Kita ni Nadine ang pamumutla ng pamangkin sa mga tanong nya.
Base sa mukha ng pamangkin nya na ilang beses ng nag iba ng kulay, alam nyang natumbok nya.
"Bakit ayaw mo akong sagutin? Hindi ko ba pwedeng malaman? Secret ba?"
"e...e...."
"Eunice, walang masamang ma in love! Pero sa edad mo ....!"
"Bakit po, may age restriction po ba ang pagiging in love?"
Nangiti si Nadine.
"Hindi naman sa ganun iha!
Kaya lang sa edad mo hindi mo pa lubusan alam ang ibig sabihin ng salitang IN LOVE!"
"Para kang isa sa mga bulag, nahawakan lang ang isang parte ng elepante akala nila yun na ang buong elepante!"
'Ahhh... iyon pala ang dahilan kung bakit kinuwento ni Auntie ang story ng limang bulag at elepante!'
"Bata ka pa Eunice!
Masarap ma in love pero hindi yun nagtatapos sa sarap. May kaakibat na responsibility ito na sa tingin namin mga adult hindi nyo pa maiintindihan na mga bata!"
"Ang pagiging IN LOVE ay hindi lang puro sarap gaya ng iniisip ng mga kabataan kagaya nyo!"
"Katorse ka pa lang Eunice, kaya bakit hindi mo muna enjoyin ang life at pagiging single!"
"Pero Auntie, wala pa naman po akong planong magasawa agad e!"
"Kung wala kang planong mag asawa agad, e ano yung Marry me na sinasabi ng Mommy mo?"
Napakagat na lang sa labi si Eunice.
'Paano ko ba ipapaliwanag ito kay Auntie na noon pa man, alam ko na, na si Jeremy ang gusto kong pakasalan?'
Pagkatapos nilang magusap ng pamangkin nya, dinala nya ito sa Mommy nya sa silid ng magasawa para sila naman ang magusap.
Ganito lagi ang ginagawa nya dahil pagka merong hindi pagkakaunawaan ang mag ina, lagi syang tinatawagan ng kapatid.
"Mom...?"
Alam ni Nicole na nasa pinto ang anak, pero hindi ito kumikibo sa pagkakahiga sa kama.
Nasaktan talaga sya sa pag sagot ng anak ng pabalang at pag taas ng boses nito kanina.
At dahil yun kay Jeremy.
'Nainlab lang marunong ng sumagot ng pabalang! Hmp!'
Nilapitan ni Eunice ang ina at saka ito naupo sa kama. Halatang masama pa rin ang loob nito sa kanya.
"Mommy Sorry na po!"
"Bakit ka nag so sorry?
Alam mo ba ang dahilan kung bakit ako nagalit sa'yo kanina?"
Bakit nga ba nagalit ang Mommy nya kanina at bakit parang masama pa rin ang loob nito?
'Dahil ba sa ayaw pa nya akong ma in love kasi bata pa ako o baka naman dahil sa ayaw nya na nag propose ako kay Jeremy kasi hindi pa ako marunong maglaba?'
Hindi masagot ni Eunice ang tanong ng ina kasi pagdating pa lang alam nya na masama ang mood nito.
Nang hindi sya sagutin ng anak, sya na ang nagsalita.
"Eunice, alam kong malaki ka na at hindi namin mapipigilan ng Daddy mo ang paglaki mo, lalo na ang ma in love ka!
Pero hindi ibig sabihin nun na pwede mo na akong pagsalitaan ng pabalang at pagtaasan ng boses!"
"Ako pa rin ang Mommy mo, baka nakakalimutan mo!"
At humagulgol ito ng iyak na ikinataranta ni Eunice.
"Mommy! Mommy please, sorry na po talaga!"
Hindi nya akalain na sobrang ikinasama ng loob nito ang pagsagot ng pabalang at pagtaas ng boses nya kanina. Nagsisi na talaga sya!
Pero lalo umiyak ang Mommy nya. Hindi nito mapigilan ang sama ng loob sa anak.
'Jusko anong gagawin ko? Kailangan kong mapatahan si Mommy bago dumating si Daddy!'
'Anong gagawin ko?!'
Naiinis na rin si Nicole dahil hindi nya mapigilan ang sarili sa pagiyak.
Aminado syang nagtatampo sya sa anak pero malapit ng dumating ang asawa nya at ayaw nyang mapahamak pa ang anak.
Inakap na sya ni Eunice.
"Mom alam ko na po ang pagkakamali ko at nagsisi na po ako! Sorry po kung nasaktan ko po kayo sa pagsagot ko sa inyo ng pabalang at pagtaas ng boses ko!"
At umiyak na rin ito habang akap ang ina.
Habang pinag mamasdan ni Nadine ang mag ina, binevideo nya ito.
'Haaay itong mag ina na 'to parehong madrama! Mga emotera!'
Unti unti ng nahimasmasan si Nicole. Humihikbi na lang ito pero hindi pa rin umalis sa pagkaka akap ang dalawa.
Ngunit pareho silang nagulat ng biglang may bumusina.
"SI DADDY!!!"