Chereads / Loving My Monster Boss (Tagalog Romance) / Chapter 8 - Chapter Eight: Stressed

Chapter 8 - Chapter Eight: Stressed

EMOTIONALLY at mentally drained na ko dahil sa kagagawan ni Ryan pero mas pinili kong dumiretso sa Cosmic Bar kaysa sa bahay dahil may dapat sa kanyang pagbayaran si Renz.

Dumiretso ako VIP lounge at basta ko na lang hinablot ang isang throw pillow at itinakip ko sa mukha ko bago isinigaw ang lahat ng frustration ko ngayong araw. Pagod na pagod na ko pero hangga't hindi ko matanggal ang inis na `to sa dibdib ko kung hindi, hindi ako makakatulog ng matino.

Akala ko pa man hindi na makukulta ang utak niya kakaisip kung anong gagawin ko kapag na-reject ako kaso ayun walang sagot sa confession ko.

"Ayoko na!" naibato ko na lang kung saan ang hawak kong throw pillow dahil sa frustration. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko mas mabuti sigurong puntahan ko na muna si Ynna para naman may makausap ako.

Pero nang makita ko itong umiiyak ay nataranta ako at agad itong inalo. Ilang taon na rin simula nang huli ko itong makitang umiiyak at usually ay palaging tungkol iyon sa lalaking `yon. Napatiimbagang ako nang maalala ang lalaking basta na lang umiwan sa bestfriend ko at later on ay saka na lang namin nalaman na buntis ito.

Muntik ko na ngang sugurin ang ex boyfriend nito pero sa huli ito na lang ang siyang nagpaubaya at wala na akong ibang nagawa kung hindi ang suportahan na lang ito sa desisyon nito.

Matapos naming magusap ay pumunta muna ito sa banyo para maghilamos at nag-re touch sigurado kasing tatanungin ito nina Renz kung bakit namumula ang mata nito kapag nakita si Ynna.

Nang dumating kami sa tambayan ay agad na tumambad ang kumakain si Renz. Gigil na hinablot ko ang kwelyo nito at pinagpantay ang tingin namin.

"Ikaw! Paano mo nakilala ang mga kaibigan ni Sir Ryan?" nanggigil na tanong ko kung pasalamat ito at nagtitimpi pa ko kung hindi makakatikim ito ng flying kick mula sa`kin.

Nilunok muna nito ang kinakain bago nakakunot noong tinanong ako. "Ryan, who? Saka bakit ang init ng ulo mo?"

Naningkit ang mga mata ko. "`Yung boss ko paano mo siya nakilala."

"Teka nga muna." Kumawala ito sa pagkakahawak ko. "Alam kong matalino akong tao pero hindi ko maintindihan ang sinasabi mo, lasing ka ba?"

Kahit kailan talaga hindi ito nawalan ng pagkakataon na magbuhat ng sariling bangko, upakan ko kaya ito? Kinalma ko ang sarili.

"`Nung isang gabi, nandito si Sir Ryan."

"Ahh… pero teka masyadong namang malayo `to sa office niyo pano siya napunta ditto?"

"Bakit akong tatanungin mo? Hindi ko din alam!" gigil na sagot ko

Sandali itong nag-isip saka nagliwanag ang mukha nito. "Is his full name is Ryan Emmanuel?"

"Duh, five years na kong nagtatrabaho sa kanya hindi ka pa aware?"

He gave me a sheepish smile na nagpalalim sa magkabilang biloy sa pisngi nito pero asa na lang ito na tatablan ako, matagal na kong immune sa charm ng lokotoy na `to.

"It's seems that kaibigan siya ni Jake, you know him right?" tukoy nito sa suitor ng kaibigan naming na si Dina or suitor nga ba? Kahit ako hindi rin alam ang status ng dalawang `yon. "Kaklase niya ata si Ryan noong college kaya naging acquainted sila. Small world huh."

Hinatak ko ulit ang kwelyo nito. "At ngayon mo lang narealize `yon pagkatapos mong sabihin sa lahat ng tao ang sekreto ko? Nakakainis ka talaga! Sarap mong ibalik sa pinanggalingan mo!" mas lalo kong hinigpitan ang hawak sa kwelyo nito kahit na nasasakal na niya ito.

"Hindi na tatanggapin si Renz sa impyerno." Singit ni Dan na noon ko napansin na nasa bar counter at umiinom ng scotch.

Binitawan ko rin si Renz sa huli nang makita kong nanamumutla ito.

"Grabe gusto mo talaga yata akong matuluyan na eh" sisinghap-singhap na sabi nito.

"Gusto mo bang tuluyan ko na? Baka mas madami pang tao ang matuwa."binigyan koi to ng matalim na tingin.

"Ikaw naman joke lang sayang naman ang kagwapuhan ko kung walang makikinabang."

I mockingly look at him form foot to head. "Baka bumula na `yang bibig mo sa dami ng kasinungalingang sinasabi."

"`Oy totoo lahat ng sinabi ko and for the record, I plead not guilty of your accusations."

"Yeah right, lokohin mong lelong mo."

"Patay na ang lelong ko."

"Bakit gusto mong sumunod?"

"Sabi ko nga kasalanan ni lelong ko."

Napabuntong hininga na lang ako bakit`to naging kaibigan ko? Isang `yong malaking tanong sa sarili ko. Doon ko naman napansin na dumating na si Ynna at pilit akong pinapakalma. Pero hindi pa rin matatanggal ang katotohanan na alam na ni Ryan ang nararamdaman ko at ang malala `non ay nakabitin pa rin ako sa ere dahil wala pa rin itong sagot sa akin.

Para tuloy ayoko nang pumasok kinabukasan mas mabuti pa nga natulog na lang ako pagka-uwi galingsa opisina noong isang araw nang hindi naging ganito ang ending ng drama ko. Nakakainis.

Makauwi na nga lang.

"Oh aalis ka na?"

"Bakit gusto mo ba talagang makatikim ng flying kick ko?"

"Ba-bye ingat ka sa daan."

Inirapan ko ito bago tuluyang lumabas ng kwarto.

"Ano nang plano mo?" tanong sa kanya ni Ynna na nakasunod pala sa`kin.

"Uwi na ko, gagawa na kong resignation." Sa huli ay wala na kong maisip na solusyon bahala na si Ryan mas gugustuhin ko pang mawalan ng trabaho bago masiraan ng bait sa dahil sa kakaisip. Iyon ang nasa isip ko saka tuluyan nang umalis.