Chereads / HARRISON UNIVERSITY: The School of Monsters / Chapter 4 - CHAPTER 2 : FOUNTAIN

Chapter 4 - CHAPTER 2 : FOUNTAIN

CHAPTER 2: FOUNTAIN

MYRTTLE JOONG

ISANG LINGGO na ang nakalipas magmula noong makapasok ako sa University. Kaunti na lang ay magsasawa na ako sa paulit-ulit kong routine sa pagpasok dito.

Ngunit sa hindi ko maitatanging ang nakapagpapanatili sa akin dito'y ang mga kahina-hinalang bagay na napapansin ko sa loob nito. Mga bagay na hindi mahahalata kung hindi talaga aware at kung wala talagang pakialam sa paligid. Mga bagay na kinakatakutan ko. So I do observe all the people inside this University and never talk to someone since then.

Basta, hindi ako komportable sa mga bagay na iyon at ayaw kong magpakakampante.

Ito ang kauna-unahang vacant time ko na hindi ako busy. Kaya naman napagdesisyunan kong maglakad-lakad, hanggang sa dalhin ako ng aking mga paa sa pinakasentro ng school kung saan naroon ang fountain.

Isang lingko ko nang binabalak puntahan ito ngunit laging may hadlang kada babalakin ko iyon. Kung hindi darating ang Prof, ay may emergency naman akong dapat gawin.

Pansin kong hindi ito puntahin ng tao bagay na katakha-takha. Ngunit nasagot iyon nang makita ko ang tila pinapabayaan na ang tubig na halos magkulay berde na.

It looks creepy but that whats makes it so special to me, I think.

Sa aking paglalakad ay nanatili akong nakataas ang mga noo at kalmadong tinatahak ang deretyong daan. Pagkakalmang napakahirap pigilim dahil ramdam ko na namang may mga nakatingin sa akin.

I don't know, napakapamilyar ng mga aurang nakapaligid sa akin. May mga pagkakataong makakakita ako ng taong tila nakilala ko na rati, ngunit hindi ko matandaan kung saan.

I can't stop blinking in front of this magnificent fountain.

The fountain consist of twelve figures, warriors I think. Six men and six women. It's like I am seeing a statue of the Greek gods and goddesses, but I know they're not. They probably presenting different personalities from the past. Something very important, para pagtayuan ng ganito kagarbong rebulto.

The statues are made of crystals, kaya naman kumikinang ang mga ito sa malayuan. Lalo na't kung nasisinagan sila ng araw. Ang bawat isa rin ay may ipiniprisintang kulay. Bagay na sadyang napakagandang tingnan dahil gumagawa ang mga ito ng napakakulay na liwanag.

But looking closer, may napansin ako sa mga ito. They have something in their hands.

Wait... Is that a... weapon?

I was right. These figures are holding different kind of weapons.

And all those weapons had its symbols.

Ang ganda. Ito ang paulit-ulit na sinasabi ng utak ko. Ngunit sa paglibot ng aking mata'y isang pigura ang nakaagaw nang husto ng atensyon ko.

Isang babae. Babaeng may hawak ng pana at palaso.

Kulay pula ang kristal nito na binabagayan ng gintong bow and arrow. Nakakamangha rin ang tila nagliliyab nitong aura dahil sa sinag ng araw na tumatama sa kristal nito.

But my eyes focused on what symbol she had. Bagay na tila ikinabigat ng dibdib ko sa hindi ko mawaring dahilan. Isang nagliliyab na ibon. A Phoenix.

"Beautiful isn't it?"

Isang boses ang nakapagbalik sa akin sa realidad. Boses ng isang matandang lalaking agad kong ikinalingon.

An old man looking at the fountain as same as I. Narrowing his stare at the archer before looking back to me.

Napakasupistikado ng kanyang kasootan. Nakikita ang kanyang katandaan sa puting-puti nitong buhok. Pero gaya ng nakagawian, hindi ko lang ito pinansin at ibinalik lang ang atensyon ko sa fountain.

I don't like how he stares at me, na para bang kilala ako nito at tuwang-tuwa pa siya na makita ako.

"They are the twelve Legendary Rulers of this University, Ms. Joong."

Napatingin naman muli ako sa kanya nang sabihin ang apelyido ko. But when our gaze met, I rolled my eyes as I made my way out of hia sight.

Weird old man.

Ang totoo'y gusto ko siyang tanungin tungkol sa sinasabi niyang Twelve Legendary Rulers pero may nagtutulak sa'king h'wag na lang siyang lapitan.

