Chereads / Loving My Monster Boss (Tagalog Romance) / Chapter 21 - Chapter Twenty-One: Chance

Chapter 21 - Chapter Twenty-One: Chance

Nagising ako dahil sa nag-iingay ko na cellphone, masakit ang ulo ko at pagod na pagod dahil sa mga nangyari nitong mga nakaraang araw. Mabuti na lang at hindi na masyadong nagtatanong ang mga ito at hinayaan na akong mag-isa, mukha ding kahit hindi ko sabihin ay nahalata agad ng dalawa kong nakaktandang kapatid kung ano talaga ang problema ko.

Konting panahon na lang ang kailangan ko at back to reality na naman ako kung saan wala akong trabaho at wala na sa buhay ko si Ryan.

Naramdaman ko na naman ang pangingilid ng luha ko kaya sa huli nagpasya na lang ako na sagutin ang tawag baka sakaling kahit papaano ay mawala `tong kakulangan na nararamdaman ko.

Sasagutin ko na sana ang tawag nang tumigil `yon pero tumunog ulit pagkatapos ng ilang segundo.

"Hello?" napangiwi ako nang marinig ang malat kong boses.

"Riz?" nnapakunot noo ako nang mahimigan ang pag-alala sa boses nito hanggang sa sinilip ko kung sino ang caller.

"Franz? Kailan ka pa nakauwi ng Pinas?"

"Noong isang linggo pa may inaasikaso lang kaya ngayon lang napapagparamdam, busy k aba? Samahan mo naman ako." Mas lalo lang lumalim ang pagtataka ko nang hindi ko na mahimigan ang pag-aalala sa boses nito. Malamang inaantok pa ko at kung ano-ano na naman ang pumapasok sa utak ko.

Humugot ako ng malalim na hininga malamang na wala itong alam sa mga nangyari sa kanya dahil ilang buwna na itong nasa Paris dahil isa ito sa mga modelo na napili para sa lumahok sa isang Fashion Showcase na kasabayan ang ilang mga kilalang pangalan sa industriya.

"Hindi mo ba maaya `yung iba?"

"Mga busy wala kong mahatak kahit isa. Sige na, may isa kasing commercial complex akong target para iniisip kong branch boutique namin ni Dina, nasabi naming sa`yo `yon, right?"

Tama nasabi nito na gusto nitong mag-manage ng isang branch pa ng Aphrodite ang brand name ng design company ni Dina dahil na rin sa nalalapit nitong retirement bilang isang modelo.

"Sinabi sa`kin ni Renz na nag resign ka na sa dati mong work, finally." Sa loob ng ilang araw ito ang unang beses na napangiti ako, ito kasi ang numero unong gustong akong mag-resign sa toxic kong trabaho.

Minsan nga hindi ko maiwasang mapa-isip, kung sumunod kaya ako sa sulsol ng mga ito? Baka matagal na kong naka-move on kay Ryan at hindi na masasaktan ng ganito.

"Sige na nga, san tayo ba magkikita?" pagpayag ko.

Binaggit nito ang isang lugar `di kalayuan sa amin at alam ko na maganda ang pwesto ng commercial complex na kagagawa lang at malaki ang potential pagdating sa pagkuha sa marketing.

Sandali lang silang nakamustahan bago ako bumangon at nag-ayos ng simpleng t-shirt at pants matapos kong makaligo. Hindi ko maiwasang marimarim sa sarili ko nang ma-realize ko na wala akong ligo-ligo nang ilang araw, parng ayaw ko nang umulit, badtrip.

Pagbukas ko ng pinto palabas, pinangako ko sa sarili ko na magiging maayos na ko, no more heart aches, no more tears just a happy smile on my lips.

KANINA pa ko nasa labas ng commercial pero hindi ko pa rin makita `ni anino ni Francheska. Asan naman kayang lupalop ng mundo ang kaibigan ko? Kilala ko si Franz na laging on time hindi katulad ng iba pa nilang kaibigan, kailangan ko pa bang i-special mention si Renz?

Tinawagan ko na si Franz bago pa ko matuyo na parang daing sa labas ng complex. "Helle Franz? San ka na? Andito na ko."

