Chereads / Loving My Monster Boss (Tagalog Romance) / Chapter 4 - Chapter Four: Tattle tale

Chapter 4 - Chapter Four: Tattle tale

KAYSA naman pagkaisahan ako nina Renz at Ynna ay dumiretso na lang ako sa may bar counter para umorder ng paborito kong bloody mary pero mamaya talaga kapag hindi siya tinigilan ni Renz kakaasar may gagawing akong bloody mamay kapag napikon ako.

"Kayo lang ba nandito?" hindi ko mapigilang itanong wala kasi akong nakikitang `ni anino ng iba pa niyang kaibigan na pagala-gala sa lugar.

"Damn it! Renz what the hell are you doing out there?" napailing na lang ako sa isang pamilyar na sigaw ng kaibigan nilang si Dan.

"And that's my cue everyone." Nakangising sabi ni Renz saka pumasok ng kusina.

"Minsan talaga hidni ko alam kung sino ang may-ari ng Bar na `to kung si Renz ba o si Dan." Sabi ko saka inubos ang hawak kong baso.

"Better not to ask Rizza."

"`Nga pala Ynna, asan nga pala ang iba?" ulit ko dahil hindi nito nasagot ang tanong ko kanina.

"Malamang mga busy sa trabaho ikaw lang naman ang absent kung kailan dapat kumpleto tayong lahat."

Napangiwi na lang ako ano nga bang magagawa ko? Kahit na subukan ko pang magsirko sa harap ng boss ko malabo akong makaalis ng opisina kapag nag-aaya ang mga ito na makipagkita.

"Sensya na alam mo naman ako kailangan kong kumita."

"Parang nakakalimutan mo atang puro scholar ang mga nakababata mong kapatid at bigtime na sports athelete ang dalawa mo pang nakakatandang kapatid kaya wag ako."

Napangisi na lang ako kasi si Ynna lang naman ang may nakakaalam ng pagsitang bubot niya sa amo na hanggang sa tingin na lang niya. Saka aware ito sa dahilan kung bakit hindi ako magkaroon ng lakas ng loob na makapag-confess kay Ryan dahil walang patutunguhan ang lahat nang ito.

Okay lang `yon sa`kin saka alam ko sa sarili ko sa tamang panahon ay tuluyan kong makakalimutan na lang ang nakakainis na damdamin na `to.

"Bakit kasi hindi mo pa sabihin? Tapos handa mo na agad `yung resignation mo sampal moa gad kapag na-reject ka." Natawa na lang ako sa sinabi nito dahil alam kko naman na pinapagaan lang ni Ynna ang nararamdaman ko.

Pero ini-imagine ko pa lang na hindi ko na masisilayan ang ka-gwapuhan ni Ryan araw-araw pakiramdam ko may kulang na sa buhay ko.

Teka ganito na ba talaga ako kabaliw pagdating sa monster boss ko?

Pasimple ko na lang na ipinilig ang ulo ko saka binalingan ang kaibigan.

"I'll consider it."

"Right, lokohin mo sarili mo ewan ko sa`yo." Lalayasan na sana ko nito pero mabilis ko itong napigilan.

"Sama kong stage baka nababagot ka na." pero ang totoo niyan ay ako lang naman kasi ang walang kasama.

"Kakanta ka rin?"

"Hindi magba-ballet tapos magko-contemporary dance."

"Sira-ulo ka talaga, halika na nga." Hatak nito sa`kin.

Pagkatapos ng using set na kinanta ko at ni Ynna ay agad na umugong ang palakpakan sa buong bar. Hindi ako ganong kagaling na singer pero nadala lang siguro sa pagbe-blend ng boses nila ng bestfriend niya ang kanya palibhasa ay pareho silang nasa choral noon sa simbahan kaya hanggang sa pagtanda dala nila `yon.

"Alright! Muli nating pasalamatan sina tweedle deem and twedle dum sa kanilang magandang performance." Sabi ni Renz nang umakyat sa stage saka umakbay sa`kinn pero syrmpre ay mabilis kong siniko ang sikmura nito.