Argh. Why am I acting so weird!

But the Twelve Legendary Rulers got all my vacant time, thinking who they really are.

* * *

BURYONG-BURYO kong inihilig ang ulo ko sa mesa. Nahihilo akong makakita pa ng numero sa white board. Oo, alam ko 'yong lesson pero masakit na talaga sa ulo ang masyadong maraming numero! Para bang umiikot ang mga ito paningin ko. Kaya wala na akong maintindihang kahit na ano.

Truth to be told. Kahit gaano ka man kagaling sa math. Kapag masyadong marami ay sasakit at sasakit din talaga ang ulo mo. Just hell for our three hours math lesson!

"Ms. Joong, come here," galit at parang aso sa aking tawag ng prof namin sa harapan. I can't remember her name. But hell? Kailan pa naging ganito kaganda ang aso?

Marahan akong napatunghay sa harapan ng classroom, sa pagaakalang nandoon siya. Pero ikinagulat ko ang presensya nito sa tabi ko.

May hawak na stick at masamang-masama ang tingin sa akin.

"Y-Yes?" I snapped out.

I don't know her. I don't even remember her name. Basta ang alam ko lang, siya ang pinaka-kinakatakutang professor sa building na ito. But for me she's just a typical prof who always wear her floral outfit and a shining tried up grey hair.

Nakarinig ako ng mangilang tawanan galing sa mga classmates ko. Bagay na ikinataas ko agad ng kilay dahil sa kawalang-kwentahan ng mga ito.

After pulling myself back to its mood, I lamely look back to her. But her suspicious smile bothered me. Bagay na hindi ko na lamang pinansin at inabot na lang ang librong hawak niya.

"You're not listening! You even have a nerve to sleep during my class! You're disrespecting my profession! Now, answer this equation! " She stormed out but I still manage to made my face straight. Kinuha ko lang sa kamay nito ang pinasasagutan na ikinangisi na naman ng bruha. Which mades me sense that this old woman planned something to disgrace me.

Her smile looks creepy and disgusting. It looks like a crumpled slimy paper. Ugh, she's too old for that face.

"Okay." I sighed with boredom.

Tiningnan ko ang papel na ibinigay nito at agad na napakunot ang aking noo nang makumpirma ang hinala ko.

Kunot noo ko itong nilingon pabalik. At tulad ng inaasahan ay nakangiti na naman ito, pero sa pagkakataong ito'y ibinalik ko rito ang mga ngiting iyon.

That mades her mad pero tinalikuran ko na lang ito.

She gave me an equation that is good for our next month lesson. Balak nitong ipahiya ako, but her bad. Gawain kong mag-advance reading, kaya hindi siya magtatagumpay.

Sinagot ko naman agad ang pagkahaba-habang equation nito. Mas minabuti kong gawin ang mahabang equation kaysa sa mas pinaikli na kadalasang nitong ginagamit.

At gaya ng inaasahan, mas bumusangot ito na ikinangiti ko lang nang patago.

Tatawag-tawag ng estudyanteng gustong ipahiya, tapos ngayong nakasagot maasar siya? Is that professionalism? I know what I've done, but this old woman should know how to respect us. In order for me to respect her as well.

What I did made the whole class shut in silence. Bagay na ikinangisi ko maging sa kanila na ikinaiwas rin ng tingin ng mga ito.

Sa lahat kasi ng puwedeng tawanan ay ako pa.

I am about to be seated when someone shouted my name at the back. "Ate Myrttle ang galing-galing mo! Idol na talaga kita!"

Seriously?

Lumingon naman ako sa likod ko at may isang babaeng nakatayo roon, naka-pigtail ang buhok, at nagniningning ang mga mata.

I manage to calm myself before looking back to her. Matiiim ko itong nginitian at sumenyas na tumahimik siya. Mahirap na, baka siya pa ang pag-initan ng babaeng iyon.

She's that adorable kid who wished to sit in here in our class. A brilliant High school Student.

Agad naman akong sinunod nito na ikinatuwa ko. Masunuring bata.

Dahil sa nangyari'y pinilit ko na lang magpanggap na interisado ako sa mga tinuturo ng lahat. Pero ang totoo'y buryong buryo na ako. Sisimulan ko na bang gumawa ng paraan para umalis sa lugar na ito?

