MYRTTLE JOONG
ISANG LINGGO ang lumipas matapos ang eksena sa cafeteria. Pero magmula noom ay hindi na natahimik ang buhay ko. Kahit saan na lang ako pumunta ay hindi puwedeng walang magbubulungan. Nakaka-bwisit!
"Girl, tingnan mo siya, oh. Hindi ba siya 'yong nang-away kay Papa Blaise no'ng isang linggo?"
Speaking of the devil.
"Oo, siya nga! Siguro gusto niya lang magpapansin kay Blaise—my loves. Mukhang effective, huh!"
"Teka... gayahin kaya natin ? Darn! Ang bright ko talaga!"
Isa pa, 'di ako magdadalawang isip na—
"Tama! Naku... kung nagkataon nasa hea—"
I stood up. "Ano! Titigil kayo o titigil kayo?!" Irita kong sigaw sa mga ito.
Tokwa naman kasi! Magbubulungan na lang, ang lakas-lakas pa! Ayos lang kung nasa classroom, kaso wala! Nasa library kaya kami! Kaya nga ako nagpunta rito para matahimik. Tapos... argh! Ang lalakas ng mga saltik!
Dali-dali naman silang umalis ng titigan ko sila nang masama.
"Myrttle Joong, right?"
Napaatras naman ako nang biglang magsalita ang kaharap ko na nagbabasa lang ng libro kanina. Nakasalamin ang pamilyar na lalaking ito na halata namang walang grado.
So I stood up and leaned my body forward to get a closer look. Halata ang gulat nito sa ginawa ko pero hindi ko iyon pinansin. Mga ilang segundo rin ang tinagal niyon nang makumpirma ko kung sino siya. He's the weird guy na kasa-kasama ni Isdang Blaise. Siya iyong lalaking kumikislap ang mga mata—ang pinakamaliit sa kanila.
He's indeed cute with his round baby face and big expressive eyes. Bagay na kinahahalataan ng takot nito sa akin.
"What do you want?" tanong ko rito at nagbasa na muli ng libro.
"A-ah, w-wala naman. Ah-eh. Hi, I-I'm Ethan." Pagpapakilala nitong hindi ko na inimik.
"Y-you know what? I like you, Miss Myrttle."
Ikinagulat ko ang sinabi nito kaya salubong na kilay ko siyang tiningnan.
Just wow. Ngayon, isang bata naman ang naligaw sa library para sabihing crush niya ako? 'Yong totoo? Gano'n na ba kalala ang mga straight forward na tao dito?
"Ah-eh... What I mean is—" Tumigil ito sabay kamot sa kanyang ulo. "Okay. Ibahin na lang natin from the start," paputol-putol nitong bawi which I hate the most.
Mataman ko lang naman itong pinagmasdan nang bumalik ulit ito sa tarangkahan ng silid aklatan at seryoso siyang uulitin ang lahat.
"Hi, I'm Ethan Romsay. One of the Harrison University Rulers. And I'd like you to be our new member." Masayang abot nito ng kanyang kamay.
Wala akong balak abutin ang kamay na iyon. Na ilang segundo pa ang itinagal bago niya marealise. Pero ikinagulat ko ang maluha-luha nitong pagbawi dito. Patuloy pa itong naghintay sa sagot ko kaya naman para hindi ako makonsensya'y itinaas ko na lamang ang hawak kong libro.
"Please, sumali ka na. Alam mo bang lahat ay pangarap na makasali sa'min?"
Pero inunahan ko na ito. "Hindi ako intiresado at huwag kang istorbo," diretso kong pigil sa kanya at hindi na siya tiningnan pa.
* * * *
Napatulala ang binatang si Ethan Romsay sa narinig nyang iyon kay Myrttle. Hindi ito makapaniwalang sa kabila ng kanyang kahinahunan at kabaita'y tatangihan siya ng dalaga. Bagay na unang beses nitong naramdaman kaya hindi pa ma'y maluha-luha na itong tumakbo papalabas ng Library.
He never expected this lady to be as heartless as Kiera and Ash Taylor, the twins.
Napag-utusan lamang ang binatang hikayatin ang dalagang si Myrttle na maging Rulers. He knew that it was way too impossible but he doesn't want to risk his favorite food. Pinagbantaan ito ni Kiera na itatapon ang lahat ng pagkain niya kapag hindi ito sumunod. Which leaves Ethan no choice.
But what happened is out of his control, he knew just by looking at Myrttle's eyes na hindi niya ito makukumbinsi.
He run crying towards Kiera, na kunot-noong naghihintay sa labas ng library. She saw everything dahil sa pagkakasilip nito sa bintana. Akma na sanang yayakap ang binata sa kanya nang pigilan ng palad nito ang buong mukha ni Ethan.
