Myrttle's Point of View
WEEKEND NA! Sa wakas!
Ganadong ganado akong bumangon dahil dumating na rin ang pinakatahimik na araw ng linggo ko.
Lulukso-lukso pa akong tumayo at hinarap ang mga desktop ko. Binuksan ko ito't tinignan ang mga nagmensahe sa dalawang email ko. One for my usual transaction, and the private one for every important transaction. Tuwing umaga ko ito binubuksan, para maging updated sa mga bagay-bagay na dapat kong malaman. My phone has an access to this two email, so I can check it whenever its needed.
Nothing unusual naman ang mga nasa pivate kong account. May isa lang talagang nangungulit malaman kung nasan na ako. But I ignored him again, as I leave my private account offline. Crazy...
I looked for some kind of interesting news on my common Email. But like what I am expecting, wala itong ipinagbago. The same news from the different senders.
Hanggang sa isang mensahe ang nag-appear muli spam messages ko. I quickly click it for its unusual name.
"Take care —P?" kunot-noo kong basa rito.
Siya na naman. Nakatanggap na naman ako ng mensahe sa taong ito.
But whats with P?
This person's always sending me messages. Like, take care, be good, congratulations, and all kinds of greetings kada may mangyayari sa buhay ko. It's weird, thats why I used to ignore it.
At ito ang kauna-unang beses na sasagutin ko ito.
"Who are you?" I replied. Pero ikinagulat ko nang mag appear ang display picture nito sa email ko.
And i-it's a.... P-Phoenix.
"Hija, gising ka na ba? May package na dumating para sa'yo. Lumabas ka na riyan para makita mo."
H-Hindi kaya...
"Hija—"
Someone trying to open my door
Kaya mabilis ko ini-log-out ang mga email ko.
"Opo, nandiyan na po," daglian kong pigil kay Nay Julie sa pagpasok ng kwarto ko.
Nilabas ko ito at hinawakan sa kamay para sabay kaming bumaba ng salas.
"Saan daw galing 'yong package, 'Nay?" pag-iwas kong tanong.
"Sa school mo, anak. Napakaganda talaga ng logo ng eskwelahan mo anak." Her eyes flickered. Pero ikinaikot ko iyon ng mata sa hangin.
"Ah, ano na naman kayang kalokohan iyon," buryo kong bulong.
Nang makababa na kami'y isang kulay gintong kahon ang nasa ibabaw ng salaming lamesa sa sala.
"Maiwan na muna kita Anak, balikan ko lang ang niluluto ko. " Paalam sa akin ni Nay Julie na tinanguan ko't sinundan ng tingin.
Pinanlisikan ko agad nf mata ang kahon. Tamad na umupo sa puti kong sofa at binuksan ang kahon. Dahilan para tuluyan akong manlumo.
----
Dear Ms. Myrttle Joong:
You have receive four sets of Harrison University first school Uniform.
Harrison University CEO, Mr. Jackson Harrison, The Rulers, and the Student council representatives had declared unanimously that School Uniform must be worn by all students of Harrison University.
As part of the school progressive reputation, a uniform dress code reinforces in students to further develop the sense of pride and identification of the chool.
Students who do not comply will not be permitted to enter the University and listed for a rightful sanctions.
Sincerely,
Davian Yamato, Student Council President.
Jackson Harrison
Harrison University CEO
Blaise Harrison Blaire
Harrison University Ruler
----
Tss. Niloloko ba talaga nila ako?
Ang akala ko ba'y walang uniform ang school na 'yon? Bakit biglang may ganito na?!
Inis ko namang hinablot ang papel na nakaipit sa naka-plastic pang itim na mga uniporme.
Pero walang gana ko itong hinablot lahat at tumayo para magtungo sa basurahan.
Eh, 'di huwag! Sino bang gustong pumasok sa school nila?!
"Anak! May uniform ka na!"
At tuluyan akong naistatwa nang marinig ko ang tili na iyon ni 'Nay Julie.
Oh, God! Patay na!
Ngiwi akong napaharap kay Nay Julie, to said another lie, but she grabbed it already at inilabas na ang mga uniporme sa plastic nito.
Ugh...
"Naku napakagaganda naman nito Myrttle! Soot mo na dali! Excited na si Nanay."
But her excitement makes it so hard to for me refuse. Wala akong ibang magawa kung hindi ang mapabuntong hininga.
I don't want to ruin those smiles, kaya umupo na lang rin ako sa sofa katabi nito. Ngunit ikinagulat ko nang hilahin na ako nito paakyat sa kwarto ko!