* * *

BREAK TIME na't gaya ng nakagawia'y kumain muli akong mag-isa sa cafeteria. Ako lang mag-isa lagi kapag lunch break, since hindi naman kami magkasabay ng break time nila Xander at Shenny.

No one tries to sit beside me. Maybe they sense that it's not a good idea. Which actually a good true. Wala naman kasi talaga akong pakialam sa kanila. And besides, sanay na rin akong mag-isa.

Nakahabang pila ang sumalubong sa akin sa careteria. Bagay na hindi na katakha-takha dahil lunch break ng lahat ng nasa B.A Building.

Umuusad naman ito nang mabilis kaya ayos lang ang pumila.

Ilang hakbang na lamang sana ako bago makarating sa counter. Nang maramdaman kong may tumulak sa babaeng nasa likuran ko. Bagay na agad kong ikinalingon ngunit ibang mga mukha na ang nakita ko.

"Stupid Nerd!" Panunuya ng tatlong babaeng sumingit sa pila laban sa babaeng itinulak nila sa sahig.

Walang gana kong tinanaw ang mga nakabusangot ng nakapila sa likuran ng mag ito.

"Hay, ayan na naman sila," buntong-hininga ni Manang sa counter na ikinalingon ko muli rito. Ibinigay ko na rin ang debit card ko para maka-order.

"Manang, dating gawi. Padagdagan na lang ng milk tea. Iyong taro flavor with pearls, pakiramihan po 'yong pearls," pamulsa kong sabi na agad nitong inilista.

"Hey, new girl. Kaya ba 'yan today?" sarkastiko sa aking puna ng babaeng mukhang payaso dahil sa kapal ng make-up nito.

She tried to pull my arms, but she failed to defy my strength.

Bago ko siya pansinin ay hinintay ko munang maibalik sa akin ang card ko.

There is one thing you shouldn't try before you die my dear. Do not mess with a Joong.

"Yah! Are you deaf? We're talking to you kaya!" bulyaw pa ng isang babaeng mukhang baboy.

I stood before them wearing my the-hell-i-care look.

"Move." I commanded and like what I am expecting , their three clowns face turns red.

They are wearing a-hell-fashioned dresses. Revealing their cleavages that can burn my eyes out of disgust. It also revealed layers of their fats that makes it more... Ugh. Paano nila naatim na magsuot pa ng ganoon? Though, iyong pinakamatangkad na may shades ay may balingkinitang katawan. But her chest are too big to reveal!

Nakataas ang mga kilay nito sa akin na hindi ko ikinasindak dahil wala akong dahilan para matakot.

"Say what!?" matinis at iritableng bulyaw sa akin ng naka-shades.

Tss. Ako pa raw ang bingi.

"I said. Move," pag-uulit ko. Pero ikinainit ng ulo ko nanf makita ko ang babaeng tinulak ng mga ito. Nakasalampak pa rin ito sa sahig na tila ba naghihintay ng pasko.

"OMG, girl. I know her! Si Myrttle 'yan, siya iyong namahiya sa amin sa Section A Management. Lumayo na tayo!" bulalas ng isa sa kanila.

Nanliit ang mata ko dito, dahil wala akong kaalam-alam na iyon na ang pagkakakilanlan ko sa lugar na ito.

Until I remember their faces. They are the first group of brat that makes me kicked their ass. Pinatid ako ng mga ito noong magpapakilala sana ako sa isang Professor. Bagay na awtomatiko rin namang ikinataob ng mga silya nila. Nagulat ang lahat. Pero wala akong pakialam. Ang akala siguro nila'y hindi ako gaganti.

"Bakit ako lalayo? Sino ba siya sa akala niya? Like duh!" Pagpapaikot ng babaita sa kanyang mata kasunod ang mapanlait nitong tingin. Tusukin ko kaya mata nito?

"I don't see any reason para lumayo." Tinuro nito sa babaeng pinatumba nila. "Ni wala nga 'yang alam na ako dapat ang masusunod sa lugar na ito. And yuck, what fashion is that? Tell me, girl saang libro ka ba galing?" Duro nito sa akin at sa damit ko.

What the hell? Those words touches my nerves. But I manage to hold it, may tamang paraan ng paghihiganti.

First, ignore.

Walang gana ko itong tinalikuran at agad din na humarap nang makuha ang milk tea kay Manang.

Second, act stupid.

Sa bilis ng aking paglingon dito ay naitapon ko sa damit nito ang milk tea.

Third, enjoy the moment.

Kitang-kita ko ang gulat na gulat nilang ekspresyon na tila mahihimatay pa.

