Chereads / HARRISON UNIVERSITY: The School of Monsters / Chapter 7 - Chapter 5 : MEETING THE RULERS

Chapter 7 - Chapter 5 : MEETING THE RULERS

CHAPTER 5 : MEETING THE RULERS

MYRTTLE JOONG

INIS KONG natapos ang huling subject namin bago ang lunch break. Lintik na isdang iyon! Siya ang dahilan kung bakit ako late at binawasan ng Ten points ng magulang kong Professor ang exam ko! Ikinahihiya kong makatanggap ng ganoong kababang grado sa mga lesson na katuturo niya lang naman. Badtrip.

I was searching kung saang clinic naroon si Celine. I want to check her condition. While sipping my favorite Chocolate Juice I heard someone's screaming na para bang naipit siya ng pison.

"Oh, my God. Confirm guys! Nandyan na sila!" tili pa ng isa sa mga nagmamadaling babaeng nakakasalubong ko.

"Shet 'yong Baby Landon ko, tara na!" sigaw pa ng isa at nagsimula na silang tumakbo.

Takte, anong mayro'n?!

Napakaraming bilang ng estudyante ang nagmamadaling sumalubong sa akin at sa dami niyon ay hindi ko na nagawa pang iwasan ang iba. Dahilan nang sunod-sunod nilang pagbangga sa akin na ikinabuwal ko sa sahig.

I was holding my temper. Malalim akong huminga at pilit na ngiti kong pinagpagan ang nadumihan kong pantalon.

Okay na sana eh, iyong walang pakundangang hindi man lang ako pansinin. Katimpi-timpi pa eh. Malay ko nga naman diba kung emergency iyong pinagkukumpulan nila sa hindi kalayuan.

Pero lintik lang talaga e!

"Tsk! Stupid,' bulong ng mga ito na ikinapantig ng taenga ko.

I was about to run after them when another wave of students dump me. Like holy cheesecake!

"Seryoso talaga?!" Inis ko ng bulyaw. Pero hindi pa ata sapat iyon nang isang nagmamadaling lalake ang bumangga nang pagkalakas-lakas sa balikat ko.

Bagay na ikinayanig ko, dahil hindi ko iyon inaasahan, kaya naman sa muling pagkakatao'y napaupo na naman ako sa lupa.

Mabilis akong tumayo apra habulin ang siraulo nang...

"Are you fucking nuts?!"

"Miss ayos ka lang?" Napatigil ako sa napakatangkad na lalaking humawak sa balikat ko. His eyes were full of care, which made me irritated.

Kunot noo ko itong tinignan kasabay ng marahas kong paghawi sa kamay nito.

Wengya! Gaano ba karami ang bulag sa school na ito?!

"Hoy, bumalik ka rito!" sigaw ko sa lalakeng bumangga sa aking may kalayuan na ngayon.

"Tingin ko sadya. Anong tingin mo, Ash?" Komento ng babaeng ni hindi man lang nabago ang ekspresyon. They are looking after that hell guy also.

"Yes Kiera. He did it in purpose. I knew him." Wala rin namang reaksyong tugon ng lalaking tila boy version ng babae.

Napalingon naman ako sa dalawang lalaking titig na titig sa akin. Ang isa'y seryosong nakatulala sa akin, bagay na agad kong iniwasan ng tingin sa takot na baka nakita ko na siya dati. Gayun din namang iniwasan ko ang tingin ng isang lalakeng may kaliitan. Hindi dahil sa takot kundi dahil sa wirdong pagkinang ng mata nito.

After paying attention to this group, ay talaga namang ikinatakha ko ang katahimikang ng paligid, too late to realized na ang mga estudyanteng hindi magkanda-mayaw sa pagtakbo kanina'y nakapalibot na sa akin....no, sa amin.

"What are you looking at?"

Iritable kong puna na sabay-sabay nilang sinagot ng nagbabagang tingin.

Ano bang ginawa ko? Bagay na agad ko ring ikinadabog ng lakad papaalis sa harapan nilang lahat. Ni hindi ko na iniwas pa ang sarili ko sa nabangga kong mag estudyante.

Humarang giba! Bastusan pala ah! Kung bulag kayo! Pwes bulag din ako!

* * * *

MAAGA akong nakarating sa cafeteria dahil nakasalubong ko rin si Celine matapos ang nakakainis na insidente kanina. I am glad that she was fine at kinakailangan na lang magpahinga. Uuwi na ito at kasama ang kanyang driver. Marapat lang na isda niyang kuya ang maghatid sa kanya papauwi, pero hindi ko na ipinagtakhang hindi siya willing gawin ito. Unang tingin pa lang hindi na kuya material. Malakas ang hablig.