"T-Teka Nay! Bakit!? " Halos masubsob na ako sa bilis ng hila ni Nay Julie.
"Isukat mo na dali! Excited na akong makita ang alaga kong naka-uniform. Dali na!" lulukso-lukso nitong sagot na ikinangiwi ko na lang talaga.
Sa bagay, kahit kailan naman hindi ako nakita ni Nay Julie na naka-uniform. We used to study at home when I was a child.
She finally stopped, at pinapasok ako sa walk in closet ko. Naiwan ito sa labas at ang natira lang sa akin ay ang kahong kating-kati na akong sunugin.
Laman nito ang dalawang pares para sa regular Uniform at dalawang pares para sa P.E. Pero binalibag ko na ito matapos makuha ang isang regular uniform.
I first wear a plain and soft white polo with the University Logo. It fits me so right na sinundan ko agad ng pagtali sa isang midnite blue na necktie. There's actually a choice, may ribbon sa kahon, but I prefer neckties.
Pero langya lang talaga!
"Bakit napakaikli nito?! " I shouted our of frustration nang tuluyan nang masoot ang above na knee na palda nito! Its a plain and fine flare skirt that has a midnight blue line near its edge.
Kunot-noo kong hinarap ang sarili ko sa full length mirror. Its suits me, but it shows so much skin sa legs ko!
"No, hindi pwedeng ganito!"
"Anak, ang tagal mo naman!"
Oh shit!
"Opo, nandiyan na po. Saglit lang po."
I quickly grab a long black socks and one pair of black shoes na regalo pa sa akin ni Nay Julie nang malamang papasok na ako sa school.
At kahit na papaano'y nawala na ang pagkairita ko nang matakpan kahit na papaano ng medyas na ito ang binti ko.
Ugh! Bakit ba kasi naipakita ko pa ang basurang ito kay 'Nay Julie 'e. Kainis!
Bago tuluyang lumabas ay sinoot ko na ang itim na coat na may midnight blue ring linya sa bawat edge nito. Mas na-emphasized nito ang logo ng Uniform. But I'm still not impressed!
Kabado kong binuksan ang pinto at nagulat nang biglang salubungin ako ng sunod-sunod na liwanag.
"Ang ganda-ganda mo, 'nak! Bagay na bagay sa'yo!"
Too late to know na nakuhaan na pala ako ng litrato ni 'Nay Julie.
"'Nay! H'wag ninyo na ako kuhanan ng litrato." Nahihiya kong takip sa mukha ko.
"Eh, pumayag ka na, anak. Ilalagay ko lang sa album natin." Pangungulit pa nito, kaya't nag-peace sign na lamang ako para matapos na. I also smiled to make 'Nay Julie Happy.
Nang matapos ito'y madali na akong pumasok muli para hubarin na itong lahat!
Damn it! Hinding-hindi ko ito sosootin!
"Nak! Soot mo iyan sa lunes ah? Bagay mo 'yang Uniform! Sigurado akong marami na namang magkakagusto sa'yo niyan!" rinig kong kantyaw nito sa labas na ikinakibit-balikat ko lamang.
Magkakagusto? Kanino sa akin? Oh please. I'd rather punch him straight than to know his feelings. At isa pa... that thing has no space in my world. It was useless.
The day 'Nay Julie was waiting for has come. Monday. Alas singko pa lamang ng umaga ay ginising na ako ni Nay Julie para pakainin, pag-ayusin, at ipasoot sa akin ang lintek na uniform na ito.
"Pasalamat kang uniform ka at gusto ka ni 'Nay Julie!" galit kong duro sa uniform ko sa harap ng salamin habang nagsusuklay, nakapagpulbo na rin ako't pabango. No need to liptint for I already have this wierd natural red lips.
Nang pumatak na ang alas syete ay bumaba na ako't kinuhanan na naman ng litrato ni Nay Julie.
"Alis na po ako Nay Julie." Halik ko sa pisngi nito.
"Oh siya, sige, magiingat ka. Iyong vitamins mo, ininom mo na ba?"
"Opo naman po, 'Nay." I lied. Ang totoo'y matagal ko nang hindi iniinom ang vitamins na pinipilit ipainom sa akin ni Lolo. Ayoko, dahil alam kong malusog ako.
Nang makarating ako sa Harrison University at makababa sa sasakyan ay nagsimula na naman akong mairita sa maikling palda ko.
