PUMASOK pa rin ako kinabukasan sa kabila ng puyat na naranasa ko kagabi dahil na rin sa pangungulit sa`kin ng mga kaibigan ko. Pasalamat na lang siguro ako at may jet lag pa si Ryan kaya nagpumilit na akong umalis dahil siguradong hindi ako tatantanan ng mga kaibigan ko ng asar.
Dahil nga naging maaga ang dating ng amo niya ay saw akas ay nabawasan na rin ang trabahong dalawang linggo ko nang pinaglalamayan.
Sinamsam ko nag folder sa lamesa saka pumasok sa opisina ni Ryan, ito kasi ang mga papeles na kailangan ng pirma nito.
Isa-isa kong inilagay ang mga folder na tumambak sa kabundok pa nitong trabaho.
"And that's all Sir."
Sumilip ito mula sa nakatambak na folder. "You're enjoying this aren't you?"
Ngumiti ako ng matamis. "Hindi po Sir ah."
"And what I told you about my name?"
"Ryan, I'll call you one kapag tayong dalawa lang at kapag nasa labas na tayo ng opisina."
"Good." Bago ito napabuntong-hininga hindi ko naman mapigilan ang sarili ko na lihim na mapangisi. Ito lang kasi ang unang beses na nakita ko si Ryan na ayaw magtrabaho samantalang napaka-workaholic nito.
"Meron pa ko sa labas, ipasok ko na ba?" pang-aasar ko.
"Please. spare me from more work."
Hindi ko na napigilan ang sarili ko na matawa sa itsura nito. "Sinabihan kasi kitang bukas ka na pumasok ang tigas ng ulo mo."
"Ilang linggo na nga ako sa Amerika papalagpasin ko pa ba ang pagkakataon na makasama ka?"
Naitakip ko na lang ang kamay ko sa mukha cheesy ng amo ko, kinikilig ako. "Tigilan mo na nga ko magtrabaho ka na dyan."
Tumingin ito sa wrist watch nito. "Can't we have a lunch first? Nagugutom na ko."
Lumapit ako at wala sa sariling dinampi ang kamay sa noo nito na marahan.
"What's with that?"
"Nothing Sir, just checking kung may sakit lang kayo."
Natatawang tumayo ito saka hinawakan ang kamay ko bago pinagsiklop `yon.
"May sakit ako `no, I'm already sick, sick thinking about you all day."
Wala na, landi na naman ni Ryan hindi kaya ng powers ko baka bigla na lang akong mag-collapse pero syempre joke lang. "Corny niyo Sir, gutom lang siguro talaga `yan."
"So kakain na ba tayo?"
"May choice ba ko?"
Sandali itong nagisip, at ganon na lang ang pagpipigil ko na kurutin ito sa pisngi dahil sa ka-kyutan nito. "Wala."
"Oo na, kakain na tayo."
Hawak pa rin ang kamay ko ay hinatak na niya ko palabas sa opisina. Sakto namang pagkabukas ng pinto ay tumambad sa amin si Mina kasamang hindi ko kilalang lalaki.
Naramdaman ko na biglang na-tense si Ryan saka itinago ang kamay naming sa likuran nito at marahan akong pinakawalan.
Nagtaka man ako sa ginawa nito ay mas lalong lumalim pa `yon nang makita ko kung gaano kalamig ang mga mata ni Ryan sa bago dating.
"Sir, hinahanap po kayo."
"As far as I'm concern wala akong appointment ngayon tanghali."
"Ah, Sir kasi ano po," Nakita ko ang pagpa=panic ni Mina kaya agad koi tong pinakalma.
"It's okay Mina we'll talk later bumalik ka na sa desk mo."
Mukha mang nag-alangan pero sumunod ito sa utos ko at kaya sa`kin naman tumutok ang tingin ng bago dating at sa hindi ko alam kung bakit pero kahit na nakangiti na ito iba ang nararamdaman ko.
Mabilis kong hinamig ang sarili. "Sorry Sir, I'm Rizza the secretary, do you have an appointment?"
Bahagya nitong ikiniling ang ulo at sa kabila ng mainit nitong ngiti ay ang kabaligtaran ng malamig nitong mga mata. Wala sa sariling nagtaasan ang lahat ng defenses niya.
"Kailangan ko ba talagang gumawa pa ng appointment para lang makita ang kapatid ko?"
Nagulat ako saka napatingin kay Ryan na nagtiim bagang ramdam ko na agad ang animosity sa pagitan ng dalawa, bakit ganon ang pakikitungo ng dalawa sa isa't-isa? Hindi ko maiwasang magtaka sa reaksyon nito.
"You've been gone for almost three years pagkatapos bigla ka na lang susugod ditto sa opisina ko na parang wala kahapon lang tayo nagkita."
Nagkibit balikat lang ito "But I'm here aren't I? I'll surely make my stay worthwhile," umayos ito ng upo. "Where are you going anyway?"
"None of your business, I'm busy sa bahay na lang tayo mamaya mag-usap." Tuluyan na itong lumabas.
Ako naman no choice kung hindi ang sumunod na lang pero nang lingunin ko ang lalakinakasunod ang tingin nito sa`kin at may kung anong kislap sa mga mata nito na nagsasabing mayroon itong pinaplano na kung ano at sigurado akong hindi ko `yon magugustuhan.
Huminga ako ng malalim mas mabuting pagtuunan ko na lang ng pansin si Ryan lalo pa at naging kakaiba ang reaksyon nito kanina. Lakad takbo ang ginawa ko para mabilis ko itong mahabol.