Chereads / My Beautiful ... Me / Chapter 4 - Si Jeremy

Chapter 4 - Si Jeremy

Sino nga ba si Jeremy?

Si Jeremy ay ang masasabing pinaka heartthrob ng school. Bukod sa mula ito sa mayaman at kilalang pamilya, kasama din sya sa basketball team ng school.

Nasa kanya na ata ang lahat ng M na gusto ng maraming kababaihan.

Matalino

Matangkad

Mayaman

at Magandang lalaki!

Maganda ang lahat sa kanya.

Ang buhok, ang mata, ang ilong ang labi.... haaaay.... lahat na ata nasa tamang hulma mula ulo hanggang paa.

Isang perpektong nilikha ng Diyos!

Kaya natural lang na marami ang napapatili sa kanya sa tuwing nakikita sya. Hindi nila mapigilan na hindi mabighani sa lalaking ito.

Marami itong fans na baliw na baliw sa kanya.

At marami din ang may mga pagnanasa sa kanya at gusto syang maging girlfriend.

Pero bihira ang nakaka lapit dito. Seryoso kasi ito at hindi basta basta nagsasalita. Hindi rin sya nakikihalubilo sa tao.

Pinipili nito ang mga taong nilalapitan nya kaya marami ang nakapila na nagpapansin dito.

Kaya hindi na nagtataka si Mel kung bakit humaling na humaling ang kaibigan nitong si Eunice kay Jeremy at kung bakit nya nagawa iyon.

"Sister listen, ... hindi pa katapusan ng mundo! Umalis man si Jeremy babalik din iyon!"

Hindi nya alam kung saan nakuha ni Eunice ang balitang iyon at halatang sineseryoso nito.

"Pero ayaw ko syang umalis! Hindi ko kayang malayo sa kanya!"

Malungkot na sabi ni Eunice.

Napabuntunghininga na lang din si Mel. Gusto man nyang tulungan ang kaibigan, hindi rin nya alam kung paano?

'Haaay anlaki ng problema ng Sister ko! Buti pa ako wala pa sa isip ang mga love, love na yan!'

*****

Sa isang chatroom na kinabibilangan ng grupo nila Miles.

Nasa loob sila ng klase kaya sa chatroom sila naguusap.

Miles: "Hindi ko matatanggap na isang balyena lang ang karibal ko kay Jeremy!"

Brenda: "Huwag kang magaalala Miles, wala sa kalingkingan mo yun!"

Lena: "Oonga naman Miles! Sa buong school, ikaw lang ang nababagay kay Jeremy! Wala ng iba!"

Pam: "Nagpunta ako sa isang chatroom at marami din ang naiinis sa ginawa ng balyenang Eunice na yun! Tapos sinabi ko sa kanila na umiyak si Miles ng madinig nya ang proposal ni Eunice kay Jeremy! Kaya....

Ayun! galit na galit sila sa balyenang yun!"

Ang chatroom na tinutukoy ni Pam ay ang JeMs chatroom. Ito ay binubuo ng mga fans ng dalawa na gusto silang magkatuluyan.

Si Pam ang nakaisip at gumawa ng chatroom na ito para lalong kumalat ang balita na sila na at umaasa naman si Miles at ang grupo nya na makarating kay Jeremy ang chartroom nagbabaka sakali na ligawan nga nito si Miles.

Ang alam ng mga miyembro nito ay matagal ng magkasintahan ang dalawa at ayaw lang umamin.

Lena: "Good Pam!"

Brenda: "Ano naman sabi ng mga JeMs?"

Si Miles na kanina pa naiirita ay nakalimutan na ang atensyon sa klase at nagbasa na lang ng mga messages sa chatroom.

Pam: "Sabi nila, tumahan ka na daw Miles at igaganti ka nila!"

Lena: "Hahaha! Okey talaga itong si Pam!"

Pam: "Hayun! Iniwan ko ang mga uto uto na nagpaplano kung paano nila maigaganti si Miles sa bariles na yun!"

Brenda: "Haha! " Kawawang Eunice!"

Lena: "Hindi ako naawa sa kanya, nadidiri ako! Super Ewww sya!"

"HAHAHAHA!"

*****

Hanggang sa maguwian hindi pa rin tinatantanan ng mga kaklase nya si Jeremy. Panay pa rin ang panunukso nila at napipiko na ito.

Kaya hindi na sya nagtagal sa klase at dali daling lumabas ng silid at sumakay sa kotse nya.

Hindi kanya ang kotseng gamit nya, sa Mama nya. Niregaluhan ng Papa nya ang Mama nya nung birthday nito kamakailan lang, kaya napunta sa kanya ang kotse.

Sila Jeremy ang huling lumalabas ng klase kaya alam nyang wala na sa school si Eunice at malang nasa bahay na.

Pero nagulat sya ng matanaw nya si Eunice na naglalakad at hirap na hirap na hindi malaman kung hahatakin o bubuhatin ang bike nyang sirang sira.

Hindi nya magawang pagulungin ang bike dahil nakatupi ang mga gulong nito at putol ang manibela pati kadena. Halatang sadyang sinira.

At sa paligid nya ay may mga sumusunod na nang iinis sa kanya at minsan ay binabato pa sya ng basura nila.

At kung susubukan naman nyang pumara ng tricycle, may isang pumipigil sa kanya para hindi sya makasakay at saka may sasakay na iba.

Nairita si Jeremy ng makita si Eunice.

Agad itong tumigil sa harapan nya saka bumaba ng sasakyan.

Galit ang makikita sa mukha nito ng huminto sya sa harapan ni Eunice.

Tumahimik ang lahat ng nambu bully kay Eunice ng makita si Jeremy. Ramdam nila na galit na galit ito kay Eunice.

Ano kayang gagawin ni Jeremy kay Eunice?

Lahat sila ay nagaantay ng magandang palabas.