Paulit-ulit kong ibinaba ang laylayan nito. Nakakairita sa pakiramdam lalo na't nakararamdam ako ng hangin sa hita ko.
Sa sandali ring iyon ay napatigil ako nang biglang mag-vibrate ang phone sa bulsa ko.
Text message received.
From: Shenny
Good morning! Nasuot mo na ba 'yong uniform mo, Girl?! Ang ganda, 'no!?'
Napairap akong agad sa text ni Shenny. Anong ba kasing ikinaganda ng Uniform na 'to? Well, I do love black, pero hindi pa rin nito matatakpang uniform siya.
To: Shenny
Anong ikinaganda nito?
Sagot ko rito na hindi nagtagal ay nireplyan niya rin kaagad.
From: Shenny
Maganda kaya!
Bagay na hindi ko na lang pinansin at ipinasok na lamang muli ang phone sa bulsa ng coat na ito. But the moment I enter the main gate, ay otomatiko ang naestatwa sa kinatatayuan ko.
"B-bakit parang may mali?" bulong ko sa hangin habang pinagmamasdan ang mga estudyanteng pumapasok na sa school. They're all wearing a white version of the uniform I am wearing....
White version! White! Hindi black!
Ngunit ikinabalik ko agad sa realidad nang ang lahat ng mata nila'y sunod-sunod sa aking tumingin.
S-Shit! Huwag mo sabihing winalangya na naman ako ng mga taong iyon?!
Iritable ko silang tinignan ng masama kasabay ng mabilis kong paglakad patungong Directors office. Sa office ni Tanda!
Gigil kong binuksan ang pinto ng silid na halos ikasira nito. Wala nang katok-katok! Bastos naman ako sa paningin niya, eh Bakit ko pa babaguhin? At isa pa, gusto ko na talagang makita ang gulong hinahap niya sakin!
"Tanda!" bulyaw kong bungad, nakatalikod ito ang swivel chair nito na parang hindi ako naririnig!
"Tanda! Ano na naman bang trip 'to, huh?! Bakit iba ang kulay ng pinadala ninyong uniform sa akin? Inaasar mo ba talaga ako?!" angil ko pa.
Nakakabwisit! Hindi porque hindi ako sumali sa walang kwentang kagustuhan niya ay yayamutin na nila ako ng ganito!
"No we're not. We just like to say that there's no other escape but to join us. " Boses ng isang lalaking napakalayo sa boses ni Tanda.
Wala pa akong reaksyon noong paikutin na niya agad ang upuan, pero ikinagulantang ko ng husto nanv makita ko na naman ang nakakairitang pagmumukha nito.
"Hey, you look feminine with your uniform. Akalain mo 'yon?" He smirked.
"B-blaise?"
Bakit nandito 'tong isdang 'to?!
"Why? Nagulat ka ba? Bawal na bang umupo sa upuang ako rin ang magmamana?" mahangin pa niyang kwestyon sa akin na akala mo naman interesado ako sa upuan niya. Ni hindi ko nga tinatanong.
I made a smug, ngunit ikinairita ko nang bigla iyong sumeryoso at pinagmasdan ako mula ulo hanggang paa.
At ikinalulunod ko na naman ang pakiramdam na iyon. It mades me conscious na napakabago sa akin.
What the hell?!
Dahil sa pagkailang ay agad kong kinuha ang pinakamalapit na puwedeng pantakip sa hita ko. Bwisit na palda 'to! Nakadampot naman ako ng isang folder na agaran kong itinakip dito.
"Nasaan si Tanda?!"
Pero imbis na sagutin ako ay ngumisi na naman siya sa akin.
Argh! Gusto ba talaga nitong mabungal?!
"Why are you hiding your legs?" Tawa pa niyang tuluyan. But I was defenceless. Ayokong ipaglabang hindi ako sanay dahil wala naman akong dapat ipaliwanag.
"Sa bagay ang pangit nga. Don't worry, papagawan kita ng lagpas paa," sarkastiko niyang dugtong kasunod ng kanyang halakhak.
Bagay na agad ikinalipad ng folder na hawak ko sa noo nito!
"Bulls eye," puri ko sa sarili ko nang patusok itong maglanding doon.
"Dang! Nagbibiro lang, eh! Tss!" bulong nito habang himas-himas ang noo.
Aba't! May saltik ang loko.
Magbibiro na lang sa akin pa?! Bakit, sa tingin ba ng lokong ito ay close na kaming dalawa? Dream on! At hindi panget ang legs ko! Bwisit!
"What brought you here, beautiful young lady?"
