"NO," iyon lang naman ang salitang narinig ko courtesy ni Ryan nang ibigay ko ditto ang resignation letter na pinagpuyatan kong gawin kagabi.
Hindi man lang `to nagabalang tignan ang envelope bago nito tinaggihan ang resignation ko saka ipinagpatuloy ang pagbabasa ng mga dokumento. Ayun as usual waley na naman ang beauty ko.
"Sir, I would like to resign," Gusto kong palakpakan ang sarili ko nang hindi man lang ako nautal sa sinabi ko.
"Haven't I given you my reply?"
"But Sir—" sa pagkakataon na `yon ay ibinaba na ni Ryan ang binabasa saka ako hinarap. Agad akong nagiwas ng tingin nang direktang tinitignan sa mga mata, nooo... `yung weakness ko nandyan na naman!
Pinagsiklop nito ang palad bago nagtanong. "Then can I ask you, is the reason you want to resign a job related or personal matter?"
Hello, hindi pa ba ito aware sa kahihiyan ko na nangyari noong isang araw? Oo nga at na-usap kami kagabi pero wala naman malinaw na sagot ito sa tanong ko. Para akong tangang umaasa.
Sa huli ay no choice na ako kung hindi ang lunukin ang natitirang pride na meron ako para aminin ang dahilan kung bakit naging ganito ang lahat. "It's a personal matter Sir."
"Rizza, I know there are still matters that we need to discuss but we need to be professional at work and in here at we need just need to do our job, got it?"
Alam naman kong totoo ang sinasabi nito pero bakit para akong sinampal ng katotohanan na sa opisina, ito ang amo niya at ako lang naman ang sekretarya nito?
Hindi ko alam kung bakit pero iba ang pumapasok na interpretasyon sa utak ko na ito ang amo sa opisina bakit nga ba ako nito pagaaksayahan ng panahon eh simpleng sekretarya lang naman ako?
Kinuha ko ang pinaghirapan niyang resignation letter kagabi at pinunit mismo sa harap nito.
"Okay, Sir. I apologize for wasting your time," Lumabas na siya ko at hindi na nag-aksaya pa na kausapin ito.
Buong araw ay masama ang loob ko kay Ryan kaya nga nang matapos ang oras ng trabaho ako ang pinakaunang umalis.
HINDI ko na namalayan kung saan ako pupunta dahil na rin sa inis ko sa amo daig ko pa ang baliw na naglalakad na wala sa sarili. Kahit kasi pagbalikbaliktarin ang mga nangyari kanina lalo lang akong nasasaktan dahil sa sinabi ni Ryan.
Parang gusto kong umiyak pero hindi ko hinayaan ang sarili, hindi ako iyakin kaya hinamig ko ang sarili saka pinagpatuloy lang ang paglalakad. Mas mabuting wag na lang `yon `to pagtuunan ng pansin doon ko lang narealize na wala na pala wala nang masyadong tao sa paligid ko.
Hindi ko maiwasang kabahan nang mapansin ko ang isang kotse na bigla na lang tumapat sa kinattayuan ko saka nagbaba ng salamin ang driver.
"Hi miss! Need a ride?" Kahit na hindi ako magsalita base pa lang sa pagsasalita ng mga ito at pamumungay ng mata alam kong nakainom ang mga ito.
"No thanks," mabilis kong sagot saka naglakad palayo sa mga ito.
Pero mukhang makapal ang mukha ng mga ito at nagsibabaan ng kotse at agad na akong pinalibutan, sakit ba sa katawan ang hinahanap ng mga `to?
"Look Miss can we just get a cup of coffee or a drink perhaps?"
Muli kong tinanggihan ang alok nito pero hindi na ako nakalayo pa sa mga ito dahil humarang ang mga ito sa daanan niya.
"Come on we just need you to ride with us." Nandiri na lang ako sa double meaning sa sinabi nito at nanigas nang maramdaman ko ang pag-akbay nito sa`kin.
Napatiim-bagang na lang ako strike two na ang mga ito sa`kin.
