"Girls, tingnan nyo si Jeremy! Nakakunot ang noo nya at matalim ang mga tingin!"
"Naku, lagot ka Eunice, galit na si Idol Jeremy!"
"Pero grabe, Grabe! Ang guwapo guwapo pa rin ng idol ko kahit galit na sya! Haaay, gusto kong mahimatay!"
Tumingin si Jeremy sa mga nakapaligid at isa isang tumabi ang mga ito para magkaroon ng daan sa gitna upang makadaan sya at makalapit kay Eunice.
Pati mga boys sa school na wala naman pakialam sa mundo ay nakikihalubilo na rin. Gusto nilang makakita ng magandang palabas.
"Pare, bilisan nyo! Daliii!"
"Nasaan na ang popcorn at softdrinks! Yung 1.5!"
"Magandang aksyon ito! Dito tayo sa tapat para maganda ang view!"
"Kuha tayo ng upuan!"
Habang papalapit si Jeremy kay Eunice, nadidinig nya ang usapan sa paligid.
Hindi na bumubulong ang mga ito at yung iba pinadidinig pa talaga nila kung gaano sila kadismadayo sa ginawa ni Eunice.
Pero wala syang binigyang pansin sa mga ito at naintindihan naman nila dahil kitang kita na galit na galit ito.
Huminto sya sa harapan ni Eunice at tinitigan nya ito ng matagal.
Hindi mapakali si Eunice sa mga tingin ni Jeremy. Galit ang mga mata nito at magkasalubong ang dalawang kilay. Napatungo sya.
Lahat ay nakatuon ang tingin sa kanila. Walang kumukurap at parang wala na ring humihinga. Ayaw nilang may ma miss na sandali. Inaantay nila ang susunod na gagawin ni Jeremy kay Eunice.
Pagkaraan ng ilang sandaling nakatitig siya kay Eunice, ngunit pakiramdam ng mga nasa paligid ay parang umabot ng isang araw, inalis nito ang tingin sa mata ni Eunice at saka ibinaling ang tingin sa bitbit nitong bike.
Lumapit ito kay Eunice at saka inagaw sa kamay niya ang bike.
Binuksan nya ang compartment ng sasakyan at inilagay doon ang sirang bike. Tapos ay binalikan si Eunice, hinawakan ang kamay at saka dinala sa harapan ng kotse. Binuksan ito at pinasakay sya.
Pagkatapos isara ang pinto ng sasakyan, umikot ito sa may drivers seat. Binuksan ang pinto ng kotse, sumakay at saka pinaandar.
Lahat: "....."
Speechless silang lahat sa ginawa ni Jeremy.
Nang malayo na ang sasakyan saka lang may nagsalita.
"Anong nangyari? Akala ko ba may aksyon?"
Dismayadong tanong na mga boys.
"Nakita nyo ba yun?"
"Totoo ba yun?"
"Bakit nya ginawa yun?!"
Walang makapaniwala sa ginawa ni Jeremy. Lahat sila hindi makapaniwala.
Lalo na ang mga girls na punong puno ng inggit kay Eunice dahil isinakay sya ng idol at crush nilang si Jeremy.
Hindi nila matanggap.
Aminado silang lahat sila ay nag aasam na makasakay sa kotse ni Jeremy. Tapos....
"Bakit si Eunice? Bakit hindi ako?"
Tanging tanong nila.
Sa malayo, mayroon din nagpupuyos ang galit ng makita ang ginawa ni Jeremy.
Si Miles.
Kasama ang grupo nya, kanina pa nila sinusundan si Eunice habang binubully sya ng mga taong minanipula ni Pam.
Hindi nito matatanggap na si Eunice ang unang isinakay ni Jeremy sa sasakyan nya.
*****
Sa loob ng kotse.
"Ga...galit ka ba?"
Tanong ni Eunice kay Jeremy.
Hindi nya inaasahan na makikita sya nito kanina habang binubully. Galit ito kapag hinahayaan nyang ibully sya ng tao.
Hindi naman sa hindi marunong lumaban si Eunice, kaya lang...
"Ang dami kasi nila eh, hindi ko kaya..."
Tahimik lang si Jeremy na nakikinig sa kanya pero makikita pa rin sa mukha nito na galit sya.
"Okey lang naman ako e, huwag ka ng magalit, please!"
Maluha luha sabi ni Eunice.
Pinilit ni Jeremy na kalmahin ang sarili nya. Ayaw nyang nakikita itong umiiyak at malungkot si Eunice.
Nang mapansin ni Eunice na hindi na ito galit, muli syang nagtanong.
"Uhmm... yung kaninang sinabi ko sa stage nadinig mo ba?"
Hindi sya sinagot.
'Bat ayaw nyang sagutin? Na shock nga ba sya sa sinabi ko?'
Akala ni Eunice hindi na ito magsasalita.
"Alam mo na ba?"
Tanong ni Jeremy sa kanya.
Yung pag punta nya ng America ang tinutukoy nito.
Naintindihan ni Eunice ang ibig sabihin ni Jeremy.
"Oo... Nadinig ko!"
"Huwag ka ng malungkot sa pag alis ko, hindi ko rin naman gusto na umalis pero kailangan!"
Napatingin si Eunice kay Jeremy. Hindi nya alam na may pinagdaraanan din pala ito.
Gusto nyang sabihin dito na ayaw nya itong umalis, na malulungkot sya pag hindi na nya sya makikita pero....
"Ayaw kong maging hadlang sa future mo!"
Sabi ni Eunice kay Jeremy.
At hindi na nito maiwasan na hindi maluha pero pinahiran nya agad ang pisngi nya para hindi mahalata ni Jeremy.
Huminto sa pagda drive si Jeremy. Tinanggal ang suot na relo.
Kinuha nya ang kamay ni Eunice at saka sinuot doon ang relo nya.
Ingatan mo 'to! Paborito ko yan!"
"Bakit?"
Nagtatakang tanong ni Eunice. Alam nyang mahalaga sa kanya ang relo dahil may sentimental value ito sa kanya. Kaya hindi nya akalain na basta nya ito ibibigay.
"Para hindi mo ako makalimutan!"
Saka nito kinurot ng bahagya ang matambok na pisngi ni Eunice.
Dati pag kinukurot sya nito naiinis sya, pero iba ngayon. Alam nyang ma miss nya ang kurot na iyon at dahil dalawang buwan na lang ay aalis na ito.
"Pwede ba akong humiling bago ka umalis?"
Tanong ni Eunice.
"Ano yun?"
"Pwede bang makasama kita kahit saglit lang sa isang araw?"
Tumango ito at pinaandar ulit ang sasakyan.
Inihatid nya si Eunice sa bahay nila. Ibinaba nito ang bike at sya na rin mismo ang nagbuhat papasok ng garage nila.
Masayang masaya si Eunice. Kitang kita sa mga ngiti nito na abot hanggang tenga.
"Huwag ka ng ma sad, hindi bagay sayo ang sad!"
Sabi ni Jeremy sa kanya.
Nang biglang..
"EUNICE NICOLE!!"