Myrttle's Point of View
Madali na akong tumayo ng hindi ko na makaya pang marinig ang pinupunto ng matandang 'to.
"Wait, about my parents. I really doubt that they are related to this mess!" lakas-loob at iiling-iling kong kontra kay Mr. Harrison.
Sasabog na ang utak ko sa mga tanong ko sa sarili ko. Una, napaka imposibleng makasama sila sa Harrison Rulers. They must be strong like the legendary, pero ordinaryong tao lang ang mga magulang ko. I've seen their haopy lives without me. Mga walang kwentang magulang. They can't accept me as their child kaya iniwan nila ako kay Lolo. I don't need them anyways.
"Yeah, it's impossible. Sige alis na ako," mapait kong pagpapaalam dahil sa insultong nararamdaman ko.
Sitwasyong pinaka-ayokong naiipit ako. Sitwasyon kung saan may kaugnayan sa mga magulang ko.
Insulto dahil ni katiting sa nakaraan ng mga magulang ko'y hindi ko ginustong malaman pa. Ano mang gusot, ano mang bakas o miski ang anino nila!
"Myrttle Joong, before you go..." I tried to ignor him but there is something in his voice made me stop. "Are you not interested to know your mothers' identity?"
Otomatiko akong napalingon sa matandang na tila ba gusto ko ring makinig sa sasabihin nito.
My tr-true Mother?
Is this old fart k-kidding me?!
"You don't need to, Mr. Harrison, kilala ko siya. Her name is—" tigil ko at humugot ng malalim na hininga. "Joanne Medina, wife of Syrus Ong," mariin kong sagot, nakakatawa lang dahil miski ang tawagin sila bilang magulang ay hindi ko magawa.
Paano mo nga naman natatawag na magulang ang taong kahit kailan ay hindi naman naging magulang.
Ngunit mabilis na naagaw ang atensyon ko nang muling may mag-flash sa monitor Bagay na ikinatulala ko dahil sa dalawang litrato doon... litrato nila iyon. Ni Syrus at Joanne. Ngunit ikinagimbal ko ang pangalang nakalathala sa mga I.D nito.
Joanne Lee, Syrus Lee?
Hindi...
This old man is too much.
"I'm sorry Iha, but they're never your parents. She's actually Joanne Lee and Syrus Lee. One of your Grandfather's Friend."
"Shut up!" Awat ko dito kasabay ang paghablot sa kwelyo nito.
Pero patuloy lang ito sa pagflash ng mga video, I.D's maging mga transactions kasama ang dalawa. Which made things worst sa utak ko.
N-No. Hindi pwede!
Dahil sa galit ay ginusto ko nang pulbusin ang bunganga ng matandang ito. Ayoko na! Ayoko nang makarinig pa ng kung ano sa bibig mo!
I heard the Rulers sa pilit nitong pag-awat sakin. I even feel their hands para ilayo ako sa matanda, but they fail to stand againts me.
Naiinis ako, naiinis akong pinakmumukha ng matandang huklubang ito kung gaano ako niloko ng mga magulang ko. Tapos ngayon sasabihin niyang pati ang Lolo ko ay manloloko?!
Damn it!
Gigil na gigil akong patahimikin na lang siya. Gigil na gigil akong sumagot at ipahiya siya. Pero anong saysay? Anong saysay kung ni isang katotohanan sa pinanggalingan ko'y wala akong alam?
"Tell me, ano pang alam mo!" tuluyan kong suko. Pinipilit labanan ng pride ko ang lahat, pero ang sarili ko na mismo ang bumali niyon. Mga salitang tila bumara sa dibdib ko para sumakit ito.
"Okay, Iha, calm down. Bitawan mo muna ako," kalmado nitong utos sa 'kin nang may pagngiti.
Mabilis ko iyong sinunod nang hindi pinuputol ang masamang tingin sa kanya.
The way he smile are really insulting! May nakakatuwa ba sa nangyayari?
"Kagayang-kagaya mo siya, Iha," natatawang komento nito na hindi ko ikinatuwa.
"The twelve chairs and their crystals, symbolizes the twelve legendary rulers. They own those chairs. And you are seat-"
I cut him.
"Just go straight to the point Mr. Harrison!" utos ko.
Bastusan na kung bastusan! Wala akong pakialam.
Hanggang sa matigilan ako nang isang litrato ng babae ang mag flashed sa screen.
"You're Myldred Joongs' daughter, also known as, Aimi the Phoenix. She's the strongest, and she owned the chair you are seating after Blaise Father, Takashi. For she became the strongest member of the Rulers. "
Her eyes look so bright, the bright version of mine. Her red silky hair, that suits her as much as I do. Pero isang bagay ang ikinaguho ng husto ng lahat. When I saw the mark on her left cheek.
N-No....
