Chereads / HARRISON UNIVERSITY: The School of Monsters / Chapter 3 - CHAPTER 1 : HARRISON UNIVERSITY

Chapter 3 - CHAPTER 1 : HARRISON UNIVERSITY

CHAPTER 1 : HARRISON UNIVERSITY

MYRTTLE JOONG

"`NAK, LAHAT BA ng kailangan mo, nailagay mo na sa bag?" Muling tanong sa akin ni `Nay Julie nang matapos na nitong hugasan ang mga pinggan.

Tahimik ko itong inilingan, kasabay ng pagsarado ko sa librong binabasa ko. Tamad na tamad ko ring kinuha ang bag at nakabusangot itong inayos.

Ugh. I can't believe this. Kahit ano talagang takas kong mag-aral, hindi pa rin ako nakakalusot!

Bakit pa kasi kailangan pang mag-college? Lalo na kung ayaw naman ng estudyante?

Ginagawa ko ang lahat huwag lang ako ma-involve sa kahit na sino. Pinipilit ilihim kay Lolo na hindi ako pumapasok sa eskwelahang pinagdadalhan niya sa akin. Pero nakakainis lang dahil nabuking na naman niya ako!

Kaya heto, papasok na naman ako sa isang paaralan. Mabuti kung mga ordinaryo at matino 'e, kaso hindi! Iyong mga supistikado at mga wirdo pa.

Pero sabagay, pang-ilang school ko na ba 'to? Tss. Who cares? Lagi ko rin namang hindi pinapasukan. Nalalaman ko na lang din na successful ang oplan-ditch-school ko'y kapag nakatanggap na ako ng memorandums na drop-out na ako.

At bakit ko ito ginagawa?

Wala... ayoko lang talaga.

Ayokong mapalapit sa kahit na sino.

Ayoko, dahil ayoko lang...

Tama, ayoko lang.

Aalog alog ang isang fountain pen at isang binder sa bag ko. Wala nang kung ano-anong kagamitan. Alam ko rin namang hindi ako magtatagal doon.

Nang matapos ako'y may napansin akong nahulog na pulang papel na agad kong ikinadismaya. Galing ito sa mga papeles na ipinadala ng University kaninang umaga.

Kunot noo ko itong pinulot.

Sino ba naman kasi ang gaganahang pumasok? Kung sa araw bago ka makapasok sa Unibersidad ay makatatanggap ka ng isang hindi kaanya-anyayang welcome remarks?

Though, nararapat lang naman talaga sa akin, dahil isang linggo na akong hindi pumapasok magmula nang mag-umpisa ang klase.

Pero pakialam ba nila?!

Eh, sa ayoko nga!

From: B.H.

You're not attending your classes. See you around in our University tomorrow or I'll be the one who'll drag you here!

P.S

I am dead serious, Ms. Joong.

This note really burst my bubbles. Dahilan para punitin ko ito hanggang sa mapulbos.

Ang daming alam!

Just be ready for me who-ever-you-are, because I'm going to be the worst nightmare you can't ever imagine!

Kasalanan ng ulupong na iyon kung bakit nalaman ni Lolo ang lahat ng kalokohan ko! Kaya kahit pilit, kailangan kong gawin dahil sa bwisit na nagpadala ng letter na ito. Hindi dahil sa takot ako sa kanya. Ang inaalala ko lang ay ang Lolo ko. Pasalamat siya't ayokong bigyan ng sakit sa ulo ang Lolo ngayon. Kung hindi, ewan ko na lang.

But I'll make sure to give him my sweet revenge. This pathetic creature needs to know when to shut his big mouth.

* * *

NAGISING AKO sa napaka-agang pag-set ng alarm ni Nay Julie. Sapilitan pa ako nitong pinabangon, pero pagulong-gulong lang ako sa kama ko.

Takte lang, tila iilang minuto lang ang naging tulog ko dahil sa pagiisip ng kung ano-ano.

I am sure that Lolo will be angry at me if I ditch my classes again. I won't let that happen. Knowing who he is.

But damn it, how can I live my peaceful life with those people? Ayoko! Ayoko! Ayoko! Ayoko nang mapalapit pa sa kung sino.

