Chereads / HARRISON UNIVERSITY: The School of Monsters / Chapter 14 - CHAPTER 12 : CONFRONTATION

Chapter 14 - CHAPTER 12 : CONFRONTATION

Myrttle's Point of View

DAHIL SA kahihiyan ay kumaripas na ng lakad si Blaise patungo sa luwasan ng Restricted Area. Napakaangas kasi, isip bata naman. Hindi ko tuloy maiwasang hindi kwestyunin ang posisyon niya bilang leader ng rulers. Namamana ba talaga ang kagalingan sa pamamahala?

Responsibility can be learn but not its worth, especially when someone sees it differently. Sees it as a pressure.

Hindi naman porque anak siya ng dating leader ay responsable na rin siya sa katungkulang ito. Kaya kung gusto niya talagang sundin ko siya, magbigay muna siya ng dahilan para sundin ko.

Nang makarating naman na kami sa luwasa'y hindi ko pa rin maiwasang hindi mapatingala sa napakatayog na pader na kinagigitnaan nito. At gaya nang una'y hindi matanaw ng mga mata ko ang tuktok ng pader

Napansin kong naglalabas na sila ng kani-kanilang Identification card. Hanggang sa mauna na ang asungot na iyon sa pagmamadali niya.

Eh, 'di sila na mayro'n. Tss!

Nakita kong isa lang ito golden version ng ordinaryong I.D ng school.

Pero hindi ko sinasadyang mapatingin sa pagbukas ng I.D holder ni Ethan na dahil sa gulo'y nagkanda-hulog-hulog pa sa lupa.

Batang ito..

"Ugh! " He frowned. Na ikinabuntong-hininga naman ni Hunt.

Tutulungan ko na sana ito nang tuluyan akong napatulala sa kulay pula at itim na Identification card na kabilang dito. Showing the symbol I don't to see last before I die.

The Five crowned King...

"Ate Myrttle?" rinig kong tawag sa akin ni Ethan, but my mind was too stunned kaya hindi ako nakapagreact dito.

Pero tuluyan kong ikinabalik sa realidad ng marahas na damputin ni Hunt ang ID at padabog na inabot kay Ethan...

"A-ah... eh. Ayus ka lang Myrttle?" Sinsero namang tanong ni Landon sa akin na agad kong ikinatayo.

"A-Ah oo, I'm fine, thanks." Ngiwi kong ngiti sa mga ito na wirdo nang nakatingin sa akin.

Badtrip! Badtrip! Bakit nandito siya! Ethan must be one of them! The group I encountered four years ago...

"Tel-Tel, please help us find her."

Pagbalik sa akin ng lahat, apat na taon na ang nakakaraan. Sigaw ito ng isang kaidaran kong lalaking sugatan. Dapat ay wala na rin itong malay gaya ng iba pa niyang kasamahan.

Pero imbis na saguti'y tinalikutan ko lang ito't nanghihinang tinungo ang motor ko. My ribs was damage, I lost so much blood....And...And I can't save her with this body...

"I'm sorry. But I can't." bulong ko sa sarili ko kasabay ng pikit-matang pagpapaandar ng tuluyan sa motor ko para iwanan silang lima.

Ginigiyang ang pagkatao ko tuwing maalala ko iyon. Kung paano ko ipinahamak ang napakaimportant ng tao sa buhay ko. The one who made my childhood wonderful. Even she knew that having me may end her life.

My childhood bestfriend Dayle, has been captured by those bad guys. I am too young when they planned to attack us. Kaya naman wala kaming nagawa kung hindi ang magapi kahit na pilitin kong ipaglaban si Dayle ay hindi ko na nagawa pa.

At alam kong kinamumuhian ako ng mga taong iniwanan ko nang araw na iyon. Alam ko... Alam kong inakala nilang pakana ko iyong lahat. And I never allow myself to explain myself.

Sino ba namang may pakielam? Wh cares about my side? Is there anyone out there care about what I've felt? None....

They should know how it hurts. They should know how it feels, noong walang maging laban upang maprotektahan ang taong lubos mong pinapahalagahan. At kung kasalanan nga ang pagiging mahina ng mga oras na iyon. Siguro nga. Siguro nga ay kasalanan ko ang lahat...

