Chereads / HARRISON UNIVERSITY: The School of Monsters / Chapter 6 - Chapter 4: FIRST CLASH

Chapter 6 - Chapter 4: FIRST CLASH

CHAPTER 4 : FIRST CLASH

MYRTTLE JOONG

Napaka-kapal ng lupa ng lalaking hindi ko naman kilala pero makahila sakin wagas! Hindi ko alam kung nasaan ang hiya ng hinayupak na ito. Wala man lang pakundangan kung nakakasakit na ba o ano.

Badtrip!

"Ano ba! Kanina ka pa, ah! Masakit na!" pag-angal kong muli.

Nabibwisit na talaga ako. Nakakayamot na, kulang na lang ay baliin ang braso ko. Magkaibang-magkaiba talaga sila ng ugali ng kapatid niyang si Celine. Pero imbes na pakinggan ako ay hinigit lang niya ako nang hinigit.

I can't even move my arms. Masyadong mahigpit ang pagkakahawak niya sa akin. My arms are turning red but he doesn't show any care. The hell? Babae kaya ang hila niya!

I tried to pull my arms back but the pain is getting severe. Tagaktak na ang pawis ko sa sakit. Pero wala lang siyang pakielam, gaya ng pagkawalang pakielam niya sa tumutulong dugo sa noo niya.

Abnormal eh.

Hindi nagtagal ay nagsawa na ako sa kakaangal sa tukmol na ito. Hindi na lang ako nagpumiglas pa. Yamot na lamang akong sumunod pero ikinataas ko ng kilay nang luwagan na niya ang pagkakahawak sa braso ko.

Pathetic Jerk!

May saltik, eh!

Sunod-sunod ko pa itong isinumpa sa likod ng isip ko nang halos masubsob ako nang bigla na lang siyang huminto sa kung saan. I realized that we are heading to University Clinic all this time.

HARRISON UNIVERSITY WEST CLINIC

Sa Clinic?

Bakit naman kami nandito?

"Oh, pumasok ka na dyan. Ang likot-likot mo!" Asar niyang utos sa akin kasabay nang malakas niyang pagbitiw sa braso ko.

Eh, kung patulan ko na kaya ang isang 'to?

"Oh? Eh, bakit mo naman ako dinala sa Clinic?!" angal ko rin sa kanya habang hinihilot ang masakit kong braso. Nagkapasa na ito na talaga namang ikinanlumo ko. I'm totally doomed if 'Nay Julie notice this later.

"Malamang magpapagamot ka!" He retorted.

Kung makasigaw wagas?!

Ako? Magpapagamot? Para saan?

Itong pasa ko lang naman sa braso ko ang masakit at ang galos dito. Kaadikan ba naman ng babaeng iyon kanina. Mabuti't nakailag ako sa patalim niya.

"May saltik ka ba?! Pagkatapos mo akong lagyan ng pasa sa braso, ngayon dadalhin mo ako rito?! Eh, 'di sana hindi mo na lang ako ni-torture sa paghila kung papagamot mo lang din naman!" sigaw ko rin para gantihan siya.

But he just raised his damn eyebrow. Bagay na ikinaiinit ng dugo ko. Alam niya bang ayokong ginagawa sa akin iyon? Ahitin ko ang kilay niya, eh!

"At isa pa, hindi ko kailangang magpagamot! Ikaw ang may kailangan no'n dahil sa dugo mo sa—" Napatigil ako sa pagsasalita nang biglang bumukas ang pinto ng Clinic.

"Sir, Ma'am, h'wag po kayong magsigawan. Hin—" napatigil ito. "Sir Blaise! Ano pong nangyari sa ulo ninyo?!" gulat na tanong nitong Nurse.

Para namang nagtakha si Blaise sa sinabi ng nurse. Pagkukumpirma kong wala talaga siyang alam sa nangyayari. But when he finally reached his head and saw the blood in his hands, his eyes widened .

Tss. May saltik na nga, manhid pa.

The Nurse dragged him inside the Clinic. But the way that nurse touches Blaise skin? It's like its giving her a pleasure.

What the actual hell?! Manyakis si Ateng Nurse.

Alam kong hindi ito ang tamang panahon para matawa. Pero damn it! hindi ko mapigilan! His reaction was priceless!

I can't help myself but to laugh silently. Pero itinigil ko rin dahil masyado nang kadiri ang nakikita ko.

Tahimik na lamang akong tumalikod at umalis. Naasiwa na akong makita ang mukhang isdang 'to.

"Don't touch me! Hey, you!"

rinig kong sigaw ng mokong sa loob ng clinic.

Nagulat ako roon sa pag-aakalang ako ang tinatawag niya. Pero imposible. Tama, hindi ako. At kung ako talaga iyon I don't want to bother myself to go back to that psycho.

Ipinagpatuloy ko lang ang paglalakad ko, hahanapin ko pa si Celine. Ngunit nanlaki ang mata ko nang nakita ang oras sa relo.

7:30 am.

"Timaan ka ng lintek! Late na ako!" inis na bulong ko.