"Dali na, anak. Nasa baba na ang mga kaibigan mo. Si Shenny inuubos na 'yong mga pagkain mo sa kusina." Pilit pa ni `Nay Julie sa akin kasabay ang marahan nitong pagtayo at ilan pang sandali'y narinig ko na ang pagbukas ng walk-in-closet ko.

Tumunganga pa ako sa paghahanda nito sa aking damit. Nakangiti niha itong ginagawa na pinakapaborito kong view sa araw-araw. Nakakatuwa't kahit ilang taon kaming magkasama'y napagtitiisan pa rin ako nito.

Nasa baba na sila Shenny. Hindi ko na sana iyon aalalahanin dahil sanay naman ako sa masibang babaeng iyon. Pero lintik lang! Ang mga gummy worms ko!

My adrenalin stood me up as I carelessly run downstairs to reach our kitchen. "Shenny! Don't ever dare to touch my gummy worms!" I shouted.

But it was too late.

Dahil nakita ko na agad ang mga kawawa kong gummy worms sa mga malulupit nitong kamay. Sa kamay ng isang petite, maputla at babaeng may napakaitim at maalong buhok. Shenny Park.

Sinasabi ko na nga ba!

Her gluttony makes me kicked her ass but that even surprised me. My body just moved automatically. It's her fault! Ginawa niya ang ipinagbabawal ko!

"Aray naman, Myrttle!" She shouted in pain but can still manage to chew my gummy worms! Nakahawak din ito sa balakang na hindi mawari ang itsura.

Tss. Its her fault!

Sinamaan ko ito ng tingin dahilan para agad nitong binitiwan ang hawak nyang mga gummy worms. Kasabay niyn ang biglaang sumulpot ni Xander kung saan nang gulat na gulat nang makita si Shenny.

"Myrttle! Bakit mo naman sinipa si Shenny!" Dali-dali nitong pinuntahan si Shenny.

Alexander Mitsuo. Isang kirat, may matikas na katawan at lalaking pinaglihi sa labanus dahil sa kaputian. May pagkapandak din ito na lubos naming pinagkakatuwaan.

Hindi ko na sila pinansin pa at tuluyang nanlumo ng buksan ang refrigerator ko.

My Gummy worms! They're gone!

"Shenny!"

Mas mabilis naman sa kidlat silang nakalayo sa akin lalo na nang mahablot na siya ni Xander.

Mga traydor!

* * *

NANG MATAPOS ang aking pag-aayos ay dire-diretso na akong lumabas at padabog nang pumasok sa sasakyan. Hindi na ako nag-abalang pansinin ang dalawang iyon dahil baka kung ano pa ang magawa ko sa kanila.

Bwisit. Inubos lang naman niya lahat ng gummy worms ko. Isang buwan, alam niya bang isang buwan kong supply ang kinain niyang iyon?!

I am a freaking victim of injustice!

Kunot noo kong isinaksak sa usb-port ng kotse ko ang flash drive na ibinigay ng University kahapon.

And my eyes twinkled when a hologram-like image appeared in front of me. Ang mga imahe'y nanggagaling sa dulong bahagi ng flashdrive kung saan ito nagliliwanag.

Paunti-unting luminaw ang mga larawan. It's a map with an arrow. Arrow na nagtuturo kung saan ako dapat dumaan.

"Cool." I smiled but still wandering what technology this flash drive had. It's pretty cool and techy.

Well, worth it naman pala ang tuition fee ng gahamang school na iyon.

I start driving as I follow the red arrow at the hologram. Patungo ito sa hindi ko pa kilalang lugar, malayo sa syudad, na animo'y bilang lang ang nakakaalam. Ni hindi ko alam na sa loob pala ng malagubat at delikadong lugar na iyo'y may natatanging daan para sa Harrison University.

I rolled my eyes as I remember the Shenny and Alexander. They are heading the same way I am taking pero wala na akong balak na hintayin pa sila.

Alexander Mitsuo and Shenny Park are my childhood friends. Katulad ko, ang mga magulang din nila ang nag-enroll sa kanila sa Harrison University. Syempre, pag-aaralan ng mga ito ang mga kursong gusto nila. Si Xander sa Civil Engineering samantalang si Shenny naman ay Architectural course.

At ako? I choose to study management. For I am going to manage things that ordinary people can't handle. Thou Business management are way to far for the reality I have.

* * *

NAPAHINTO AKO nang wala sa oras nang makarating na ako sa lugar kung saan may nakalagay na gintong letrang 'H.U' sa hologram.