"Kasalanan ko," wala sa wisyo kong bulong sa hangin habang tila ba ginigiba na naman ang dibdib ko.

"Huh? Ang alin, ate? Okay ka lang ba talaga?" Bigla hawak ni Ethan sa braso ko dahilan upang mahawi ko ito nang malakas palayo. Nakita ko ang gulat nitong reaksyon, ngunit iniwasan ko na lamang ito at hindi na nagpaumanhin pa.

Bakit ba kasi napakaliit ng mundo para sa isang kagaya ko? Bakit sa dinami-dami ng pwede kong makasalamuha ay isa pa sa kanila?! Sinusubukan kong umiwas sa gulo, sa kapahamakan at kapahamakang maari kong maidulot sa kanila. Pero bakit patuloy akong dinadala ng tadhana sa lugar na gusto kong takasan?

Hindi na ako umimik pa nang makapasok na kami sa aming silid. Kanina'y may isang Van na kulay itim pa ang sumundo sa amin upang ihatid kami sa Blue house, ang lugar kung saan namin kukuhain ang nga Major subjects namin.

Inilibot ko ang tingin ko sa paligid. Ordinaryong silid lang ito kung titingnan, ngunit ang mga display at kagamitan dito'y ang pinagkaiba nito sa ordinaryong classroom. Imbis na mga libro'y iba't-ibang sandata ang mga palamuti dito. Mga ulo ng mababangis na hayop at maging ang iba't ibang larawang nagtuturo kung anong kakayahan at kahinaan ng katawan ng isang tao.

Isang malaking Monitor rin ang nasa harapan na kinatatabihan ng isang white board.

Ngunit hindi katulad ng iba'y lalabindalawang upuan lamang ang laman ng silid. Tatlong dibisyon ng mga upuan na binubuo ng tig-apat na helera nito.

Magkakalayo ito sa isa't isa pero kaya pa rin namang makipag-usap sa katabi.

Tahimik lang akong nagtungo sa likuran kung saan naroon ang may may pulang kristal na upuan. Bakante ito't katabi na naman ang asungot. Pero hindi ko na iyon inintindi pa dahil wala rin naman akong balak kausapin siya.

Habang may sariling mundo ang lahat ay tahimik lang akong tumanaw sa bintanang malapit sa akin. Mataas ang bintanang ito na kinalalaglagan ng napakaputing kurtina. Tanaw ko rito ang buong espasyong mayroon ang restricted area.

Ang malawak na espasyo ay binubuo ng mangilang gusali kasama na ang HUR na nasa kabilang dako. Tanaw ko rin ang nakapakalawak na kagubatang umaabot sa bundok na hangganan ng lahat. Malawak man, ngunit ngayon pa lang ay pakiramdam ko nang hindi ako magtatagal.

Nabaling ang tingin ko sa lahat nang humalakhak si Ethan maging si Landon sa pinapanood ng dalawa sa phone.

Bagsak-balikat ko lang pinagmasdan si Ethan. I really wanted to be his friend. But I know I can't, dahil bukod sa kapahamakang dulot ng buhay ko'y isa siya sa mga taong kailangan kong iwasan. Dahil alam ko, alam kong sa oras na nalaman nito at ng apat pa nitong kagrupo na ako ang babaeng naging dahilan para mawala ang kanilang reyna... Alam kong kamumuhian nila ako kesa pakinggan ang panig ko.

Pero kailangan ko ba talagang ipaglaban ang sarili ko sa kanila?

Hindi, hindi rin naman sila maniniwala.

Iniwasan ko na ito ng tingin at pinagmasdan ang lahat. Na agad kong ikinadismaya.

May sari-sariling mundo ang lahat.

Si Hunt na walang imik at nakasoot lang ng headset. Si Kiera na nagbabasa ng manga sa loob ng isang academic book. Si Ash na mahimbing na natutulog. Si Agata na pinaglalaruan ang lollipop sa bibig niya. Si Landon at Ethan na nagaagawan ngayon sa isang tablet. Si Linzy na nakikitawa lang kila Landon at Ethan. At itong katabi kong si Blaise na nakatulala lang sa kanyang lamesa na nakayuko at tila maalalim ang iniisip.

