Chereads / HARRISON UNIVERSITY: The School of Monsters / Chapter 11 - CHAPTER 9 : IDENTITY

Chapter 11 - CHAPTER 9 : IDENTITY

Myrttle's Point of View

SA SOBRANG pagkairita ko sa sitwasyon ay hindi ko na naalalang kabilang pala ang tukmol na ito sa mga rulers.

Lintek, Blaise Harrison Blaire. Bakit ba hindi ko ba naisip?!

Kaya pala feel na feel ng magkapatid na Blaise at Celine ang pagsabi ng middle name nila ay para ipagkalandakang apo sila ng may ari ng school. At ako naman itong si walang pakialam. Maging ang ganoong bagay ay hindi na binigyan pa ng pansin.

"Any problem?" tanong nitong matanda sa gilid ko. Punong-puno ng pagtatakha na akala mo'y sinsero pa.

Jackson Harrison.

Inirapan ko lang naman ito at hindi na sumagot pa. Hindi ko alam kung bakit pero mainit na ang dugo ko sa kanta una pa lang. Unang-una, ay nagawa nitong padalhan ako ng sulat na magsasabing qualified ako na mapabilang sa Harrison University. Ni hindi nga ako naghahanap ng mapapasukan magooffer pa siya? Another weird thing is, ang malaman itong lahat ni Lolo the same day na padalhan ako ng sulat nung B.H na 'yon. Kaya naman nagkandaletse-letse ang buhay ko. At ngayon isasama pa ako ng huklubang ito sa grupo niya? Thats too much! Lalo na't kasama ang Isdang ito! .

Halatang nadismaya ito sa ginawa ko which made his throat clear.

"It was so great to see you here, Myrttle Joong. I am Jackson Harrison. The Owner of Harrison University. And I am glad that you finally accepted my offer," ngiti nito sa akin na akala mo'y walang alam sa pinagdaanan ko bago ako napadpad sa lugar na ito.

Tinalikuran ko lang ito at naupo sa pinakamalapit na upuan sa akin. Katabi si Ethan Romsay na unang umalok sa aking sumali sa grupo nila.

Katulad ng matanda, sinubukan akong ngitian ni Ethan pero agad ko rin siyang tinalikuran. Can't blame myself for hating these guys. Silang lahat ang nagplano nito.

Masaya pa ang silang naging desperado sila para makuha lang ako? Anong maganda roon at may pangiti-ngiti pa ang matandang to? May idea ba siya kung paano ako pinilit ng mga may saltik na 'to?

Argh!

"No, Miss Joong. Please be seated beside my grandson. Sa upuang may pulang kristal."

Napakunot naman ang noo ko sa sinabi nito. Napakaraming alam! Bakit sa tabi pa ako ng isdang 'yon uupo?! Nananadya ba siya?

May nakahabang meeting table sa silid na ito. Na kinapapalibutan ng labing-dalawang pilak na upuang may iba't-ibang kristal sa sandalan. At ang upuang may pulang kristal nga'y nasa kaliwang bahagi ng asungot na iyon.

His expression was strange, na tila hindi makapaniwalang nakatingin sa akin. But as I blinked, he gave me a glare as if I've done something wrong again.

What the hell?! Ano na naman ba?!

Blaise's Point of View

KAYA BA? Kaya ba noong unang pa lang ay mainit na ang dugo ko sa kanya dahil sa anak siya ng babaeng 'yon?

This is Hell!

Napayuko ako nang makaramdam ako ng sakit sa dibdib ko. Parang gusto nitong sumabog.

Bakit hindi? Bakit hindi ko gugustuhing sumabog kung ang taong may koneksyon sa pinakamumuhian kung nilalang ay lumantad na sa wakas?!

Hinding-hindi ko makalilimutan noong siyam na taong gulang pa lamang ako. Kung paano ko nakita ang pagpatay ng ina ng babaeng iyon sa Mommy ko...

Galing ako ng school noon, nang marinig ko ang sigawan nila Mommy at Daddy sa kwarto. Naiwan itong nakabukas kaya rinig na rinig ko ang pinagtatalunan nilang dalawa.

"Stop lying, Takashi, I saw you! You we're staring at Aimi's Photograph! Tell me! Nagkikita ba kayo?! Nagsasama pa rin ba kayo?! Matagal ninyo na ba akong niloloko?!"

Galit na galit si Mom noon, kitang-kita ko ang sakit sa mga mata nito. At hanggang ngayo'y ikinanghihina ko.

"Sagutin mo ang mga tanong, Takashi!"