Saglit lang rin akong nakakuha ng pagkain ko sa counter at pumunta na sa upuan kong bakanteng-bakante. Good thing, alam nilang pwesto ko ito.

"Nandyan na sila, guys!" sigaw ng isang estudyanteng kapapasok lang sa cafeteria.

Takte lang! Hindi pa ba tapos mga kabulastugan ng mga ito? Daig pa ang naka-microphone sa lakas ng bunganga!

Nagsimula na namang naging busy ang lahat at hindi ko lang sila pinansin kaya nagpatuloy na lang ako sa pagkain.

Chocolate cake after eating my lunch is heart. But I can't stop myself to be curious kung sino 'yong tinutukoy nilang darating?

"Bhessy!"

"Maganda na ba ako? Pantay ba 'yong blush on ko? Dali! Parating na 'yong asawa ko," natatarantang tanong ng babae na hindi kalayuan sa akin. Nakalatag ang mga make-up sa kanilang lamesa na tila nagtitinda sa bangketa.

Asawa daw. Ang aga namang mag-asawa ng isang 'to.

Kabataan nga naman...

Irita man ako sa tilian nila ay pinili ko na lamang na huwag pansinin pa. Gutom na rin kasi talaga ako. So I gave my sweet smile at my chocolate cake at kinuha na ang tinidor para tusukin ito.

Mukhang masarap!

Nanunuot ang chocolate syrup nito sa ibabaw.

Ngunit tuluyang naupos ang pagtitimpi ko nang muling may sumigaw na naman. Malakas kong tinusok sa lamesa ang tinidor na hawak ko. Dahilan upang manahimik silang lahat na agad kong sinagot ng masamang tingin.

Badtrip naman kasi!

Kanina pa sumasabog tainga ko sa ingay nila! Hanggang ngayon ba namang kakainin ko na lang 'tong matamis na bagay ay mag-iingay pa rin sila?!

Darn! Food should be eaten with concentration to be appreciated well!

Ikinatuwa ko ang katahimikang iyon kaya hindi ko na sila pinansin at kaswal na lang akong kumuha muli ng bagong tinidor.

Wah! Chocolate cake!

I was about to eat my chocolate cake when one familiar voice stopped me.

"Excuse me." Agad akong napatingala dito. Bagay na ikinadismaya ko nang husto nang makita ko na naman ang malansang pagmumukha ng isdang ito.

Agad ko siyang pinaikutan ng mga mata at kaswal lang na isinubo ang pagkain ko.

"Dumaan ka," pabalang kong sagot at hindi na tumitingin pa.

Men! Ang sarap ng cake na ito!

"Aba't!" gigil niyang timpi. "What I mean is gusto kong umupo riyan sa inupuan mo!" salubong ang mga kilay niyang sigaw kasabay ng pagturo sa upuan ko. "Right here, right now!"

Pero imbis na mainis ay irita akong nangiti dahil sa hindi kapani-paniwala niyang galawan makatabi lang ako.

Pathetic amorous man.

"Sorry, ayoko ng katabi," walang gana kong sagot dito.

Nakita ko ang pamumula ng kanyang mukha na nadagdagan nang tumawa ang apat na lalaki sa kanyang likuran. Teka sila iyong mga lalake kanina! Bagay na ikinatigil nilang agad ng lingunin sila ng isdang ito para pagbantaan.

Napasipol na lang ang lalaking mapagpanggap na concern kanina. Nakasumbrero ito at pinipilit na pigilan ang tawa niya. Bagay na ikinalalabas ng dimples nito sa kaliwang pisngi. Pero natigil rin nang sikuhin siya ng mahina nitong lalaking may kambal na babae kanina.

Matapos iyo'y nakipagtitigan na naman ang malansang isdang ito sa akin. Bagay na agad niya ring ikunasindak ng ganihan ko ito ng masamang tingin.

Labanan pala ng tingin, ha? Game.

Nakatatawa lang dahil namumula ito. Halatang kilig na kilig ang loko.

Pero hindi ko inaasahan ang sumunod nitong ginawa.

"Ang sabi ko, umalis ka riyan!" Galit niyang hampas sa lamesa dahilan upang malaglag ang cake ko sa sahig. Nagpagulong-gulong pa ito sa sahig. Na talaga namang ikinatulala ko pa.

Labis na panghihinayang ang naramdaman ko lalo na at subo pa lang ako roon. At ito ang naging mitsa para tuluyan akong sunabog.

Buong lakas ko ring naihampas sa lamesa ang kamay ko. Gawa ito sa kahoy at nakabibiglang nalagyan ko ito ng lamat. Hindi ko na lang iyon pinansin pa dahil sa pagkaing sinayang ng isang ito.

I never spend too much money without a reason. Buying a cake I like is too costly, pero tinapon niya lang. Hindi niya ba alam na napakaraming gummy bears na sana ang nabili ko sa mahal non?