"Dito na ko sa loob pasok ka na lang." sagot nito saka pinutol ang tawag.

Napakunot ako ng noo para kasing masyado itong nagmamadali na tapusin ang paguusap nila. Sa huli pinagkibit balikat ko na lang `yon saka ako nagtanong sa security guard na iginiya ako sa pinakamalaking rent space sa bbuong complex.

Noong una ang akala ko walang kahit na naong nakalagay sa lugar hanggang sa mapansin na isnag martial arts studio pala ang napasukan ko. Kumpleto lahat ng amenities at equipments kaya hindi ko maiwasang humanga sa lugar pero nasaan si Cheska?

Akma sanang tatawagin ko ang kaibigan dahil mukhang mali ang naituro sa kanya ng guard nang makarinig ako ng isang pamilyar na boses.

"Anong ginagwa mo ditto?" gulat kong tanong kay Ryan.

"C-can we please talk? I'm begging you."noon ko napansin ang itsura nito malaki ang ibinagsak ng katawan nito. Nag-alala ako para sa kanya pero pinigilan ko ang sarili ko na magsalita.

Gusto kong ipakita na wala na kong pakialam pa sa gusto nitong sabihin dahil pagod na ko, iyon ang isnabi ng utak ko pero ang puso ko? Ayun daig pa ang may mga naghahabulang kabayo sa simpleng kaalaman na humingi pa ito ng tulong sa mga kaibigan ko para lang makausap ako.

Ang hirap pala pala talaga kapag nagtatalo ang puso at utak, pero siguro nga pagdating sa pagmamahal may mga pagkakataon na puso ang palaging nanalo.

"Okay." Nakita ko ang relief sa mukha nito. "I'll give you five minutes to explain yourself pero kapag hindi ako nakontento sa kung anuman ang sasabihin mo, I want you out of my life forever."

Marahas nitong nahagod ang sariling buhok, hindi ako makapanniwala sa nakikita, the usual emmacculate clean Ryan Emmanuel is gone bakit ba sa oras na nagkakasarilinan kaming dalawa ay may mga bagay na nakikita ko sa kanya na hindi ko naman napapansin dati?

"I'm sorry, hindi ko gusto na masaktan ka o umiyak kasi nasasaktan din ako lalo na at ikaw lang ang nilalaman nito na ikaw lang ang minamahal ko."

Napapikit ako ng mariin dahil saw akas ay narinig ko na rin ang mga salita na gusto kong marinig pero bakit ngayon pa?

"Sa tingin mo ba dahil narinig ko ngayon ang mga salitang `yan magbabago na ang lahat? Nasaktan mo na ko pagod na ko ano pa bang magagawa ng mga salitang `yan kung ganito kamiseable ang nararamdaman ko?" napansin ko na lang na umiiyak na ko at sa kabila ng nanlalabo kong mga mata sinubukan nitong lumapit sa`kin.

Wala sa sariling napaatras ako, sa simpleng aksyon ko na `yon ay nakita ko ang pagbalatay ng sakit sa mukha nito.

"You're right nasaktan na kita pero hindi ibig sabihin `non hindi na kita paligayahin just give me a chance I'll give you everything that I have."

Napakagat ako ng labia lam ko sa sarili ko na hindi dapat akong bumigay pero hindi ko maatim na makita ang kiserableng anyo ni Ryan at natatakot na kong masaktan na baka sa susunod na masaktan pa ko ay hindi ko na kayanin.

"Pero ano bang panama ko sa first love mo?" Bakit ko pa ba binuksan pa ang topic na `to? Masokista ba talaga ako?

Napakunot ito. "First love?"

"Oo `yung ex-fiancee mo sabi sa`kin ni Rey siya ang first love mo."

Bumalatay ang pagkapikon sa mukha nito. "Dapat talaga hindi lang isang suntok ang ibinigay ko sa tarantadong `yon."

Nanlak ang mga mata ko sa narinig. "Bakit mo naman ginawa `yon?"