"I-I can't convince her. She rejected me, Kiera! For the first time in my life! Someone rejected me." Pisil nito sa kaliwang bahagi ng kanyang dibdib.
"You should ask Landon for this, he's fine with rejection, and I'm not." Ngawa pa nito pero nabigyan si Kiera niyon ng ideya.
"Great! " Ikinagulat ng binata ang pagaliwalas ng mata ng dalaga. "Call Landon Ace." Utos nito na agad rin namang sinunod ni Ethan.
Ethan dialed his phone hanggang sa sagutin ito ni Landon.
"KAPRE! " Ethan yelled.
"Oh, ano 'yon?" Asar pa nitong tugon, at dahil naka-laud speaker ay napahalukipkip na lang na nakinig ang dalagang si Kiera sa kanila.
"Tawag ka ni Kiera," masungit ring ganti ni Ethan dito. But thats their usual conversation. They are best friend.
"Huh? Bakit ako? Nasa mall ako at bumibili n—"
Ngunit bago pa ma'y marahas ng hinablot ni Kiera ang telepono at walang buhay itong sinagot.
"Be here before Five sharp, or else I'll burn your collection" banta nito sa napakalamig na tono bago putulin ang linya. Ethan almost laugh pero sinundan nalang nito si Kiera papaalis ng Library. He knew that she meant everything she said. Kaya alam nito kung gaano ng natataranta si Landon ngayon.
Ethan was stunned when Kiera stopped walking like she forget something.
"I almost forgot. Mr. Harrison ordered us na hindi ito ipaalam kay Blaise for some reason. " She exhaled na lubos na ikinatakha ng binata.
Matapos ang mangilang minuto'y hinawakan na ni Kiera ang pocket watch nito. Its almost five in the afternoon, at ikinatuwa ng husto ni Ethan ng magsimula na itong mag-countdown.
"Ten, nine—" She whispers.
Nasabik si Ethan sa bilangang iyon kaya naman masaya rin itong nag countdown. He and Landon are bestfriends, pero buhay rin ng dalawa ang asarin ang isa't-isa.
"Eight," Ethan giggled.
Hanggang sa isang humahangos na lalaki ang pumigil sa dalawang ito.
"Wait!"
Pawis na pawis, habol-habol ang hininga. Pero nagawa pa rin nitong pumorma para suportahan ang self proclaimed niyang kagwapuhan. Landon Ace.
"Nice, nakaabot ka." Tawang-tawang panunuya ni Ethan na sinamaan agad ng tingin ng binata.
"Tigil-tigilan mo ako Ethan, ganitong—" but he immediately stopped nang makita nito si Kiera.
"Grabe ka sa'kin, Kiera. Lagi mo na lang akong ginagani—" at hindi pa ito nakaangal pa , nang higitin na siya ni Kiera kung saan.
"Si Myrttle!" sigaw ng dalaga habang hatak-hatak ito.
At wala ng ibang nagawa pa si Ethan kung hindi matawa sa sitwasyong iyon ng kaibigan.
MYRTTLE JOONG
Mabilis ko naman nang natapos ang pagnanaliksik ko sa report ko mamaya. I was not able to study my report yesterday dahil sa importanteng lakad ko kahapon. I met an important person na nagbigay sa akin ng mga impormasyong kailangan ko Quarterly. Its a kind of business I never want to be known by someone lalo na sa eskwelahang ito.
Naglakad-lakad muna ako para sana magpahangin, hanggang sa dalhin ako ng mga paa ko sa garden ng school. Mapuno, napakaraming bulaklak na nakaayos batay sa mga uri at kulay nito. Na kinalulugdan rin ng mga table stone. A perfect place to relax, study, and to—
"Hon, ano ba? H'wag kang maharot. Baka may makakita sa'tin dito!"
Nagpantig ang tainga ko sa narinig kong iyon. Bagay na agad kong ikinatakbo para makalayo sa dalawang pusang naglalampungan doon.
As in seriously?!
Panira ng lugar!
Nang makalayo naman na ako sa lugar ay hindi ko na ito inalala pa. May kalakihan ang Hardin. Tinungo ko ang mataas na bahagi ng hardin kung saan walang tao.
Hanggang sa mapangiti akong muli nang sumalubong sa akin roon ang kabuuang tanawin ng University.
Hindi ko maitatanggi ang kagandahang mayroon ang paaralan. The buildings of every courses. The technology and the facility are the best among all those shit schools na tinakasan ko dati.
Pero mas ikinakinang ng mga mata ko nang makakita ako sa baba ng burol—kung nasaan ako— ng isang artificial na lawa at dahil sa linaw nito'y kitang-kita ko ang napakaraming isdang nakatira roon. Mabilis akong nakababa at nagtungo sa nagiisang may karikitang tulay na kahoy rito.
