good morning Mom, Dad" bati ko pagdating sa dining room. Tuwing umaga kasi ay sabay-sabay kaming kumakain nila Mom. Si Kuya naman, every weekend lang pumupunta dito since may family na siya.
"Good morning baby girl. Maupo ka na at kumain."
Aish!
"Dad, stop calling me in that pet name! I'm not a baby anymore!" reklamo ko. Kailan ba aayos ang pangalan ko sa kanila? Ang ganda ganda ng binigay nilang pangalan syempre katulad ko maganda, tapos sasayangin lang nila.
"Pabayaan mo na ang Daddy mo. Hindi ka pa ba nasasanay anak?"
"Sanay na Mom. Kaya nga po pwede bang magbago naman?" What if, ganyan rin ang itawag niya sa akin outside. Yes, I'm daddy's girl pero 'wag naman ganyan Dad.
"Sige kung ayaw mo hindi na lang kita tatawagin." Saad nito at talagang pinalungkot pa ang itsura niya. Ayan na po, nagdrama na siya. Sabi na eh, sa kanya talaga nagmana si Kuya wayback no'ng nanliligaw pa lang ito at no'ng girlfriend niya na si Ate Shane. Emo masyado. Feeling laging may pinagdaraanan. Akala mo naman pasan na ang buong mundo. I rolled my eyes and sigh out loud.
"Fine. But please Dad, hanggang dito na lang po sa bahay ang nickname mo na 'yan sa akin ha?" Ano bang magagawa ko? Ayoko namang magtampo si Dad.
"Okay baby girl!" See? Okay na siya n'yan! Ang gana-gana niya na ulit kumain.
"Sige na anak kumain ka na at baka ma-late ka pa sa school." Mabuti na lang at masarap ang luto ni Mom.
Mabilis lang akong kumain. Nang matapos ay nagtoothbrush na ako. Matapos kong gawin ang lahat ng kailangan ay dumiretso na ako sa garahe.
"Bye Mom, bye Dad! Aalis na po ako!" sigaw ko matapos makuha ang bike. Mas gusto ko kasing nagbabike pagpapasok. Exercise na din. Madalang ako gumamit ng kotse. Kadalasan ay kapag hinahatid ako ni Dad o kaya ay kung umuulan.
"Take care anak!" paalala nito ng makalapit sa pinto ng bahay.
"I will Mom! Bye!" sabi ko then kissed her on her cheeks. I waved my hand before I go. Mabuti na lang at malapit ang village namin sa Academy. Kahit papaano naman ay hindi ako spoiled brat.
Nasa iisang village lang naman kaming magkakaibigan. Iyon nga lang, halos si Aine at Sofie ang laging magkasabay. Magkapit-bahay lang kasi silang dalawa. Maaga pa naman kaya wala pang masyadong sasakyan. Kapag mamaya pa ako umalis ay baka abutan na ako ng traffic. Mahirap mag-amoy usok dahil sa mga sasakyan.
"Good morning Mang Eman!" bati ko sa guard ng village. Huminto muna ako sandali.
"Good morning din sayo nak. Ang aga mo yata?" Oh, diba close ko din 'yong security guard sa village namin.
"Mahirap po kasing ma-late. Sige po alis na ako!" Masigla kong paalam dito.
"Mag-iingat ka!" pa-alala pa nito. Kaya naman tumango ako.
Hindi naman kalayuan ang Academy kaya nakarating ako agad. Pinark ko na ang bike at nilagyan ng lock. Paalis na ako ng muntik akong mahagip ng kotse. Bwisit na driver 'yan!
Nandito na nga ako sa safe side muntik pa akong mapahamak. Why bad luck love me so much? Tumigil naman ang kotse kaya agad kong nilapitan. Sunod-sunod kong kinatok ang bintana ng kotse. Maya-maya lang ay binaba din ito ng driver. Kakausapin ko na sana ng mahinahon since ayoko ng gulo pero biglang nag-init ang ulo ko ng makita kung sino ang walang hiyang driver.
