Chereads / My Beautiful ... Me / Chapter 15 - Naguusap Ang Mga Tingin

Chapter 15 - Naguusap Ang Mga Tingin

"Anong nangyayari dito?!"

Tanong ni Teacher Erica ng makitang may nagkukumpulan mga estudyante sa harap ng classroom ng Grade 8 star section.

Kasama nito si Mel na nagtataka din.

'Anong meron at parang shock si Sister Eunice ko?'

Pagdating nila sa pinto.

"HUH?!"

"Susmaryosep, Jeremy! Sinong may gawa sa'yo nyan?"

Si Jeremy na punong puno ng malagkit at mabahong bagay mula ulo nya hanggang katawan nya ay hindi inaalis ang matalim na tingin sa isang babaeng estydyante.

Sya si Alicia, ang may hawak ng lubid kanina. Dahil sa sobrang shock, hindi ito makakilos at parang napako ang mga paa sa kinatatayuan.

Nakataas ang isang kamay ni Jeremy na may hawak na bag ni Eunice para hindi ito makapitan ng likidong bumuhos sa kanya.

Hindi nagsalita si Jeremy, itinuro lang nito si Alicia.

Mukhang naintindihan na ni Teacher Erica ang nangyayari.

Sa tingin nya para kay Eunice ang ginawa nilang trap pero si Jeremy ang nabiktima.

"Jonas, tawagan mo ang principal"

Utos nya sa isang estudyante na nasa labas at nakikiusyoso.

"Ikaw!"

Sabay turo sa isang estudyanteng lalaki na kanina pa may hawak ng cellphone. Halatang nagvi video ito.

"Amina ang cellphone mo!"

Nagulat ang estudyante.

'Lagot! Mukhang nalaman nya na nag vi video ako!'

"Huwag kayong magalala, hindi ako galit sa pagvi video nyo, gusto ko lang makita ang totoong nangyari! Hindi kita idadamay dito!"

Walang nagawa ang estudyante kundi ibigay ang cellphone.

Nang mapanood, nagpupuyos ito sa galit. Sa lahat ng ayaw ni Teacher Erica ay ang bully.

Nuong estudyante pa kasi ito naranasan din kasi nyang ibully ng mismong teacher nya.

"Anong nangyayari dito Ms. Erica?!"

Tanong ng principal.

"Jeremy?!"

"Jusmiyo!"

"Sinong may gawa nito sa'yo?!"

Muli itinuro nya si Alicia at ipinakita naman ni Teacher Erica ang video.

Galit na galit ang principal.

"Dalhin mo ang involve sa office ko Ms. Erica!"

Sabay tingin kay Jeremy.

"Pwera sa'yo Jeremy... Clean yourself first bago ka sumunod sa office ko!"

Sabay takip sa ilong nya.

Bumabaligtad na ang sikmura nya sa naamoy nya.

Kanina pa gustong lapitan ni Eunice si Jeremy. Awang awa ito sa sinapit ng mahal nya dahil sa kanya. Pero pinigilan sya ni Jeremy.

Inabot niti ang bag ni Eunice sa kanya saka ngumiti ito na parang nagsasabing: "Okey lang ako, huwag kang magaalala!"

Tumango si Eunice sa kanya na parang nagkakaintindihan ang mga tingin nila.

Napakurap ng ilang beses si Mel ng makita ang usapan ng tingin ng dalawa.

'Ano ito?! May sinisecret ba sa akin itong Sister ko?'

'Kagabi lang magkausap kami at hindi maawat sa pagiyak dahil pinagbawalan ng Daddy nya na makipagkita kay Jeremy, tapos ngayon may front seat na.. nagholding hands pa tapos.. nagusap ang mata nila?!'

Siniko nito ang kaibigan.

"Grabe Sister, ang haba ng hair mo! Ayun oh, malapit ng umabot sa highway!"

Tinawag na ni Teacher Erica lahat ng involve kasama pati si Eunice.

"Pati ikaw Mel, sumama ka na rin!"

"Po?! Bakit po pati ako?"

"Diba na bully ka din kanina at nadinig mo ang sinabi ng mga yun? Irereport din natin yun para matigil na ang bullying na ito!"

"Ikaw kasi, bakit mo sinabi ang signal natin!"

Tanong ni Alicia sa mga kasama nya.

"E, hindi naman ako ang sumigaw ng " si Jeremy yang dalawang yan!"

"Gusto ka kasi namin pigilan! Sinigaw namin yun para sabihin sayo na andyan si Jeremy!"

Habang papuntang office, tinext ni Teacher Erica si Nicole ang Mommy ni Eunice.

Erica: "Ate Nicole, need mo magpunta ng school sa office ng principal!"

Nicole: "Ha? Bakit?!"

Erica: "Si Eunice. ASAP!!!"

Kinabahan si Nicole. Papaalis sana ito para mag grocery ng ma received ang text ni Erica.

Natataranta itong nagpunta sa school na hindi na ulit nagpalit ng damit.

Sa principal's office.

"Sir Principal, tatawagan ko na po ba ang mga magulang ng bata?"

Tanong ni Teacher Erica sa kanya.

Gusto nyang tawagan ang mga magulang ng batang involve para maging aware ang mga ito sa mga maling ginagawa nila, pero hindi naman sinabi ng principal sa kanya, kaya hindi sya nag kusa. Ayaw nyang pangunahan ang principal.

Napakunot ang noo ng principal.

Totoong galit sya sa nangyari pero wala syang planong palakihin ito.

Ang mga magulang ng batang involve ay anak ng malalaking sponsor ng school at yung iba ay galang sa isang maimpluwensyang pamilya. Kaya paano nya ito palalakihin.

Baka mawala ang tiwala nila sa school at alisin ang mga batang ito dito.

'Sayang naman, dahil nasa star section lahat ng ito!'

"Huwag na Ms. Erica, ako na ang bahala dito! Go back to your class!"

"Pero Sir, half of my class is here! Hindi ko sila pwedeng basta iwan! Saka meron pa akong isang irereport sa inyo besides this!"

Naiirita na ang principal sa Teacher na ito. Masyado syang seryoso sa advocacy nya na STOP BULLYING!

'Heto na naman sya! Tyak na hindi ako nito titigilan hanggat hindi ako gumagawa ng aksyon!'

Ang problema ng principal, lahat ng nirereport na bully sa kanya ni Teacher Erica, puros may sinabi ang family background.

Knock! knock! knock!

"Principal Perez, andito po sa labas ang Mommy ni Eunice!"

Sabi ng secretary nya.

Nagtaka ang principal.

'Bakit andito sya? Paano nya nalaman ang nangyari? Sinong nagsabi sa kanya?'