Wala ritong kahit na ano! It's the end of the road. Nagtataasang puno na ang nasa harapan ko. Bagay na ikinangalit ng panga ko.

Kunot noo kong sinaksak ng maigi ang flash drive. At sa pagtitig kong iyon ay isang kisap matang nagbago ang lahat ng nakalagay sa hologram. Nagbago ang mapa, at tingin ko'y karugtong lang din ito nang nauna.

It says here na dapat akong dumiretso, bagay na ngayon ko lang napagtanto. Nang mapansin ko sa hindi kalayuan ang isang tunnel sa ilalim ng pinakamalaking puno sa harapan ko. Hindi ko iyon nakitang agad, sino ba naman kasi ang makagagawa ng ganoong tunnel. How can that be possible?

Ilang segundo lang naman ang tinahak ko bago makalabas ng tunnel. Madilim at nakatatakot pero tila nagningning muli ang aking mata dahil sa nagtitila paraisong sumalubong sa akin sa kabila nito.

Napakalawak na daan ang mayroon sa kabilang bahagi ng tunnel. Ang gilid na bahagi nito ay kinalulugdan ng nagtataasan at hile-hilerang mga puno. Ito ang dahilan kung bakit natatakpan ngayon ng mga dahon at sanga nito ang sinag ng araw. Bagay na nakapagpapaganda sa lugar. Pero hindi ko pa rin magawang matuwa dahil kanina pa ako tila naliligaw.

I need to find that god damn school bago pa man ako malagyan ng 'late' sa attendance ko!

Maigi ko muling sinuri ang mga larawan sa hologram. Sinasabi ritong kinakailangan ko lamang tahakin ang daang ito upang makarating ako pinakaentrada yata ng school. I don't know, the word 'HU' are circling around at this one spot na hindi kalayuan sa kinapwepwestuhan ko.

Harrison University, isang kakatwang mga letrang nakatatak sa isang silver crest na may pulang mga linyang nagtitilang ugat nito. Sa totoo lang ay nagandahan ako sa logong iyon ng University. Pero hindi pa rin niyon maalis ang katotohanang isa itong paaralan at ayoko pa ring mag-aral.

Pinagpatuloy ko lang ang pagmamaneho nang matanaw ko ang isang malaking arko na akala mo'y papasok ka sa isang haunted house. It's an arc that is made of bricks na dahil sa kalumaan ay may spot na rin itong nagkukulay berde. Which I think is lumot.

Pero seryoso? Wala man lang gwardya? Ang akala ko ba ay isang elite school ang papasukan ko? Bakit wala naman yatang—

Isang mabilis na liwanag ang nagpatigil sa akin at nagpatulala. May asul na liwanag na sumasalubong sa akin habang papasok ako sa arkong iyon na para bang isang scanner. Ang cool, pero nakakairita sa mata!

Nang umayos na ang paningin ko'y tila na akong baliw na pinagagalitan ang Hologram.

"Badtrip, bakit ba kasi ang layo!?"

Ang akala ko'y makikita ko na ang school sa loob nito pero wala pa rin! Katulad kanina ay walang hanggang daanan pa rin ang tumambad sa akin kaya naman mas binilisan ko na lang ang pagmamaneho.

At my full speed I finally reached the parking lot. And it takes another fifteen minutes just to be here.

Pero bakit ganito? Bakit napakatahimik at wala man lang kahit isang sasakyan?

Alas-syete na nang umaga pero wala pa ring ni isang estudyante.

Dahil sa prustasyon ay padabog na akong bumaba sa sasakyan para makalanghap ng sariwang hangin. Kapag ganitong mainit ang ulo ko ay kailangan kong magpalamig.

Sa nilayo-layo ba naman ng binyahe ko ay wala man lang din pala akong maabutang tao?!

Wait...Ni tama naman kaya 'tong napuntahan ko?

Hindi naman nagtagal ay nakarating na rin sina Xander at Shenny sa parking lot ng University. Naunang bumaba si Shenny kaya tumalikod na ako at nagsimulang maglakad palayo.

"Myrttle," tawag ni Shenny sa akin pero hindi ko ito pinansin.

I'm not in the mood right now!

"Myrttle, sorry na," she pleaded but I still ignore her.

