HINDI ko na namalayan kung saan kami nakarating ni Ryan dahil tinulugan lang niya ito sa buong byahe dahil sa pagod.
Kaya ganon na lang ang kaba ko nang makita ko ang madilim na kalsada na tinatahak namin.
"Ryan, baka naman pwede nating pagusapan `to? Kapag itatapon mo nga pala `yung bangkay ko wag sa madilim na lugar, allergic ako sa lamok."
Narinig ko ang pigil nitong tawa. "Inaantok ka pa ba? Kung ano-ano na naman ang sinasabi mo."
"Kasi naman bakit ang dilim-dilim naman ditto? Hindi ka ba nanunuod ng horror movie? Ganitong mga klaseng kalsada ang bigla na lang may white lady na lalabas tapos masisiraan tayo ng kotse, tapos, tapos hindi na tayo makakauwi ng buhay."
"Seriously Rizza? Saan-saan mo ba napupulot `yang mga kalokohan mo."
"Hindi kalokohan `yon Sir totoo talaga `yon na nangyayari sa movie." Nang ma-realize ko ang mga pinagsasabi ko ay doon ko lang napansin na dinaig ko pa ang naka-high sa drugs sa lakas ng tama ng imagination ko.
"Right, pero wag kang mag-alala hindi tayo hahabulin ditto ng serial killer." minaobra nito ang kotse saka nag-park. "Let's go at bago pa may sabihin kang kung ano-ano safe ang lugar na `to kaya wag kang mag-alala."
Nagaalangan man ako syempre wala na kong magagawa alangan naman kasing magpaiwan ako `don, ayoko ko. Pagkababa ay hindi ko maiwasang mapabulalas sa mangha nang makita ko ang napakagandang scenery sa harap ko.
Wala man akong makitang bituin sa langit ay kitang-kita ko naman ang buong skyline ng Metro Manila sa kinatatayuan naming.
"So sa tingin mo ba may horror setting pa rin `tong pinuntahan natin?"
Agad kong kinuha ang cellphone ko saka piniktyuran ang lugar, "The best talaga kayo Sir, joke ang pala yung kanina." Nakangising sabi ko saka ibinalik ang cellphone sa bag mamaya ko na lang `yon po-post namnamin ko muna ang pagkakasarilinan naming dalawa.
Napailing na lang ito sa sinabi ko saka binuksan ang trunk ng kotse at doon ko nakita na may dala pala itong baon, bago kinuha ang isang hindi shawl sa paper bag at ipinatong sa balikat ko.
"Baka lamigin ka."
Sa pagkakaton na `yon ay tuluyan nang nakakawala ang pinipigilan kong ngiti, pakiramdam ko worth it ang pag-aantay niya na magkaroon din ito ng pagtingin sa kanya hindi nasayang ang eight years na pagmamahal ko at kahit na alam kong hindi sigurado kung ano ang meron kaming dalawa hindi naman siguro masama ang mag-imagine kahit na sandali hindi ba?
"Thank you! Dali pagsilbihan mo naman ako." Lulubusin ko na tutal ay wala akong ideya kung hanggang kailan magtatagal ang ganito.
Ang akala niya ay papagalitan talaga siya nito pero marahan siya nitong iginiya sa may trunk ng kotse saka may kinuhang seat cushion sa may tabi saka ko inalalayan na makaupo doon. Bago walang salitang inabutan ako nito ng botteled water.
Para lang bawiin ulit kaya sinamaan ko agad si Ryan ng tingin `yun pala bubuksan lang nito ang cap para sa`kin. Sensya na advance mag-isip malay ko ba? Sa huli ako lang din ang napahiya sa sarili ko kaya naman tahimik ko na lang na tinaggap `yon pati na rin ang sandwich na ibinigay nito sa`kin.
Saka naman ito tumabi sa kinauupuan ko at sa loob ng ilang sandali ay isang komportable katahimikan ang naranasan naming dalawa.
"Hey." Si Ryan ang unang nagpasya na magsalita sa`ming dalawa.
"Hmm?" hindi ko maalis ang mata ko sa magandang tanawin at kahit papaano ay napapakalma ako `non lalo pa at masyadong malapit sa`kin si Ryan kailangan kong ibaling sa iba ang focus ko kasi hindi ko na naman siya makakausap ng matino.
"Can I answer your confession?"
Alam niyo `yung feeling na patay wala na talaha akong kawala, so eto na pala talaga ang ending ng kanyang sweet imagination? Pero kahit na ang totoo ay natataranta ang utak ko pero kalmado na ang puso ko. Siguro dahil handa na kong tanggapin kung ano man ang kahihinatnan nitong pagmamahal ko kahit na ba masaktan ayos lang kasi ang mahalaga naranasan ko magmahal ng tapat at totoo.
"Alam ko na kahit na marami ka nang alam tungkol sa`kin may mga bagay pa rin akong hindi alam tungkol sa`yo kaya sana tulungan mo ko," Tumingin siya sa`kin. "Help me me know you more not just my secretary but the girl I want to give my heart with."
Wait teka lang muna, parang video sa utak ko na paulit-ulit na nag-relay ang mga sinasabi nito hanggang sa naramdaman ko na lang na niyakap niya ko. His sandalwood scent that was so addicting became the reason why her mind suddenly calmed down. Saka ko lang din na-realize na ang tibok ng puso nito ay kasing bilis lang din ng sa`kin.
"Just don't overthink too much Rizza, just listen to what my heart is saying."
Sa huli ay unti-unti kong itinaas ang mga braso ko saka ginantihan ang yakap niya sa`kin. Ganito pala ang pakiramdam ng kayakap si Ryan, hindi ko ma-describe kung paano pero pakiramdam koi to `yung lugar kung saan nararapat ako.
Marahan itong kumawala sa yakap ko at isang tingin ko pa lang ay alam ko na ang gusto nitong gawin. Unting-unitng bumaba ang mukha niya sa`kin at sa huli ay wala sa sariling naipikit ko na alng ang mga mata ko.
Pero ang tinamaan ng magaling lumapat lang ang labi sa noo ko! Ano ko matanda? Napasimangot ako ng wala sa oras chance na ko na `yon eh hindi pa ko pinagbigyan.
Magpo-protesta n asana ako nang sa wakas ay siniil na niya ako ng ng halik, isang pinakamatamis na halik na noon ko lang naranasan.
A first kiss from her first love sino bang babae ang magkakaroon ng ganito ka-swerterng pagkakataon? If love is something you need to wait to earn, I am willing to do it again and again just to be in this perfect moment.