Napalingon akong agad sa kaliwang bahagi ng silid kung saan kakapasok lang ni Tanda. May hawak-hawak itong libro habang ipinagmamasdan kaming dalawa ng may saltik nitong apo.
"Finally, can you explain this to me?!" pointing my uniform. "Bakit ganito ang uniform ko?! Magkaibang-magkaiba sa mga uniform ng mga mag-aaral ninyo! Trip mo ba talaga ako't maging pati hanggang uniform ay iinisin mo ako?! "
Pero gaya ng kanyang apo'y napangiti lang ito sa akin matapos nito akong pagmasdan.
"You don't need to shout, young lady. Tama ang naibigay kong uniform sa iyo. Tingnan mo, parehas kayo ng apo ko." Turo nito sa kanyang apo na hinihimas pa rin ang noong namumula.
Buti nga sa'yo!
Pero nanlaki ang mga mata ko nang mag-sink-in sa akin ang lahat. He is wearing a white long sleve with H.U logo and a midnight blue neck tie, habang ang kanang kamay nito'y may hawak na itim na coat na may asul na linya rin sa hangganan ng mga ito.
D-Dont tell me...
"And yes, hija. The uniform you are wearing are specially made for Harrison University Rulera. I'm sorry, but whether you like it or not you're going to be part of it,"
buong awtoridad nitong utos dahilan upang mapako ang hindi makapaniwalang tingin ko rito.
"Tara na't mags-start na ang klase natin."
I was about to explode when Blaise stood beside me and dragged me outside.
Bakit ang lalakas ng saltik ng tao sa school na ito?! Kilala ba talaga nila kung sino ang binabangga at pinupwersa nila? They are too desperate to have me! If only they know who I really am. I'm sure na ni anino ko ay gugustuhin na nilang mawala rito sa school!
"Ang dami mo nang ginawa sa akin! Pasalamat ka't babae ka, kaya hindi kita magantihan!" sabi ni Blaise na nakapagpabalik sa akin sa realidad.
Shoot, si Blaise pala 'to!
Kaya agad kong tinampal ang kamay nito na ikinagulat niya.
"Para saan na naman 'yon, huh?! Nakakailan ka na, ah!" angal nito at naglakad na ng una sa kanya.
I really want to reject them. I really want to go to my classes. Pero ang titig sa akin ng mag estudyante dahil sa soot ko'y hindi ko na makaya pa!
"Woah! She's one of the Rulers?! Astig! Siya iyong pinahiya sila Sasha sa Cafeteria right? Cool! She deserve it! " Rinig ko sa isang estudyanteng nadaanan ko. Sobrang daming nakaharang sa estudyante sa University ground dahil sa isdang ito. Pero nahahati ang daan sa paglalakad ko.
Hanggang sa tuluyan akong mairita nang lalong umingay ang lahat sa hindi malamang dahilan!
"Alis!" Yamot na yamot kong sigaw na agad ikinaatras sa akin ng lahat!
Mga bwisit sa buhay!
"Hey! Ate Myrttle!" Ang boses na iyon, it must be Ethan.
Napalingon akong agad at napabuntong hininga na lamang nang makita ko na silang lahat doon. The Harrison University Rulers wearing their black uniforms.
Oh, hell.
"Ang cute ng uniform nila!"
"Oo nga, black version ng sa atin!"
"OMG! They look Gods and Goddesses!"
"Like yes, girl. Look! Myrttle are also wearing their uniform! So it's true? She belongs to Harrison rulers! Like O M G!"
"Shemay, pare! Ang ganda pala noong Myrttle? Hindi na siya mukhang maton!" Rinig ko na agad kong ikinalingon sa lalakemg nagsalita. I was about to punch him nang harangan ako ng higanteng nilalang.
"Wah! Mukha ka ng babae sa suot mo, Myrttle!" bati ni Landon nang sabayan ako nitong maglakad. Halatang nilayo ako nito sa lalake kanina.
"Close ba tayo?" Irap kong kontra dito.
"Inaaway mo na naman ako. Close na kaya tayo," he hopelessly pleaded.
"Tss. Whatever."
"Yes! Close na kami, Ethan!" Pagmamayabang nito kay Ethan kasabay ng isang apir.
Nagkindatan din ang dalawang ito at ikinagulat ko nang si Ethan naman ang pumulupot sa braso ko.
"H-hey," gulat kong pigil dito. Kamuntik ko na itong masiko dahil sa pagkabigla. Ngunit mas naawa amo sa mata nito.