"Having a nerves to ate those gummy worms are crazy! You know that she won't forgive you, Shenny. Tss. Ano ba kayong dalawa? Eighteen years old na kayo! Umakto nga kayo nang tama sa edad ninyo!" sermon ni Xander sa amin ni Shenny. Shenny pouted her lips while I just gave this man a glare. A glare that is enough to shut anyones mouth, but he didn't.

Tss. Mukha na ba akong eighteen?! Ilang buwan pa! Masyadong excited!

"Bahala kayo." I said as I left them without looking back.

"Pero teka, Myrttle hindi mo pa—"

Pinigil ko naman ang sasabihin ni Shenny by stopping her lips with the use of my forefinger.

"I'm not a child anymore. Kaya ko na alamin kung saan ako pupunta." I said to her lamely as I continued walking.

Kahit gusto kong magtanong, mas pinili ko na lang na hindi. First and foremost, inubos lang naman niya ang mga gummy worms ko. Second, parang gusto ko ring alaming mag-isa kung ano bang ibubuga ng University na ito dahil sadyang naiintriga ako sa mga pakulo nila. And lastly, I have a different feeling about this university.

The walls I see. The warnings and precautions I saw at the forest. Alam kong may mga mababangis ngang hayop sa kagubatang iyon. Pero ewan... may kakaiba talaga sa lugar na iyon.

Ilang minuto ko pang tinahak ang daan palabas ng parking Lot. Hindi na masyadong mapuno sa lugar na ito at ang tanging nakikita ko na lamang ay ang nagtataasang pader sa aking harapan.

Hanggang sa makakita ako ng isa pang gate. Kagaya ng logo ng University, kulay silver din ito na parang may mga ugat na kulay pula sa bakal. May dalawang malaking gintong letra rin sa bakal nito na sumisimbulo na nasa Harrison University na talaga ako. Sa kaliwang bahagi ng gate ay ang letrang 'H' habang sa kanan naman ay ang letrang 'U'. Pero ikinalula ko ang naglalakihan at nagtataasang pader na pinagkakabitan nito. Akala ko'y kakatwa lang itong mga pader sa malayuan pero ito na pala ang pader na pinagkukublian ng University.

Napalingon muli ako sa parking lot nang makarinig ako ng mga ugong ng sasakyan. Kitang-kita ko kung gaano kagarbo ang sunod-sunod na sasakyang dumarating. Bagay na tuluyan kong ikinapasok sa Silver gate para unahan na ang mga taong iyon. I am sure na hindi magandang idea kung makasabay ko ang isa sa mga maarteng mayaman kaya mas mabuti pang mauna na lang.

Kagaya ng kanina sa arko ay wala rin ditong bantay. Bagay na katakha-takha para sa isang paaralan ng mga mayayaman. Katakha-takha hindi dahil sa hindi ito normal. Katakha-takha dahil kahina-hinala na kung paano ng mga ito prinoprotektahan ang mga estudyante

Tuluyan akong namangha sa lawak at kabuuan ng University. Bagay na agad kong itinatikom bago pa may makakita sa aking kung sino.

Mga malalaking gusali na ang istema ko ay may mga nasa sampung palapag. Isang clock tower na doble ng taas sa iba pang gusali. Ang lawak ng mga espasyo sa pagitan nito. Ang malahardin na tema ng university ground. Samahan mo pa ng gothic structures ng mga gusali na para bang nasa iba akong panahon. Napakaganda, lalo na't bricks din ang bumubuo sa University ground.

Sinubukan ko pang ilayo ang paningin ko ngunit wala na akong ibang matanaw kung hindi ang mga nagtataasang pader. Katamtaman lang ang taas ng pader sa luwasan ng University ngunit nang malayo-layo na ay papataas na ito nang papataas.

I can't help myself to be curious about the reason why this University has this kind of walls.

Sa paglibot ko pa ng paningin ko ay naituon ko ang mata ko sa pinakasentro ng buong lugar.

May malaki at napakagandang fountain sa gitna ng University. I never been attracted to anything since then. But this one? I don't know, maybe it was too magnificent for me.

Nagliliwanag ang nilalabas nitong tubig dahil sa repleksyon ng araw na tumatama rito. At kung hindi ako nagkakamali ay may mga pigura sa loob nito na nakaharap sa lahat ng direksyon ng University.

