Pero syempre, dahil sa mahal na mahal ni Edmund ang asawa nyang si Nicole, wala itong nagawa ng tawagan nito si Jeremy kinabukasan ng umaga para sya na ang maghatid kay Eunice sa school.
"Kunsintidor ka din!"
Ito lang ang nasabi ni Edmund sa asawa.
Hindi naman sa kunsintidor si Nicole, konti lang.
"Honey, ikaw na rin ang nagsabi na malapit ng umalis ang bata papuntang America! Kaya anong masama kung pagbigyan mo ng kaunti ang kaligayahan ni Eunice. Tutal sa bandang huli tyak naman na maghihiwalay din sila!"
"Hmp!"
Hindi na nakapagsalita pa si Edmund kay Nicole. Alam nyang wala syang magagawa dahil si Nicole ang final answer.
Simula dumating si Jeremy, matatalim na ang tingin na ipinapakita nito na parang sinasabing: "I'm watching you!"
Walang alam si Eunice sa plano ng Mommy nya kaya nagulat sya ng makita si Jeremy sa labas ng bahay nila.
Hindi ito pinatuloy ni Edmund sa loob at binantayan nya ito sa labas, nakatayo at matyagang naghihintay!
Hindi tuloy alam ni Eunice ang gagawin nya ng makita ang daddy nya na nakatayo sa harap ng bahay at parang guwardiyang nakabantay kay Jeremy.
"Good morning Eunice!"
Nakangiting bati ni Jeremy sa kanya. Maganda ang mood nito at mukhang hindi na galit.
'Anong gagawin ko, andito si Daddy?!'
'Mag ha HI, ba ako?'
Pasikreto nitong tininingnan ang Daddy nya na seryosong nakatingin at hindi inaalis ang mata kay Jeremy.
Tumango na lang si Eunice at saka tumungo. Naalala nyang medyo namamaga ang mata nya dahil sa pagkakaiyak kagabi.
"Oh..Hon, bat hindi mo man lang pinapasok si Jeremy?"
Tanong ni Nicole kay Edmund.
"Bakit? kailang ko pa ba syang papasukin?
Ikaw? Gusto mo bang pumasok?"
Tanong ni Edmund kay Jeremy na may kasamang singhal.
"Hindi po Sir, wagna po! Okey lang po ako dito Tita!"
Halatang galit ang boses ni Edmund at nakakunot pa ang noo.
'Paano ko ba gugustuhin pumasok e halatang ayaw nya akong papasukin!'
"Good Morning po pala Tita Nicole!"
"Good morning din iho, pasensya ka na at naistorbo kita ng ganitong kaaga!"
"Okey lang po Tita wala pong problema!"
"Eunice, dahil sira ang bike mo, sumabay ka na muna kay Jeremy!"
"PO?!"
Namilog ang mga mata ni Eunice sabay tingin sa ama hindi alam ang gagawin.
Napansin ni Nicole ang pagaalinlangan ng anak.
"Huwag kang magaalala nagkakausap na kami ng Daddy mo! Diba Daddy?"
"Hmm!"
Sagot ni Edmund na hindi inaalis ang tingin kay Jeremy.
"Saka kasabay nyo rin naman si Earl!"
Iisa lang ang school nila, magkaiba ng building at magkaiba ng entrance.
"HA! Bakit po?!"
Nagmamaktol na tanong ni Earl.
"Kasi may pupuntahan si Mommy kaya sumabay ka muna kay Kuya Jeremy!"
Walang nagawa si Earl.
"Okey sige pero dun ako sa harapan si Ate Eunice sa likod!"
Sabay biglang tumakbo sa kotse ni Jeremy at sumakay sa harapan.
"..."
Napailing na lang si Nicole.
'Parehong pareho silang mag ama! tsk, tsk tsk!'
Tiningnan nya ang asawa.
Tuwang tuwa itong nakatingin kay Earl na parang sinasabing: "Good Job anak!"
At nag thumbs up pa ang mag ama.
Pag alis ng mga bata, hindi na nakapagpigil si Nicole.
"May pa thumbs up pa kayong mag ama ha!"
"Syempre sya ang nagiging bantay ko sa mokong na yun!"
"Ako na nga pala ang pupunta sa school para maireport ang pambu bully nila kay Eunice!"
Pagbabago ni Nicole ng usapan
"Mabuti pa nga at sa susunod na may mambully pa ulit sa baby ko ipapasara ko na yang school na yan!"
*****
Sa school.
Maagang nagsipasok ang grupo ng mga girls para salubungin si Eunice. Mga Grade 9 ito.
Nasa may gate sila ng school nag aabang.
Alam nilang sira ang bike nito kaya tyak maglalakad ito. May dala silang spray paint.
Walang nakakaalam ng stados ng buhay nila Eunice. dahil sa nagba bike lang ito, ang akala nila hindi ito mayaman.
"Girl, sure ka ba na maglalakad yun? Paano king ihatid ng mother nya?"
"E di pag alis ng mother nya natin gawin!"
"Saka wagkang magalala, di naman rich ang family nyan, hindi yan pakikinggan ng principal pag nagsumbong! Takot lang ni Mr. Principal mawalan ng sponsor!"
"Sure ko na hindi yan rich! Dahil kung rich yan, bakit sya nakikipag friends sa mga loser na kagay ni Mel?"
"Bakit, hindi rin ba rich si Mel?"
"Oo gurl! Balita ko OFW lang ang Papa nya at isang agent lang ng lupa ang Mama nya!"
"Oonga looser! Wala silang knows na rich ang famous people kagaya natin!"
"Eh, si Eunice? Knows nyo ba ang family nya?"
"Well, famous ang surname nya pero hindi ibig sabihin related sya sa famous Perdigoñez family!"
"Sure ko di sya related dun! Dahil kung related sya malalamang nasa exclusive school sya nagaaral!"
"Baka nakiki sakay lang ang family nya sa pagiging sikat ng surname nya!"
Nakangiti lang sa isang sulok ang grupo ni Miles. Tuwang tuwang inaantay ang nangyayari.
Sila ang nagsulsol sa mga batang ito para I bully si Eunice.
Bakit nga naman kailangan nilang kumilos kung meron naman kikilos para sa kanila.
'Kasalanan mo ito Eunice! Hindi mo kasi alam kung saan ka lulugar!'