Chereads / Fall For You / Chapter 2 - Prologue

Chapter 2 - Prologue

Nagpaalam na ako sa bestfriend ko dahil pinapauwi ako ni Mommy. Naiinis ako dahil hindi pa kami nakakapag-cepebrate ng maayos ay uuwi na agad ako. Friendsary pa naman naming magkakaibigan ngayon.

No choice, umuwi na lang ako dahil baka lalong uminit ang ulo ni Mom sa akin. Tinakasan ko kasi 'yong anak ng client niya. Duh! He's not my type kasi. May pagka-jejemon yata 'yon. Imagine ang init init ng panahon, naka-jacket siya with matching a cap. Just imagine na ang baduy niya magsuot ng damit. Then, may piercing pa! Feeling bad boy look at lakas maka-feeling cool. Hindi naman bagay. By the way, that's not the story.

Nang makauwi ako ay agad kong hinanap si Mom.

"Mom? Bakit ba pinapauwi niyo ako agad?" bungad kong tanong nang makita ko siya sa kusina. Weekend kasi ngayon at sinabi kong doon muna ako kina bessy matutulog. Ewan ko ba, minsan ang gulo kausap nitong nanay ko.

"Mabuti at nandito ka na. May family dinner tayo mamaya at mas magandang sabay-sabay tayong pupunta doon sa restaurant. Pumunta ka muna sa kwarto mo at magpahinga." paliwanag niya.

Hindi na ako nagtanong pa at sumunod na lang. Nagpahinga na lang muna ako katulad ng sinabi ni Mom. Humiga ako sa kama at kumuha ng libro para magbasa. Hindi man halata, pero mahilig din akong magbasa at mangolekta ng libro.

Masyado na akong nawiwili sa pagbabasa ng makita ko kung anong oras na. itinigil ko na muna ang pagbabasa at nagpasyang mag-ayos na. Matapos ang ilang minutong pag-aayos ay natapos din ako. I only put a light make up on my face and wear a simple white dress.

Bumaba na rin ako agad. Nadatnan kong nasa sala na sina Kuya Carl kasama si Ate Shane at ang cute kong pamangkin na si Ara.

"Let's go, baka ma-late pa tayo" sabi ni Mom na pababa ng hagdan together with Dad.

Ma-late? Family dinner lang naman diba? Weird. Ang alam ko naman ay kami-kami lang at kapag ganitong family dinner ay nagpapareserve na agad sila Daddy. I wonder what is happening.

Malapit lang naman ang pupuntahan namin kaya nakarating kami agad. Isang Italian Restaurant. Pagdating namin ay siya rin pagdating ng isa pang pamilya. And worst, nandoon ang taong kinaiinisan ko. Hindi ko na lang pinansin at naupo na ako. Sa lahat ba naman kasi ng restaurant dito pa nila napili kumain.

Nakaupo na kami ngayong lahat. I don't know pero 'yong table namin ngayon ay for ten people. Para naman kaming may meeting dito. Dalawa sa magkabilang dulo then apat naman both sides. May apat pang bakanteng upuan since na occupied na namin 'yong six chairs. Bakante pa 'yong isang dulo at 'yong tatlong upuan sa tabi ko. Pwede naman kasing sa table for six person na lang. Tch. Ako lang ba ang walang alam sa nangyayari?

Napatingin ako kina Mom at Dad ng bigla silang tumayo.

"Good Evening Mr. and Mrs. Smith. It was nice to see you." bati ng isang boses kaya napalingon ako roon.

"It was nice to see you too Mr. and Mrs. Salvador. Please have a seat." bati naman ni Dad. Medyo familiar 'yong surname. Saan ko nga ba narinig 'yon? Pero pwede rin naman na magkapareho lang.

"So, is she your daughter?" tanong nito.

"Yes, my unica hija" Dad said.

"She's beautiful" puri nito.

"Thank you Madame." magalang kong sabi. Super classy katulad ni Mom at feeling ko may pagka-strikta rin siya katulad ni Mommy. May pagka-masungit kasi 'yong itsura.

"Too formal hija, just call me Tita Lizelle and this is my husband, just calling him Tito Rey."

"Okay po" sagot ko dito.

"So where's your son?" tanong ni Mom.

"Nagpunta lang sa washroom. He's here in a minute" Tito Rey said. Tahimik lang ako habang nag-uusap sila. It's a business matter. *sigh* Why, I don't know anything about this?

"Oh... he's here. Over here Kean!" Tita said, waving at the person on my back. I think? Since 'yong washroom ay nasa likuran ko so, hindi ko alam kung sino ba 'yon. Pero familiar talaga 'yong mga pangalan eh. Nakatingin lang ako sa phone ko ng maramdaman ko na may umupo sa kalapit kong upuan. Lumingon ako para tignan 'to. At swear, sana hindi ko na lang ginawa.

"Ikaw na naman?" sigaw ko at talagang napatayo pa ako dahil lang sa gulat. He just stared at me in a blank expression.

"I guess, you knew each other already?"

"Unfortunately, Yes Dad" sabi ko na may halong inis ang tono. Bakit ba hindi ko agad napansin na sila 'yong kasama ng lalaki na'to kanina. Mabuti na lang at may bakanteng upuan sa pagitan namin. Ayoko nga makatabi ang lalaking 'yan.

"I'm out of this Mom" sabi nito saka tumayo at akmang aalis.

"Don't you dare go anywhere Kean or else" pagbabanta sa kanya ni Tita Lizelle. Bumalik din agad siya sa upuan niya. Feeling matatakasan 'yong set up ngayon. At siya pa talaga may ganang magwalk-out ah, parang siya pa 'yong dehado rito.

"Sit down Cassie." ma-awtoridad na utos ni Dad. As if naman may choice pa ako, dahil kung mayro'n man kanina pa ako umalis dito.

Habang sineserve ang mga pagkain ay nakatahimik lang ako. Tahimik lang din akong kumain. Baka may masabi pa akong hindi maganda. Maya-maya lang ay tumikhim si Dad kaya napunta sa kanya ang atensyon ko.

"The real reason of this dinner, was for the both of you. We want you to know that we are planning an arranged marriage for the two of you."

What the! Seryoso ba sila? Arrange marriage? Sino? Kaming dalawa? Ako na ang magsasabi, malaking gulo 'to kapag nagkataon. Me and Him? Paniguradong world war ang resulta nito.

"You are joking Dad." Umaasa akong joke lang 'to. Please!

"Of course not. Bakit naman ako magbibiro tungkol sa bagay na 'to."

"But Dad... we're too young for this thing." Giit ko sa kanya. Putspa naman.

"Don't worry hija, hindi pa naman ngayon ang kasal kapag natapos na kayo sa pag-aaral niyo ay doon pa lang. Gusto lang namin makasiguro na kayong dalawa ang magkakatuluyan." Tita Lizelle explained.

"At isa pa anak, matagal na naming pinaplano 'to. Para hindi na rin kayo makaka-angal pa. Hindi na rin naman magbabago ang desisyon namin."

Aaaaahhh! Pinaparusahan ba ako? Bakit sa lahat naman ng tao, ito pang kumag na 'to? Why of all people, he is my Fiancé? Bakit si Mr. Enemy pa?