"Dapat lang `yon sa kanya ang for the record hindi si Alisa ang first love ko." Tumaas ang sulok ng labi nito na ipinagtaka ko.

"Ha?" sinundan ko lang siya ng tingin nang may kinuha ito sa isnag sulok na parte ng studio. Pagkabalik ay may hawak na itong isang… lumang scrapbook?

"Sa scrap book na `to ko inalagay ang lahat ng memories ko sa first love ko."

Sinamaan ko siya ng tingin Oo at siya naman talaga ang nagbukas ng topic na `yon pero kailangan pa bang ipamukha sa`kin? Sipain ko kaa `to palabas?

Pero hindi ito tuminag. "Tignan mo na."

Alanganin man ay tinanggap ko ang ibinibigay nito saka huminga ng malalim sana lang talaga kung ano ang makikita ko sa loob ay may matinong dahilan.

Unang tumambad sa`kin ang isang pamilyar na sulat hindi man ganon kasopistikado kagaya ng nakasanayan ko pero alam kong si Ryan ang may gawa `non.

Paglipag ko ng pahinay at sumalubong sa`kin ang isnag lumang litrato ng batang babae na nakasuot ng taekwondo uniform. Gulat na napatingin ako kay Ryan kasunod ng pagtataka kung paano ito nakakuha ng litrato ko noong panahong aktibo pa ko sa sports.

Sa mga sumunod na pahina ay mga clippings ng dyaryo na nabalita ang tungkol sa mga achievements ko may mga stolen shot pa kong nakita at sa huling pahina ay ang news article sa pagtanggap ko ng huli kong gintong medalya at ang pag-announce ng pagretiro ko.

"A-anong ibig sabihin nito?"

"That girl? Siya first love ko," Napangiti na lang si Ryan sa kalituhan sa mga mata ko. "When I was twelve nagkaroon ng isang friendly match ang martial arts studio kung saan ako nag aaral. Sa totoo lang nang mga panahon na `yon wala akong masyadong pakialam dahil ako ang pinakamagaling sa batch ko. Hanggang sa may dalawang batang lalaki na biglang nagaya sa`kin para sa isang match at ang kalaban koi sang nine year old na batang lalaki, to make the story short natalo ako."

Napanganga ako nang tuluyan kong maalala ang tinutukoy nito, noon kasi para magkaroon ng extra baon mahilig gumawa ng pustahan ang mga kapatid lp at sino ang ipinambabala? Syempre ako, minsan napunta kami sa isang martial arts studio na halatang puro mayayaman ang member at iyon nga isang batang lalaki ang hinamon ng mga ito at nanalo ako.

"I was fascinated by that boy na later on nalaman kong babae pala imagine how it was a big blow on my ego back then lalo and I'm always the top on everything that I do." Kahit ako ay hindi makapaniwala sa mga naririnig. "I became your fan lahat obvious naman siguro sa ginawa kong scrap book hindi ba? I remember na palagi pa kong tumatakas sa mga bantay ko para lang makanuod ng mga laban mo. Kahit nang nakasali ka sa Philippine Team at nag compete sa ibang bansa para sa Olympics ginamit ko ang sarili kong pera para lang makapanuod ng mga laban mo. You became the light in my darkest hour, ikaw din ang naging dahilan kung bakit patuloy akong lumaban sa kabila ng estado ng pamilyang meron ako."

Wala na bumigay na nang tuluyan ang puso ko at magaan na nagbiro. "Hindi ka lang fan sa ginagawa mo para ka na `rin borderline stalker."

"Maybe pero hindi ko ikakaila `yon." Huminga ito ng malalim. "But then nag-retire ka and later on kailangan ko nang mag focus sa studies ko at sa kompanya. You don't know how surprise I am nang malaman kong nag-apply ka sa kompanya naming bilang intern."

"Wait, you mean hindi sadya na nakita kita sa department namin`non?"

"Of course not dumaan lang ako `don para makita ka, kahit ang simpleng pagkuha ko ng kape sa perculator sa pantry dahil `yon sa gustong-gusto kong makita ka lalo na at focus ka sa trabaho." Napatanga ako sa sinabi nito habang determindo itong patunayan ang sarili saka kinha ang cellphone nito at pinakita ang gallery `non sa`kin.

