CHAPTER 3 : SHE MEETS BLAISE HARRISON BLAIRE
MYRTTLE JOONG
MADILIM PA lang ay ginising na ako ng mabangong putaheng niluluto ni Nay Julie. Kumalam agad ang sikmura ko sa gutom. Kaya naman mabilis kong iniligpit ang higaan ko't dali-daling bumaba sa kusina.
Nag-gigisa ito upang simulan ang niluluto niya. Pero agad kong nakuha ang atensyon nito na agad rin naman nitong ikinangiti sa akin.
"Oh, anak, anong meron at ang aga mong nagising?"
But I hugged her from the back for my response.
"Grabe ka naman, `Nay Julie. Wala lang po, nagising lang talaga ako ng maaga ngayon. Ewan, siguro may mangyayaring maganda ngayong araw," ngiti ko pa sa naisip na teorya.
Nakagugutom ang masarap na amoy ng putahe ni `Nay Julie. Kasalukuyan na nitong inilalaglag ang mga rekado sa kaserola.
Sopas ang niluluto nito, sumasakto sa malamig nang panahon sa pinas. Kahit kailan talaga, alam ni 'Nay Julie ang makabubuti sa akin.
Napaka-espesyal sa akin ni 'Nay Julie. Isa ito sa mga bilang na taong napili kong pakitaan ng ganito kong paguugali. Bagay na nararapat lang dahil isa siyang mabubuting tao na may malinis hangarin sa akin.
Hindi naman ako naiiba sa lahat, dahil trinatrako lang rin ang tao base sa kung paano akong tratuhin ng mga ito. Mas lamang nga lang ang taong nagsusubok kilalanin ako.
Why?
Because they think that I'm dangerous. Well, I'm indeed.
Matapos yakapin si Nay Julie'y masaya ko ng hinanda ang mga pingan sa mesa.
Si Nay Julie ay Labing-pitong taon na ring naninilbihan bilang tangalaga ko. At sa mga taong iyo'y itinuring ko na itong tunay na magulang, dahil hindi ito nangingiming iparamdam sa akin iyon magmula pa lang noong una.
* * *
SABAY MULI kaming pumasok nina Shenny at Xander sa University. Pero kagaya nang nakagawian ay naghiwalay rin kaming tatlo nang makapasok na sa University.
Nang mag-isa na'y nag-hood na ako na mayroon ang itim na jacket na soot ko. Gaya ng nakagawia'y nakapamulsa kong nilakad ang University ground patungo sa B.A Building.
Sa paglalakad ko ay hindi ko sinasadyang makabangga ng isang tao. Nakaharang siya sa daan ko kaya hindi ako ang may kasalanan. Natatakpan ako nito sa may kababaan pang sikat ng araw.
Tss...
Problema nito?
Nanatili akong nakayuko at hinintay ang pagkukusa nitong umalis sa daraanan ko. I don't have time to talk, tinatamad ako. But...it seems like he doesn't like the idea of moving.
Badtrip.
I faced him. Tumingala na ako para makita siya kasabay nang pagtaas ko ng kilay. I can't clearly see his face because he's against the sunlight. Matagal akong nasa ganoong sitwasyon pero parang wala siyang balak magsalita man lang.
Okay, I'll talk.
"Move." kalmado kong utos.
Kalma lang, Myrttle, kalma. Maganda ang gising mo ngayon. So don't ruin your day just because of a jerk.
I waited for almost ten seconds pero... badtrip talaga, eh! Bakit hindi siya sumasagot?! O, kahit umaalis man lang?!
Ang laki-laki ng daan tapos haharang siya? Is he making fun of me?! O, sadyang ginagalit niya lang talaga ako?!
Nang naka-adjust naman na ang mata ko sa liwanag ay nakita ko na ang kabuuan ng mukha nito.
Magkasalubong ang mga may kakapalang kilay nito. May mga matang agilang nanlilisik na sobrang kung makatingin. Hindi ko tuloy maiwasang maisip ang ballpen ako sa bag. Tusukin ko kaya?
Habang sinisipat ko ang mukha nito ay nagulat ako sa pagbasag nito sa katahimikan sa wakas.
"Hoy! Ikaw ba si Myrttle?" galit na galit nitong tanong sa akin.