Sila... Sila ang isa ko pang inaalala. Ibinilin sa akin ni Lolo na kinakailangan kong sumali sa Rulers. I don't know what triggers him to made this decision. But I should follow his order. Hindi ko iyon dapat sirain.

Ikanatatakot ko kung makakaya ko bang maitago ang lahat sa mga panahong mananatili ako dito. Ako? Ang pagkatao ko? Ang totoong ako? Magagawa ko bang itago iyon sa kanila? O darating din ang araw kung kailan sila na rin mismo ang magtataboy sa akin papalayo?

"Ate, ang lalim ng iniisip mo, ah!"

Napabalikwas ako sa gulat nang malaman kong nasa harapan ko na si Ethan.

"B-bakit ang tagal ng magtuturo?" Pag-iwas ko sa tanong niya at ibinaba ang aking tingin sa lamesa.

Tss. Huwag kang magpahalata , Myrttle. Hindi ka niya p'wedeng makilala. Hindi pa hanggang hindi mo pa siya nakikita. Kailangan mo pang maibalik ang taong nawala dahil sa kakagawan mo.

Tumingin ito sa pintuan. "Gano'n po talaga si Mr. Santos, ate. Laging late." paliwanag nito ngunit napalingon kaming lahat nang isang malakas na paghampas sa upuan ang aming narinig.

"He's five minutes late!" angil ni Blaise.

Ngunit pagkatapos ng niyo'y malakas na bumalibag pabukas ang pinto ng silid. Isang lalaking humahangos ang iniluwa nito. May mga dala itong bag at gamit, bagay na ikinainis ko dahil napakaimposibleng siya ang Prof. na nakatakda sa aming ituro ang subject na tingin ko ay napakahalaga.

"I'm s-sorry, I'm late," takot na takot nitong paumanhin.

Makailang beses din itong yumuko na tila ba mas mataas pa kami sa kanya.

Seryoso? Siya talaga ang magtuturo sa akin?

Nagmamadali na nitong inilabas ang kanyang mga gamit at nanginginig-nginig pa ito sa kanyang pagkataranta. Bagay na buryo ko lang na tinitigan dahil sa totoo lang ay nayayamot na ako sa ikinikilos niya. Kita ko ang takot sa bawat galaw nito, bagay na ikinahalukipkipan ko't panliitan ito ng mata.

Nagsimula na itong magturo sa ganoong estado. Hindi man bago sa akin ang kanyang itinuturong Strategy and Tactics for Fighting ay hindi ko naman maitatanging magaling siya sa kanyang pananalita. At ito ang dahilan upang kahangaan ko ang gurong ito.

Ngunit sa kalagitnaan ng kanyang pagtuturo ay ikinagulat naming lahat ang biglang pagtayo si Ash. Bitbit-bitbit nito ang kanyang gamit at hindi nagsasalitang tumungo sa pinto nang hindi man lang pinansin ang gulat na si Mr. Santos.

Seriously?

"S-saan ka p-pupunta?" takot na takot na tanong ni Mr. Santos.

Walang ganang nilingon ito ni Ash bago pa man makalabas ng pintuan. "I want to go for a walk. You're making me bored," mabagal nitong sagot habang ang mukha nito ay nananatili lang na walang emosyon.

"B-but—" Pero bago pa makapagsalita si Mr. Santos ay tinalikuran na ito ni Ash at tuluyan nang umalis.

Pambihira.

Naisapo ko sa aking noo ang aking palad at tuluyang kinuyom ang isa. Pinagmasdan kong muli ang lahat. At dahil sa pakikinig ko at pagkainteres ko sa kung paano magturo ang gurong ito ay hindi ko na namamalayang maingay pala ang lahat.

Walang nakikinig kay Mr. Santos, wala ni isa.

Bagay na ikinabagsak ng ekspektasyon ko sa mga taong ito.

Ito ba ang mga taong pinili ng matandang iyon para protektahan ang lahat sa loob ng University?

Ang hindi makinig sa klase?

Ang hindi makinig sa subject na pinakaimportante?

Oh please, stop giving me shits, Rulers.

Dahil sa inis ay agad akong tumayo kasabay ng pagkuha ko sa aking gamit. Ramdam kong napatigil ang lahat dahil sa pagtayo ko pero hindi ko ito binigyang pansin. I just gave my straight face to them like how bored I am for their useless attitude.

