Chereads / Loving My Monster Boss (Tagalog Romance) / Chapter 12 - Chapter Twelve: Surprise Visit

Chapter 12 - Chapter Twelve: Surprise Visit

Naginat ako ng katawan nang sa wakas ay natapos ko na ang trabaho ko. Hindi ko alam kung bakit pero sandamakmak na trabaho ang tinaggap ko nitong mga nakaraang araw sa kagagawan ni Ryan. Hindi ko maintindihan kung talaga bang nanadya ito o ewan.

"Are you finished?" napapitlag na naman ako nang marinig niyang magsalita si Ryan na nasa harap ko na pala

Bakit ba ang hilig ng boss ko na sumulpot-sulpot kung saan-saan? Hindi kaya atakihin ako nito ng wala sa oras?

"Yes Sir, may kailangan pa po ba kayo?" ano dadagdagan pa ba nito ang trabaho lp? Mananapak na ko ng tao kapag nagkataon.

"Come with me," Iyon lang at binirahan na ako nito ng alis, ano pa nga ba ang magagawa ko kung hindi ang sumunod?

Hindi ko alam kung sadyang binagalan lang nito ang paglalakad or what pero madali akong nakahabol ditto samantalang noong naguumpisa ako ay daig ko pa ang nagma-marathon kapag sinusundan ko ang bilis nito sa paglalakad.

Hindi ko alam kung sadya pa `yon o ano pero ako tong nagbebenepisyo aangal pa ba ko?

Lihim akong napangiti, na agad naman pinagtakpan ko sa pagtikhim, wag dapat akong asyumera baka sa kangkungan na lang ako pulutin.

Sa isang di kalayuang restaurant kami humantong, napakurap pa ako nang pagbuksan ako ni Ryan ng pinto

Mabilis kong nirendahan ang lumilipadkong imagination. Ano `to? Parang gustokong komprontahin si Ryan hindi ko maintindihan ang sarili kung maiinis ba ko o kikiligin na lang.

Pumasok na kami sa restaurant ang una akala niya ay for business purpose kung bakit sila nandon hanggang sa na-realize kong na silang dalawa lang ang kakain.

"Sir, may ka meeting ba kayo ditto?" tanong ko matapos ibigay ng waiter ang menu.

"Wala," Sagot nito.

Napakamot ako sa noo. "Eh Sir tapos na po ang lunch ko kailangan ko nang bumalik sa trabaho."

Tumitig lang ito at katulad ng dati wala pa ring nagawa ang powers ko kung hindi ang umiwas sa makatunaw buto nitong tingin.

"I'm your boss my company, my rules."

Wow, cool na cool parang mentol ang hindi lang, okay it's official gusto na kong mangisay sa kilig.

Minabuti ko na lang na um-order ng pagkain pwede bang kahit sa isip lang i-consider kong date `to? Para hindi na sumasakit ang ulo ko kakaisip tapos isama mo pa `yung kilig factor courtesy ni Ryan baka mamaya dumiretso na lang akong mental.

"Mabuti pang kumain ka na lang `dyan at sasakit lang ang isip mo sa mga kalokohan dyan sa utak mo."

Napakurap ako sa sinabi nito. "Sir? Psychic ba kayo?" teka pati ba naman kung anong iniisip ko pakikialaman nito? Nakakaloka.

"Hindi, madali lang kasing basahin ang mukha mo."

"Madali lang pala bakit hindi mo man lang napansin na in love ako sa`yo?" bulong ko.

"Anong sinabi mo?"

"Wala Sir, gutom na kako ako ang tagal ng pagkain," ngumiti ako ng matamis.

Minsan talaga hindi ko mapigilan ang sarili at lumalabas ang sungay ko kagagawan ng manhid monster sa harap ko.

Tumango ito pero hindi nakaligtas sa'kin ang bahagyang pagtaas ng labi nito hindi ko alam kung iyon ba dahil sa inakto ko o talagang narinig nito ang binulong ko kanina.

Ah ewan, mas mabuti pang pagtuunan ko na lang ng pansin ang pagkain na hinain na sa lamesa, hindi na ko nagtangka na mag open pa ng topic dahil alam ko naman na wala sa hulog ito kausap.

Pagkatapos ng nakakaasiwa naming tanghalian pagkabalik sa opisina ay agad ako nitong binilinan.

"I want you to free my schedule next Saturday,"mabilis ko `yong ini-input sa hawak kong tablet organizer, pagkarinig ko pa lang sa sinabi nito parang gusto ko nang sumigaw ng tagumpay dahil may libreng akong araw sa sabado.

"Okay Sir," Sabi ko pilit na pinapormal ang mukha kahit na gusto na kong ngumisi sa tuwa agad kong plinano ang mga gusto kong gawin sa araw na `yon.