Kung minamalas ka nga naman! Binabawi ko na ang sinabi ko, gulo na kung gulo! Wala na akong pakialam kung mapunta agad ako sa Dentention Office. Kapag siya ang nakikita ko? Umiinit talaga ang ulo ko!
"Ang kapal talaga ng mukha mong lalaki ka! Hindi ka ba marunong mag-drive? Muntik na akong masagasaan dahil sa'yo. Letse ka!" sigaw ko sa kanya. Nakatingin lang ito sa'kin.
Bakit ba napakamalas ko? Lagi na lang kamalasan ang nangyayari sa akin kapag nakikita ko ang lalaking 'to. First day ay 'yong sa bike, muntik na rin ako doon dahil hindi siya tumabi tapos ngayon itong lintek na kotse niya naman. Ano pang susunod ng makapaghanda naman ako?
"Huwag mo akong tignan ng ganyan Mr. Salvador. Kapag ako 'di nakapagpigil, sisirain ko 'tong kotse mo!"
"Then go. Do what you want, but don't be surprise when police arrest you because of your imprudent act." masungit nitong sabi. Menopausal king siguro 'to. Pinaglihi sa sama ng loob.
Inirapan ko na lang siya at umalis. Baka mamaya mapadpad pa ako sa jail. I never imagined that I will go to that place. Never!
Dumiretso ako sa room at umupo sa pwesto ko. Magkakatabi kasi kami nila Aine at Sofie samantalang si Jai naman na sa likod namin. Trip niya sa dulo sa tabi ng bintana. Maghahanap nga ako minsan ng magkakaibigang sa pinakaharap umuupo 'yong malapit mismo sa teacher. Palaging ganyan ang set up eh. Pansin niyo?
Mga ilang minuto lang ay dumating na rin ang mga kaklase ko. Umingay ang tahimik na room kanina. Walang katapusang chikahan. Sa tingin niyo? Ilang taon kaya silang hindi nakapag-usap? Magkasabay din dumating sila Aine at Sofie. Sila kasi ang mas close, tapos ako naman at si Yesha. Maya-maya lang ay dumating na din si bessy at as usual, nakadukmo na naman siya. Lagi yatang puyat 'to. Ang saya bigyan ng award! Sleeping beauty of the year award goes to Yesha Jaiden. Dumating din naman agad si Ma'am kaya natahimik na ang lahat.
"Class I will arrange your seats in alphabetical order. Alternate ang boys and girls." sabi ni Ma'am Ally.
Ma'am naman! Last year na namin sa high school. Hayaan niyo na lang ako dito. Masaya na ko dito. Bakit kailangan pang gawin 'yan?
Isa-isa nang tinawag ang mga kaklase ko at inayos ang seating arrangement. Feeling ko nga may hindi na naman magandang mangyayari. Simula umaga kasi minamalas ako, no doubt may kasunod pa 'yon. Malapit na akong matawag.
"Next, Mr. Salvador beside you is Miss Smith."
Feeling ko isa itong napaka-laking parusa. May kasalanan ba akong nagawa at ganito ang nangyayari? Pinaparusahan ba ako? Sabihin niyo!
Okay stop na... medyo OA na. Nakatingin lang sa akin si Ma'am dahil hindi ako tumitinag, no choice. Baka maging dragonesa na naman 'to. Nasigawan kasi si bessy kanina dahil ayaw niyang katabi si Kyle. As if gusto ko rin 'tong katabi ko diba? Sino ba kasi ang gugustuhin makatabi ang dahilan ng pagsakit ng ulo mo at kamalasan mo araw-araw?
Matapos maayos lahat ay bumalik siya sa harap at nagsalita. Ano na naman kayang pakulo ni Ma'am this time? Siya pakukuluin ko dyan eh. Kotang-kota na kami sa kanya. Siya din kasi naging adviser namin last year. Hindi ko nga alam bakit siya na naman ngayon.
"That's your permanent seating arrangement for this school year. Understand?"
"Yes ma'am!"