The hell? What's wrong with him?! Kung maka 'hoy', ang aga-aga!
"Anong hoy?! May pangalan ako! Oo, ako si Myrttle. Bakit? Anong kailangan mo?!" Ganti kong sigaw.
I told you, I'm just reflecting people's approach. But I was shocked when he held my arms like hell. At napaka-sakit niyon.
I tried to pull my arms back but I can't! Mas lalong itong humihigpit kada gagalaw ako.
'Yong totoo? Ano bang problema niya?
"Ikaw ba si Myrttle?" paguulit nito. Bungol ang potek.
"Hoy babae, layuan mo na ang kapatid ko! Nadadamay siya sa kalokohan mo! Ang pinakaayaw ko pa naman ay ang pananakit sa kanya! Ni hindi ko nga pinapadapuan sa lamok 'yon tapos ikaw?! Ikaw babae ka. Ikaw pa ang dahilan?!" He shouted.
Nakalunok ba 'to ng microphone? We're just inches apart then he is shouting at me as if I am one kilometer away?! Nakakabingi!
But let me process this first.
Naglalakad ako ng tahimik tapos may haharang sa aking ganito? 'Eh sino ba 'yung kapatid niya? Kapag ito mali ng taong nilapitan. Papatulan ko talaga 'to! Pasalamat siya at maganda gising ko.
"Sino ka ba?! Sinong kapatid ba? At aray, ang sakit!" Pagpupumiglas ko sa kamay nito dahil namumula na ang braso ko.
"Kuya!"
Ikinabigla ko ang biglaang paglapit ni Celine galing kung saan. Para talaga siyang kabute. Kung saan-saan sumusulpot.
Pero ano daw?
Kuya?
Niya?
Sila?
Eh?
Ipinabalik-balik ko ang mata ko sa lalaking ito at kay Celine.
Seriously? Kuya niya 'to? Bakit parang ang layo naman?
Great, Myrttle! Nakakaisip ka pa ng ganyang kalokohan sa ganitong sitwasyon.
"Kuya! Bakit mo sinasaktan si ate Myrttle!? Hindi naman siya ang gumawa nito sa akin ah," naiiyak na awat ni Celine sa kuya nito.
Naguluhan naman ako sa mga narinig ko. Gumawa sa kanya ng ano?
"Anong hindi!? 'Eh, dahil sa kany—"
Hindi ko na pinakinggan ang sinasabi ng lalaking ito dahil nagulat ako sa nakita ko sa braso ni Celine. May mga kalmot at pasa ito bagay na ikinakaba ko nang husto.
I used all my strength to pull my arms back. It was very painful but I manage to endure it. I quickly went to Celine. At napatakip ng dibdib nang mas makita ko ang lahat sa malapitan. She's been bullied.
S-so ako may kasalanan ni-nito? H'wag mong sabihing...No, not again.
"C-Celine napaano ka?" natataranta kong tanong dito na punong-puno ng pag-aalala.
Kinakabahan ako sa maari nitong isagot. Kinakabahan ako sa posibilidad na ako na naman ang may kasalanan kung bakit nasaktan ang inusente. My tears are choking me but I manage to control it from falling.
Ako na naman...
Pero mas lumakas pa ang kabog ng dibdib ko nang biglang napayuko si Celine. Bagay na ikinataranta ko kaya mabilis kong binitiwan ang mahigpit na pagkakahawak ko sa braso nito. But her tears dropped in my arms, bago ko ito tuluyang matanggal.
"Ate, kasi-kasi ano po—"
At dahil sa kasagutang gusto kong malaman ay pinilit kong itinaas ang ulo nito. Tuluyan kong ikinabasag nang makita ko ang basang-basa nitong mga pisngi.
Umiiyak si Celine.
Kitang-kita ko ang paghihitap sa mga mata nito. Bagay na ikinayakap ko sa kanya ng mahigpit.
Its tearing me. Nadudurog ang puso ko sa bawat hikbi ni Celine. Hindi ko alam kung ano, pero nararamdaman kong may kinalaman ako rito. At hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung pati ang batang ito ay nasaktan ng dahil sa kagagawan ko.
Natanaw kong muli ang lalaking humarang sa akin kanina. At mas nabuo ang galit sa mukha nito matapos marinig ang lahat ng sinabi ni Celine.
