Chereads / Fall For You / Chapter 3 - I - First Encounter

Chapter 3 - I - First Encounter

TODAY is great. Sky is clear. The ray if the sunlight is not too hot. In short, the weather is too nice. I'm enjoying the cold breeze of the wind touching my face while riding my bike. Everything is perfect, not until...

"Waaaahhh!!! Tabi!" malakas kong sigaw nang makita ang lalaki na naglalakad patawid sa kalsada.

Bwisit na lalaki 'to at tinignan lang ako! No choice, malapit na ako sa kanya. Kung hindi ako iiwas ay pareho kaming mapapahamak. Ako na lang ang nagsakripisyo at umiwas. Mabuti at kakaunti pa lang ang mga estudyante kaya walang ibang nadamay. Ako naman 'yong muntik ng mapahamak.

Bakit kasi ang bilis ng speed ko? Ang hirap tuloy magpreno. Paano na lang kapag nasira ang pretty face ko 'di ba? Tapos my poor baby bikey, paano na lang kung nasira siya? I can't accept that! Bumaba agad ako sa bike at hinarap ang walang hiyang lalaki na 'yon.

Stop the drama muna, may haharapin lang ako sandali. Mabait akong tao, pero kapag ganitong klaseng tao ang makakasalamuha ko. Forget what I've said dahil gyera kung gyera 'to!

"Hoy lalaking akala mo hari ng daan!" sigaw ko dito. Lumingon naman siya pero tinaasan lang ako ng kilay. Ayy, ang taray ni Kuya! Wait... kuya nga ba?

"Sorry Miss, but I have no time for you" sabi nito at tinalikuran na ako. Aba't... Wow ha! Just Wow! Ibato ko kaya sa kanya 'tong bag na hawak ko. Hahablutin ko na sana 'yong damit niya nang may humablot naman sa damit ko. Gusto ba talaga nila ng gulo?

"Cassie!" Mamaya ka na 'di pa ako tapos sa damuho na 'to.

"Oy girl! Ang aga-aga sino na namang kaaway mo dyan? Nagsisimula pa lang ang school year may sama ka na agad ng loob dyan." Nakakaloka naman ang mga tao ngayon at bigla-bigla na lang sumusulpot. Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita.

"Peste kasing lalaki na 'yon eh. Sumigaw na nga ako tabi, hindi pa rin ako pinansin" pagrereklamo ko kay Aine – kaibigan ko. "Gustong-gusto ko nang hambalusin kanina, kaya lang dumating ka."

Napansin kong medyo marami na ang nanonood sa amin kaya naman sumigaw ako. "Anong tini-tingin tingin niyo dyan?" Mga chismakers! Ang aga-aga, buhay ng iba ang pinapaki-alaman. Nakakainit ng ulo!

"Hay nako girl, kung ako sa'yo bawasan mo na 'yang pagiging warfreak mo. Bahala ka kapag nakahanap ka ng katapat mo"

"Tss.. 'di mag-ingat siya dahil hindi ako magpapatalo" confident kong sabi.

"Ewan ko sa'yo girl. Tara na nga sa gym, mamaya lang ay magsisimula na ang open ceremony" sabi nito.

Pinark ko muna ang bike ko at saka na kami dumiretso sa gym. Sometimes first day of school year sucks.

* * *

IT'S already our second subject. Wala 'yong instructor namin kanina. You know first day? Introduce yourself thingy. Kasawa noh? Kaya minsan hindi na rin umaattend 'yong iba.

Kita mo 'tong si Jaiden, unang araw natutulog sa klase! Hindi na lang sana siya pumasok ngayon araw, kaya lang SC President so no choice. Mabuti nga at hindi siya binagsak sa lagay niyang 'yan. Nako bessy magbago ka na rin.

Nakikinig lang ako sa sinasabi ni Ma'am. Mabait kaya akong estudyante. Maya-maya ay biglang bumukas ng malakas yung pinto. Hindi na kami nagulat, sanay na kaming lahat kapag sila ang papasok ng room. Kahit teacher namin sanay na kaya normal na sa amin ang ganyang senaryo. Mas magugulat pa kami kung kumatok ang mga 'yan sa pinto at tahimik na pumasok. Kalat kasi sa school yung mga ginagawa nila. Mga heartthrob at university player kasi ng school kaya famous. Bukod sa pagiging varsity player, kadalasan ay makikita mo ang mga pagmumukha nila sa magazine. Kinukuha kasi sila minsan bilang mga brand model. Mga pasaway nga lang.

Ang grupo lang naman ng mga pasaway ang pumasok ng room sa kalagitnaan ng pagsasalita ni Ma'am. Ang bastos lang ng ugali. Apat sila sa grupo pero 'yong isa nandito na, si Justin Lee. Siya lang yata ang madalas on time pumasok at medyo matino sa klase.