Kinuha ko ang phone nito para lang makita na ang laman `non ay stolen shots ko simula noong mag-intern ako hanggang sa maging sekretarya niya ko.

"You told me na in love ka sakin for the past eight years but I'm already love you since I was twelve," Ngumiti siya lumapit sa`kin. "In my life ikaw lang ang naging tangin laman nito." Ituro nito ang dibdib. "As corny as it sound it's true, Alisa isa just a part of my life that I want to close permenantly. Kaya lang naman ako pumayag na magpakasal sa kanya para mapatahimik ko ang mga board of directors at ang mga magulang ko. Yet she decided to bail out at ngayong na gusto niyang makipagbalikan syempre hindi na ko pumayag because in the first place hindi ko siya nagustuhan kahit kailan because my heart belong to that boyish kid who defeated me."

Ano pa bang laban ko? Parang umpisa pa lang ng laban na `to knockout na agad ako.

Huminga ako ng malalim, para kasing sa dami ng ebidensya na ibinigay nito sa'kin konti na lang na tatakan nito ang noo na may nakalagay na 'I'm in love with you'

Siguro nga pagdating sa love palaging nanalo ang puso pagdating sa dikta ng kung ano ang nasa isip ng isang tao. Itong kasong `to? Papaubaya ko na lang sa puso ko.

Bigla na lang nataranta si Ryan dahil sa pagtahimik ko at gusto kong matawa na lang sa itsura nito.

"Rizza, please I'll do anything para lang sa`yo give me another ch—" pinutol ko ang sasabihin nito nang hatakin ko ang lapel ng polo nito at hinalikan sa labi.

"Siguraduhin mo lang na totoo `yang mga sinasabi mo kung hidni babalian na talaga kita ng buto." Lumiwanag ang mukha ni Ryan at mahigpit akong niyakap.

"Mas okay nga yon para siguradong hindi na ko makakatakas pa sa`yo." Natawa ako sa sagot nito mas masokista pa pala ito kaysa sa`kin. "I love you."

"I lo—" Kumunot ang nook o nang may marinig na ingay. Naghihinalang napatingin ako kay Ryan. Oo nga pala siguradong nadito pa rin ang mga tsimoso kong kaibigan.

Marahan akong bumitaw sa kanya aka tinignan ang isa pang pintuan sa kwarto bago binuksan. Nahulog mula`ron si Renz, at ang kuya ko naitirik ko na lang ang mga mata ko sa kisame. .

"Mga panira kayo ng moment, pambihira."

"Hindi ka pa nasanay sa mga `yan." Si Cheska na katabi si Anthony na nakatayo hindi kalayuan sa pwesto ng tatlong itlog sa harap ko.

"Relax." Pigil ang ngiti na sabi ni Ryan.

"Kasi naman nan`don na ehh." Hindi ko mapigilan na umangal. Inis na susugurin ko na sana ang mga ito nang pigilan ako ni Ryan pero bago pa siya nito mahalikan ay hinarang ko ang kamay sa bibig nito.

"Anyway, paano mo nga pala nakuha `tong gym?"

"I bought the whole place." Sagot nito nang matanggal ang kamay ko.

"What?"

"Yeah it's under your name." nanlalaking mga mata na napatingin ako sa kapatid at kaibigan niya na nagkibit balikat lang sa sinabi ni Ryan.

Minsan talaga nakakalimutan niya kung gaano kayaman ang amo ko

"It's alright, beside you can take it as advance gift."

"For what?"

"Marriage."

"Really? future Mrs. Emmanuel do you think after everything that we've been through sa tingin mo ba papakawalan pa kita? Hell no."

"Is that proposal?"

"Can you consider it one?"

"Nope, pero gusto ko `yon."

Sa pagkakataon na `yon ay ako na ang nagtuloy ng halik sa pagitan nilang dalawa at narinig ko na lang anghiyawan at tuksuhan ng mga kaibigan ko sa paligid. Right now all she cares is this man who will be her forever.

Wakas