"Do not call me Takashi, Naomi! I am Edward! Edward Blaire! And don't ever call me with that stupid name again! I'm not Takashi at sobrang nagsisisi ako na maging si Takashi!" tanging sagot ni Dad na hindi ko maintindihan.

Katulad ni Mom, sumasalamin sa mga mata nito kung gaano siya kagalit. I never seen my Dad got mad, he's jolly and always calm. Att hindi ko inasahang makita ito sa ganitong sitwasyon.

"Tatawagin kita sa pangalang gusto ko! Bakit, hindi ba't dapat maging masaya ka dahil iyan ang tawag sa 'yo ng kabit mo?!"

Kabit...

Salitang agad ikinaguho ng inakala kong perpektong mundo. He's having his mistress, pinagpalit kami ng pinakapaborito kong tao sa mundo.

Ngunit ang lungkot at hapdi na naramdaman ko nang araw na iyon ay tila ba napalitan ng galit nang makita ko ang mahigpit na pagkakahawak ni Dad sa braso ng Mommy ko. Bagay na hindi ko inaasahang makita sa Daddy ko.

"Bitiwan mo ako! Nasasaktan ako! Bakit masakit bang tanggapin na ang taong mahal mo ay kabit mo na lang ngayon?!"

Nanatili akong nanginginig na nakasilip sa siwang ng pintuan. Nakikinig, nasasaktan, at unti-unting nilalamon ng katotohanan.

"Huwag mong tatawaging kabit si Aimi, Naomi! Dahil alam mo kung sino talaga ang mahal ko!"

"Kabit mo sya, Takashi. Kabit mo si Aimi! Tandaan mong ako ang pinakasalan mo. Ako ang pinakasalan mo dahil ako ang mahal mo!"

Hanggang sa marinig ko bangungot na pumapaulit-ulit sa utak ko magpahanggang ngayon.

"Hindi kita mahal."

Salitang ikinadurog ng puso ko. Bagay na dahilan upang itapon ko ang isang plakeng nakuha ko dahil sa pagkakapanalo ko sa isang patimpalak noon. Araw na akala ko ay ikakasaya ko pero araw din palang makapagpapatigil sa ikot ng masayang mundong kinagihasnan ko.

Ngunit halos tumigil ang tibok ng puso ko sa malakas na sampal ni Mom kay Dad.

"Eh bakit mo ako pinakasalan kung hindi mo ako mahal? Imposible, Takashi! Imposible! May anak tayo! Tapos sasabihin mong hindi mo ako mahal?!"

I want to take my mom away from the pain he is giving her. But I don't know what to do that time. Wala akong nagawa para protektahan ang Mommy ko.

"Anak?! H'wag kang magsinungaling, Naomi. Alam ko na ang lahat! Ilang taon, Naomi. Ilang taong kang nagsinungaling sa akin! Ilang taon akong nakulong sa'yo! Na hindi man lang pinaglaban ang babaeng pinakamamahal ko! Tapos ano? Malalaman ko ang lahat ng 'to? Tama na, Naomi! Alam ko na ang lahat."

Huling mga katagang ni hindi ko hanggang ngayon. Hindi ko maintindihan, at ayoko nang intindihan pa.

Iyon ang araw kung kailan nag-iba na ang pakikitungo sa akin ni Mom. Its like I have a kind of virus na kada makikita niya'y nagagalit siya at nagpapakalasing. I never often seen Dad since then, bagay na pabor dahil sa sakit lang na naidudulot nito sa akin. Alam ko rin naman kung nasaan siya. Nasa kabit niya. Sa taong higit pa sa amin ni Mom kaya nagawa niya kaming ipagpalit.

Dad is my everything when I was a kid. I never imagine na magagawa niya akong iwanan sa ere sa ganoong kasakit na paraan. Ang taong pinakasasandalan ko'y para na lang akong itinapon sa basurahan, para lang sa babaeng iyon.

Iyon ang mga taong kinagalitan ko ang mundo. Pinilit kong alamin kung ano bang pagkukulang ko bilang anak. I got so frustrated to find the truth and ending up hating myself so much.

At the age of twelve, I already involved myself to different kinds of trouble. Ibinuhos ko sa mga laban na iyon ang pagkamuhi ko sa mundo. Lumaban ako ng lumaban sa iba't-ibang grupo maging sa naglalakihang grupo kahit mag-isa lang ako.

