PWEDE ko ba talagang seryosohin ang sinasabi ni Ryan sa`kin na hindi siya nito ire-reject? Ano ba talaga ang status naming dalawa? Hindi lang utak ko ang nalilito pati na rin ata ang puso ko.
Lahat ng mga tanong na nito minabbbuti kong ipaligo na lang kaysa naman sumakit lang ang ulo ko kakaisip.
Pagkatapos kong mag-ayos ay bumaba na ko at nakita ko ang boss ko na prenteng nakain ng almusal sa lamesa. `Yung tipong hindi mo aaklain na isa itong boss ng pinakamalaking kompanya sa bansa dahil sa simpleng pagkain nito ng pandesal at pritong itlog sa lamesa na hinain ng Nanay ko.
Simple lang ang pamilya nila at kahit na bas a kabila ng katotohanan na parehong kilala na ang mga kapatid ko sa larangan ng sport at nagta-trabaho ako sa isang malaking kommpanya mas gusto pa rin ng nanay ko na ito ang nagluluto ng pagkain para sa kanila.
Kita kong enjoy na enhoy si Ryan sa question and answer portion nito sa magulang at kapatid ko. Habang ako? Ayun kating kati na hilahin paalis `don ang amo, hindi na Keri ng power ko ang kakisigan nito ngayong araw. Para kasing masyadong… paano ko ba pwedeng i-describe? Unguarded? Hindi masungit? Parang ang dali lang nitong kausapin hindi mo aakalain na ito `yung boss ko na madalas akala mo nangangain ng tao kapag galit.
Napaka-surreal din para sa`kin na ang lalaking crush ko for eight yeas andito sa bahay ko at casual na nakikipagusap sa mga magulang ko.
Tumikhim ako para kunin ang pansin nito at kitang-kita ko ang biglang pagbabago sa mukha nito nang makita ang suot ko.
"Change," Tinignan ko ang sarili, simpleng maong short, rubber shoes at loose tshirt ang suot ko wala namang mali ahh bakit ako pinagbibihis nito?
Napansin ko ang matiim na titig nito at hindi ko mapigilang mapalunok para kasing anytime bigla na lang itong tatayo at bibigyan ako ng isang makapaugtong-hiningang halik. Pero mas pinili kong mangatwiran Oo matigas talaga ang ulo ko.
"Eh Sir sabi niyo comfortable clothes? Ditto komportable eh."
"Basta magbihis ka na, mala-late na tayo," Sa huli ay tumalima na ko kasi feeling ko hindi ko talaga magugustuhan ang mga susunod na mangyayari kapag hindi ako sumunod.
Sa huli dahil masyado kong mabait ay sinunod ko na lang ang sinabi ni Ryan, nagpalit ako ng pantalong maong kung may reklamo pa ito sa damit ko bahala na `to sa buhay niya.
Pagbalik ko ay sinipat muna ko nito mula ulo hanggang paa saka ito tumango bago tumayo saka magalang na nagpaalam na sa mga magulang ko, habang ako naman ay nakabuntot ditto.
"Saan ba tayo pupunta Sir?"hindi ko matiis na tanong.
Pinagbuksan ako ng nito ng pinto. "Get in, and fasten your seatbelt."
Bakit ba ang bait ko ngayong araw at hinayaan ko na lang sarili na sumunod ditto? Napailing na lang ako pero hindi pa rin nawala sa isip ko ang eksena namin kanina sa bahay. Paano ba naman kasi kung makapag react ito sa short ko kala mo naman mortal sin sa mga babae ang mag suot ng maiksi. Wala naman siyang pekas sa binti ah, minsan talaga ng hirap nitong intindihin.
Pumasok kami sa isang resettlement area at saka nag-park sa tabi ng covered court kung saan nagkukumpulan ang mga tao.
Pagkababa ni Ryan ay pinagbuksan na naman ako nito ng pinto at eto na naman ako parang tanga na kinikilig sa pagiging gentleman nito
Sabay kaming nagtungo sa covered court, mukhang may charity mission ata sa lugar kaya binalingan ko si Ryan nagtatanong ang mga mata.
Finally nagpasya na itong sagutin ako. "My friend kind off do this charity event once every month, matagal na kong hindi nakakasama dahil busy sa trabaho kaya ngayon lang ulit ako naka-attend."
"And I'm here because?" taas kilay natanong ko.
"I need an assistant." He deadpanned.
