Chereads / My Beautiful ... Me / Chapter 16 - Nagsisi?

Chapter 16 - Nagsisi?

'Bakit andito sya? Paano nya nalaman kaagad ang nangyari Sinong nagsabi?'

Napatingin ang principal kay Eunice.

'Marahil ang batang ito ang nagsabi?'

'Kawawang bata! Mother lang nya ang pwede nyang hingan ng tulong sa mga oras na ito!

Awang awa ang principal kay Eunice dahil poorita ito sa paningin nya.

Well, si Ms. Pedrigoñez lang naman yan... Not so important.'

'Baka nag wo worried lang sa anak nya!'

"Sabihin mo mag antay! May mga kausap lang ako!"

Nadismaya si Teacher Erica sa principal ng hindi nito pinapasok si Nicole.

'Buti na lang naka pag text agad ako kay Ate Nicole! Malamang walang planong ang principal na iparating ang nangyari sa magulang at baka wala din itong plano na bigyan ng punishment ang mga bata!'

Sa labas ng principal's office...

"Mrs. Pedrigoñez, maghintay daw po muna kayo dahil may mga kausap pa sya!"

"Ms. Secretary, pwede bang Nicole na lang!

Saka gusto ko lang malaman kung nasa loob ang anak ko!

Galing kasi ako sa classroom nya at wala sya don.

Dinala daw ni Teacher Erica dito!"

Nagaaalalang sabi nito.

"Yes Ms. Nicole, nasa loob nga po ang anak ninyo pero hindi ko po alam kung bakit!"

Hindi na nito sinabi ang dahilan. Mas maigi na wala syang alam.

"Tita Nicole!"

Napalingon si Nicole ng madinig na may tumawag sa kanya.

"Jeremy!"

Tuwang tuwa ito ng makita si Jeremy pero napa hatching ng malapit na ito.

"Ano yung naamoy ko?"

At hinanap nito ang amoy

Napakamot sa ulo si Jeremy.

"Tita, ako po yun!"

"Bakit, anong nangyari?

Bakit naging ganyan ang amoy mo? Hindi naman ganyan ang amoy mo ng sunduin mo si Eunice kanina!"

Napataas ang kilay ng Secretary sa sinabi ni Nicole.

'Ano? Si Jeremy ang sumundo sa Eunice na yon?!'

Isa sya sa nadismaya sa ginawa ni Eunice kahapon sa stage at isa din sya sa humusga sa bata pati sa paraan ng pagpapalaki ng magulang nito.

'Hindi kaya itong si Ms. Nicole ang nagudyok sa anak nya na gawin iyon ginawa nya sa stage.'

'Malamang ang plano nito ay pikutin si Jeremy para maikasal si Eunice sa mayamang pamilya!'

'Hmp! Kung umasta akala mo mukhang walang malay may masama palang balak!'

Habang nagkukwento si Jeremy kay Nicole, pasama ng pasama naman ang tingin ng secretary sa kanya. At napansin yon ni Nicole, pero hindi nya pinahahalata.

"Tita, buti pa sabay na po tayong pumasok sa loob!"

At inalalayan na sya ni Jeremy pero inawat sya ng secretary.

"Teka Jeremy, ikaw lang ang pwedeng pumasok, hindi sya!"

"Bakit?"

Tanong ni Jeremy

"Kasi hindi naman sya involve!"

Napataas ang isang kilay ni Nicole.

'Loko 'to, minamaliit ako! Ingudngod ko kaya ang nguso nito!'

"Teka lang Ms. Secretary. Kung hindi ako nagkakamali sinabi mo na andun sa loob ang anak ko? Tama!"

"Yes, Ms. Nicole andun nga sya!"

"Ngayon tatanungin kita, ilang taon na ba ang anak ko?"

"Fourteen!"

"So ibig sabihin minor sya! So natural lang na kailangan nya ng guidance sa mga ganitong kaso at ako ang magulang nya!"

"Teka, Ms. Nicole, simpleng kulitan lang ito ng mga bata! Bakit pinalalaki mo?!"

"Hindi bullying ang tawag mo dito? Gusto mo bang tumawag ako ng pulis para malaman natin kung bullying ito! Tapos tatawag na rin ako sa DECS sa baranggay sa city hall at sa Violence against Women and Children! Tapos ilalagay ko sya sa social media para malaman natin kung hindi ito bullying!"

"Ano sa palagay mo?"

Natameme ang Secretary dahil sa diredretsong litanya ni Nicole. Naghahagilap sya ng idadahilan. Pero bago sya makapagisip, nakapasok na sila sa loob ng office ng principal.

Nagulat ang lahat sa pagbukas ng pinto.

"Mommy! Huhuhu!"

"Bakit ka umiiyak?"

*****

Kanina habang nasa labas si Nicole, sinimulan ng kausapin ng principal ang mga bata para naka balik na sila sa klase nya.

"Alicia, ano bang dahilan bakit ninyo ginawa ang bagay na iyon kay Jeremy?"

"Sir, hindi naman po namin alam na pupunta si Jeremy sa room namin!"

"Hindi naman po namin yun ginusto!"

Para silang mga maamong tupa sa harapan ng principal lalo na ng tingnan sya ng mga ito na akala mo iiyak na.

"Pero napahamak si Jeremy sa ginawa ninyo!"

"Aminado naman po kami na mali ang ginawa namin at nagsisi na po talaga kami!"

"Since umamin na kayo sa ginawa ninyo at pinagsisihan nyo na ito, gusto na humingi kayo ng tawad kay Jeremy at mangakong hindi na muling uulitin ito!"

"Opo Sir Principal, nangagako po kami!"

"Buti naman nagkakaintindihan na tayo! You can go back to class now ang write a letter of apology to Jeremy!"

Nadismaya sila Eunice at Mel lalo na si Teacher Erica.

"Mr. Principal, sandali lang po! Nakita nyo naman po na si Eunice talaga ang target nila at hindi si Jeremy! Ibig sabihin plinano nila ito! This is definitely bullying! Pero wala kayong planong gumawa ng aksyon about this? Hahayaan nyo na lang ito?"

"Ms. Erica, katorse lang ang mga batang yan at nakikita mo naman na nagsisi na sila at nangakong hindi na ito uulitin!"

"Anong gusto mo dalhin sila sa presinto para magtanda?!"

"Sir, hindi ko naman sinabing ganun pero di mo ba man lang sila bibigyan ng punishment like clean the room! Tutal sila naman ang nagkalat doon!"

Hindi makapaniwala ang principal sa sinabi ni Erica.

Paano nya uutusan ang mga ito e mga senyorita sila sa bahay na hindi man lang marunong maglinis ng silid nila.

"Enough!"

"Alam mo ang pinagmulan ng bullying na ito ay ang ginawa ni Eunice kahapon! Kaya kung meron man dapat bigyan ng punishment dito dapat si Eunice yun!"

Takot na takot si Eunice.

Napaiyak na ito.

Biglang bumukas ang pinto.