Chereads / My Beautiful ... Me / Chapter 3 - Baka Na Shock

Chapter 3 - Baka Na Shock

"Sister! Haaay, salamat at nakita rin kita!"

"Bakit ka kasi biglang nawala?

Ano ka ba, san 'san ka nagsusuot dyan!"

Hinihingal ito habang nagsasalita at pinapaypayan ng kamay ang sarili.

Boses iyon ng kaibigan at kaklase ni Eunice na si Mel. Isa daw syang girl, sabi nya. Pero hindi ng tatay nya.

"Grabe ka Sister, ang ganda mo ha! Idol na idol na talaga kita!

Ang lakas ng fighting spirit mo teh! Lumampas sa buwan!"

"Saan mo ba nabili yan? Hindi na tuloy kita ma reach!"

Si Eunice, hindi makapagsalita. Sumesenyas lang ito sa pamamagitan ng mata at ng nguso, itinuturo si Teacher Erica na nasa likod nya.

Napansin ni Mel ang ginagawa nya.

"Ano ka ba Sister! Ano bang nangyayari sa'yo?

Bakit ayaw mong magsalita?

Ba't para kang napoposes dyan!"

"Ehem!"

Nagulat si Mel ng madinig iyon. Tumindig ang mga balahibo nya. Dahan dahan syang lumingon.

"Ay! .... si Teacher Erica, kayo po pala! Hihi!

Sorry po hindi ko po kayo napansin!"

Buong ngiti nitong bati.

'Buti na lang si Teacher Erica!' 'Haaay Juskolord! Thank you!'

'Kung si Teacher Dexter ito ... naku lagot ako sa Papa!'

Iiling iling lang si Teacher Erica sa reaksyon ni Mel. Hindi ito galit. Katunayan natutuwa ito sa kaibigan ni Eunice.

"Sige na bumalik na kayo sa klase nyo at huwag kayong masyadong maingay!"

"Opo Teacher Erica!"

Sabay nilang sabi.

Nangingiti na lang si Teacher Erica sa kakulitan ng mga batang ito.

'Grabe, Grade 8 pa lang sila nyan ha!'

Ang dalawang magkaibigan pagkalayo kay Teacher Erica, saka nagusap ng pabulong.

"Beshy, nakita mo ba ang itsura ni Jeremy ko kanina habang kumakanta ako?"

Tanong nya kay Mel.

"Ay Sister, napansin ko! Aiyeeiii!! Pasulyap sulyap sya sa'yo!"

"eeeiiii!!!" (kinikilig silang dalawa)

"Pero Sister, kung nakita mo rin ang mga mata ng mga babaeng may pagnanasa kay Jeremy, ... haaay naku, ang sarap pagsusunduting! Halos mamatay sa inggit ang mga hitad!"

Eunice: "....."

Nagtataka ito.

"Oh, ba't ganyan ang fezluk mo?

Ayaw mong maniwala sa akin?"

Tanong ni Mel sa kanya.

"Hindi naman sa ganun pero ... hindi ko naman ginawa yun para inggitin sila eh!"

Seryosong sagot ni Eunice.

"Sister, kahit ano pa yang dahilan mo, hindi mo maikakaila na marami kang dugo na pinakulo kanina!"

"Bakit inaano ko ba sila?"

Nagtatakang tanong ni Eunice.

"Inaano...?"

'Ano ba itong Sister ko, hindi ba nya alam kung gaano kahaba ang nakapila na gustong magpapansin kay Jeremy nya?'

"Sister, ganun talaga! Matapos mong ideklara na isa ka sa karibal nila, natural ... naalarma ang mga hitad!"

Eunice: "....."

"Ikaw lang kaya ang may lakas ng loob na ipagsigawan sa mundo ang "I love you Jeremy!"

Ginaya nito ang boses ni Eunice pati tono ng pagkakasabi nito.

Natatawa si Eunice.

"Ganun ba talaga ang boses ko?"

"Oo Sister maniwala ka! At syempre ang daming nagtaasan ng kilay! You wanna know why?"

Tumango tango si Eunice.

Kasi sila, nagpapaka feeling mabait mapansin lang ni Jeremy! Tapos ikaw ..... wala lang, ipinagsigawan mo lang!"

"At ang pinaka kinaiinis nila, ni hindi ka man lang nag preno, Marry me agad?!"

"Juskolord! Nabaliw sila sa'yo! Kaya ayun, ang mga kilay ng mga hitad lumampas na sa noo!"

"HAHAHAHA!!!"

Natutuwa ito sa tuwing nagsasalita ang kaibigan.

Ang bilis kasi and with feelings palagi!

Lagi din nitong ginagalaw ang mga kamay at bewang na parang nagsasayaw.

Ang hindi alam ni Eunice at ni Mel, nang mga oras na iyon, sya ang paboritong topic sa mga chatroom.

"Ang lakas ng loob ng Eunice na iyon na angkinin si Jeremy! Sino ba sya sa akala nya!"

"Ang kapal ng mukha! Akala mo naman kagandahan e natatabunan naman ng taba mula ulo hanggang paa!"

"Pero huwagka, hindi ko kaya ang ginawa nya! Ang lakas ng fighting spirit nya!"

"Anong fighting spirit? Makapal kamo ang mukha!"

"Akala mo naman papansinin sya ni Jeremy!"

"Hmp! Tingnan natin kung pansinin sya ni Jeremy e marami ang nakakita na nagtakip ng tuwalya ang idol ko!"

"Siguro diring diri sya sa balyenang yun!"

"Hindi lang siguro... SIGURADO!!!"

Patuloy ang palitan ng pambu bully sa kanya sa chatroom pero wala silang parehong alam na magkaibigan dahil pareho silang hindi kasama sa mga chatroom.

Kanina pa sila nagkuwentuhan na magkaibigan pero napapansin ni Mel na tila may gumugulo sa isip ni Eunice. Lagi kasi itong bumuntunghininga.

"Sister bakit ba feeling ko gusto mong mag emote dyan?"

"Hindi ko kasi nakausap si Jeremy kanina. Hinarang ako nila Miles!"

"ANO?! Ang mga dragon ladies na yun!"

Inis na sabi ni Mel na tumaas pa ang kilay.

"Hayaan mo Sister magkakausap din kayo ni Jeremy!"

"Kailangan lang siguro nun ng time, baka kasi na shock si Jeremy dahil bigla kang nag propose sa kanya!"

Muling napa buntunghininga si Eunice.

"Sister, tapatin mo nga ako? Ano ba talaga ang dahilan bakit feeling ko atat na atat ka na sabihin kay Jeremy ang feelings mo?"

Seryosong tanong ni Mel kay Eunice.

"Pagkatapos kasi ng graduation aalis na si Jeremy ko. Sa America na sya magaaral at hindi na kami magkikita!"