So para saan pa ang pabukas bukas nito ng pinto sa`kin kung kailangan lang nito ng assistant? Sana diniretso na lang ako kaysa naman para na naman sakong engot dahil may pakilig-kilig pa kong nalalaman.
Napabuntong hininga na lang ako, patience I need a long patience sabi ko sa sarili ko.
May mga taong binati si Ryan habang papasok kami hanggang sa may napansin akong mga mat sa isang tabi at mga batang nakasuot ng Dobok ang uniform para sa taekwondo.
Hindi ko maiwasang ma-excite sa nakikita ko.
"I told you I need an assistant, right?" inabot nito sa`kin ang isang uniporme.
"Marunong din kayong mag-taekwondo Sir?"
Bahagyang tumaas ang isang sulok ng labi nito. "Hindi lang ikaw ang may background pagdating sa taekwondo."
Hindi ko mapigilan ang mapangisi saka dali-dali na naghanap ng lugar na pwede kong pagbihisan.
HINDi ko maiwasan ang mamangha kay Ryan isa rin pala itong black belter sa taekwondo. Pero nagulat pa ko na marunong pala itong magturo sa mga bata hindi katulad sa kompanya na konting mali lang ay umiinit na ang ulo nito.
Pagkatapos ng seryoso nitong patuturo ay ako naman ang nag handle ng sparring session na pinagdiskitahan ko lang dahil sa blow by blow niyang announcement na nagpatawa hindi lang sa mga bata pati na rin ng mga nanunuod na tao sa buong gymnasium.
Malamang kasi kung hindi ko gagawin `yon may papalahaw na iyak na mga bata dahil na rin sa seryosong mukhang ng monster boss ko.
Pagkatapos ng maghapong session ay nakangiting nagpaalam sa`kin ang mga bata habang pormal o kaya may mga batang kinailangan ko pang samahan para lang makapagpaalam kay Ryan.
Pigil ang tawa na sinunndan ko ng tingin ang mga papaalis na batang naging estudyante namin,
"What?"
"Nakakatawa kasi kayo Sir."
Kumunot ang noo nito. "Kailan naman ako nagpatawa?"
"Masyado kasi kayong seryoso tignan niyo pati bata natatakot sa inyo akala ko sa opisina lang kayo ganito pati rin pala sa bata," kumawala na ang pinipigil kong tawa.
Nang mahimasmasan ay napatingin ako kay Ryan na nakangiti sa`kin, mukhang pinagpapala ako ng langit dahil sa mahaba kong pasensya kung hindi ay hindi ko masisilayan ang once in a blue moon na ngiti ang amo ko.
"Sir."
"Ano `yon?"
"Wag kayo ngumiti."
"Bakit naman?" kunot noong tanong nito.
"Lalo akong nai-inlove sa inyo eh." Nang ma-realize ko ang sinabi ko ay sandali akong natigilan saka natuptop ang bibig at nanlalaki ang mga matang napatingin ditto.
Pero imbes na magalit ayun lalo pang lumuwang ang ngiti nito. Kahit na hindi ako tumingin sa paligid niya ay siguradong nasa amin ang buong atensyon ng mga ito.
Wala sa sariling naitakip ko ang kamay ko sa kalahati ng mukha ni Ryan.. "Sir naman eh! Nanadya yata kayo," Kung alam ko lang na ganito kalandi ngayon ang boss ko sana man lang hinayaan muna nitong rendahan ko ang sarili para tuloy akong timang sa kung ano-ano na lang ang ginagawa ko.
"Okay, fine." Marahan nitong inalis ang kamay ko sa mukha nito na may pigil na ngiti.
Sa wakas medyo natahimik na din ang maligalig kong puso dahil sa 'konsiderasyon'. Quoted ang last na sinabi ko, halata naman kasing pinagti-tripan ako nito.
"Magbihis ka na I'm taking you somewhere."
Saan na naman kaya ako nito dadalhin? May susunod na naman ba silang charity event na pupuntahan? Pagabi na kaya.
"Okay, Sir,"
"And Rizza," Nilingon ko ito. "Call me Ryan especially kung nasa labas naman tayo ng opisina."
Wala sa sariling tumango ako saka nagmamadaling humakbang palayo ditto. Naitakip na ko ang mga kamay sa mukha dahil kahit na hindi ako manalamin malamang na namumula na ko.
Kotang-kota na ko sa boss ko ngayong araw, hindi ba pwedeng magkaroon man lang ito ng ilang minutong rest time? Sunod-sunod ang banat sa kanya hindi agad ako makahuma.