I've seen enough, and staying with this group of jerk makes me sick. They are not taking things seriously. Even respecting people they needed para sa responsibilidad na hawak nila ay wala.

I actually admire Mr. Harrison's favor for those outcasts. They have their rights to have a normal life. They also deserve second chances and this school granted all of it pero hindi iyon sapat. Hindi iyon sapat kung hindi maiintindihan ng Rulers kung gaanong nakapagbibigay pag-asa iyon sa iba.

Hindi ko na tuloy alam kung alam talaga ng mga ito kung gaano kaseryoso ang responsibilidad at buhay na nakataya sa bagay na ito.

Nagsimula na akong maglakad sa harapan. At gaya ng takot na tingin ni Mr. Santos kay Ash ay ganito rin ang natanggap ko mula rito na mas lalong nagpa-init ng ulo ko hanggang sa makarating ako sa puwesto nito.

"B-bakit? A-ano ang kailangan mo?" takot at nanginginig nitong tanong sa akin.

Mas nilapitan ko lang ito hanggang sa makagawa ako ng espasyong makapagbibigay sa kanya ng kakayahan upang marinig ang sasabihin ko.

"Nag-aral ka nang matagal na panahon para lang makapunta sa kinalalagyan mo. Always remember that you are the Harrison Rulers professor. We are just your students. So act like one. Be professional. Be who you are," diretso at tuloy-tuloy kong bulong dito. Matapos niyon ay nagtungo na ako sa pinto ay hindi na ito nilingon pa.

Pero nabasag iyon nang isang sigaw ang nakapagpatigil sa akin.

"Saan ka pupunta?!"

What the.... Seryoso ba talaga Blaise Harrison Blaire?

Natawa ako dito kaay buong ngiti ko itong nilingon.

"Cutting rin, sama ka?" Asar ko dito na agad nitong ikinamula at ikinaingay ng lahat.

"Boom panes," bulong ni Landon, haba nagpipigil ng tawa .

"Yiie! Kilig overload."

"Indeed, bagay na bagay talaga sila."

"I agree."

But he broke it.

"Shut the fuck up!" Asar nitong sigaw sa lahat pero ikinatawa lang naming lahat.

Tumalikod naman na ako't sinarado ang pintuan.

'Yan kasi, masyadong showy. Pfft—

****

Nanatiling nagkakantyawan ang mga Rulers ng mapatigil silang lahat sa isang napakalakas na pagbagsak.

Mr. Santos harshly slammed his book on his desk na ikinagulat ng lahat.

"Enough!" he shouted, with his flaring eyes na kauna-unahang nakita ng lahat.

"Listen carefully," He rolled up his sleeves, drop his eyeglasses and made an intimidating look.

"Pakinggan ninyo ako dahil hindi ko na uulitin pa ang mga sasabihin ko," pagbabanta pa nito. "I just want to remind you that I am your professor and you are just my students. I don't care if you don't like the way I teach things. Because if you do, you better drop my subject and find another professors that teaches the same subject I have," pranka nitong saad na agad ikinakunot ng noo ng binatang si Blaise.

Kita sa lahat ang hindi pagkabahala sa sinabi nito. They think that their is plenty of professional who can teach them things better than this person.

Pero hindi inasahan ng lahat ang sumunod nitong sinabi. "Iyon ay kung may mahahanap pa kayong taong makakapasa sa mataas na standards ng paaralang ito bilang guro ninyo!" Ngiti pa nitong nakaloloko.

"Hindi na makakakita ang school na ito ng sangganong handang magpakatanga sa inyo para lang mabigyan ng pag-asa ang mga kagaya ko." His eyes turned blank, and guilt wins the Rulers heart.

It was true, Mr. Santos kabilang ang iba pang professor ng Rulers ay kabilang sa Doom Society. Ang bilang na mga personalidad na ito'y bihasa sa lahat ng subject na dapat malaman ng Rulers. Bilang na taong handang magtyaga para lang sa pangarap na nabuo ng konsepto ng paaralan. Pinaghirapan ng mga ito ang makarating sa kinalalagyan nila bilang professor. They gone through a lot of training, evaluation and even physical exams para lang mapatunayan ang lahat. They risk their life just for the Rulers, and yet the rulers are not taking them seriously.