I gave him a death glare as I want him to know who is he messing with.

Nang dahil lang sa kagustuhan niyang tabihan ako'y sasayangin na niya ang cake ko?! Bakit? dahil hindi ako payag?! Langya!

"At paano kung ayoko?" galit sa pantay tono kong tanong. Napatulala ang lima sa lamesa. I even heard the crowd's gasped.

"Fighting back is not a very wise Idea. " bulalas ng lalaking nakasobrero kanina.

"The hell I care?" I retorted. "Kahit siya pa ang may-ari ng walang kwentang school na ito, wala akong pakialam. Akala mo kung sinong batas," inis kong bwelta sa kanila.

"But If I were you, aalis na lang ako riyan sa kinauupuan mo," maangas na sabi ng lalaking all black ang suot at may nakasabit na headset sa leeg. His expression didn't change a bit pero inirapan ko lang ito at hindi pinansin.

"Boss, do'n na lang tayo sa VIP section," suhestyon ng lalaking manghang-mangha akong tinititigan. Kasing tangkad ko lamang ito na may kaliitan sa taas ng kanyang mga kasama.

Sila na matangkad. Hindi naman nakakain 'yan. Bukod doon, gwapo din silang lahat.

Disente at tila kay babango pero ang pagdikit nila sa may saltik na ito ay ikinababagsak nila sa standard ko bilang gwapo.

"No. I want this spot!" Blaise shouted like a child whose having his tantrums.

"Parang bata." I murmured.

Sapakin ko na kaya?

"May sinasabi ka?!"

Bubweltahan ko pa sana siya ng pambabara nang dumating ang walang emosyong babaeng kakakita ko lang rin kanina. Tila sadya pang hinarangan ako nito para hindi matuloy ang balak kong pagganti.

"Blaise, ano na naman ba 'to? Nakikipag-away ka na naman!" said by this pale girl who doesn't have any expression. Cool.

Pero masyado ng nasasayang ang oras ko.

"Sige, alis na ko. You can have it now, childish. Baka umiyak ka pa at magsumbong sa Mommy mo," tuloy-tuloy kong asar habang nakatitig sa mata niya.

Nakita ko kung paano nag-usok ang ilong niya kaya naman matawa-tawa ko na siyang tinalikuran at taas noong naglakad palayo sa kanila.

Gusto ko talagang matawa sa kanyang itsura pero pinipigilan ko.

KIERA TAYLOR

"HELLO, MR. Harrison?" sagot ko sa telepono, it was Mr. Harrison.

"Hija, can you do me a favor?"

"Sure, Mr. Harrison. What is it?"

Weird. Hihingi ng pabor ang Lolo ni Blaise sa akin.

"Her name is Myrttle Medina Joong, I'll send her picture to you. Find her."

Myrttle Joong?

"Who is she, Tito?" intriga kong tanong.

Bagong bully na naman ba ito sa school na gusto niyang disiplinahin namin? Tss. Kung bakit ba kasi kami pa ang naatasang humawak sa magulo niyang school.

"She's qualified to be one of Harrison University Rulers. Your new co-member," masayang tono nitong sagot.

Woah, bagong member? Dapat ko bang ikatuwa iyon?

"Oh sure, Mr. Harrison. I'm sure Blaise will be glad to hear it."

He must be! Sa tagal ng panahong paghahanap, nakakabiglang may nahanap pa si Tanda na qualified na makasali sa'min. Poor girl.

"No, h'wag mong sabihin, hija!" Ikinagulat ko ang pagtaas niya ng boses sa akin.

"Okay," maikling sangayon ko.

Magpapaalam na sana ako nang putulin na nito ang linya.

"Pinatayan ako," asar kong titig dito.

This old fart should know na ayokong punapatayan ako ng telepno.

Inis kong tinitigan nang matagal ang cellphone ko hanggang sa mag pop-up ang isang mensahe galing kay Tandang Harrison.

I was surprised kung gaano ka fierce ang ityura ng babaeng tinutukoy ni Tanda. Bagay na kinababagayan ng wavy at mahaba nitong pulang buhok.

I knew her! Siya iyong sinadyang banggain ni Blaise kanina! Blaise must up to something.

"Interesting," tanging salitang nabanggit ko.

Hahanapin ko na sana ang limang na kumag nang marinig ko ang bulong-bulungan ng mga estudyante. Mukhang nagpapasikat na naman ang nga iyon sa Cafeteria ng B.A Buulding.

All I can do is to take a deep sigh nang makita ko kung gaano ka crowded ang Cafeteria.

Ano na naman ba kasing ginagawa ng limang itlog na iyon?

Sinubukan kong makipagsiksikan sa mga estudyante ngunit napatigil ako sa paghahanap nang makarinig ako ng kakaibang tunog.