Psh. Ang arte!

Forth, make a convincing apology.

"Oh, dear. I'm really sorry," peke kong paumanhin dito.

And last but the best part, make them look stupid.

"Gusto ko sanang sabihing hindi ko sinasadya. Pero halata mo naman siguro na sadya ko, unless your shades are too dark indoor para makita ang lahag? " I smirked na talaga namang ikinausok ng mga ilong nila.

Sabay pang napahawak ang dalawang alipores nito sa kanilang mga dibdib na tila nagtakha pa sa reaksyon ko. Samantala'y nakuha ko naman ang atensyon ng lahat ng estudyante sa cafeteria. Hindi ko alam kung anong mayroon sa reaksyon nila. Na parang nakagawa ako ng bagay na ipinagbabawal. But the hell I care.

She screamed in frustration, "My d-dress." Patuloy pa nitong pagpunas sa sariling damit habang ang Milk tea ay patuloy rin sa pagtulo sa sahig. Nang hindi na ito matanggal ay masama agad nito akong tinignan at mabilis na hinawi ang kamay para sampalin ako. Pero hindi ito nagtagumpay nang mas mabilis ko itong mapigilan.

"Ouch!" She cried out in pain, lalo na nang higpitan ko ang hawak sa kamay nito.

"Talaga? Masakit?" ngiting tanong ko rito kasabay ng pagbitiw ko nang malakas braso nito.

It's your fault.

"Hindi mo ba ako kilala?" I leaned closer. "Don't worry little, brat. If I were you, hindi ko na aalamin pa kung sino ang taong kaharap mo." Banta ko rito, bagay na hindi ko maiwasang ikangiti.

Dahil kapag nalaman mo kung sino ako, ay baka ikaw pa mismo ang pumatay sa sarili mo.

I looked at the cup I am holding. "Oh dear, may natira pang kalahati...wait." Without any words binuhos kong muli ang inumin sa ulo nito.

The crowd shouted in celebration. Bagay na hindi ko lang muli pinansin.

"How dare y—" Akma na naman sana ako nitong sasampalin ngunit natigilan na ito sa talim ng aking tingin.

"I'm warning you, little brat. You'll gonna regret it," seryoso kong pagbabanta na ikinatigil nito.

"Good. Marunong ka rin naman palang matakot," pabulong kong usal. I measured her once more at inilingan ito. "You know what? I don't really get your reason why you're making this kind of useless scene..."

She bit her lower lips out of irritation, but she stopped when I poke her chin.

"...Ang saktan ang mga taong alam mong mahina. And you're indeed pathetic if you're doing this just to gain attention," bulong ko rito kasabay ng pagturo ko sa mga nanonood ng hindi sila tinitingnan.

Rinig ko ang pagngalit ng mga panga nito.

"Alam mo? Hindi mo naman ikasisikat ang paggawa ng mga ganitong eksena sa University. Tama ka, mapapansin ka nga nila pero hindi mo alam kung gaano ka mas nakakaawang tingnan dahil diyan sa mga ginagawa mo. Isang spoiled brat na walang pumapansin kaya magpapapansin," habol ko pa rito pero hindi pa rin ito nakapagsalita. "Nakakaawa." Komento ko at tuluyan itong tinalikuran.

Tinungo ko ang babaeng nananatiling nakasadlak sa pagkakatulak sa sahig. Itinayo ko ito at nagtungo na muli sa counter.

I heard her screaming while making her way out to cafeteria.

Tss, I can't believe I waste my time arguing with those kind of people.

Manang mouted thanks to me nang ibigay nito ang pagkain ko. Bagay na agad ko namang tinanguan. Nilampasan ko lang rin naman ang babaeng itinayo ko kanina. Hindi ko siya pinansin pa because I don't like people whose allowing themselves to be bullied.

No one can lay their hands to you, unless we allowed them to do so.

But what made me surprised is her sharp eyes behind those thick glasses.

Pero hindi ko na ito pinatulan pa.

"People nowadays."

Gaya ng nakagawia'y itinuon kong muli ang buo kong atensyon sa pagkain ko. "Thanks for the food," pasasalamat ko bago tuluyang kumain.

Lahat ng klase ng ingay ay maririnig mo sa Cafeteriang ito. May nga humahagalpak sa tawa, may mga nagtsitsismisan, may mga nagliligawan, at noong isang araw nga'y may nagkagirian pa. Bagay na napakasalungat sa akin dahil hindi tulad nila. Mag-isa lang akong kumakain sa sulok ng canteen. Kinasanayan ko na rin naman ito kaya wala itong halaga sa akin.