"Kayo ang dahilan kung bakit ako napilit ni Jackson para pumasok dito. Sa pag-aakalang seseryosohin ninyo ako at ang mga ituturo ko. I actually respected all of you, dahil kayo ang mga anak ng Legendary Rulers na nagpabago sa buhay ko. But to be honest, ni katiting na kakayahan o miski ang respetong mayroon ang mga magulang ninyo ay walang-wala kayo."

Napayuko ang lahat sa mga katagang binitawan ng Guro. Nasaktan ang lahat na nakapagpapanatili sa kanilang tikom.

Myrttle's Point of View

TULUYAN NA akong umalis nang sa wakas ay masabi na rin ni Mr. Santos ang lahat. Ang totoo'y wala naman siyang dapat ikatakot dahil kung may dapat lang matakot? Ang rulers iyon, dahil sa kakayahan nitong alam kong lamang sa lahat. I've seen him once. Somewhere... somewhere he can't even recognize me.

Tahimik lang akong bumaba ng building gamit ang elevator. Nakita ko rin si Ash sa isang sofa sa waiting area habang nagbabasa ng libro pero hindi ako nito nakita kaya nilagpasan ko na lang siya.

Napakalaking kalokohan ang grupong ginawa ni Tanda. At wala akong balak makasama sa mga katulad nilang dinaig pa ang display sa isang advertising area.

Bumalik na ako sa Harrison University at mas napadali ito dahil isinakay ako ng isa sa mga itim na sasakyang lumilibot sa buong restricted area. Para pala talaga sa amin ang mga sasakyang iyon kung saan man gustuhin naming pumunta.

Nang tuluyang makalabas ay naglakad lang ako nang naglakad sa University ground. Hindi ko maiwasang makakita ng mga estudyanteng napapalingon sa akin. Bagay na agad kong pinanlilisikan ng mata para lumayo agad ang mga ito. Ayoko ng maingay, lalo na't ganitong galit ako sa kalokohan ng matandang iyon.

Susugurin ko ang matandang iyon para magising sa katotohanan.

I don't even know if those appointed people knew kung anong meron sa labas ng restricted area!

Iyon lang naman ang maari nilang maging dahilan para hindi seryosohin ang lahat.

Sa bagay, how can they know everything if those walls are blinding them.

Dala ang aking lakas ng loob, marahas kong binuksan ang office ni Mr. Harrison at gaya ng dati ay hindi na ako kumatok pa rito.

"Hoy, Tanda," tawag ko kay Mr. Harrison na kasalukuyang nagbabasa ng mga papeles ngunit mabilis nito iyong itinago dahil sa presensya ko. Ikinatakha ko iyon pero napawi ito nang banatan ako ni tanda ng nakaiinis na ngiti.

"Anong ginagawa mo rito, hija? May klase pa kayo kay Mr. Santos, hindi ba?" tingin nito sa orasan nito.

Ngunit imbis na sagutin ay umupo lang ako ng padabog sa upuan malapit sa lamesa nito at tiningnan lang siya nang walang pagkainteres.

"All those stuff are boring. That's why I leave. Mas okay na sa aking maging ordinaryong estudyante lang dito sa University kaysa sa makulong doon sa Restricted area mo," diretso kong sagot.

Binaba nito ang salamin at pinaningkitan ako ng mga mata.

"Pasensya na, hija, but you're no longer an ordinary student. You're one of the student that I've chose and that's final."

Pero inis ko lang itong tiningnan at humalukipkip. "I'll be honest with you, Mr. Harrison. Being a chosen student was the most stupid thing happened to me inside this campus."

Hinubad na nito nang tuluyan ang salamin at tinitigan ako nang seryoso. "Bakit mo nasabi 'yan, hija? Hindi mo ba alam na hangad ng lahat ang mapunta sa kinaroroonan ninyo ngayon? Nagkakamali ka n—"

But I cut his momentum. "Yes it is, Tanda. Oo, sabihin na nating hangad ito ng lahat pero kung ako ang tatanungin?" I paused and fake a laugh. "Mas pipiliin ko na lamang ang mamuhay ng normal kaysa ang mapili at maging walang silbi," walang gana at diretso kong saad.

"Walang silbi?" He retorted while resting her back against his swivel chair.