I was about to run when I heard his loud voice again!

Seriously?!

"Hoy! Miss Myrttle! Stop!" He shouted but instead of turning back I just pretend that I didn't hear anything.

"Stupid! Don't pretend like you didn't hear me! Ikaw ang may kasalanan nito! Wait!"

Darn! Bakit ba ang ingay niya?

Ngunit gaya kanina ay hindi ko lang siya pinakinggan at pinagpatuloy ko pa rin ang aking paglalakad nang bigla niya akong harangin.

King shiopao naman oh!

"Oh, ano na naman!?" sigaw ko rin sa kanya.

Dapat pala tumakbo na ako.

Nagkunwari naman akong hindi ko alam ang kanyang pinagsisisigaw. Badtrip kasi. Kailangan ko siyang takasan. May exam kami ngayon!

Ayoko namang padalhan na naman ng lintik na B.H na yon. Baklang Hipon. Grrr...

"Anong ano na naman? Gamutin mo 'to!" Pointing his forehead. Kunot na kunot naman din ang mga kilay niyang makapal at perpekto.

Ayos, ah! Bakit ako? Mukha na ba akong nurse ngayon? Sa ganda kong 'to?

Tinaasan ko rin siya ng kilay. "Why would I? No! Make use of the nurse! And the hell I care?! You're the one who insist to do such thing. Tapos ngayong natamaan ka ako pag—" He never allowed me to finish my speech. Again, he harshly dragged me inside the freaking clinic. I'd tried to escape but It really hurt.

Badtrip! Badtrip!

"Oh! Heto ang first aid kit! Gamutin mo ako!" sigaw na naman niya sa akin.

But instead of bursting out I just stare at the medical kit he is holding.

Seryoso kaya siya? Si Myrttle Medina Joong pagagamutin niya? 'Yong totoo? Gusto na ba talaga niyang mamatay?

"Ayos ka naman. Hindi! Hindi ako marunong manggamot. Ikaw na! Ikaw naman may sugat! Ako pa pagpoproblemahin mo. Doon na lang sa nurse! Trabaho niya 'yan," sunod-sunod kong palusot.

Pero inungusan lang ako nito kasabay ng pagkunot ng noo niya.

Eh, kung plinaplantsa ko kaya ang noo ng isang 'to?! Totoo namang hindi ako marunong!

"Sabi nang gamutin mo 'to! Badtrip ka naman. Ganito ka ba talaga magpasalamat sa taong prinotektahan ka?! Wala kang kwenta!" nanggagalaiti niyang sigaw bagay na agad kong ikinairita.

Galit kong inilapit ang sarili ko sa kanya na sumasapat para masuri ko ang putok niyang ulo. Bagay na ikinagulat naming dalawa nang huli ko ng malamang sobrang lapit namin sa isa't-isa.

"I never ask anyone to protect me," madiin at malalim kong pagpapaalala sa kanya.

How many times do I need to say na ayokong may nasasaktan dahil sa akin?

Itinulak niya ako nang mahina palayo. "Ikaw na nga itong tinulungan, ikaw pa ganyan? Simpleng first aid hindi mo man lang alam? Hindi raw marunong. Sinungaling! Kababae mong tao hindi ka marunong manggamot?!" Nakakabwisit niyang asar sa akin.

Bagay na ikinasagad talaga ng inis ko kaya padabog ko na inagaw sa kanya ang ipinagmamalaki niyang first aid kit.

Labag sa loob kong kinuha ang mga bulak at nilagyan ng likido mula sa kulay berdeng lalagyan, Alcohol. Clear ang likidong ito at halata namang wala akong alam sa ginagawa ko.

Dahil sa galit, hindi ko na pinag-aksayahang basahin ang tamang paggamit noon. Puro panggamot naman siguro lahat ng nakalagay dito.

Medical kit nga, 'di ba? Tss. zzz,

Pahagis ko iting iniupo sa upuan at gigil ding itinaas ang mangilang bangs na nakalaglag sa nakataas niyang buhok.

"Bapakapahit kasi ng buhok. " bulong ko sa sarili ko.

"Huh? May sinasabi ka?!" Inis niyang tanong na hindi ko na lang sinagot.

Muli'y naasiwa ako nang namalayan kong sobrang lapit ko na naman sa kanya. Napaka-wirdo dahil sa kanya ko lang naramdaman ang ganito. Iyong pakiramdam na parang gusto mong manuntok, sa sobrang kabog ng dibdib mo.

Ano bang nangyayari sa'kin?

But when our gaze met ay tila ikinataranta ko pa lalo iyon.

"Wala! 'Yang bangs mo, pakitaas! 'Yong sugat nasa loob, pa bangs-bangs ka pa kasi." Pilit kong pagpapakalma sa sarili ko kasabay ang paglayo sa taong ito.

Pumikit naman siya na parang timang. "Pake mo ba? Dahil diyan, nadagdagan ang isang daang porsyentong kagwapuhan ko," mayabang pa niyang puri sa sarili bagay na bigla kong ikinatayo at humalukipkip.

