"Teka! Teka lang! Taympers!"
Awat ni Nicole sa dalawang tigre sa harapan nya.
'Jusmiyo itong dalawa! Hindi na nahiya sa mga bata!'
Ganito talaga ang dalawang ito kapag nagkikita parang laging naghahamunan.
Pero deep inside they care for each other, ayaw lang nilang ipahalata dahil wala sa kanila ni isa na magpatalo.
Sanay na si Eunice at Jeremy sa dalawa pero hindi ang kaibigan nitong si Mel. Natakot ito sa mga palitan ng matatalim na tingin ng Daddy ni Eunice at Mommy ni Jeremy.
"Sabi ko tumigil na kayo!!!"
"Haist! Hindi na kayo nahiya sa mga bata! May bisita tayo oh!"
Saka lang humupa ang dalawa ng makitang natatakot na si Mel sa kanilang dalawa.
"Sino sya?"
Tanong ni Edmund.
"Bestftiend ni Eunice, hindi mo alam?"
Sarkastikong sabi ni Elsa.
Napikon si Edmund.
"Lintek na babeng ito...., magtatanong ba ako kung kilala ko! Hmp!'
" Hon, diba may lunch date ka with Uncle Lemuel? Hindi ba natuloy?"
Pagiiba ni Nicole ng usapan.
Napatigil si Edmund saka nagisip.
'Oonga pala!'
Sa totoo lang nakalimutan nya pero ayaw nyang aminin sa harap ni Elsa.
Nahalata sya ni Nicole.
"Buti pa sabay sabay na tayong mag lunch!"
Nag book si Nicole ng isang private room sa isang sikat na restaurant.
Doon sila kinatagpo ng Lolo ni Jeremy.
At sa tulong ni Mel, ikinuwento nito ang buong pangyayari sa lahat ng naruruon. Natutuwa sila sa mala emosyonal na kwento nito. Pero naiinis din sila dahil sa mga nangyari kay Eunice.
"Eunice gusto ko yang friend mo! Lagi mo na yang isama sa mga gatherings natin ha!"
Sabi ni Elsa.
"Salamat iho, dahil sa iyo, nalinawan namin ang lahat!"
"Ano bang nangyayari sa school na yan? Hindi naman yan ganyan dati ah!"
Tanong ni Edmund.
"Pakisabi kay Ames kailangan nyang ayusin ito!"
"Hindi ako makakapayag na imbis maatuto ang mga estudyante e pambubully ang alam!"
Galit na si Edmund.
Kaya walang nagawa si Uncle Lemuel kungdi tawagan ang anak nyang si Ames na kasalukuyang nasa Australia ngayon.
Hindi nya ito pwedeng basta pabayaan dahil hindi tatahimik itong si Edmund.
Hawak nya ang pangalawa sa pinakamataas na share sa school.
Katunayan, kasosyo sya ni Ames sa school na ito ng itinayo nya. Pero sila lang ang nakakaalam. Kahit si Eunice hindi rin ito alam.
Hindi nga rin alam ni Eunice kung gaano kayaman ang Daddy nya.
At si Mel, masayang masaya sya dahil kasama nya ngayon ang family ng best friend nya at ang family ni Jeremy.
'Tyak na maraming mawiwindang kapag nakita nilang magkasama si Eunice at Jeremy pati family nya.'
"Jeremy pakuha naman tayo ng picture! Pwede ba?"
"Oo naman!"
Buong ngiting sagot ni Jeremy sa kanya.
"Sister, pakikuhanan mo nga kami ng pic ni Jeremy mo! Please!"
At kinuha nito ang cellphone ni Mel at kinunan sila ni Jeremy.
Sabay post sa fb na may caption
"Close na kami ..... e kayo? Hanggang pangarap na lang ba?
Sino ngayon ang loser?"
Nabulabog na naman ang chatroom.
"Waaah! Look look! Nangiinis ang caption nya!"
"Grabe na to! Anong ginawa nila kay Papa Jeremy para itreat siya!"
"This is so unfair! Una yung balyenang Eunice na yun at ngayon itong loser na to! Bakit ganuon!"
"Huwag kayong magaalala naayos na ang plan para makaganti na tayo sa dalawang yan!"
"Oo, and this time hindi natin gagawin sa school para hindi tayo ma office kagaya ng nangyari sa star section ng Grade 8!"
*****
Samantala sa chatroom ng grupo ni Miles, nanggagalaiti ito sa galit at lahat na ginawa ng mga kagrupo nya para pakalmahin sya.
Matagal ng panahon na nagpaparamdam sya kay Jeremy para makasama nya ito kahit makasabay man lang sa corridor. Pero laging ilag si Jeremy sa kanya.
Lahat ginawa na nya para mapalapit dito, kahit uncle nya na coach nila sa basketball ay hiningan na rin nya ng tulong para makorner nya si Jeremy. Pero sadyang mailap ito.
Tapos ngayon makikita nya ang picture ni Jeremy na kasama si Mel sa isang restaurant? At nakangiti pa ito?
Maraming nangarap na mangyari ito, hindi lang sya. Kaya marami ang nainis ng ipost ni Mel ang picture nya with Jeremy na masayang kumakain sa isang restaurant.
Inggit na inggit sya! Inggit na inggit din silang lahat na may pagnanasa kay Jeremy.
"Gumawa kayo ng paraan para siraan ang Mel na yan! Wala syang karapatan na maging close kay Jeremy!"
Pagkatapos mag lunch, inaya si Mel ng Mommy ni Eunice para magstay muna sa bahay.
"Mel, ako na ang maghahatid sayo pauwi! Gusto ko rin kasing makilala at makausap ang Mommy mo!"
Nagulat si Mel ng pumasok sila sa isang exclusive subdivision. Ang akala nya ay ihahatid lang nila si Jeremy pero hindi nya inaasahan na dito rin pala nakatira si Eunice.
Pagdating ng bahay nila Eunice, nadinig nyang tumunog ng sunod sunod ang cellphone nya.
"Ano 'to?"
"Anong problema ng mga hitad na ito?"