Chereads / My Beautiful ... Me / Chapter 25 - See You @ School

Chapter 25 - See You @ School

Nag feeeze ang lahat ng makitang sumagot si Jeremy. Nandilat ang mga mata at nakamulaga sa screen at cellphone nila. Daig pa nila ang nakakita ng multo.

"Si..si... Jeremy ..ba talaga yan...?"

"Sure ka..ba .. na ...totoong si Papa Jeremy yan...?"

"Yan nga ba ang account ni Jeremy Idol..? Sigurado ba kayo...?"

"Hindi... Hindi totoo yan..Huwag kayong basta maniwala dyan! Fake yan!"

"Baka may ibang tao na gumaya sa account nya at nagpapanggap na si Jeremy?"

"Baka na hack ang account ni Jeremy?"

"Oonga! At siguro yang unggoy na yan ang nag hack sa account ni Jeremy!"

Lahat sila ito ang paniniwala dahil ito ang gustong tanggapin ng isip nila.

"Hahaha! Nakakatuwa kayong mga feeligera! Nasa harap na ninyo ang katotohanan pero hindi nyo pa rin matanggap! Pano pa kaya kung ...."

"Hoy unggoy! Anong feelingera?"

"At ano yang kung.. kung.. mo dyan ha?"

"At saka, totoo naman na pwedeng ma hack ang account ni Jeremy ah!"

"Oonga! At pagnalaman ito ni Jeremy, lagot ka! Tingnan ko lang kung makatawa ka pa dyan!"

"Well that's for me to know ang for you to find out!" (Insert smiling emoji with teeth).

Sagot ni Mel sa mga basher nya.

Sasagot pa sana sila pero nakita nilang sumagot ulit si Jeremy.

Mel,

Wala akong pakialam kung ayaw nilang maniwala sa friendship natin basta pag may nambully sayo sabihin mo agad sa akin, akong bahala! Mananagot sa akin yang mga nambubully sayo!

Sige see you @ school!

@Jeremy

Natataranta ang mga namba bash kay Mel, pumasok sila sa loob ng chatroom para doon magusap.

Grade 10 chatroom.

"Guys, huwag na kayong mag ingay sa labas, lalo na sa post ni Mel!"

"Oonga guys! Huwag na tayong makisawsaw sa Grade 9 at Grade 8 at baka totoong si Jeremy yan mapahamak pa tayo!" Hayaan na natin sila!"

"Yes, basa basa na lang tayo! Mahirap na!"

Sa chatroom ng Grade 9

"Guys, totoo bang account ni Jeremy yun?"

"Ewan ko pero pina follow ko si Jeremy at yang account na yan yun!"

"Ibig sabihin ba nun totoong close sila ng unggoy na yun? Bakit? Paano nangyari yun?!"

"O, HINDEEE!"

"Guys! guys! Kalma lang kayo!"

Sabat ni Pam ang isa sa grupo ni Miles. Ito ang laging nagbubuyo sa kanila kaya malakas ang loob ng Grade 9.

"Ay si Ms. Pam!"

"Ms. ano na po ba talaga ang nangyayari, totoo bang account ni Jeremy yun?"

Pam: "Oo guys totoong account ni Jeremy yan pero hindi naman natin alam ang buong kwento bakit sya malapit kay Mel! Feeling ko kasi may reason si Jeremy kaya nya ginagawa yun!"

"Ay tama si Ms. Pam! binasa ko ulit ang comments ni Jeremy at sabi nya nagpapasalamat sya diba? Baka natulungan sya nung unggoy kaya nagpapasalamat sya?"

"Malamang sinadya ng unggoy na Mel na yan na magkaroon ng utang na loob si Papa Jeremy sa kanya!"

"Siguro nga! Haay kawawang Jeremy nagamit ng hindi nya alam!"

Sa silid ni Eunice.

"Oh, anong nangyari sa mga hitad? Natataranta na naman kay Jeremy!"

"Paano pag nalaman nila na hindi lang ako ang kasam ni Jeremy kungdi pati ikaw? Hehe!"

"Besh tama na yan! Dika ba napapagod? Wala naman patutunguhan yang ginagawa mo, mauubos lang oras mo magiinit pa ang ulo mo!"

At tumayo na si Eunice at nagtungo sa isang cabinet nya.

Napamulagat si Mel ng makita ang laman ng cabinet na yun.

"Sister bakit meron kang grocery sa loob ng room mo?"

"Shhh!... huwag kang maingay! Hindi ito alam ni Mommy! Halika na dito pumili ka ng gusto mo!"

"Grabe Sissy halatang ayaw mong magutom!"

*****

Kinabukasan, maaga pa lang papunta ng bayan ng San Miguel si Ames.

Nakakuha sya ng 10 pm flight kaya alas syete pa lang nasa expressway na ang ni rent nyang sasakyan. Gusto nyang makarating ng school bago sana mag flag ceremony pero hindi nya inaasahan na me traffic na ng ganung oras kaya dumating sya ng school ng 7:45. Katatapos lang ng flag ceremony.

Nagulat sila ng biglang may humintong rental car sa lobby ng mismong school.

Sa loob ng room ng principal, busy ito na kinakausap ang assistant nya para magawan nila ng paraan na hindi magreklamo si Jeremy sa mg Grade 8 students.

"Sir, sa tingin nyo ba magrereklamo si Jeremy sa Tita nya? Diba mainit ang dugo nun kay Jeremy! Kung nagsumbong na yun tyak tinawagan ka na ni Ms. Ames!"

"Hindi ako sure kung magsusumbong si Jeremy. Pero may paano kung malaman nya sa iba? Mabuti na ang nagiingat!"

Sa labas ng office ng principal.

"Andyan ba ang principal?"

Nagulat ang secretary ng magtanong si Ames. Hindi pa nya ito nakilala. Napataas ang kilay nya.

'Sino ba ito babaeng ito? May pagka arogante!'

"Bakit Miss, may appointment ka ba?"

"Wala! Tinatanong lang naman kita kung nandyan sya! Anong problema mo?"

"Pero hindi mo pwedeng kausapin ang principal kung wala kang appointment! Bakit sino ka ba?"

"Ako? Ako si Ames! E, ikaw, sino ka? Sinong nag hire sa'yo?"

Napipikon na ang secretary sa kausap.

'Ano bang pakialam ng taong ito kung sino ang nag hire sa akin!'