Tumayo naman ako't marahang naglakad upang tunguhin ang kakatwang abstract painting sa pader. Hindi ito kalayuan kay Tanda kaya ramdam ko ang mga titig nito.

"You heard it right, Tanda. Walang silbi." I repeated. "Daig pa ng mga napili ninyong estudyante ang bilanggo, Tanda. Kapangyarihan at awtoridad na nawawalan ng silbi dahil sa ginawa mong patakaran. At para lang alam mo, nakakabagot ang sistemang iyon. Nakakawalang gana, kaya huwag ka nang magtaka kung isang araw, maglalaho lahat ng iyon. Ang siguridad, ang sikreto, at maging ang mga Rulers mo," diretso kong pagtatapat dito.

"Anong walang silbi? Huwag kang magsalita ng tapos, hija. Dahil hindi mo pa nakikita ang sinasabi ko sa iyo. Ang laki ng papel ninyo sa eskwelahan." He paused. "The former rulers successfully ruled this place noong era nila. At naniniwala akong magiging matagumpay rin ang mga estudyanteng napili ko ngayon. Don't under estimate me, Ms. Myrttle. Dahil sinisigurado kong iyon lahat sa iyo," hirit pa nito na nakapagpainit ng dugo ko.

"Bakit? Ano bang klaseng estudyante ang mga magulang nila noon kumpara sa mga anak nila ngayon? Do you really think na namamana talaga ang lahat? Aminin mo na, Tanda. Wala silang idea sa kung anong mayroon sa labas ng restricted area. Wala silang alam. Hindi nila alam kung gaano kagulo sa labas pero ako? Alam ko dahil naging isa ako sa mga ordinaryong estudyante! They can never be serious kung hindi ninyo ipapaalam ang realidad sa kanila," paghihimutok ko ngunit nanatiling tikom ang kanyang bibig. Bagay na ikinainis ko lalo.

"Bahala ka riyan, Tanda! Problema mo na 'yan. Basta ayoko na sa special treatment mo. I want to be an ordinary student again and you have nothing to do with my decision." Kinuha ko na ulit ang bag ko at tinungo ang pinto pero bago ako tuluyang makalabas ay tumigil ako. "But do not worry, Mr. Harrison. Gagampanan ko pa rin ang responsibilidad ko." Tuluyan kong lisan sa office ni Tanda.

At oo, desisyon ko nang makasama sa pangangalaga ng mga estudyante sa eskwelahang ito. I still want to be a Rulers, because this is the least thing I can do for them. The least thing I can do to protect them.

Mabilis akong nakalabas ng University, hindi ko na balak pang bumalik sa klase dahil may kailangan pa akong alamin. Ang mga Hari. Kailangan ko na silang kilalanin.

S—O—M—E—O—N—E

I AM NOW standing outside the main gate of this old fashioned school. The school they called 'Harrison University'. I wanted to see her again, I don't care if it's just a matter of seconds. Wala akong pakialam. gusto ko siyang makita.

At agad akong napangiti nang matanaw ko na ang taong hinahanap ko.

Pero kunot-noo ko itong napagmasdan nang sigawan niya ang isa sa guard na ayaw magpalabas. Which made me laugh dahil may naalala na naman akong tao sa dalagang ito.

"She doesn't even know how to respect," I whispered to myself.

Tahimik akong natawa nang tingnan niya ito nang masama pero nang tuluyan na itong nakalabas ay nagtago na ako sa likod ng isang sasakyan.

Here she is, I really really want to hug her tight but I know I can't. Hindi pa maari.

But one thing makes my heart stopped. At ito ay nang mabangga siya ng isang pamilyar na lalaki. Bumagsak ang dala-dalang gamit ng lalaking ito at kumalat ang laman nitong mga papeles.

"I'm sorry," rinig kong paumanhin ni Myrttle.

I hold my breath when I finally recognized that man's face.

"N-no—" Napalakas kong singhap. Bagay na dahilan upang mapatingin sa gawi ko ang lalaki kaya nagtama ang paningin naming dalawa at gaya ko ay gulat na gulat din siyang makita ako.

Bagay na nakapagpabalik sa akin sa realidad kasabay nang mabilis kong pagtakbo.

H-hindi... hindi niya ako dapat makita!