"You're also coming with me so that's not a paid leave."

Literal na narinig ko ang pagkadurog-durog ng mga plano ko dahil sa sinabi ni Ryan. Napalabi ako, kala ko pa man din magkakaroon ako ng dalawang day-off ngayong buwan. Madalang lang mangyari `yon kaya madalas nilulubos-lubos ko na.

"Ano ho bang gagawin niyo sa araw na `yon?" hindi ko trip manghula kaya nagtanong na ko nang diretso mamaya magsuot sako ng corporate attire sa may Timbuktu pala kami pupunta.

"Just wear something comfortable." Iyon lang at umalis na ko.

Masama ang tingin ko sa pintuan na pinanggalingan ko, pasalamat na lang talaga ito at espesyal talaga siya sa`kin kung hindi matagal ko nang isinumpa ang buong pagkatao nito pero syempre sa huli ay wala rin naman akong magagawa kung hindi sundin ang utos ng amo ko.

"ATE! Gising ka na daw sabi ni Nanay!" narinig ko ang pamilyar na boses ng busong kapatid kong si Rap Rap.

Umungol lang ako at saka tinapakpan ang unan ang ulo, tinatamad akong bumangon ngayong umaga lalo pa at wala akong kaide-ideya kung saan naman kami pupunta ni Ryan.

Di man lang ako sinabihan kung anong oras o saan kami magkikita alangan naman kasing dumiretso ako sa opisina sa casual clothes ko.

Kung ano mang trip ni Ryan ngayong araw wala ako sa mood na sakyan ang topak nito.

"Ate! Gising na `uy." Niyugyog na sako ng kapatid pero hindi ko pa rin ito pinansin. Hindi ko alam kung bakit nandon ang kapatid samantalang madalas na nasa taekwondo practice ito. Puro kasi nasa sports ng mga kapatid ko maliban lang sa`kin dahil sa natamo kong injury dati.

Si Roland lang ang pangalawa sa bunso ang medyo nalihis sa physical sports na gusto naming magkkapatid dahil sa Archery ito nahilig.

"Ate! Gising na kasi! May bisita ka sa baba."

Doon na ako napakunot ng noo, kahit na siguro gusto ko pang matulog ay kukulitin lang ako nito.

"Sinong bisita?" tanong ko saka naginat.

"Hindi ko kilala Ate hindi naman kasi `yon sina Kuya Renz, basta gwapo ah, saka ang ganda ng mata ng ate, gray." Natigilan ako saka nanlaki ang mga mata nang marealize ko kung sinong tinutukoy nito, iisang tao lang kasi ang kilala kong may ganoong mga mata.

Napabalikwas ako ng bangon saka dali-daling lumabas ng kwarto hindi ko na pinansin ang pagpigil sa`kin ni Rap-rap hanggang sa nakababa na ko sa sala kung saan nandoon lang naman si Ryan prenteng nakaupo habang may hawak na kape.

Siguro kung may ibang tao lang ang nakakakita ditto mapagkakamalan na sariling bahay nito ang lugar imbes isang bisita.

Nilapitan ko ito. "Sir, bakit kayo nandito?"

Sandali lang ako nitong tinignan saka ibinalik ang pansin sa paginom ng kape.

Napakamot na lang ako sa noo sa frustration dahil wala man lang ito sinabi. "Sir pwede niyo naman akong i-text kung saan tayo magkikita bakit kailangan niyo pang pumunta sa bahay?" madalas kasi na ito ang naghahatid sa kanya isang kanto bago ang bahay ko.

"Hi Rizza," Anito, saka ibinaba ang hawak na kape sa mesita. "Good Morning."

Natulala ako, sanay ako kay Ryan na may pagka snob at cold hearted pero ito ang unang beses ata na nakita ko ang itsura nitong unguarded, `yung relax lang at may munting ngiti sa labi.

Napapikit ako ng mariin, ang aga-aga gusto yata agad ni Ryan na magkasala agad ako dhail sa kung anoโ€“anong pumapasok sa isip ko.

Speechless ako, wala man lang akong masabi sa simpleng bati nito sa`kin `yung puso ko kailangang marendahan baka kung saan na naman lumipad, nakakainis.

"Ate!" tawag na naman sa'kin ng bunsong kapatid, nagtatakang nilingon ko ito saka ako hinatak nito. "Maghilamos ka po muna, may muta ka pa saka may panis ka pang laway."

Nanlalaking mata na napatingin ako kay Ryan na itinago ang ngisi sa paginom ng kape.

Napitakip ko ang mga kamay ko sa mukha saka muling umakyat para makapagbihis ahhh, parang gusto kong magghukay sa lupa at ilibing ang sarili ko dahil sa kahihiyan.