Ang saklap guys! Mabuti pa 'yong iba masaya sa katabi nila. Lalo na 'yong mga mag-jowaers dyan. Wala namang forever! Mabuti pa 'yong iba nagsasaya, samantalang ako nagluluksa rito.
"And also I will give you a project—"
"Project agad. Ma'am naman nagsisimula pa lang ang school year oh. Ilang linggo pa lang ang lumipas."
"Oo nga naman Ma'am, pinapahirapan niyo na agad kami." And they start discussing I their own world. Nakakahalata na ako kay Ma'am Ally. Kanina pa may binabalak 'to. Ganyan din siya last year sa amin.
"Quiet!" Sigaw ni Ma'am. Katakot ay.
"Makinig muna kasi kayo, as I was saying may project kayo and this project is for this grading period. Since, napapansin ko na halos lahat ay walang paki-alam sa iba at may kanya-kanya kayong grupo at marami-rami din naman ang nagtransfer ngayon, ang gagawin niyong project is Getting To Know Each Other. Kailangan may malaman kayo sa isa't isa tapos kayo na ang bahala kung anong gagawin niyong presentation after the quarterly exam. Bahala kayo kung gusto niyong kumanta, sumayaw o tumambling dyan sa harap as long as may maipresent kayo. At magpapasa kayo ng summary or list ng natutunan o nalaman niyo sa partner niyo." Dami lang knows ni Ma'am.
"Ma'am naman pang 1st year yan eh!"
"Oo nga naman Ma'am."
"Wala kayong magagawa, trip ko bakit ba. Kidding aside, tungkol 'to sa subjet natin. It's about communication to other people. Makakatulong 'yon sa Personal Development niyo. Saka, kung noon pa lang sana inuna niyo nang makisama sa iba at hindi puro away ang ginagawa niyo. Since last year niyo na ito bilang high school student, ito ang napili kong ipagawa sa inyo para mas malaman nyo talaga ang isa't isa lalo na sa mga kaka-transfer pa lang dito. Kung pang-first year lang pala 'to, 'di madali na lang 'to sa inyo."
Huwag kaya akong gumawa tapos sabihin ko trip ko lang din. Matuwa kaya siya?
"Good bye class! Pagbutihin niyo 'yan, ayaw nyo naman sigurong bumagsak this grading period right? First period pa naman. And last it is by partner, whoever is your seatmate he/she is your partner. Goodluck! Who knows, magkaroon kayo ng lovelife diyan hahahaha! Bye!" Palibhasa walang lovelife 'tong teacher na 'to. Ginagawang cupid ang sarili. Help me guys! Sa lahat naman ng magiging partner ko bakit s'ya pa!
"I think we can just sing for that. I'll give you the title of the song maybe tomorrow. Then, practice it by yourself as well as I am."
"What? Solo ang practice gano'n? Paano naman ang summary na gagawin natin? Kasasabi lang oh!"
"I'll tell you about my self and you just tell me about yours. We can do it in just one day. No hassle." Cool pa na sabi nito. Hindi ba uso sa kanya ang magtagalog? Mamaya niyan nosebleed na ako rito.
"Uso magtagalog mister nasa pilipinas naman tayo. Hindi naman pinagbabawal 'yon."
"Tch." Wow! Ang haba ng sinabi ah. Boy verson yata 'to ni bessy. Since, maganda ako este isa akong mabait na tao. Concern classmate lang din naman ako sa kanya. Oy, wag bibigyan ng meaning, mamaya kung ano-ano na iniisip niyo dyan.
Ayoko lang mahirapan ako. Kaya ang gagawin ko, goal kong kausapin niya ako in tagalog. Dahil kapag ako nahirapan sa kanya, sasapukin ko na lang siya para quits kami. Pareho kaming nosebleed.
Hindi ko na siya kinausap pa dahil alam ko namang hindi na rin siya magsasalita. Hanggang matapos ang klase sa buong araw ay hindi ko na siya pinansin. Wala naman akong mapapala. Being his partner in this project, pwede bang umatras na agad?