Pinagmasdan ko ang ibat-ibang uri ng isda sa lawa. Hanggang sa isang isda roon ang tila ikinainit ng ulo kong bigla. Tila ba walang gana itong nakatingin sa akin na sadyang napakapamilyar.
Shit, Its crazy, pero nakikita ko sa isdang ito si Blaise.
Dahil sa inis ay sinamaan ko ng tingin ang isda para patulan ang hamon nitong titigan.
Eh, kung Ihawin kaya kita riyan?
"Alam mo, ang astig mo. First time lang may lumaban kay Blaise ng gano'n."
Napalingon naman ako nang isang lalaki ang bigla na lang sumulpot sa kabilang dulo ng tulay.
We are both alone in this spot kaya nakumpirma kong ako nga kinakausap nito.
Pero imbis na saguti'y walang gana ko lang itong iniwasan ng tingin at makipagtitigan muli sa isda.
Ramdam ko ang marahan nitong paglapit sa akin na hindi ko na ikinaalerto pa. I can deal with this weaklings kung sakali.
"Blaise Harrison Blaire, the one who lead the new rulers for this University. Ginagalang ng lahat. At oo, siya ang batas sa school na ito. Kaya walang naglalakas-loob na kalabanin siya. Pero ikaw? Ang astig mo," manghang saad nito pero hindi ako nagpakita ng kahit anong interes.
Ano namang dahilan niya at sinasabi niya ngayon sa akin ang tungkol sa isdang 'yon?
May pakialam ba ako?
Kung hindi ako nagkakamali, isa siya sa mga kasamahan ni Isda. Iyong nakasumbrerong natawa sa pagpapahiya ko sa may saltik na lalaking iyon.
"Anyway, I'm Landon Ace. One of the rulers, and I am here to recruit you to be one of us." He offered his hand with his deep genuine smile but I just stare at him without even thinking to accept it. Dahilan para mapangiwi ito sa akin.
Sa kabilang banda'y hindi ko maiwasang hindi maiintriga sa sinasabi nitong Harrison Rulers na matagal ko nang naririg. Puwede naman sigurong magtanong, 'di ba?
"Harrison University Rulers. Who are they? What's their role" kaswal kong tanong. I saw how her face light up at tinitigan rin ang isdang kahawig ni Blaise.
"We, the Harrison University Rulers are the chosen student to rule the University. Bukod sa student council, nagpasya si Mr. Jackson Harrison—the University owner—na gumawa pa ng isang grupong hahawak sa buong school sa lahat ng aspetong mayro'n ito. Pamamalakad, pagkontrol, pagsasaayos ng school at maging ang pagprotekta rito. "
A higher form of Student council? Boring.
"In short, their dominant decision are more powerful than the CEO suggestion."
What he is saying is quite not bad, but there is something I want to asked him that keeps on bugging me all this time.
"That fountain? Those statues of personalities. Who are they?"
That kind of memorabilia must be something.
Nakita ko ang pagkagulat nito sa tanong ko. Bagay na agad ko ng isinawalang bahala kasama ang kasagutan doon.
Bakit ko ba kasi natanong pa? Why do I keep on fantasizing that woman with a bow and arrow?
But if this guy keeps on telling me about the rulers of this school. Hindi kaya...
"Are they the Rulers who's protecting this place?"
They must be, with those kind of weapons, they should be! Ugh. Nakakainis natanong ko pa rin.
I was about to pull back my question when he finally spoke as he blinked his eyes.
"Y-yes, they are the Legendary Rulers of Harrison University. But that was twenty years ago. Matagal na silang nabuwag at nagkawatak-watak."
Legendary. Why do they need to call them legendary and made such kind of memorabilia just for them? Para pagpantasyahan? Pakulo ng paaralan? No. Alam kong may dahilan kung bakit.
"What happened to them?" I asked for more, but instead of answering me, nakigaya lang itong tumitig sa artipisyal na lawa kagaya ko.
"No one knows what happen to twenty-years ago."
And thats it, this guy disappoints me. But I can tell how those eyes of him became sharp and grey.
"You're one of the rulers. You should know everything." I spoke as I made my way out.
I heard him screaming my name. But I just stopped and wave my hands.
"I'm sorry, but I don't want to be part of your team. Anyways...Nice try." pagpapatuloy ko sa pag-alis ko.
Kasabay ng paglingon ko sa gawi kung saan alam kong may nakamasid sa amin. And there was it, Ethan and the emotionless girl.
Legendary Rulers huh?
Why? Why do the Legendary Rulers must protect this university with those kind of weapons?
Ganoon ba kalala ang nangyari bago sila magkawatak-watak?