Mr. Harrison was about to say something, pero tinalikuran ko ito at nagtungo na sa pintuan papalabas ng impyernong lugar na ito.
Ayoko... Ayokong marinig pa ang mga susunod na sasabihin niya.
"Hindi ako naniniwala sa 'yo," bulong ko sa hangin bago ko ibalibag pasarado ang pinto.
Hindi, wala siyang alam. Mali ang lahat ng sinasabi niya. Ayoko... Ayoko pakinggan!
Ang marahan kong mga hakbang papalabas ng gusali'y tila ikinasisikip ng husto ng dibdib ko. Hindi ako makahinga! Ayoko na dito!
Hanggang ang marahan na paglakad ay naging patakbo. Pagtakbong kinaaugasan na ng mga luha sa pisngi ko.
W-Why am I crying.
At hindi ko na namalayan pang narating ko na ang golden Gate.
I want to go home.
Pinilit kong huwag ng alalahanin, pinilit kong kalimutan ang lahat ng narinig ko. Pero paulit-ulit itong umaatingaw sa utak ko.
Paulit-ulit, paulit-ulit na mas ikinadudurog ng puso ko.
No. That's not true. Lolo can't lie to me. He can't do this to me....never.
I was my way out of the University. Wala ng katao-tao dahil kalagitnaan ng klase. Pero napatigil ako nang maramdaman ko na namang may nakamasid akin. Sinubukan ko itong hanapin pero wala akong nakita kung hindi ang malawak na kawalan.
* * *
Nagising ako sa kalabit ni Nay Julie sa 'kin. "Iha gising ka na."
Pero hindi ako kumilos. Napuyat ako kakahanap sa pagkakakilanlan ng Aimi o Myldred na sinasabi ng matandang iyon. I even called Xander just to find her but nothing found. That's weird! May alas pa sana ako kung sinong pwede kong hingan ng tulong pero debale na. Ayokong ipatrabaho sa kanya ang bagay na ito.
"Iha, gumising ka na't may naghihintay sayo sa baba," dugtong pa ni Nay Julie.
"Nay," I frowned. "Ayoko pa gumising, mamaya na."
Ayokong pumasok, ayokong gumalaw. Dapat pala'y nasabi ko na kila Shenny kagabi na wala akong balak pumasok ngayon.
Ngunit napabalikwas ako ng maramdaman kong mag-vibrate ang phone sa ilalim ng unan ko.
"Hello,"
Ngunit isang tili ang bumungad sa akin, "Myrttle hindi ka namin masusundo ni Xander ngayon ah? Paano na-late ako gumising kaya mauna ka na."
Hindi pa man nito natatapos ang kanyang sinasabi'y pinatayan ko na ito't napatayo.
'Eh, sino iyong nasa baba?!
Dahil sa kaba ay mabilis pa sa kidlat kong hinarap si Nay Julie na kasalukuyang nag-aayos ng mga gamit ko.
"Nay Julie, dito lang kayo h'wag kayong lalabas!"
Nagulat ito sa inakto ko. Pero wala na akong oras! Mabilis ko siyang kinandado sa loob at lumabas.
Damn it!
Bakit ba hindi ko siya nasabihang huwag magpapapasok ng mga hindi niya kilalang tao?!
Ngunit napakunot agad ako ng noo nang bumungad sa akin ang mga nilalang na prenteng nakaupo sa sofa ko!
Wala akong bisita, Nay Julie. Dahil bwisita ang mga tao ngayon sa bahay ko.
What the hell are they doing inside my house?!
"Good morning Myrttle!" ganadong bati ni Ethan Romsay pero inismiran ko lang ito.
Linzy loudly gigled. "I like red messy hair!"
"You're awake, finally," inip namang sabi ni Kiera.
Tss, sino ba kasi may sabing maghintay sila?
Lalo namang nag-init ang ulo ko nang tangkang hahawakan ni tanda ang paintings ko. Of course, this old fart are also here.
"Do not touch anything! Who told you to come here?" mabilis kong hawi sa kamay nito. Nandito ang lahat ng Rulers, maliban sa isdang iyon.
"Nice traits, Iha. You and your mother are really in common. " ngiti nitong puri sa akin na agad kong sinimangutan.
Inaasar ba talaga ako nito?
"I don't freaking care!" sigaw ko pero ikinangiti niya lang. Ugh!
"They are here for you, Myrttle. Rulers must be seen going to school together," ngiti nito sa akin na lubos ko na talagang ikinainis.
Walang buhay ko lang na tinitigan ang mga ito nang makita kong hinihintay nilang lahat ang pagsangayon ko. Bagay na binawi ko rin naman ng isang irap at umakyat na muli ng tuluyan sa aking kwarto.