"For the third time sinabi ko nang ayoko."
"Sige na Miss, sisiguraduhin namin na mage-enjoy ka."
Pagod na ko at kung hindi pa talaga siya titigilan ng mga ito ay hini ko na kasalanan `yon.
I had enough, hinawakan ko ang kamay ng lalaking nakaakbay sa`kin, sa isang iglap at aral na galaw pinilipit ko ang braso nito.
Bumuntong hininga ako saka binigyan ng nagbabalang tingin ang natitirang mga lalaki. "Pwede bang umalis na lang kayo? Nakakairita."
"You bitch! Let go of me!" Nagpumiglas ito kaya sa asar ko ay malakas koi tong nakutusan.
"Wag kang bastos sa nakakatanda sa`yo."
Lalo lang uminit ang ulo nito sa ginawa ko pero kahit na anong pagpupumiglas nito ay hindi ko ito binitawan. Ang alam ko sa mga ganitong pagkakataon kapag alam ng babae na makipaglaban sa mga nangha-harass na lalaki ay kusang tumitigil ang mga ito pero palibahasa mga lasing kaya ayaw papigil.
Pasimpleng lumapit ang isang kasamahan nito sa likod ko kaya binitawan ko ang hawak kong lalaki bago malakas na siniko ang solar plexus nang nasa likuran ko saka hinawakan ang isang braso nito at binalibag sa ere.
Nagkibit-balikat na lang ako nang makitang ayaw pa rin akong tantanan ng mga ito, talo-talo na lang kung sino ang babagsak sa ospital.
Wala sa loob pinunit ko ang gilid ng skirt na suot, hindi kasi ako makakagalaw ng maayos buti na lang at naka suot ako ng cycling shorts. Hindi ko maiwasang maghinayang pero kung iyon ang paraan para tigilan ako ng mga ito gagawin ko.
Sabay na umatake ang dalawang lalaki, mukhang hindi talaga papatalo ang mga ito sa'kin men's ego ughh…. Hindi ako tanga para lang magpatalo sa mga ito nakabawi na rin pala ang siniko ko kanina at niyakap ako para siguradong hindi makakilos.
Napangisi ang dalawang nasa harap ko akala siguro ay hindi ako makakawala. I just rolled my eyes saka ko mariin na inapakan ang paa sa likuran ko saka muling hinawakan ang braso nito at ibinalibag sa ere.
Nakita ko ang pagbalatay ng inis sa mukha ng isa sa mga ito kaya siguro walang pasintabi na sinuntok ako. Ang problema nga lang ay madali ko `yong nailagan saka binigyan ito ng isang sipa sa dibdib. Habang ang isang kasama sa harap nito ay binigyan ko ng round house kick.
Mukha atang walang kadala-dala sa sakit sa katawan ang dalawang beses ko nang naibalibag kaya sa sobrang asar ko ay hindi ko na napigilan ang sarili at nagpakawal ng sucker punch.
Buti na lang talaga nakikinig ako sa mga turo ng kapatid niya pagdating sa pagsuntok sa mga lalaki kaya hindi nasaktan ang kamay ko.
Iniisip ko pa lang kung anong gagawin sa mga nakabulagtang lalaki ay nakarinig ako ng sirena galing sa isang patrol car at nakasunod ditto ang isang pamilyar na sasakyan.
Nagulat ako nang makitang bumaba ang bulto ni Ryan. Tinaggal nito ang suot na coat na itatali sana sa beywang ko kahit na mabilis akong tumanggi
"No Sir okay lang ako hindi ko kailangan ng coat mo," Mainit pa rin ang dugo ko sa amo.
Pero as usual ay hindi na naman ako nito pinansin at ito mismo ang nagtali ng coat sa`kin
Tatanggalin ko pa sana `yonn nang hawakan nito ang kamay ko.
"Rizza don't be stubborn we'll talk later."
Ito na naman kami sa talk later pero nang tignan ko ito ay napipilan ako lalo na sa paraan ng pagtitig nito sa kanya.
Dapat pala nag-taxi na lang ako pauwi.