Isang babaeng galit na galit ang naitusok ang tinidor sa lamesa. Tingin ko ay naingayan ito sa mga estudyante na gagawin ko rin naman kung sakaling ako siya.

Ngunit nang mapalingon ang babaeng ito sa gawi ko ay tuluyan akong namangha nang makilala ko kung sino siya.

"Myrttle," gulat kong bulalas.

Si Myrttle Joong. Ang bago naming myembro.

Ngunit ikinaagaw ng atensyon ko nang makita kong palapit din sa kanya ang limang itlog na hinahanap ko. Halatang may problema si Blaise kay Myrttle sa hindi malamang dahilan. Bagay na ikinatutuwa ko rin naman dahil katuwa-tuwa si Blaise kapag alam kong naasar.

But what the hell is happening to him? May VIP room naman sa Cafeteria na ito para sa amin, ah?

Humakbang pa ako palapit para sana pigilan si Blaise ngunit tuluyan akong napatigil nang biglang hampasin din ng Myrttle ang lamesa, at nakamamanghang nagawa niyang sirain ito.

She must be something. All wooden furniture here are made of fine materials that cannot be crushed easily. But this girl?!

One slam, Kiera! One slam!

"Unbelievable."

Hindi ko naiwasang kunin ang kanilang atensyon. Gulat na gulat ang mga nakikiusyoso sa presensya ko. Na tila sa totoo lang ay ikinaiirita ko.

"OMG! The Poker face princess!"

"Oo nga! Wah! Ang ganda niya!"

I know...

"Kiera!"

Pero ikinagulantang ko ang pamilyar na boses na iyon sa likuran ko. The last person I want to see in my life. Kurt Mesiah. My heartbreak.

Ugh! Kailan ba niya ako titigilan?

Sa kagustuhan kong iwasan ito ay agad na akong pumasok sa Cafeteria nang hindi nagpapaumanhin sa mga nabangga ko.

Agad kong napigilan si Blaise dahilan upang makakita ng butas si Myrttle para makaalis ngunit bago iyon ay inasar niya muna ito.

Nice girl. Pasado na siya sa akin.

Rinig ko ang impit na tawa nina Landon at Ethan kaya naman napangiti na lang din ako habang pinagmamasdan si Myrttle palayo.

"May nakakatawa ba?!" nangagalaiting tanong ni Blaise sa dalawa. Bagay na ikinakagat labi ni Ethan at ikinasipol bigla ni Landon.

"Kakaibang babae," rinig ko namang bulong ni Ash ang kambal ko habang hinahawakan ang lamat sa lamesang hinampas ni Myrttle.

Kumapit ako sa braso nito. "Precisely,"

"Kainis!"

Mabilisang nag walk put si Blaise na ikinatingin namin sa isat isa ni Ash.

Mukhang magiging masaya ang taon ngayon ng Rulers! Or should I say ni Blaise Harrison Blaire?

BLAISE HARRISON BLAIRE

"INIINIS TALAGA ako ng babaeng 'yon!" asar kong subo sa cheese cake dahil sa prustasyon.

Nakakainis. Anong sabi niya?! Na gusto ko syang tabihan?! As if naman na gusto ko! Ang kapal ng apog, porque ba nagpasalamat ako sa kanya for the first time in my life ay may karapatan na siyang yamutin ako?!

"Eh, bakit ba kasi napagtripan mo, Blaise?" kaswal na tanong ni Landon na nagpipigil ng tawa habang pinapanood akong kumain.

Isa pa 'tong mga 'to! Kanina pa pigil nang pigil ng tawa! Bakit hindi na lang siya tumawa nang makasapak man lang ako kahit isa?!

Naalala ko tuloy nang makalabas kami kasama ang Rulers sa Clinic kung saan pinagpahinga ko si Celine. Sa dami ng tao sa paligid ay ang Myrttle na iyon pa ang nakita ko. Nakakainsulto siyang makita ulit. Pero ang makita ang ilang beses niyang pagtumba dahil sa pagbangga sa kanya ng mga estudyante ay nakakatawa!

Kaya naman sa huling pagkakataon ay naisipan ko ring banggain siya! And Wolla! Nakabawi agad!

"Hoy, Blaise! Nakikinig ka ba?" nabalik ako sa realidad nang sigawan ako ni Kiera. Isang babaeng may maikling buhok ngunit walang kaemo-emosyon sa mukha.

"Sorry. Ano nga ulit 'yon?"

And she started to report things concerning our University. Sumunod sa kanya ang kanyang kambal na si Ash Taylor, Kapreng si Landon Ace, Dwendeng kwagong si Ethan Romsay, at Batong si Hunt Spark.

And Why do we need to be concern about this University?

It's simple because, we are Harrison University Rulers.