Ilang oras akong nagayus sa pinakamabagal kong pagkilos. Matapos ang lahat ay bumaba na ako at dire-diretsong tinungo ang pinto. Plinano kong paasahin ang mga ito. Ang akala ba nila sasama ako sa kanila?! Dream on!
Mabilis na akong pumasok sa sasakyan ko't binuksan ang makina nito.
Sinubukan ni Landon na habulin ako pero pinagbuksan ko lang ito ng bintana.
"Ang akala ko ba sasabay ka na sa amin? " Hingal na hingal nitong tanong. Pero inirapan ko lang ito't sinamaan ng tingin.
"Why would I?"
Tuluyan ko nang minaniobra ang sasakya't umalis sa kanilang harapan.
Sinubukan kong tanawin si Landon sa Side Mirror. Pero ipinagtakha ko ang tila gulat na gulat nitong itsura, habang nakaturo sa akin.
"Mga bwisit! Mga walang magawa! Mga walang kwentang nilalang"
Pagwawala ko habang nagmamaneho.
"Ang akala ba nila sasabayan ko sila sa kalokohan nila?! Never! I would rather eat broccoli kesa magpa-under sa isdang iyon!"
"Wait what?! Sinong isda?! " At talaga namang napaapak ako sa preno dahil sa boses na iyon sa likuran ko!
B-Blaise?!
"Fvck! Be careful!"
"Anong ginawa mo rito? Baba!"
Pinakamalakas kong sigaw na ikinatakip nito ng tenga.
Paano siyang nakapasok dito?! Paanong hindi ko siya makita?! At ano sa tingin niya ang ginagawa niya!
"Ano ba! H'wag ka ngang sumigaw! " Lakas pang angal ng makapal na mukhang ito.
Dahil sa gigil ay ako na mismo ang bumaba sa sasakyan para kaladkarin ito pababa. Pero hindi ko naman alam na mali ang desisyong iyon.
"Ayaw mong bumaba, ah! Ako magpapababa sa'yo!"
Marahas kong binuksan ang backseat na ikinaputla nito sa gulat. Ikinatuwa ko pa iyon dahil parang takot na takot siya sa akin.
"Oh, anong gagawin mo?" nauutal nitong atras.
"Palalabasin ka!" Sigaw ko.
"Kung kaya mo!" Lakas nitong hamon at humalukipkip pa! Anak nang!
Marahas ko itong hinila sa braso. Maarte itong umangal sa pagkakalukot ng pula niyang polo. Pero hindi ako nagpatinag!
"Umalis ka na kasi!"
Dahil sa pagkaubos ng pasensya'y nagpumilit na akong pumasok sa backseat, pilit na inabot ang seatbelt at hindi pa inisip ang pwesto naming dalawa.
"O-oy! Anong gagawin mo?!" Pilit niya akong itinataboy pero hindi ako nagpatinag. Huli na nang maramdaman kong sobrang lapit ko na pala sa kaniya. Ikinagulat ko ang libo-libong bultahe ng kuryente dumaloy sa katawan ko sa hininga nito sa aking tainga. Bagay na agad ko rin namang ikinalingon sa kanya...
But that even make things worst.
Lubdub.
Isang hibla, isang hiblang buhok lang ang pagitan naming dalawa. Bagay na ikinalakas ng kabog ng aking dibdib at ikinalunod sa hindi ko mawaring pakiramdam.
Ilan pang sandali bago parehas na namilog ang aming mga mata. Gusto kong kumilos ng agaran para layuan si Blaise. Pero ni ang makagalaw ay hindi ko magawa! Wh-What the hell is happening to me?!
Until I realized one thing upon staring at those deep brown eyes...
I-Ive seen it before.
Ang mangilang pagkurap naming dalawa ang nakapagpabalik sa akin sa ulirat. Bagay na agad kong sinunggaban para siya'y diring-diring layuan. Mabilis na akong sumakay at mas binilisan pa ang pagmamaneho.
I never allow him to talk. Ni ayokong alalahanin pang muli ang lahat! Ayoko, dahil panganib lang ang maidudulot ng pakiramdam na iyon.
And Damn it! Bakit sa kanya pa?!
Mabilis kaming nakarating sa University dahil sa nangyari. Pero katulad ko'y ni hindi ito makapagsalita.
"Baba," Pantay-tono kong utos.
Walang angal naman na itong bumaba, kaya punaandar ko lang muli ang makina ko.
Pero isang katok sa bintana ko ang agad kong ikinalingon. I slide it open as I narrowly looked at Blaise.
"Saan ka pupunta?" Inis na tanong nito.
"Hindi ako papasok!"
Hindi na kung 'yang pagmumukha mo lang rin ang nakikita!
"What?! Hindi pwede! Sumama ka na sa amin!" He yelled as if may utang na loon ako dito.
Like hell!
"Never." Tuluyan kong sarado at pinaharurot muli ang sasakyan.
Dont even think about it!