"Uhm... Ate Myrttle, p'wede po ba akong sumabay sa'yong kumain?"

Ikinagulat ko ang boses na iyon. Pamikyar na boses na alam ko agad kung kanino. Isang hindi kataasan, maputi, may matatalas na mga mata, at pigtail na ayos ng buhok ang nasa harapan ko.

Ang batang naki-sit-in sa klase.

Pero saan ba siya nanggaling? Bigla-bigla na lang siyang sumusulpot!

"Bakit?" tipid kong tanong dito. Hindi niya ba nakikita ang invisible sign sa lamesang ito? 'Myrrtles' Property'

"Sige na po. Please?" Pagmamakaawa niya na tila ikinahabag kong agad dahil sa paggamit niya sa kanyang puppy eyes. The lame weakness I have. I can't help it. She's so adorable!

"Sige," tipid kong sangayon pero sa loob-loob ko'y gusto ko na irapan ang aking sarili.

Wala naman sigurong masamang mangyayari, 'di ba? At isa pa mukha namang siyang mabait. Pero... langya lang, sa limang minutong pananatili niya sa upuan ko! Hindi na siya tumigil kakadaldal! For goodness sake! Hindi ba nauubusan ng laway ang batang ito?

"Tapos alam mo ba, ate. Ang cute-cute mo kanina tapos..."

Sa totoo lang ay wala na akong naiintindihan sa mga sinasabi niya kanina pa. Hindi na, dahil sa sobrang random at dami niyon ay hindi ko na kayang isa-isahin pa.

"Ate, kanina pa kita kinakausap, hindi ka man lang nagre-response," nguso nitong puna sa akin.

Niloloko ba ako ng batang ito? 'Eh, maski nga isang salita hindi ako makasingit sa kadaldalan niya.

Okay, Myrttle, stay calm. She's just a kid.

"Bakit nakaganyan kang ipit?" mabilis kong tanong na punong-puno ng pagtataka.

Sa tingin ko'y naligaw lang talaga siya sa University.

Oo na, napakawalang kwenta ng tanong ko. Pero ang totoo'y wala talaga akong maisip na tanong sa kanya.

"Yey! Nagtanong din si ate. Syempre, ang cute kaya sa akin, ate." Pinaikot nito sa kanyang buhok. Pinanliitan ko rin siya ng mata nang magtila napupuwing ito. Kanina pa siya pikit nang pikit nang napakabilis. "'Di ba? 'di ba? Ang cute cute ko?" She cheerfully said as I made my palm down to my face.

Seriously?

But I still manage to make a nod. Baka umiyak. Baka sisihin pa ako ng magulang nito. Nagkwento pa ito sa akin at syempre, pinapakinggan ko naman na. Hanggang sa napunta ito sa aso niyang namatay na sobrang iyak niya. Pati sa kuya niyang sobrang sungit at sa kung saan-saan pa...

Sa kauna-unahang pagkakataon, ngayon ko lang ipinalangin na tumunog na ang lunch break.

"Nga pala, anong pangalan mo?" singit ko ulit nang sasabihin na nito ang pangalan ng kuya niya. Eh, pakialam ko naman do'n? Siya nga hindi ko pa kilala, kuya niya pa kaya?

"Ako po? Ako po si Celine. Celine Harrison Blaire," pagbubuo niya at muling nagparang iritable ang kanyang mata.

Tanungin ko na rin kaya kung anong problema ng mata niya? Actually, may kilala akong kaparehas na kaparehas niya paminsan.

Well, Celine is a nice name.

Hanggang sa tuluyan na ngang natapos ang lunch break. Sinusubukan kong umakto ng normal pero gusto ko talagang ngumiti dahil doon. Takte, ayoko sa madaldal lalo na sa mga bagay na wala naman din akong alam. Malay ko ba sa aso niya? Ni hindi ko nga iyon nakita.

Hindi naman sa ayaw ko sa kanya pero maingay lang talaga siya. In fact, gusto ko siya. Kasi para siyang bata at mahilig ako sa mga bata. Iba nga lang siya dahil nag-fe-feeling bata.

Hindi na kami nagkasabay pumasok sa room dahil may kukunin pa raw ito sa locker niya. Mabilis na dumaan ang oras matapos niyon, pero ipinagtakha ko kung bakit hindi na bumalik pa si Celine sa room.