"Ikaw nga kasi ang may ka—" He is about to shout but I stopped him.
"Shut up! I'm not talking to you!" I stormed out.
Alam ko, alam kong may karapatan siyang magalit sa akin. Pero sana ay makahalata rin siya na hindi ito ang tamang oras para awayin niya ako. Kailangang magbayad ang may gawa nito kay Celine. Kailangan nilang magbayad!
Itinaas ko naman ang mukha ni Celine sa akin. Pinunasan ko ang mga luha sa pisngi nito. At kahit masakit na makitang ganito ang batang ito ay pinilit ko pa ring kontrolin ang galit sa loob ko.
"Celine, tell me. Who did this to you?" mahinahon kong tanong.
Kating-kati na akong malaman kung sino. Kating-kati na akong ibaon sa lupa kung sino man ang nanakit sa'yo.
"A-ate, sinaktan nila ako. 'Yong mga b-babae kahapon... 'yong mga babae po kahapon... sinaktan nila ako...s-sinaktan nila ako," hihikbi-hikbi nitong sagot sa akin na nakapagpantig sa tainga ko.
Sila?! Sila ang may gawa nito kay Celine?!
I manage to calm myself down. Hinawakan ko si Celine sa braso at seryosong tumingin sa kuya nito.
"Sa'yo muna si Celine. Patawad sa nadulot ko sa kapatid mo. May pagbabayarin lang ako. Babalik ako para makipagaway sayo, but for now pauwiin mo muna si Celine," kalmado kong utos sa lalaki.
Kahit kailan, hindi ko ginustong may nasasaktang tao dahil sa akin. At mas lalong hindi ko ginusto na may madamay dahil sa kalokohan ko.
Madali na akong naglakad matapos iyon. Mabilis na paglalakad na unti-unti'y naging pagtakbo sa gigil na nararamdaman ko. Ni hindi ko na nagawang magpaumanhin sa mga estudyanteng nababangga ko. Hindi na, dahil ayokong pati sila'y madamay sa galit ko. Ilang minutong pagtakbo ang tinagal ko bago ako tuluyang mapahinto sa locker area ng Physical Educ. Class. Pamilar ang nakakairitang mga boses na pumapangibabaw sa silid.
"Girl, nakita mo ba 'yong isip bata na dikit nang dikit kay Myrttle?" someone giggled. "Kawawa siya sayo, gir! Naalala ko pa kung paano mo siya nilampaso. It's freaking wild, girl." They are laughing and I wish na lumabas nga ang baga nito sa pagtawang iyon.
"Thank you! Well she deserve my newly polished with art nails. I love seeing her blood out of it, makaganti man lang sa babaeng iyon!" Sabay-sabay pang tumawa ng kasama ng babaeng tinapunan ko ng milk tea kahapon. Bagay na tuluyang ikinasabog ng galit ko. Dahil sapat na ang mga narinig ko mula kay Celine at sa mga demonyong ito para ikumpirma ang lahat.
Muntik ko ng makalimutan ang pakiramdam na ito. Ilang taon na rin nang huli kong makita ang sarili ko sa ganitong estado. Ang paglamon sakin ng galit ng buo.It's like I am watching myself again reaching my own limit. Reaching the thing I can't even control.
Reaching my zone.
Bagay na dapat na nilang takasan.
BLAISE HARRISON BLAIRE
"BUNSO, IWAN ka muna ni kuya sa clinic, huh? May pupuntahan lang ako," mahinahong paalam ko kay bunso kasabay nang paghalik ko sa noo nito.
Sobra ang galit ko kay Celine kahapon. Umuwi ito ng bugbog at iyak nang iyak nang hindi man lang sinasabi sa akin kung sino ang gumawa sa kanya noon. Kami na nga lang dalawa sa bahay hindi pa siya nag-iingat.
Nang nakatulog na ito, ang pangalang Myrttle lang ang paulit-ulit niyang sinasabi habang umiiyak. Kaya naman hinanap ko ang babaeng nagngangalang Myrttle sa University. Siya man ang may kasalanan o hindi, kailangang may managot sa nangyari sa kapatid ko.
Hindi ko palalampasin ito. Napakahalaga para sa akin ng kapatid ko. At napakabata niya pa para makaranas ng ganitong karahasan! Pero bakit siya pa ang naisipang bugbugin? Langya!