At nakakatawang maka-uwi pa rin ng matagumpay sa mga panahong iyon. Kahit punong-puno ako ng pasa. Kahit magkandabali-bali ang buto. I always end up victorious. Iba lang talaga siguro ang epekto kapag ang pinaka-malaking galit na sa mundo ang pinanghuhugutan mo.

Ginamit ko ang ma oras na iyon para iwasan ang mas ikamamatay ko pang sakit kapag nasa bahay ako. Ang iwasan ni Mom, ang lagi niyang kagalitan. Mabuti na lamang at mabait ang pakikitungo ni Mom sa bunso naming si Celine.

Until that day came, dahil sa galit ko sa mundo'y hindi ko na naprotektahan ang Ina ko sa sakunang kinasangkutan nito. Lumipad ito patungong America para sana makalimot at malibang sa pagiwan samin ni Dad. But her private plane crashed at hindi na ito nakita pa.

My Mom died. At kasalanan itong lahat ni Aimi!

Ang galing na nanuot sa buto ko'y umabot sa puntong halos ikamatay ko.

Sa kagustuhan kong magpalakas ay nagawa kong sumali sa labanang buhay ay nakasalalay. Ang labanan sa lugar na tinatawag nilang Underground palace. Sa dalawang daang kalahok sa paligsaha'y lima lamang ang magtatagumpay. At ang magtatagumpay na iyo'y itatalaga bilang pinakabagong myembro ng mas malaki pang grupo, ang Crimson Palace. Isa sa apat na dibisyong kinikilala ng Doom Society.

We are all wearing mask that time, kaya naman hindi magkakakilanlan ang isa't-isa. Hanggang sa makarating ako sa pinakahuling laban na gaganapin sa Crimson Palace.

Pero hindi ko inaasahan nang magkasabay-sabay kami sa palikuran ng apat pang kamyon. Isa roon ang nagtanggal ng kanyang maskara na talaga namang ikinagulat ko.

"H-Hunt?" Bulalas ko, pero huli na nang mapansin kong ang dalawa pa'y kasabay ko sa pagsigaw na iyon.

Until they all take off their masks. At ikinagulat kong si Ethan Romsay, Landon ace, Ash Taylor, at Hunt Spark ang apat pang kampyon.

I didn't expect na makikita kong silang lahat sa okasyong iyon. We once met each other sa isa sa reunion nila Dad. At never imagine na dito kami magkakatagpo-tagpo muli.

Dahil sa rebelasyong iyo'y napagdesisyunan naming lima na gumawa na lamang ng isang grupo. And as years goes by, we became known sa pangalan naming 'Five kings. Ang limang haring pinagtagpo-tagpo sa kanilang mga tagumpay. Na hindi kalauna'y nakamit ang pinaka-mataas na ranggo.

We became the most promising rookie and Rank One Gang sa Crimson Palace. At wala nang nakatalo sa amin simula noong parangalan kami ni Queen Misuki.

Hindi ko man lubos na alam ang naging dahilan ng apat, para masangkot sila sa ganitong gulo. Pinaniniwalaan kong gaya ko'y ang galit din nila sa mundo ang nagdala sa kanila dito.

Ang galit ko sa taong nagdulot ng lahat ng delubyong ito sa pamilya ko.

Aimi Medina.

Napag-alaman kong isa siya sa mga Legendary Rulers kasama ang Dad at Mom ko. Si Aimi ang pinakamalakas na babaeng Myembro ng Legendary Rulers, ang kanang kamay ni Dad. Kaya naman pinaghusayan ko pa para maipaghiganti man lang kahit na papaano ang Mommy ko.

Matagal kong hinintay ang pagkakataong ito. At hindi ko inaasahan na ang Myrttle lang palang ito ang makapagbibigay sa akin ng daan para makapaghiganti.

Tinago ko ang galit na sumasabog sa dibdib ko. Masama ko ring tiningnan si Myrttle pero inirapan lang ako nito.

"Blaise, Please give them a quick introduction as their leader. Tell your new members what Harrison University Rulers do. "

Agaran akong tumayo nang sabihin ito ni Lolo. Rinig ko ang palatak ni Myrttle, maybe she don't like the idea of me as her leader. Pwes ayoko rin!

"Sure, Mr. Harrison," pilit kong pagpapakalma sa sarili ko.

I immediately took my laptop as I found the presentation I prepared years ago.

Madali kong na Flash ito sa monitor sa unahan na kita ng lahat.

"Since we have new members today. I would like to give you a short introduction of our Agenda, purpose, obligations, and power as a Ruler of Harrison University. So I hope makinig kayo lahat," baling ko kay Myrttle na agad nitong ikinairap.