"Late kayong tatlo."

Napailing na lang si Ma'am dahil sa kanila.

Nangunguna ang dakilang playboy sa grupo. Ryan James. Pinsan ng bestfriend ko. Kahit playboy ang lalaking 'yan, pagdating naman sa pamilyang babae at kaibigan ay napaka-protective. May sapak yata sa ulo ang lalaking 'yan!

Sumunod ay si Kean Mike. Ang cold at pinaka suplado sa grupo. My one and only enemy in life. Maayos at tahimik na sana ang buhay ko kaya lang dumating s'ya. And boom! Naging magulo na ang lahat. Bakit nga ba nabuhay pa 'to? Sakit lang naman siya sa ulo.

At ang panghuli, Xavier Kyle. Siya lang naman ang tumatayong leader ng grupo nila. Cold din siya kung titignan mo, ayaw daw kasing may lumalapit na babae sa kanya kahit lagi naman siyang dinudumog ng mga 'yon. Ang dami kasing nagfa-fangirl sa kanila.

Actually, last year lang sila lumipat dito. Iyong tatlo ay mula sa ibang bansa, 'yong isa naman from different school dito sa Pilipinas. At sila lang naman ang dahilan sa araw-araw na sakit ng ulo ng bestfriend kong si Jai.

Tinapos lang ni Ma'am ang sinasabi niya at nagdismiss na rin agad.

Nagugutom na ako.

"Bessy?" "Yesha Jaiden!" pagtawag ko sa pangalan niya. No response. Bingi na yata 'tong kaibigan ko.

"What?" inis na singhal nito. Ang aga-aga, highblood ka din sis? Kung kanina pa sana siya sumagot hindi naman ako sisigaw. I pouted. Napairap na lang siya sa ginawa ko.

"Almost lunch time na po, baka gusto mo nang tumayo diyan at pumunta sa canteen? First day pa lang, puro tulog na agad ang ginawa mo. Puyat ka ba?"

"Psh." Kakaiba talaga sumagot ang bessy ko, napakahaba ng sagot. Note the sarcasm!

"Cass ano na? Mag aaya ka tapos tutunga ka diyan!" dali-dali ko namang kinuha ang mga gamit ko at sumunod sa kanya.

"Nandiyan na nga po mahal na reyna" Ang hot masyado! My G!

* * *

WE'RE having lunch in the school canteen. Mabuti na lang at magkakaiba ang vacant period ng mga estudyante rito kaya hindi gano'n kadami ang tao ngayon.

"Classmates natin 'yong mga varsity player! Ang gwapo talaga nila! Oh my kinikilig ako!" May kasama pang paghampas sa braso nang sabihin niya 'yon ni Aine. Hambalusin kaya kita d'yan? She is Trixie Elaine — Aine for short — pinakabata sa amin. Madalas childish pero may mga panahon din namang nasa maayos siyang kalagayan este maayos siyang kausap.

"Ang cute no'ng isa do'n, pareho pa kayong Japanese." Siya naman si Sofie Dennise. Matalino, masipag mag-aral at higit sa lahat mahal na mahal ang libro. Tambayan niya? Library. Hindi naman siya geek or what. She just love to study. Aside from that, she's really into fasgion. At d'yan sila pinaka-nagkakasundo ni Aine – sa mga boys.

"Hindi naman sila cute" pagsali ko sa usapan. Totoo naman kasi. Ewan ko ba sa dalawang 'to, malabo na yata ang mga mata.

"Sakit sila sa ulo" Ayan, nang real talk At last, Yesha Jaiden. Ang masungit at laging high blood kong bestfriend. May panahon naman na mabait 'yan, iyon nga lang... napakadalang. Mabibilang mo lang yata sa mga daliri mo. Protective rin at masyadong masipag! Nakakahiya tuloy maging tamad. Tumutulong na kasi siya sa kompanya nila kahit nag-aaral pa siya. Isa pa, mahirap kausapin 'yan dahil lahat na lang yata ng sasabihin at itatanong mo, ay tanong din ang isasagot sa'yo. Kung kakausapin mo siya ay siguraduhin mong nasa good mood siya. Kaya lang katulad ng sinabi ko, napakadalang. Sana naman magkahimala at bumait na ang bessy ko. Magka-boyfriend pa kaya siya sa lagay niyang 'yan? I wonder.

"Ang kill joy niyo ah! Kaya walang nagkakagusto sa inyo!" asar na saad ni Aine. Pinagbuntunan pa ng inis ang pagkain. Kawawang karne, double dead na.

"We're just stating the fact. Akala mo naman may nagkakagusto din sa inyo. " pang-aasar ko sa kanya.

Well, mayro'n naman talaga. Minsan kasi ang sarap nilang asarin.