Nang makalabas na ako sa clinic ay nagsimula na akong tumakbo para hanapin ang babaeng iyon.
Ang kauna-unahang babaeng naglakas loob na sagutin ako. Pero nakakapagtaka lang dahil noong sinabi ni bunso kay Myrttle kung sino ang nanakit sa kanya. May kung anong mali akong nakita rito, lalo na sa kanyang mga mata.
Parang nagbabaga iyon. Hindi! Namamalik-mata lang siguro ako. Imposible.
Napakasimple at ang inosente ng kabuuan nito pero sinisira niyong lahat ng galit sa mga mata niya. Na maski ako'y nabahala sa kung anong maari nitong gawin.
Inikot ko ang buong Business Ad. building. Gusto ko itong hanapin dahil masama ang kutob ko sa maaari nitong gawin.
Nang mapadpad ako sa lockers room ng mga ordinaryong estudyante ay nakita ko na rin siya. Naglalakad ito nang parang wala sa sarili palapit sa mga nagtatawanang mga cheer leaders. Kabilang doon si Sasha Lim. Ang unica hija ng isang governor sa bayan nalapit sa University. Kaya naman kilala siya ng marami rito.
Patuloy lang sa deretsong paglalakad si Myrttle galing sa kabilang dulo ng gusali. But the moment I saw her blazing eyes toward those girls? Talaga namang napatigil ako sa paglalakad. Nagtago ako at sumandal sa bahagi ng lockers room na may kadiliman, six meters away from everyone.
"Nakakatawa talaga, Girl?" masaya pang tanong ni Sasha sa mga kasamahan nito. Nakita ko ang pagtalim ng tingin ni Myrttle sa kanila. At sa totoo lang ay nakakikilabot iyon.
"Oh, talaga nakakatawa?" kalmadong tanong ni Myrttle pabalik havang nakapamulsa. Ang cool niyang tingnan doon pero may mali talaga sa kanya. Parang hindi siya 'yong babaeng iniyakan ng kapatid ko kanina.
Bakas ang pagkagulat sa reaksyon ng lima na hindi naglaon ay naging takot.
Ikinakunot iyon ng noo ko.
Bakit ganoon nalang ang reaksyon nila? Sino ka ba talaga ang taong ito? Pamilyar ang pangalan. Pero hindi ba't kami lang dapat ang kinatatakutan sa school na ito?
Pero bakit...
Ano bang mayro'n sa kanya?
"So, kayo pala ang gumawa no'n kay Celine?" Napantig ang mga tainga ko sa aking narinig.
What the hell?!
Sila ang may kasalanan?!
Tila nakagat ng lima ang kanilang dila. Lalakad na sana ako para bigyan sila ng leksyon nang tila natuod ako sa nakakatakot na sigaw na pumangibabaw sa lugar.
"Answer me! Kayo ba?!"
Hindi ko alam kung bakit pero kinilabutan ako sa sigaw na iyon.
"O-Oo, b-bakit? A-anong gagawin mo?!" Takot na takot na pag-amin ng namumutlang Sasha, maging ng kasamahan niya.
Until one strange sound echoed along the locker room. At nang marealise ko kung ano ito'y talaa naman ikinatulala ko.
Jeez! Did she just... Did she just punch Sasha's face?
Hindi ako sigurado pero nakita ko na lang si Sasha na nakabulagta na sa sahig na ikinalunok ko. Takte! Parang tumagos sa akin ang pakiramdam ng masapak nang ganoong kalakas.
Nakakabingi ang sabay-sabay na tilian ng apat. Tutulungan na sana ng mga ito si Sasa nang agad silang napaatras nang nakita ang nanlilisik na mata ng babaeng ito.
A stare that can cause you death.
Sinubukang sumugod ng dalawa pang kasamahan ni Sasha na may hawak na baseball bat. Pero masyadong mabagal ang mga ito. Madali silang nakita ni Myrttle, na agad ring ikinabali ng kamay ng dalawa. She did twist their arms without hesitation.
But hell, where did they get those?!
Matapos niyo'y hinagis niya ang dalawang kalaban na parang papel lang at ibinaling sa isa pa nitong kasamahan.
Two down!