I show a variety of Harrison University photos na kuha pa ng pinakamagagaling na estudyante sa photography class.

"Okay," bwelo ko.

"Harrison University is one of the Elite school offering a higher education to its students. Its been running for almost three decades and was named by its first benefactor Romullo Harrison my Grandfather's Father. The wealth, its academic reputation and influence made it on the top prestigious universities in the country. "

I flashed a timeline na kinalulugadan ng mga larawan kung nasaan may hawak na mga plake si Lolo. Mga pagtanggap ng iba't-ibang parangal ng University.

"Every year, we as a Harrison University Rulers are in-charge for student's background screening just to maintain our reputation. Yes, we are the one who's checking their personal background whether it is confidential or not. But unfortunately, there are SOME students here that has limited information about themselves," diin ko pang baling kay Myrttle.

Dahil sa insidenteng nangyari'y muli kong nireview ang information tungkol dito. But it doesn't satisfies me. Its like their is something that this girl is hiding. And it shouldn't be! Dapat alam namin ang lahat!

"But if you think that Harrison University is just an ordinary luxurious school. Well, nagkakamali kayo," ngiti ko pero wala akong natanggap na reaksyon kay Myrttle! tss.

"This University has his dark secret. Tanging ang Rulers lang ang maaring makaalam ng sikretong ito bukod kay Lolo. Sekretong hindi kayang pantayan ng serbisyo ng kahit na anong school sa buong mundo."

Napangiti akong bahagya ng makita ko ang pagkunot ng noo ni Myrttle.

"Harrison University are open for all kinds of people who needs creditation and degrees. And when I say all. It means it doesn't have distinctions. Harrison University is not only accepting inteligent students, or a high profile one. But we're also allowing personalities that are band to be in a school. But who care's? As long as they wanted to have their degrees, our school are willing to accept them."

Sinubukan kong tantyahin pa ang reaksyon ni Agata, Linzy at Myrttle. Pero kitang-kita ko ang pagkalito sa mga mata nito.

"Mukhang puzzled pa rin kayong tatlo. Sige, lets make it more... vulgar." I smiled

"The personalities I am talking about are those students that is not ideally be in a school together with the ordinary ones. At ang halimbawa ng mga ito ay ang mga taong kasali sa black organisations o ang Doom society. Like Mafias, Gangs, Assasin, Syndicates, Ex-convicted person, and even convicted ones. They are all welcome in this place as long as they can follow the rules, regulations and can also meet the ruler's standard."

I stopped as I saw How Myrttle's eyes became picth black. Isang pagtahimik na ikinatakot ko sa hindi malamang dahilan.

"P-Pero hindi doon natatapos iyon. We as Harrison University Rulers are in-charge to hide their identities. And as long as they're not hurting anyone inside the campus hindi natin sila pakikialaman." Habol ko pa.

Ugh, I should focus myself sa presentation hindi sa babaeng ito!

"But the thing is, nawawalan na naman ng kontrol sa loob ng University ngayong taon. And it's quite alarming. We heard a lot of bad report about what's happening inside the campus. At tayo ang nakatakdang kumontrol doon para sa kanilang kaligtasan. Kaligtasan ng lahat."

I show them a number of footage where bloody trouble occurs. Mga nasaktan maging ang mangilang estudyanteng napatalsik na namin sa paaralan. But its still not stopping.

"That was the role of being one of Harrison University Rulers. Lumala ang kalagayan ng lahat. Nanganganib na ang University. That's why Mr. Harrison, assign us to be the new Harrison Rulers. It's a matter of life and death. Hindi ito madaling trabaho dahil hindi lang mga ordinaryong estudyante ang hahawakan natin. That's why, the restricted area existed... it is our training ground"

Pinakita ko naman ang iba't-ibang facility sa Restricted Area kung saan hahasain ang mental, intellectual maging ang kagalingan pisikal namin sa laban.

"I don't get it." wala sa wisyong puna ni Myrttle. Pero hindi ko lang ito pinansin.

"Dito sinasagawa ang mental, intellectual, and physical training para sa mga rulers. At dahil nga hindi biro ang maaring makalaban ay kakailanganin nating pag-aralan ang lahat. Kasama na roon kung paano lumaban. Thats why we have to study target shooting, proper handling of weapon ans such. Dahil sa kabila ng mahigpit na siguridad ng school ay may mga nakapapasok pa ring outsiders na lubos nating ipinagbabawal."