I can't wait to see it face to face. But hell, I'm running late! Thirty minutes na lang! Maghahanap pa ako ng room!

Okay!

This is it.

* * *

Habang naglalakad ako ay tila abalang-abala ang mga tao. Medyo umiingay na pero hindi ko rin naman maintindihan ang sinasabi nila. Lalo na ang mga babae. Ang mga conyo girls na panay aligid. Kadiri magsisalita. Nakakairita. Ito na nga ba ang sinasabi ko sa mga school na ganito. Hindi mo maiiwasang makasalamuha ang mga taong walang ginawa kung hindi ang mag-inarte. Palibhasa mga mayayaman! Tsk! Buti kung straight magsi-english! Kaso hindi!

Ilang beses akong nakasalubong ng mga maarteng nilalang. May ilang nakaharang pa sa dadaranan ko kaya walang habas ko silang pinagbabangga ng hindi humihingi ng paumanhin. Nakarinig ako ng mga halinghing ng mga ito, pero hindi ko na sila pinansin pa.

Why would I need to waste my time for those piece of trash.

Sa pagbangga kong iyon ay may mga lalaki sa aking tila gusto akong sitahin. Bagay na agad nilang ikinaatras ng ang sarili ko ng mga mata ang nakapagpatakot sa kanilang lahat.

"Astig ka talaga, Myrttle. Takot na takot sila sa'yo," malakas na sigaw ni Shenny at nagulat sa malakas din na paghampas sa balikat ko.

"Aww!" daing ko.

Makahampas, akala ba niya ay nakalimutan ko na agad atraso niya?! Kapag usapang gummy worms ko, h'wag na umasang makakalimutan ko pa!

Pinalatakan ko ito. "Lumayo ka," iritable kong saway dito kasabay ng pagtingin ko sa kanya nang masama. Masakit naman kasi talaga!

I was about to walk away, when Shenny hugged me from behind. And all I can do is to make a deep sigh.

Bandang huli'y naging maayos din kami ni Shenny.

Well, papalitan niya lang naman daw nang mas marami pang sweets at gummy worms ang nakain niya. Bagay na ikinangiti ko ng sobra bago kami maghiwa-hiwalay at ako'y tuluyan ng umakyat sa Business Administration Building.

* * * * *

NANG MAKALABAS ang dalagang si Myrttle sa elevator ay ikinagulat ng isang binatang may malaabong kulay ng buhok ang presensya nito. Bagay na agad nitong ikinaalarma kaya daglian itong nagtago sa isang bakanteng silid habang tinatawagan sa kanyang telepono ang isang tao.

"Hello, Sir?" bungad ng binatang si Davian Yatsumi habang sinisilip pa ang labas ng silid mula sa siwang ng nakasaradong bintana nito.

"Oh, Davian?"

Hanggang sa makita muli nito si Myrttle na hinahanap pa ang daan patungo sa kanyang silid.

"She's here," tuluyan nitong sabi.

"Myrttle Joong?" gulat pang sagot ng taong nasa kabilang linya.

"Yes, Sir."

"Okay. Thanks for informing me," malalim at seryosong tugon nito.

"What do you want me to do to her?"

"None. Just keep an eye on her," pagpapaalala nito na agad din namang ikinatungo ng binata.

"Copy, Sir," huli nitong tugon kasunod nang pagpatay nito sa linya. Akma na itong lalabas ng silid nang isang hindi inaasahang tao ang hindi nito namamalayang nasa harapan na niya pala.

"Anong mayro'n sa kanya?"

Isang lalaking nakapamulsa sa gilid ng madilim na vacant room ang nagsalita.

Nakaitim ang binatang ito ngunit ang kanyang pagkakakilanlan ay nalaman agad nang nasinagan na ng mga siwang ng bintana ang mukha nito.

"Wala," kabado nitong sagot ngunit pinilit nitong hindi ipahalata.

Hunt Spark. Ang lalaking napakasama na siyang tinititigan ngayon.

Pero sa kabila niyon ay mabilis lang siyang nilapitan nito na may itim na itim at nakakatakot na mga mata.

"Isa pang maling galaw, Davian. Isa pa..." banta ng binatang si Hunt na ikinaalarma nito. Kasabay rin niyon ang paglabas ni Hunt sa silid na tila walang nangyari.