Samantala ay sumugod na rin ang isa pang babaeng hindi natamaan ng paghagis ni Myrttle.
At nagulat ako sa hawak nito. Isang balisong.
Pero gaya kanina'y hinarap rin ito ni Myrttle nang walang pag-aalinlangan. Ngunit pansin ko ang maingat na nitong paggalaw dahil sa patalim na hawak ng kanyang kalaban.
Pinaundayan ng saksak ng babae si Myrttle ngunit nakamamangha ang ginagawang pagilag ni Myrttle dito. May kagalingan rin sa pagilag sa mga atake ni Myrttle ang kalaban. Kaya naman tila lang sila nagsasayaw sa pinakadelikadong paraan.
Ngunit ang mabilis pa nutong paghawi sa kanyang patalim ay ikinatigil ng hininga ko. Sa isang iglap ay may mga patak na ng dugo sa sahig. Bagay na ikinahinga ko rin nang maluwag dahil nadaplisan lang nito ang braso ni Myrttle.
Phew! That was close!
Rinig ko ang buryong pagpalatak ni Myrttle ng makita ang sugat. Bagay na tila ikinaasar nito't sa isang iglap ri'y ikinapalipit ng kamay ng babae papatalikod. Hanggang sa mabitawan na nito ang balisong na agad sinipa ni Myrttle sa papalayo
Her eyes changed. Its like she's been playing around from the start, at ngayo'y napagod na at nagseryoso.
I am aware that this kind of incident are against the rule of Harrison University. But seeing one of them, involving the kind of person like her? Hindi ko na alam pa, pero palala na ng palala ang gulo.
"I won," kalmado nitong paalala sa sarili.
Tama, napabagsak na niya lahat.
Hindi natagal ay tinungo na nito si Sasha na sapo-sapo pa rin ang dumudugong ilong niya.
Myrttle's eyes was calm. The calmest yet the most dangerous stares I've ever seen. But Sasha still manage to to smirk.
Which made Myrttle mad. Hinawakan nito ang kwelyo ni Sasha hanggang halos mapalutan niya ito sa ere.
S-Shit?
"You should stop, If you really want to keep your teeth safe." She warns, bagay na agad ikinatikom ni Sasha.
I know she mean it, pero niluwagan na nito ang pagkakahawak kay Sasha.
"You don't have a right to hurt someone like that kid. Do you have any Idea how I hated pathetic people like you?" Gigil nitong hinila muli ang colar ni Sasha at padabog itong binitawan as she manage to massage her nosebridge.
"Do you know what I do to peoplr I hated?" riing pikit nito, bagay na sa hindi malamang dahila'y nakapagpaalarma sa akin sa kung ano.
"How could you do this to her? What on earth are your reason para bugbugin ang isang walang kalaban-laban na tao?" Rinig ko ang inis sa mga katagang iyon pero isa lang ang napansin ko, nanginginig sa galit ang nakayukom nitong kamao.
But she's trying to control it...
"If you really want some fight you can call me anytime, I can't say no to a pathetic brat who is asking for her death. "
Iika-ikang tumayo ang babaeng kanina'y may hawak-hawak na balisong.
"Ikaw, narinig ko ring isa ka sa nanakit kay Celine. Tell me, is it really fun? "
No one responded.
"Is it really fun to face your karma?"
"I tell you, Idiots. Isa pang tangka niyong galawin ang batang iyon. I'll make sure you'll get what you're looking for. "
Matapos niyon ay tumalikod na si Myrttle sa lahat. I saw how she made her deep breath before walking away. Kitang kita ko ang namumula nitong kamao sa labis na pagkakayukom nito. And I am stocked with the thought, on what will happen if this lady let her anger out.
Pero hindi pa man nakahahakbang ng tatlong beses ay ikonatakha ko ang pagngisi ni Sasha sa likuran nito.
Seriously?!
MYRTTLE JOONG
I FINALLY turn my back away from them. I can't control myself anymore, and I need to leave before something worst happen.
Ngunit nakadadalawang hakbang pa lamang ako nang isang may kalakasang tunog ang narinig ko sa aking likuran.
Sigurado akong tunog iyon ng pagtama ng isang matigas na bagay sa hindi katigasang pinaghampasan.
