Chereads / Loving My Monster Boss (Tagalog Romance) / Chapter 10 - Chapter Ten: Brothers

Chapter 10 - Chapter Ten: Brothers

ANG ending namin? Bagsak kaming lahat sa pinakamalapit na presinto, kailangan kasi ng statement ko para sa blotter. Sa totoo lang ay nang makita ko ang mga pulis kanina gusto ko nang kumaripas ng takbo kung hindi nga lang dahil kay Ryan ay nakauwi na sana ako ngayon. Badtrip.

Binigyan ng first aid ang mga napuruhan ko habang masama ang tingin sa'kin pero nang gantihan ko ito ng tingin ay parang maamong tupa na yumuko ang mga ito. Hah! Akala ba ng mga ito papa-agrabyado ako ng ganon-ganon lang? Asa.

"Ano wala bang magsasalita sa inyo?" napatingin ako sa desk officer, grabe si Manong Pulis ayaw mag-chill. Ang gusto ko lang namang ay makauwi, magpahinga at matulog mahirap bang tuparin `yung simpleng wish kong`yon? At ditto pa talaga ako bumagsak imbes sa malambot kong kama.

"Look Sir, hindi kami ang nagumpisa nito `iyang babae na `yan ang biglang pumara sa amin and she's trying to seduce us tapos kami pa ang masama?" Ang lalaking nabigyan ko ng flying kick sa dibdib ang nagsalita dapat pala hindi lang tadyak ang ibinigay ko pinuruhan ko din dapat ang bibig nito nang hindi makapagsalita ng ganon sa'kin

Pinagtaasan ko ito ng kilay saka tinignan mula ulo hanggang paa, ang lakas talaga ng loob para namang aatrasan ko `to. "Eh Tarantado ka pala eh." Kita niyang nagulat si Ryan at ang pulis sa paraan ng pagsasalita ko. "Mukha bang kaya kong mang-seduce sa office attire kong `to? May sira ka ba sa ulo? Ang alcohol nilalagay sa tiyan hindi sa utak sabihin mo lang hindi na kita papakulong, didiretso na kitang mental."

"How dare you! Sisiguraduhin naming kakasuhan ka naming ng serious physical injury!"

"Sige tuloy mo, kala mo ba hindi ko kayo pwedeng kasuhan ng driving when drunk, sexual harassment, oral defamation and for your information lang ang tawag sa ginawa ko kanina ay self defense," Hindi ako tanga para hindi malaman ang karapatan ko `no.

Napipilan ang mga ito sa sinabi ko bulag lang ata ang maniniwala sa sinabi ng mga ito lalo pa at ang sangsang ng mga amoy nito.

"Sino sa inyo ang tumawag ng pulis?"

"Me," Sagot ni Ryan. Paano kaya nito nalaman kung nasaan siya?

"Kaano-ano mo siya," Tukoy nito sa kanya.

"A close friend,"

Hah? Anong close friend ang pinagsasabi ng isang `to? Gusto kong magreklamo pero hindi ko ginawa dahil siguradong hahaba lang ang usapan kapag nagkataon.

"Sige tutal walang umaamin kung sino talaga ang—"

Biglang bumukas ang pinto at iniluwa `non ang isa pang pulis.

"Miss, May naghahanap sa`yo, mga kapatid mo daw."

"Ho?" kinabahan ako nang marinig kong papadating ang mga kuya ko.

"Sa tingin mo ba? matatakot kami dahil dumating lang ang mga kapatid mo? Sa korte pa rin tayo magkikita!" bakit ba ayaw manahimik ng mga lintik na `to? Parang sasakit na ang ulo ko sa naiisip na paparating na isa pang gulo.

"Pasalamat nga kayo `yan lang ang nakuha niyo sa dami ng pwedeng niyong pagdiskitahan, isang ex Olympic gold medalist pa ang kinalaban niyo," Napatingin kaming lahat sa dumating, parehong may suot na bullcap ang mga ito at facemask kaya hindi agad makikilala ang mga ito

Nanlaki ang mata ng apat na lalaki habang nakatingin sa'kin habang napabuntong hininga na lang ako.

"Rizza Cuevas is a national taekwondo champion and gold medalist in Sea Games and Asean Games eight years ago, maaga lang siyang nag-retire dahil sa isang injury pero nasa mas maayos na kondisyon pa ang katawan niya hindi lang ganyan ang aabutin niyo," Biglang namutla ang mga ito.

Naramdaman ko ang titig ni Ryan hindi ko ito masisisi dahil walang nakakaalam kahit sino sa opisina ang background kong `yon nagdecide kasi ako na hindi naman `yon kailangan sa resume ko kaya hindi na ko nag-abala pang ilagay.

Unang nagtanggal ng cap at facemask ang nakakatandang kapatid niyang si Ronan. "Sino ang nangharass sa kapatid ko?" nangigigil na tanong nito pasimple niyang itinuro apat na lalaking nakaupo sa harap nila. "Pasuntok lang isa," Nakita niya ang nahihintakutang mukha ng mga ito nang makilala ang kapatid niya.

Buti na lang at agad itong napigilan ni Ruel sa kwelyo. "Kapag sinuntok mo ang mga iyan hindi na ospital ang bagsak ng mga `yan, morgue na."

"Dali na isa lang pramis," Kinutusan na ito ng huli.

"Wag kang makulit."

"Bakit ba hindi na lang ipasok sa kulungan `yan mga manyak na `yan?" tinanggal na nang Kuya Ruel ko ang suot nito sa mukha.

"Hindi ba kayo `yung sikat na boksingero sa TV saka basketball player ka di ba? Anong ginagawa niyong dalawa ditto?" tanong ng pulis, manong naman kakasabi lang kanina na mga kapatid nga ko hindi ba? Kulit lang?

"Kapatid naming," Sabay turo sa kanya.

"Your brothers?" tanong sa kanya ni Ryan, isa pa `tong isang to ayaw na lang umalis wala ba itong ibang gagawin?

"Sadly yes," Wala sa sariling napahilot ako sa sentido, pakiramdam ko magkaka-migraine sa pinaggagagawa ng mga tao sa paligid ko.

Hindi ko na masyadong naintindihan ang sumunod na nangyari dahil sa gulo hanggang sa napansin kong tumayo si Ryan saka nagpasintabi sa'kin bago lumabas, pagkaipas ng ilang minuto ay bumalik na ito sa tabi ko.

Mayamaya pa ay nakarinig ako ng biglang pagkakagulo sa labas ng presinto at pangatlong pagkakataon ay pumasok sa loob ay walang iba kung hindi si PNP Chief Guillermo Abelarde.

"What seems the problem here?" oh, sinong lalaban sa PNP chief? Malamang wala na and that concluded this whole chaotic fiasco.