Chereads / My Beautiful ... Me / Chapter 6 - Share Ang Love

Chapter 6 - Share Ang Love

"EUNICE NICOLE!!!"

Nanlaki ang mga mata ni Eunice sa takot ng madinig ang boses ng Mommy nya.

'Si Mommy!'

Alam nyang galit ito pag sinasabi nito ng diretso ang dalawang pangalan nya.

"Lagot! Anong gagawin ko?"

Nangingiti si Jeremy sa expression ng mga mata nito.

"Lagot ka...andyan na si Tita!

Ano bang ginawa mo?"

Pang iinis ni Jeremy. Sabay pindot sa ilong nito.

Natutuwa sya pag iniinis nya ang batang ito dahil ang ganda ng facial expression nya lalo na ang mga mata.

"Hindi ko alam!"

Iiling iling na sagot ni Eunice.

Pero natitiyak nyang tungkol ito sa kalokohan nya kanina sa singing contest.

"Huwag mo na nga akong inisin natatakot na nga ako e!"

Parang bata itong nagmamaktol sa kanya.

"Eunice, bakit dika sumasagot? Diba tinatawag kita?!"

Boses iyon ng Mommy ni Eunice na si Nicole.

Halatang nyang umuusok ang ilong nito sa galit.

"Mo..mmy!"

Agad nyang hinarap ang Mommy nya at nagmano. Pati si Jeremy ay lumapit din at nagmano rito.

"Tita, pasensya na po hinatid ko lang si Eunice kasi ...."

"Anong nangyari sa bike mo?"

Kabibili lang ng Daddy mo nyan sa'yo!"

Lalong nataranta si Eunice ng makita ang reaksyon ng ina sa sira nyang bike.

'Anong sasabihin ko? Pano ko ito ipapaliwanag?'

Sa sobrang pagiisip nya kay Jeremy nakalimutan nyang magisip ng idadahilan nya sa ina kung bakit nagka ganyan ang bike nya.

"Tita, huwag na po kayong magalit! Hindi nya po gustong mangyari yan!"

"Nabangga ka ba?!"

Nagaalalang tanong ng ina.

"Hindi po Mom.... ganyan na po yan nung makita ko!"

Sa itsura ng bike, imposibleng magawa pa ito ulit.

"Ibig mong sabihin may sadyang gumawa nito?"

"Yes Tita, kaya huwag nyo na pong pagalitan si Eunice, may nga naiinis po siguro sa kanya kaya ginawa nila yan!"

Hindi na nito sinabi ang tungkol sa mga nambubully kay Eunice.

Masasabing close ang pamilya ni Eunice at Jeremy. Lalo na ang Lolo nito at Daddy ni Eunice.

"Iho, salamat sa paghatid sa anak ko! Ikamusta mo ako sa Mama mo!"

"Sige po Tita, tutuloy na po ako!"

Pag alis ni Jeremy muli syang hinarap ng ina

Naka taas ang kilay nito ng lapitan sya.

"Pasok!"

Napalunok si Eunice.

Nakatungo syang pumasok sa loob ng bahay paakyat sa room nya.

Habang papunta sa silid nya, nagiisip sya ng maidadahilan nya sa Mommy nya.

"Napanood ko ang performance mo kanina!"

Agad nitong sabi ng makapasok sila ng silid.

Naalala ni Eunice na nanalo nga pala sya ng 2nd place.

Binuksan nito ang bag at saka inilabas vang medal.

"Mom eto po, nanalo po ako ng 2nd place!"

Pinipilit nitong ngumiti habang iniabot ang medal sa anak.

Nang makita ang medal, aminado si Nicole na ngumiti ang puso nya sa achievement ng anak pero...

Alam din nyang kailangan din nilang magusap ng masinsinan ng anak.

"Natutuwa ako sa medal mo, pero hindi ko maintindihan kung bakit mo sinabi yun kay Jeremy!"

"Mom..."

Hindi alam ni Eunice kung paano sya mawawala sa paningin ng ina ngayon.

"Anong ibig mong sabihin sa 'I Love you Jeremy!' mo?"

"Mom ...kasi.. di po ba sabi po nyo dapat nating i share ang LOVE?"

Pagdadahilan nito.

'Aba't ... lokong bata ito, idadahilan pa ang sinabi namin sa kanya!'

"E ano naman ang ibig mong sabihin sa Marry me Jeremy!?"

"A.... e.... e...ano po kasi..."

Wala syang maisip na palusot at kinakabahan na sya sa takot.

"Mom, bakit po ba galit na galit kayo? Wala naman pong masama sa sinabi ko ah!"

"Ikaw....!"

Gigil na gigil ito sa anak. Gusto nyang tirisin.

" Anong wala?!"

"Ilang taon ka na ba? Kung makapag propose ka dyan parang alam mo na ang ibig sabihin ng kasal?!"

Naiinis na si Eunice. Hindi nya maipaliwanag sa ina ang side nya.

"E bakit po ba kasi kayo nakikialam! Sa gusto ko syang pakasalan!"

Singhal nya sa ina.

Umusok ang tenga ni Nicole ng madinig ang sinabi ng anak lalo na sa pagtaas nito ng boses.

Matalim nitong tininingnan si Eunice.

"Dapa!"

Bumalik sa huwisyo nya si Eunice ng madinig ang Mommy nya.

"Mom, malaki na po ako!"

Matapang nitong sagot pero sa loob nya kinakabahan na ito.

"Isa!"

Natakot na si Eunice. Seryoso na ang Mommy nya pag nagbibilang na ito.

"Mom, please! Sorry na po! Hindi ko na po uulitin!"

Wala na ang aroganteng ugali nito kanina.

"Dalawa!!!"

"Huhuhu! Mom...!"

Takot na takot itong hawak hawak ang likod nya.

Alam na nyang wala na syang ligtas sa tsinelas ng Mommy nya.

"DAPA!!!"

Natataranta itong dumapa sa kama nya, umiiyak.

Hindi pa man dumadapo ang tsinelas ng ina, humahagulgol na ito ng iyak.

"Mom, huuh..huuh! Sorry na po! Promise po hindi na ako magtataas ng boses sa inyo!"

"Huhuhu!"

Pero hindi na nya napakiusapan ang ina.

PAK!

PAK!

PAK!

"WAAAAHHH!"

"Tama na po! Ayoko na! Waaah!

Nang biglang bumukas ang pinto..