Chereads / My Beautiful ... Me / Chapter 23 - Basher

Chapter 23 - Basher

Napanganga si Mel ng makita kung gaano kalaki ang bahay ni Eunice.

'Grabe! Hardin pa lang nila kasing laki na ng bahay namin! Ang layo sa gate nila sa bahay!'

Dahan dahan ang pag hakbang ni Mel sa papasok ng bahay nila Eunice, nagaalala na baka sya makabasag magalit ang Daddy at Mommy nya sa kanya.

Kanina pa nya pinagmamasdan ang kaibigan. Wala syang makikita kahit konting astang mayaman sa kaibigan nyang ito.

Kung meron man na mahahalata kay Eunice na yayamanin ang family nito, yan ang pagiging medyo chubby nya.

Hindi naman talaga obese si Eunice gaya ng nasa isip ng mga nambubully sa kanya. Chubby lang talaga sya. Dala siguro ng baby fats nyang hindi pa natutunaw.

Pero sa mga mata ng mga maarte nyang ka school mate, isa lang ang tanggap nila. Pag hindi ka kasing payat nila mataba ka! Period!

Nung Grade 7, nung unang pasok nya sa school, mataba talaga sya. Maliit din kasi sya nuon.

Pero ngayon, pagkatapos ng isang taon, malaki na ang itinaas nito pero pareho pa rin ang timbang nya.

Ganito rin ang Mommy nyang si Nicole nuong bata pa ito.

Kaya hindi na nagtataka pa si Nicole, kung unti unting mawawala ang baby fats ng anak habang tumangkad ito.

DING DING DING.....

Nagulat sila sa sunod sunod na tunog sa cellphone ni Mel. Mukhang sunod sunod ang messages nya.

"Mel, baka Mommy mo na yan! Baka hinahanap ka na!"

Nagaalalang tanong ni Nicole.

"E, Mommy Nicole hindi po!"

Natutuwa si Nicole sa batang ito lalo na pag tinatawag syang Mommy Nicole.

"Mom, dun po muna kami ni Mel sa room!"

"Okey sige, gagawa ako ng meryenda! Tawagin ko na lang kayo pag prepared na!"

Napaisip si Mel.

'Diba kakakain lang namin ng lunch tapos ngayon meryenda naman?'

'Ay! no wonder ganito ang katawan ni Sister! Alagang alaga ni Mommy Nicole!'

Pagka pasok sa room ni Eunice, natataranta na naman si Mel.

'Nasaan ako?'

"Besh! Ano ba, para kang namatanda dyan!"

Hinila sya ni Eunice sa bed nya.

"Sister, ang laki ng room mooo..!!!

Sabay ikot ng dahan dahan.

"Mas malaki pa ata sya sa simbahan sa may amin!"

Eunice: "..."

'Grabe talaga itong si Mel, ang OA mag describe!'

DING DING DING....

Sunod sunod na naman ang natanggap na notif ni Mel.

Nagtataka na si Eunice.

'Sino kayang ka chat nito?'

"Sino ba yan, Beshy, secret admirer mo?! Basahin mo na nga!"

"Hindi luka luka!"

"Galing sya sa mga basher ko na mga basher mo rin! He he!"

"Naainggit ang mga hitad sa pic namin ni Jeremy!"

Dali daling kinuha ni Mel ang cellphone nya.

"O, Sister basahin mo! Basahin mo ang mga comments ng mga talanding hitad!"

At kinuha nito ang cellphone ni Mel at isa isang binasa ang mga comments.

"Hmp! Baka naman fake yan! Uso ngayon ang edited!"

"Sure fake news! Bakit ka naman pagaaksayahan ni Jeremy baby ko ng time? Walang hilig sa mga unggoy yun na katulad mo! Dapat sa'yo na zoo kasama ng mga unggoy na katulad mo!"

"Alam ba ni Jeremy yan? Baka mademanda ka sa pag upload mo ng walang pahintulot! Paging @Jeremy!"

"Totoong edited ang pic na yan! Tingnan mo si Jeremy, may parang pantal! Siguro naghanap sya ng medyo hawig kay Jeremy tapos inaayusan at nilagyan ng makeup para maging hawig kay Jeremy!"

Bakit kasi nag papanggap ang isang unggoy dyan na close sila ni Jeremy? As if my pakialam si Jeremy sa kanya!"

"Ang mga taong katulad ni Jeremy ay sobrang busy! Hindi yun magaaksaya ng panahon sa mga katulad mong Loser!"

"Huwag mo ngang gamitin ang pangalan ni Jeremy! Kahit yang pangalan mo walang karapatan maitabi sa pangalan nya, ikaw pa kaya?!"

Habang binabasa ni Eunice ang mga comments pagrabe ng pagrabe ang sinasabi nila sa kaibigan. Nasasaktan sya.

Hindi ganito ang pagkakakilala nya sa kaibigan.

"O bakit ganyan ang fezluk mo Sister?"

"Natatakot kasi ako, baka kung ano ang gawin nila sa'yo!"

"Huwag kang magaalala Sister, ako pa! Panoorin mo!"

At kinuha ang cellphone nya at nag type.

"Hello mga feelingera! Wala akong pakialam sa pinagsasabi nyo! At higit sa lahat, hindi ko kailangan patunayan sa inyo ang pic na yan?! Bakit sino ba kayo? Close ba kayo kay Jeremy?"

"Hoy unggoy! Dapat lang na pantunayan mo kung totoo yang pic sinisira mo ang magadang image ni Jeremy love! Hmp!"

"Hoy Alicia, bago ka magsalita dyan at makahingi ng katarungan na akala mo ikaw ang biktima, bakit hindi mo muna tanungin ang sarili mo kung makatarungan bang pagkatapos mong buhusan ng patis at itlog si Jeremy e makakalusot ka!

Nilusob namin si Jeremy kanina dahil nagkaroon sya ng allergy sa ginawa mo! Alam mo bang muntik na syang mamatay sa allergy na yon?!"

Natataranta sa takot si Alicia.