Pero ang magaling `ni hindi man lang pinansin ang ginawa kopalibhasa bato-bato na ang tiyan hindi katulad noong highschool kami na madalas napapauklo dahil sa kagagawan ko.

"Eto naman hindi man lang ma-joke." Tinanggal nito ang pagkaka-akbay sa`kin. "Para kanino mo ba inaalay ang kinanta mo? Pwede ba naming malaman?"

"Wala ka na `don." Pagtataray ko pasimple kong hinanap si Dan, paano kaya `to nakatakas sa kuko ng kaibigan nilang `yon?

"Ako huhula, para ba `yan sa boss mong crush for seven years, ay mali eight years `di ba?" tudyo nito kaya nag-ugungan ang kantiyaw ng mga tao.

Nanlalaking mga mata na napatitig ako ditto sigurado akong hindi nito nakuha ang impormasyon na `to kay Ynna dahil kilala ko ang bestfriend ko at loyal ito sa`kin. Oo inaamin ko na eight na rin simula nang magumpisa `tong pagsintang bubot sa amo ko dahil doon din kasi siya sa kompanyang `yon na nag-intern noong kolehiyo at simula `non ayun para akong sira na nagpumilit na makalapit sa amo.

"Paano mo nalaman `yan? Tsismoso ka!" magkakaila pa ba ko? Binisto na ko nito.

"Syempre I have sources my dear." Nameywang pa hudyo. "Bakit kasi hindi ka na lang mag confess sa monster boss mo? Tapos pag na-reject ka ako nang bahala sa pala."

"Gagawin mo pa kong criminal mag-isa ka `uy." Medyo lumayo ako ditto para makabwelo ng konti sa gagawin niya kapag hindi pa ito tumigil. "Mananahimik ka ba o makakatikim ka sa`kin ng flying kick?" hindi man ako kasing tangkad nito hindi rin biro ang background ko sa Teaekwondo lalo na at dati akong National Athlete.

"Kasi naman bakit hindi na lang hmmppp…" mula sa likod nito at sumulpot si Dan at tinakpan ang bibig nito gamit ang kamay saka dinarag pababa ng stage.

"And he's gonna die." Ynna said that make the audience roar with laughter.

Mayamaya pa ay bumaba na kami sa stage saka pumasok sa kusina kung saan sinesermonan na parang bata si Renz ni Dan.

Napailing na lang ako `ni isa sa mga empleyado ay hindi pinapansin ang dalawa palibahasa sa Cosmic Bar pangkaraniwan na lang ang panenermon ni Dan kay Renz.

Happy go lucky guy with a weird sense of humor kasi ang huli katulad na lang kanina may tendency rin itong malaman ang kahit anong gusto nito malaman kahit ako ilang taon ko na itong kilala minsan ay name-misteryosohan pa rin ditto.

Parang itong bar, sa pag kakaalam ko ay may negosyo ang pamilya nito pero mas pinili nitong magtaguyod sa sariling sikap kahit na tutuusin ay may mas madaling short cut, katulad na nga lang ng sinabi ko nga weirdo.

Si Dan naman ay nagmamay-ari ng sikat na chain restaurant na Flavors of Asia at kaibigan ni Renz simula pagkabata. Kasama ang dalawang `to at ang tatlo pa nilang kaibigan na wala ngayong gabi ang naging barkada ko simula noong highschool.

Pumasok kasi ako sa isang pretihiyosong eskwelahan dahil na rin sa sports scholarship habang si Ynna naman ay mayroon academic scholarship. Ang grupo nila Renz ang naging kaibigan nmin sa kabila ng mga snob at matapobreng mayayaman ng mga kasing edarin namin.

And since that time they became my inseparable set of friends ever since.

Sa mga sumunod na oras wala yata kong ibang ginawa kung hindi makipagkulitan kina Ynna pakiramdam ko tuloy lahat ng stress ko sa mga nakalipas na linggo bigla na lang nawala.

Wala man lang akong ideya na babaliktad ang mundo ko sa susunod na araw as in wala man lang talagang pasintabi na mangyayari `yon sa sa`kin.