Chereads / My Beautiful ... Me / Chapter 19 - Yun Na Yon!

Chapter 19 - Yun Na Yon!

Natahimik ang buong paligid sa sinabi ni Nicole, pero hindi ang mga kalooban ng mga naruon.

Nag pupuyos sa galit ang mga nambubully kay Eunice dahil tinamaan sila sa deretsahan pagkakasabi ng Mommy nito na 'wala silang karapatan dahil nakikunuod lang sila!' Napahiya sila kaya umuusok ang mga ilong nila sa inis.

Gusto nilang sumagot pero wala silang maisagot.

'Hmp! Akala nila kung sino sila! Sasabihin ko kila Mommy at Daddy ko 'to!'

Natutuwa naman si Erica pero hindi nito pinahalata. Kilala nya si Nicole simula pa nuong bata pa sya, alam nyang mapagpatol ito.

Ang principal naman ay inis na inis dahil sa hindi nya maawat at hindi nya masagot na mga sinabi ni Nicole.

Hindi nya akalain na ganito pala ang ugali nitong Mommy ni Eunice, walang preno ang bibig.

'Grabe! walang busina, derederetso! Hindi ba nya kilala ang pamilya ng mga batang ito?!'

Napuno ng tensyon ang buong paligid.

Maging ang mga ususero at ususera na classmate ni Eunice ay nakaramdam din ng hiya sa sinabi ng Mommy ni Eunice.

At si Jeremy.... nanahimik sa isang sulok, nagkakamot.

Hindi muna nagsalita si Nicole, inaantay ang gagawin at sasabihin ng principal. Kung ano man yun, nakahanda sya.

"Kung ganun Ms. Nicole, kung sakaling totoo nga ang sinasabi mo, anong gusto mo ngayon mangyari?"

"Mr. Principal, may mga rules ang regulations kayo sa school! So, bakit ako ang tinatanong mo?

Hindi ba dapat alam mo na ang gagawin?"

May pagka sarkastikong sagot ni Nicole na lalong kinapikon ng principal.

"At kung sakali bang sabihin ko ang gusto kong mangyari, susundin mo ba?"

'Aaah! Naiinis na ako sa pagiging maldita nya! Ang tapang nya!'

'Kaya ko nga pinapasa sa kanya ang tanong para alam ko na ang gusto nyang mangyari nang sa ganuon madali ko na syang makontra! Tapos ibabalik nya sa akin?!' Hmp! Kainis!'

Pakiramdam nya makakalbo sya sa pakikipagusap sa babaeng ito.

Ang hindi nya alam sinasadya syang inisin ni Nicole.

"Ms. Nicole, totoong may mga rules ang regulations ang school tungkol sa bullying. That is kung mapatunayan ang bullying!"

"Pero sa ngayon na hindi pa napapatunayan, na bullying nga ang nangyari, sana huwag muna tayong mag judge!"

Napataas ang kilay ni Nicole.

"Hindi pa napapatunayan?"

"Kahit nasa harapan mo na ang ebidensya..?"

"Anong ebidensya sinasabi nyo Ms. Nicole?"

"Ayan si Jeremy! Hindi pa ba sapat na ebidensya yan?"

Nanggigil na ang principal.

'Paano ko ba tatapusin ito? Masyado ng humahaba ang usapan at ayoko na syang kausap!'

"Ms. Nicole, kailangan pa naming imbestigahan itong mabuti bago namin masiguro na bullying nga ito! Kaya sana hayaan nyo na muna ang school na gumawa ng sariling imbestigasyon!"

"At kung ano man ang magiging desisyon ng school, sana ay matanggap at respetuhin nyo!"

"Ganun? Sino naman ang mag iimbestiga? Huwag mong sabihing ....IKAW?!"

"Teka, Ms. Nicole, anong ibig mong sabihin sa sinabi mo?"

"Wala naman, kung ano ang gusto mong isipin, YUN NA YON!"

'Hindi ko na kaya! Hindi ko na makakayang magtagal pang kausap sya!'

Sigaw ng kalooban ng principal.

"Okey, Okey, Ms. Nicole!

Sa ngayon masyado ng humahaba ang usapan at kailangan na ng mga bata ang bumalik sa klase nila! Kaya sana maintindihan nyo Ms. Nicole, hindi pa makakapag desisyon ang school sa ngayon!"

Nadismaya si Nicole. Ganado pa naman syang makipagtalo pero mukhang suko na agad ang kalaban nya.

'Haaay! Sayang naman!'

"Kung ganun Mr. Principal, iuuwi ko na muna ang anak ko! Hindi ako sigurado sa safety nya ngayon dito!"

Wala syang planong iwan dito si Eunice, lalo na pag ganitong klase ang principal.

'Haay, saan kaya nakuha ni Sis. Ames ang principal nyang ito?'

Alam din naman nyang walang patutunguhan ang usapang ito kaya hahayaan na lang nyang si Ames ang makipagusap dito.

"Naintindihan ko Ms. Nicole, pero consider na syang absent for today!"

Sagot ng principal sa kanya.

Nginitian nito ang principal.

"May magagawa ba ako kung yan ang gusto mo!"

Sabay irap sa principal.

Nanggigil na sa galit ang principal pero pinigilan nito. Literal na sumasakit na ang ulo nya kaya kailangan na nyang tapusin ang usapang ito dahil ramdam na nyang tumataas ang blood pressure nya.

Pinilit nyang ngumiti at tumango kay Nicole.

Ayaw na nyang magsalita pa baka humaba pa.

Tininingnan ni Nicole si Jeremy at saka ito tinawag.

"Halika na Jeremy!"

"Yes po Tita!"

Napataas ang kilay ng principal kay Jeremy ng makitang para itong maamong tupang sumusunod kay Nicole.

Nang makita ni Teacher Erica na paalis na sila Nicole tumayo na rin ito.

"Mr. Principal, babalik na rin po kami sa class!"

May gusto pa sana syang sabihin sa principal tungkol sa nangyari kay Mel at sa narinig nito sa mga Grade 9 kanina, pero mas minabuti nyang huwag na at baka mapaginitin pa ang bata.

Kaya tinawag na nito ang mga estudyante nya para umalis.

Pagdating sa labas..

"Jeremy, huwag ka na ring pumasok! Kailangan kitang dalhin sa ospital!"

"PO?! Bakit po?!"

At binuksan nito ang polo ni Jeremy at tiningnan ang balat nitong mamula mula at pantal pantal.