Mabilis akong napalingon sa likuran ko dahil doon, bagay na ikinagulat ko nang husto dahil isang lalaki na ang nandoon.
Pero ang mas ikinaagaw ng aking pansin ay ang tumutulong dugo ngayon sa sahig.
D-dugo?
"B-blaise? Gosh, Blaise!" gulat na gulat na sigaw ni Sasha kasabay ng pagbitaw nito sa may kakapalang bakal na hawak-hawak.
Shit. Seriously?
"Tss! You're playing dirty, Sasha Lim," palatak ng lalaking napakapamilyar ng boses. I knew him! Siya iyong nakakainis na kuya ni Celine!
Teka...
Anong ginagawa niya rito?
Napatingala ako dito nang biglaan itong humarap sakin. He's too close, kaya naman agad akong napaatras.
But the weirdest thing is, when he smiles at me.
Ngiting ikinagulat kong saglit pero ikinairita ko ring bigla nang umaktong wirdo ang dibdib ko.
What's with that smile?
Pero kahit na nakaiirita ang ngiti niyang iyon ay hindi ko na lang pinansin.
Patuloy na dumadaloy ang dugo sa noo nito, bagay na sa tingin ko'y hindi niya ramdam.
Muli, humarap ito kila Sasha. At nakakapagtakha ang kakaibang putla ng mga bruha.
"So kayo ang naglakas loob na bugbugin ang kapatid kong si Celine. Am I right? " Timping galit na tanonv nito. Kita ko ang pagngangalit ng kanyang panga.
Kaya naman imbis na puruhan ang mga bruha dahil sa tangka ng mga itong tirahin ako sa likod. Ay hinayaan ko na. Sa yabang ng lalaking 'to kanina, gusto kong makita ang ibubuga niya.
"T-Teka Blaise. C-Celine?" utal na utas ni Sasha. Pero natigilan ito ng mahigpit siyang hinawakan sa balikat nitong lalake.
"Yes, My sister. Celine Harrison Blaire."
Feel ko ang hindi makapaniwalang ekspresyon ni Sasha. Miski ako naman ay hindi makapaniwala noong una. Akalain mong kapatid ng mala-anghel na si Celine ang tila halimaw na lalaking to?
"Sorry, Blaise. Hindi namin alam,"
mangiyak-ngiyak na hinging paumanhin ng babaeng napuruhan ko kanina.
Bakit parang takot na takot sila sa lalaking ito? Siguradong bully din siya. Sabagay halata naman sa itsura.
I learned that this guy name was Blaise. Hindi bagay sa kanya ang ganoong ka-cool na pangalan.
Mangiwi-ngiwi si Sasha sa hawak na iyon ni Blaise. At kung titigna'y mas may gigil ang hawak niyang iyon. At nasisigurado ko ang dobleng sakit niyon kumpara sa ginasa ng bwisit na to sakin kanina.
"What kind of reason is that? You are all aware of the Fifth degree rule, that can be subject to expulsion! Tapos sasabihin niyong hindi niyo alam? Kapatid ko man siya o hindi alam niyong bawal! At kamalas-malasan niyo lang talaga at kapatid ko pa ang pinagdiskitahan niyo!" sigaw nito sa pagmumukha ni Sasha na halos maiyak na.
Bakit siya naiiyak? Sa sakit ba ng braso nito sa braso o nababahuan ito sa hininga ni Blaise? Fifth Degree Rule?
"What you've done was unforgivable. You know what will happen kung manatili pa kayo sa University matapos nito. I can't guarantee your life, Lalo na kung makarating pa ito sa myembro ko. "
Pagbabanta nito na ikinataas ng kilay ko.
It seems like this guy is something. O mayabang lang talaga at puro hangin?
Sa bagay, makailang beses ko na bang narinig ang mga linyahang iyan? Mga dialogue ng taong puro kabag sa sobrang kahanginan.
Ikinatulala pa rin ni Sasha ang sinabing iyon ni Blaise, samantalang ang iba'y kumaripas na ng takbo na animo'y takot na takot sa mokong na ito.
Ano ba kasing meron?
Pero ikinagulantang ko ang mabilis pa sa kidlat na paghila sakin ni Blaise. I can't stand how his grip hurting my arms.
'Nak nang!
Ano ba talagang problema ng isang ito sa akin?