NAMAYANI ang katahimikan sa pakitan naming ni Ryan habang ako eto kanina pa nakukulta ang isip ko kung bakit sila nandoon. Oo nag-aya ito ng dinner pero ang first impression ko ay may meeting itong dadaluhan, kung bakit ba naman kasi super lutang siya ngayong araw hindi man lang ako nag-abalang tignan ang schedule nito bago ako sumunod ditto.
"Rizza do you like singing?"
Nagtaka ako sa tanong nito bakit para namang out of the blue ang tanong nito? "Ho?" ang pinaka matalinong balik tanong ko. Wala nag short circuit na ata lahat ng wires ko sa utak
"You have very a nice voice I've heard the night before."
Mukhang natuluyan na ata ang utak ko sa sinabi nito. Saka nag-flash back sa isip ko kung ano ang pinagagagawa ko nitong mga nakalipas na araw at isang pagkakataon lang ang naalala niyang kumanta siya sa stage.
Nanahimik ako at mukhang nagre-arrange na rin sa wakas ang wisyo ko at iisa lang ang sinabi `non kailangan niyang makaalis at matakasan si Ryan. Magkuwari akong nawalan ng malay? Wag na pala magmu-mukha lang siyang tanga. Tama tatakas na lang siya mas mabuti na `yon kaysa harapin niya ang sariling kagagahan.
"Sir, mag-CR lang ako sandali." Mabilis akong tumayo bitbit ang bag ko pero ilang hakbang pa lang ang nagagawa ko ay mabilis niya kong napigilan sa braso.
Haven't I told you Rizza, don't you dare runaway?" Para namang maamong tupa na umupo ako parang naiiyak na ko sa kahihiyan. This day couldn't get any worst, ah meron pa lang mas ilalala `to kapag narinig ko na ang rejection ni Ryan sa impromptu confession niya na hindi man lang siya aware.
"Ayaw ko lang naman Sir na pagtawanan niyo ko."
"And why would I do that?" Napakagat ako sa labi. "Ganyan ba kababaw ang tingin mo sa`kin."
"Hindi Sir ayaw ko lang na maging komplikado ang lahat. Hindi niyo naman kasalanan kung bakit ako nagkagusto sa inyo eh dahil lang `to sa kagagahan ko."
"I don't take your feelings lightly, Rizza hindi ako ganong klaseng tao."
Huminga ako nang malalim at pilit na kumalma kahit na ba kating-kati na ang paa ko tumakbo papalabas sa lugar na `to.
"Alam ko Sir, sa tingin niyo ba hindi ko alam `yon? Ilang taon na ko sa tabi niyo at lahat ng bagay na tungkol sa inyo alam ko."
"Then can I ask yo a question?" hindi ko na napigilan ang sarili ko na titigan ito"Since when?Kailan ka pa nagka gusto sa`kin? " kailangan ko ba talagang idetalye ang lahat? Ano ko masokista lang?
Pero sa huli ay ako rin ang sumuko sa desisyon ko kaya sinabi ko ang totoo "Nag intern ako sa company noon and that's the first time na nakilala ko kayo Sir."
Tanda ko pa ang nangyari tinuturuan pa lang si Ryan ng ama nito sa pasikot-sikot sa kompanya hanggang sa minsang tinulungan niya ko.
Mainit ang dugo sa'kin ng supervisor kahit na wala akong ideya kung bakit. Lahat ng trabaho sa`kin laging binabato pero kahit na minumura ko na ito sa isio ay hindi ako nagre-reklamo running for cum laude ako at kapag naging negative ang comments sa'kin sa inernship malamang baka maapektuhan pati ang grades ko.
Sa malayo ko lang nakikita si Ryan kaya `nung magkabungguan kami ay laking gulat ko na lang na tinulungan niya ko.
Ibang-iba ang totoo nitong ugali sa mga naririnig ko kaya simuula `non ay hindi ko na maialis sa sistema ko ang pagmasdan ito kahit sa malayo lang. Kapag naman nagkakasalubong sila ay palagi siya nitong simpeng tinatanguhan na hindi naman nito ginagawa sa mga kasamahan niya at mas lalo pa sigurong lumala ang nararamdaman ko sa kanya nang tulungan siya nito noong mag-over time siya sa trabaho dahil sa supervisor niya.
Pagkatapo ng intership ko nabalitaan ko na lang na nasesante ang dati kong supervisor dahil na rin kay Ryan. Ang simpleng crush ko ang naging dahilan kung bakit nang maka graduate ay naglakas loob akong mag apply bilang secretary nito. Hanggang ngayon hindi ko talgaa alam kung anong masamang ispirito ang sumapi sa'kin sa kabila ng katotohanan na suntok sa buwan ang ginawa ko.
Kaya ganon na lang ang pagkamangha ko nang malaman ko na ako ang napiling secretary nito sa dami ng mga magagaling na aplikante na kasabayan ko.
Aminado ako hirap akong mag-adjust noong una at parang gusto ko na lang na mag-quit pero kinalaunan ay nagawa ko rin naman at ito nga five years na ko bilang seekretarya nito at `yung simpleng infatuation na meron ako? Naging full blown love na at iyo ang pinakaiingatan kong sekreto na wala ring kwenta dahil binuking lang naman ako ng tsimosong Renz na `yon.
"That long huh, aaminin ko `ni hindi ko nga naalala na ikaw pala ang intern na `yon." Kaswal na sabi ni Ryan. `Di ba? Hindi na nga ko nito maalala eh, bakit pa ko mag-aabalang ipaalam ditto ang nararamdaman ko?
"I understand Sir pero may sagot na ba kayo sa confession ko?" lulubus-lubusin ko na tutal naman andito na ko wala nang atrasan pa `to.
Pero ang pasaway na boss natapos na lahat lahat ng pagkain ay wala man lang sagot sa'kin. Ano `yon? Ganon na lang? Ibitin ko kaya`to ng patiwarik? Walang reaction? As in nada, Niet, nganga na lang `te? Kaka-stress, mas mabuting ibunton ko na lang ang inis sa pagkain baka maubos lang ang nutrients ko sa utak kakaisip dahil sa tinamaan ng lintik na boss niya.