"Ate, ako rin please. Gusto ko lang manalo sa pustahan namin ni Landon," bulong at pagmamakaawa nito sa akin na sinundan ko ng isang buntong-hininga.
So, pinagpupustahan ako ng dalawang ito? Mabuti na lamang at magaan ang loob ko kay Ethan. Kaya hinayaan ko na lamang itong ipalupot ang kamay sa braso ko. Binigyan ko rin ito ng tipid na ngiting matagal ko nang gustong ibigay sa kanya.
Bagay na ikinapula ng tainga nito na tahimik kong pinanggigilan.
Oh, God! Kailan ba ako titigilan ng kahinaan ko sa mga taong cute?
Bigla nitong hinarap si Landon at dinilaan. "Landon, paano ba 'yan! Mas close kami ni Ate Myrttle. Mamaya, 'yong ice cream ko, ah?" Bibo nitong asar na ikinatulala naman ni Landon.
But seriously? Sa kabila ng mabigat nilang responsibilidad bakit ganito ang pag-uugali nila?
"Thats nice, the uniform suits you,"
punong-puno ng buhay na puri sa akin ni Kiera. Nakakapanibago ito ngunit agad din namang bumalik ang mukha nito sa walang pagkainteres.
Weird.
Kung sa bagay, bagay din naman sa napakaputi nitong balat ang kulay ng uniform pero tuluyang ikinalaglag ng aking panga ang pambaba nito.
B-bakit mas maiikli pa ang palda nila? Mas maikli pa sa dalawang dangkal kong palda!
Sa gulat ko'y hindi ko na namalayan pang may mababangga na pala ako sa daraanan ko. Bagay na ikinatigil ko at napatungo nang makitang nakaupong tao pala ito.
It was Agata. Nakayuko ito paharap sa akin at ipinagtakha ko ang tangan-tangan nitong gunting.
"Hey, bakit ka may gunting?" tanong ni Linzy dito na tanong ko rin sa sarili ko.
Linzy's highlighted brown hair are stunning. Naka-french-braid ito na bumabagay sa uniform. A head turner lady.
"Gugupitin ko. Masyadong mahaba." Hawak nito sa laylayan ng palda ko na talaga namang ikinapanlamig ng pawis ko sa noo.
A-ano raw? Gugupitin?
Napabalikwas ako sa sinabi nito at mabilis itong nilayuan.
"D-Don't!" taranta kong pigil dito.
There was something in her eyes na nagsasabing gagawin niya talaga ito.
Wengya! Nakakatakot! Pero ipinagtakha ko nang tumawa ito.
"Thats cute. Don't worry I'm just kidding," ngisi nitong turan kasabay ng paghagis sa gunting na sumentro sa manggang bunga ng isang puno.
"Psh, pangit kasi ng legs," bulong ng isdang kakalat-kalat sa paligid. Pinanliitan ko ito ng mga mata dahil sa pangunguna niya sa aming lahat.
Patungo kami ngayon sa restricted area at tutuloy sa isang gusaling tinatawag nilang Blue House. Ang gusaling katabi ng mala-palasyong Head quarters na pinasok ko noong nakaraan. Naalala kong natanaw ko ang gusaling iyon na may asul na asul na kulay dahil sa repleksyon ng langit sa katawan nito.
Nilapitan ko naman si Blaise sa kanyang paglalakad. Kasabay niya si Hunt na agad akong nakita, nginitian lang ako nito at nagpahuli na lang sa paglakad. Sa totoo lang ay ikinagulat kong nagkaintindihan kami nito pero sinamantala ko na lamang para makaganti sa isdang ito.
"Totoo naman, 'di ba, Hunt? Ang pangit ng bagong salta na 'yan. Psh, akalain mong hagisan ako ng folder kanina?! Kung hindi rin panira nang umaga! Binibiro ko lang naman, eh!" welga niya sa pag-aakalang ako si Hunt.
"Eh, bakit kasi hindi ka umilag?" sagot ko.
"Eh, paano ako makakailag? Ang bilis kaya ng pangyayari! Tsk, kung hindi lang talaga siya babae!"
angil pa niya.
Tingnan mo 'to, may saltik talaga. Sino ba kasing matinong tao ang magsasalita sa taong hindi niya tinitingnan?
"Eh, ano kung babae ako? May problema ka ba d'on?" malumanay pero asar kong tanong dito. Bagay na agad niyang ikinagulat at ikinapula ng mukha. Which I found cute dahil mukha siyang inihaw na isda. Tss. Nagutom tuloy ako.