Chereads / My Beautiful ... Me / Chapter 21 - Nang Dahil Kay Daddy

Chapter 21 - Nang Dahil Kay Daddy

Nang dahil kay Edmund, nabulabog ang pamilya ni Jeremy.

Nakipag appointment ang Lolo ni Jeremy na si Lemuel kay Edmund dahil umabot din sa kanya ang kumalat na video ni Eunice na nagpo propose kay Jeremy kahapon.

Simula pagkabata boto na si Lolo Jeremy kay Eunice. Hindi dahil sa isa itong Pedrigoñez kung hindi dahil hindi ito katulad ng ibang kabataang babae na puro arte ang alam sa katawan at ang papayat! Akala mo hindi nagsisikain sa kapayatan! Mga malnourished!

Kaya ng mabalitaan nya sa manugang nyang si Elsa na Mama ni Jeremy, na nagpunta ito kila Edmund para sunduin si Eunice, pumapalakpak ang tenga nya.

Agad nyang niyaya ng lunch si Edmund.

"Kailangan na namin ayusin ang future ng dalawa sa ayaw at sa gusto ni Edmund!"

Kaso, hindi nga nangyari dahil bigla ngang umalis si Edmund at nagpunta sa ospital.

Pagkababa ng telepono, agad nitong tinawagan ang manugang nya.

"Elsa, pumunta ka sa ospital, nilusob daw ang apo ko!"

"PO? Ano pong nangyari? Napano po si Jeremy?!"

"Huwag ka ng magtanong at hindi ko rin alam ang sagot!

Basta ang alam ko magkasama silang nilusob ni Eunice sa ospital!"

Kung ano ano na ang pumasok sa isip ni Elsa pagkarinig na nilusob sa ospital ang anak at si Eunice

'Kaninang umaga lang nagpaalam itong pupunta kila Nicole para sunduin si Eunice. Tapos ngayon nasa ospital na?!'

Kinabahan ng sobra si Elsa.

"Jusko! Huwag naman po sana!"

Kaya nagulat si Nicole ng makitang humahangos si Elsa pagdating ng ospital.

Sa sobrang taranta nito, mabilis nyang pinatakbo ang sasakyan hanggang sa makarating sa ospital. Tapos ay tinakbo nya ang hagdan para makarating agad sa silid ni Jeremy dahil hindi na nya maantay ng elevator.

"Sis, anong nangyari sayo? Bakit ka humahangos dyan?!"

Nagtatakang tanong ni Nicole sa kaibigan.

"Si Jeremy? Nasaan ang anak ko?!"

"Anong nangyari sa anak ko?!"

Tanong ni Elsa kay Nicole.

"Ma?!"

"Ano pong ginagawa nyo rito?"

Hiniling nito kanina na huwag ipapaalam sa ina na nasa ospital sya para hindi ito magaalala. Kaya paano ito nalaman ng Mama nya?

Agad syang inakap ng ina at saka pumalahaw ng pagiyak.

"Waaah! Anak ko, anak ko!"

Nataranta si Jeremy sa pag hagulgol ng ina kaya inakap nya ito at inalo alo na parang bata.

Likas na malambing si Jeremy sa ina kaya boto si Nicole dito.

"Ma, tama na po...okey na po ako! Tahan na po!"

"Nagkaroon lang ako ng allergic reaction sa patis at itlog!"

"Pano ako tatahan! Anong ba talagang nangyari sa'yo?!"

Tanong ng ina.

At muli syang inakap ni Jeremy.

"Teka si Eunice? Asan si Eunice?"

Nagaalala tanong ni Elsa.

Ang sabi ng biyenan nya pareho daw silang nilusob sa ospital.

"Tita Elsa! Mano po!"

Nilapitan sya ni Eunice ng madinig ang pangalan nya.

Nilapitan din sya ni Mel at nagmano. Pinakilala sya ni Eunice na classmate nya at friend nya.

Nagulat si Elsa ng makitang walang sugat o galos si Eunice at halatang okey lang sya. Pagkatapos ay inilipat nya ang tingin kay Jeremy.

"Okey ... lang ... kayo?"

"Opo!"

"Hindi kayo naaksidente?"

"Hindi po!"

"Bakit Elsa? Sinong nagsabi na naaksidente sila?"

Tanong ni Nicole.

Nang biglang pumasok si Edmund.

"Asan ang baby ko?!"

Bungad na tanong nito sa lahat ng naruon at saka hinanap ang ang anak.

"SIYA!"

Sabay turo ni Elsa kay Edmund.

"HA?!"

Nagtataka si Edmund kung bakit sya tinuturo ni Elsa. Kadadating lang nya.

"Bakit anong problema nyo sa akin?"

Tanong ni Edmund sa mga nakatingin sa kanya.

"Ikaw kaya ang nagsabi sa Papa na naaksidente ang mag jowang yan!"

Sagot ni Elsa.

Magjowa?!

Sinong magjowa?!

Nagkasalubong ang tingin ni Eunice at Jeremy sabay bawi.

Agad na tumingin sa magkabilang direksyon. Parehong kumakabog ang dibdib.

Napataas ang kilay ni Mel ng makita ang awkward reaction nilang dalawa.

'Hmm! Mag jowa na sila? Pero bakit hindi man lang nababanggit ni Sister sa akin?'

"Teka wala naman akong sinabing ganuon kay Uncle Lemuel! At sinong mag jowa?"

Nakakunot ang noong tanong ni Edmund kay Elsa.

Napalunok si Jeremy. Kinakabahan.

Si Eunice naman ay tumakbo sa likod ng Mommy nya.

"Mommy!"

Takot itong nagtago sa likod ng ina, humihingi ng saklolo dahil ramdam nya malapit ng mapraning ang Daddy nya.

"Yun ang sinabi sa akin ng Papa! Sya ang nagbalita sa akin na nilusob daw ni Nicole si Jeremy at Eunice sa ospital!"

"Gusto mo bang tawagan ko sya at itanong natin sa kanya?!"

Hamon ni Elsa sa pagdududa ni Edmund.

Naiinis ito sa mga tingin ni Edmund sa kanya at kay Jeremy.

Ang hindi alam ni Elsa ang ikinaiinis ni Edmund ay nung sabihin nitong mag jowa na ang dalawa.

'Hmp! baby pa si Eunice ko! Anong mag jowang sinasabi nito?!'

'Nek nek nyo!'