Chereads / My Beautiful ... Me / Chapter 9 - Tablet

Chapter 9 - Tablet

Bayaw!"

Si Nadine ang sumalubong sa dumating imbes na ang pamilya.

Nagulat ang bayaw nitong si Edmund ng makita sya pagbukas ng pinto.

Si Nadine ay ang best friend at classmate ni Edmund nung college.

Alam nya na kapag andito ang hipag nya isa lang ang ibig sabihin nito, may problema na naman si Nicole sa panganay nilang si Eunice.

Si Nadine ang unang tinatawagan ng asawa nya kapag alam nyang may posibilidad na mauuwi sa paluan ang confrontation nya sa anak.

Takot kasi si Nicole na maging abuso sya sa pagdidisiplina sa anak kaya lagi nyang tinatawagan ang Ate nya para mapigilan sya kung sakaling ma out of control sya.

"Kamusta, matindi ba ang nangyari?"

Tanong ni Edmund kay Nadine.

"Medy__"

"Daddy!"

Hindi na naituloy ni Nadine ang gusto nyang sabihin dahil biglang sumingit ang 9 year old nyang pamangking lalaki na si Earl.

"Daddy, si Mommy po pinalo si Ate tapos si Ate naman pinaiyak po si Mommy!"

"Haay ito talagang bunso ko.."

Kung meron gustong malaman si Edmund sa panganay nya, tyak na sasabihin sa kanya ng bunso nya kahit hindi pa ito nagtatanong.

Saka lumapit sa kanya ang bunso nya at nagmano. Pagkatapos ay inabot nya ang tablet nya sa daddy nya.

"Bakit?"

Nagtatakang tanong ng daddy nya sa kanya.

"Daddy panoorin nyo po ang performance ni Ate Eunice sa singing contest kanina! Meron pong nag upload!"

Tininingnan ni Edmund ang inosenteng mukha ng anak. May kutob syang may kapilyahan sa likod ng inosente nyang mga tingin.

Hobby kasi ng batang ito na inisin lagi ang ate nya.

Saka tiningnan ni Edmund si Nadine. Nagtatanong ang mga mata nito.

Itinaas lang ni Nadine ang dalawang balikat nya na ang ibig sabihin ay wala syang alam.

Sa silid.

"Mommy andyan na po si Daddy!"

Kinabahan sabi ni Eunice sa ina.

"Oo alam ko anak, nadinig ko ang busina nya!"

Natataranta itong nagpunta sa bathroom at naghilamos para mawala ang pamamaga ng mata nya.

Pero humupa lang ito ng kaunti.

"Ikaw kasi pinaiyak mo ko!"

"Sorry na po!"

At muli itong umiyak.

"Okey anak, sige, sige anak naniniwala na si Mommy! Tahan na, help mo na lang ako, please!"

"Ano po ang gagawing ko?"

"Kunin mo yun make up, susubukan kong lagyan ng konti para hindi mahalata!"

Habang hinahanap ni Eunice ang make up, dumating ang daddy nya.

"Eunice!"

"Huh! Dad..dy!"

Galit ang daddy nya.

Hindi nito malaman ang gagawin. Dahan dahan nitong nilapitan ang daddy nya para magmano.

"Hon! Andyan ka na pala!"

Nagmamadali itong lumabas ng madinig ang asawa.

Nang makitang masama ang tingin nito kay Eunice, agad syang pumagitan sa dalawa.

"Hon, may problema ba?"

Inihagis ni Edmund ang hawak nitong tablet kung saan naka pause ang video ni Eunice sa singing contest kanina.

Hindi nito inaalis ang tingin nya sa anak.

"Hon, Hon, alam mo nanalo dyan si Eunice naka 2nd place ang anak mo! Hindi ba anak!"

Natataranta ito at natatakot sa itsura ng asawa nyang si Edmund ngayon baka mapalo na naman sya.

Si Eunice, nasa sulok lang nakatungo at hindi nagsasalita. Natatakot na baka kapag gumawa sya ng kahit konting kilos lalong magalit ang daddy nya.

"Mula ngayon, tandaan mo 'to, ayoko ng makikipagkita ka kay Jeremy hanggat wala akong pahintulot! Maliwanag!"

Hindi ito makasagot.

'Bakit ba ang dami nyang iuutos yun pa!' Huhuhu!'

Napansin ni Edmund na umiiyak ang anak.

"Go to your room!"

Pagkaalis ng anak sa silid nila isinara na nito ang pinto at saka hinarap ang asawa.

"Anong nangyari sa mata mo? Umiyak ka ba?"

"Hindi! Napuwing lang!"

"Napuwing talaga ha!"

Nagulat si Nicole sa mood ng asawa nya. Bakit parang hindi sya galit? Samantalang kaninang andito si Eunice galit sya!

"Galit ka ba?"

Tanong nya sa asawa. Gustong nyang masiguro ang totoong mood nito.

"Syempre galit ako! Sino ba naman ang hindi magagalit me ibang lalaki na sa buhay ng baby ko! Natural lang na magalit ako! Hmp!"

'Aahhh... yun pala ikinagagalit nya!'

"So anong plano mo ngayon?"

Tanong nya kay Edmund.

"Kakausapin ko yung mokong na yun!"

"Sinong mokong?"

"Si Jeremy, sino pa! Nang dahil sa kanya na bully ang anak ko! Kaya hindi ko sya mapapatawad!"

"Yun pala ang ibig sabihin ni Jeremy kanina ng inihatid nya si Eunice!"

Alam na ito ni Edmund dahil may inutusan syang sumunod kay Eunice. Lalapitan na sana sya nito pero dumating si Jeremy.

*****

Sa silid ni Eunice.

Umiiyak itong kausap ang kaibigan nyang si Mel sa video chat.

"Beshy anong gagawing ko? Galit si Daddy, pinagbabawalan Anong makipag kita kay Jeremy ko!"

"Pwede ba yun, e pareho kayo ng school?!"

"Huhuhu! Jeremy ko!"

"Ano ba yang love story nyo? Dipa nag start nasa ending na agad!"

"Kaloka!"