"Mamatay na may pake," walang ganang sagot ko na agad niyang ikinadilat at pinanlisikan na naman ako ng mga mata.

Matagal kaming nagsamaan ng tingin hanggang siya na ang naunang sumuko para sundin ang gusto ko. Mabilis niyang tinaas ang kanyang bangs.

Masyadong mahangin. Baradong imbornal naman sa'kin.

"Hoy, 'yong betadine ilagay mo, ha?" Paalala niya sa akin at pumikit ulit.

Hindi ko naman ito pinansin at inilapit na lang muli ang sarili ko sa kanya. Pinipilit kong isawalang bahala ang kawirduhan ko ngayong araw pero wala akong nagawa.

Ni hindi ko napigilan ang sarili kong titigan ang lalaking ito nang matagal. Bagay na sadyang nakasisilaw, dahil ngayon ko lang napansin ang kagwapuhan niya.

Yuck! Did I just... No! He's not!

Laban ng utak ko pero nagpatuloy pa rin ako sa ginagawa ko. Pinagmasdan ko pa nang ilang segundo ang perpektong hugis ng mukha niya. His perfect jaw line, his deep sharp eyes, and the way how his nose makes it a total package. Isama mo na ang nagtila cherry nitong labi sa natural nitong shade. Bagay na bumabagay sa hindi kaputian niyang kulay.

Ugh, Ano ba itong ginagawa ko?! Isa lang ang dapat maging deskripsyon ko sa kanya. Isa lang siyang isda.

Mabilis kong iniling ang ulo ko at nagsimula nang mag-focus sa aking ginagawa.

Ang totoo ay natutuwa ako sa aroma ng likidong nilagay ko sa bulak. Napakabango nito at hindi masyadong masakit sa ilong.

Betadine...

Beta what-ever daw ang tawag dito. Idadampi ko na sana ang basang-basang bulak sa sugat nito pero naisip kong mas mabilis siyang gagaling kung ibubuhos ko.

Tama, ibubuhos ko na lang!

Mabilis kong nakuha ang green na nitong lalagyan at ngiting-ngiti itong ibinuhos sa sugat ni Blaise.

Napakabango. Nakakaadik.

Pero lubos kong ikinagulat nang bigla na lang siyang magtatatarang. "Fvck! Shit!" Pamimilipit niya sa sakit habang hawak-hawak ang noong binuhusan ko ng substance na galing sa kulay green na bote.

"Bakit?" sinsero kong tanong.

Ang totoo ay nag-alala talaga ako sa kanya pero binabawi ko na iyon nang tapunan niya ako nang napakasamang tingin na parang ginawan ko siya ng krimen.

Isa pa! Dudukutan na talaga kita ng mata!

"Malamang Alcohol 'yang ibinuhos mo! Ang sabi ko Betadine, hindi ba?! Ano ka ba?!" sigaw niya habang namamalipit pa rin sa sakit.

"Eh, hindi ba ilang beses ko nang sinabi sa'yo na hindi ako marunong?! Tapos aangal ka sa'kin ngayon na masakit?! Malay ko ba sa gamot na 'yan?! Ikaw na nga ginagamot ikaw pa may ganang manigaw. Bahala ka nga! Sa nurse ka magpagamot huwag sa'kin! Hindi ako pumasok sa school na 'to para manggamot ng mga kagaya mong walang modo!" I stormed out as I turn my back away from him.

Nakaiinit ng dugo! Nakakabwisit na nilalang!

Ugh! Kailangan ko ng icecream. Kailangan ko!

Asar kong binuksan ang pinto pero napatigil ako nang may humawak sa balikat ko.

"T-teka lang, M-myrttle." Pigil niya sa akin pero dahil yamot pa rin ako sa kaniya ay pabalagbag ko siyang hinarap.

"Ano na naman?" inis na bulyaw ko kasabay nang pagtabig ko sa kamay niya.

"Uhm, ano..." Kamot niya sa kaniyang batok. "...S-sorry kanina saka uhm... Ano kasi..."

Parang timang! Hindi pa sabihin kung anong sasabihin. Mala-late na ako sa isang subject.

"Sabihin mo na! Mala-late na ako!" sigaw ko na sa kanya.

"Uhm, ano..."

Nagtakha naman ako nang mamula siya na parang ewan bagay na ikinainis ko kaya tinalikuran ko na muli siya.

"Bahala ka nga!" Tuluyan kong paglabas ng clinic.

Ayokong aksayahin ang oras ko sa'yo.

"Myrttle, s-salamat! Salamat sa ginawa mo para kay Celine!" sigaw galing sa likuran ko. At alam ko kung kanino galing iyon. Kay isda.

Maayus naman pala kahit may saltik. Marunong magpasalamat.

Lilingon pa sana ako sa kanya nang biglang malakas na sumarado ang pinto ng clinic.

Did he just... Binabawi ko na. May saltik talaga siya.

Langya, mag y-you're welcome lang ako, eh.