I was about to discuss the additional subject we need to take when Myrttle interrupted me.

"P'wede bang malaman kung bakit ako nakasali sa grupo ninyo? P'wede namang iba, ah?" reklamo nito na ikinainit agad ng ulo ko.

"Hindi ko rin alam. Bakit ako tinatanong mo? Mukha ka namang walang potensyal," I lamely said as I crossed my arms. Bagay na agad nitong ikinatapon ng tingin sa akin.

The Hell?!

"Enough with introduction. Thank you Blaise, you may now take your seat. I can handle it, " awat ni Lolo na agad kong sinunod. Myrttle and I never break our glare as I walk towards my seat.

"Ang Papa ko ang nagtatag sa school na ito pero ako ang nakapansin ng kahinaan at kalakasan ng University. Thats why Twenty-four years ago I've chose a bunch of full potential students like you at hindi ako nagsisi sa kanila."

But again, Myrttle interrupted Lolo. "You were talking about the Legendary Rulers right? So why are you choosing me? You can't trust a student you don't really know kung ikukumpara sa labing dalawang iyon, tama ba?" deretso nitong kontra.

I tried to stopped her pero ang kaseryosohan nito'y pumipigil sa akin dahil sa kakaibang kabang nararamdaman ko kada ganito siya.

"Oh... Sorry. I almost forgot. Everyone, please introduce yourself. Including the reasons why you're here." Utos ni Lolo na agad ikinatarana ni Ethan bago tumayo.

Dami kasing tanong ng babaeng ito.

"H-hi. I am Ethan Romsay. Seventeen-years-old. Son of Aivan Romsay, AKA Tasuki of Legendary Rulers. With his symbol, Silver snake." Madali itong naupo at dahil sa hiya'y namumula na naman ang tainga nito.

Sumunod namang tumayo ay si Agata Fontellan na kanina ko pa napapansing nililingon si Ethan. Is she....

"Agata Fontellan, seventeen-years-old. The only daughter of Vernon Fontellan AKA Katsumi the former member of H.U Rulers. His symbol, the Sun."

Pero naagaw ni Myrttle ang atensyon ko nang tila matulala ito sa kawalan.

B-Bakit?

Sabay naman nang tumayo ang kambal.

"I am Ash Taylor. "

"I am Kiera Taylor. "

"Seventeen-years-old. Son of Keyser Taylor as Laito and Analie Taylor AKA Megumi. Former members of Harrison Rulers with the symbols, Ax and Angels wings." they both said in Unison, as like they always do.

"Landon Ace. Eighteen years old. Son of Levy Ace AKA Ayato and Dionne Cruz AKA Ami. Gaya nila kasama rin ang magulang ko sa nasirang Harrison Rulers. Symbols Waves and Lightning."

Buong ngiting napaupo si Landon nang si Linzy naman ang tumayo. Bagay na ikinangiwi kong agad.

Landon Ace? Seriously?!

"Linzy Valdez. Eighteen-years-old. Daughter of Aivan Romsay AKA Tasuki. Yes, I'm Ethan's step sister. And I'm using my mother's surname. Yeah, my father is also a former member of HUR."

Kita ko ang panliliit ng mata ni Myrttle dito kaya naman...

"Unfaithful husband," bulong ko dito na agad at galit niyang ikinalingon.

This time Hunt stood up with his intimidating look. "Hunt Spark. Eighteen years old. Son of Horry Spark aka Akihiro and Aubrey Chen aka Akira. Harrison Rulers former members. Symbol, Moon and Star."

Sa pagkakataong ito'y natatawa-tawa na ang katabi ko. Kaya naman inis akong tumayo at hinarap siya.

Anong nakakatawa?!

"I am Blaise Harrison Blaire." Sinadya kong idiin sa Harrison. Para malaman niya kung sino batas dito! "Son of Naomi Harrison and..." and I stopped as I found myself running out of words. No, I don't like to consider him anymore as my father. Never!

"Never mind. My mother is one of the members of Legendary Rulers. Her symbol, Queen's crown." I proudly said but can't help myself to be bitter. Because it is your who ruins everything for us!

"His father is also the former Leader of Legendary Rulers. With the symbol of Black Bull. Edward Blaire, also known as Takashi." At ang pagpapakilalang iyon ni Lolo kay Dad ay ikinayukom ng kamao ko. Hanggang sa makita ko ang tila wala sa sariling reaksyon ni Myrttle. At hindi ko maiwasang hindi mapangiti.

You have nothing to do but to obey me. And I'll make sure to make your life miserable!