Chereads / Loving My Monster Boss (Tagalog Romance) / Chapter 5 - Chapter Five: Back to work

Chapter 5 - Chapter Five: Back to work

MAGAAN ang bawat hakbang ko papasok ng company building palibhasa nakapagde-stress na ko sa day-off ko kahapon maging noong isang gabi. Pagkatapos kasi niyang pumunta sa Cosmic bar ay binulabog ko naman ang dalawa kong kuya buong araw sa condo na tinitirhan ng mga ito sa Ortigas. Nagmpapawis kami sa gym saka nag-sparring sa kabila kasi ng natamo kong injury noon ay mabilis naman akong gumaling at patuloy na nasa maganda ang kondisyon ko.

Kung hindi lang siguro ako naging office worker baka nagtayo na lang ako ng sariling gym kung saan pwede akong magturo ng Taekwondo.Natawa na lang ako sa sarili ko nang maalala ang reklam ng mga kapatid ko dahil na rin sa sakit sa katawan na inabot ng mga ito.

Pagkapasok ko ng secretarial department napaurong na lang ako ng isang hakbang nang makita ang mga 'bangkay' este ang mga taong wala na atang buhay. Dinoble-check ko pa kung tama ang napasukan kong opisina, tama naman kaya hindi ko maiwasang magtaka kung anong nangyari sa mga ito.

"Good Morning!"

Nakita ko ang biglang pagkabuhay ng mga bangkay nang makita ako, mabiliss na nagsipulasan ang mga ito at lumapit sa`kin.

"Ma'am Rizza, pwede bang wag na kayong magday-off kahit kailan?" sabi ni Mina.

"Anong tingin niyo sa`kin robot hindi dapat mapahinga?" taas kilay kong tanong hindi ko tuloy maiwasang magtaka kung ano ang ginawa ng mga ito kahapon at ganon na lang kung maka-react.

Nanahimik ang lahat sa katwiran niya. Ako nga sawang-sawa na sa pagmumukha ko sa opisina eh, lagay nito wala na kong pahinga? Aba sinuswerte naman masyado ang mga bata.

"Kasi naman Ma'am kung wala kayo hindi naming alam kung anong gagawin kay Sir Ryan." Nagkanya-kanyang reklamo ang mga ito na hindi ko naman maintindihan.

"Stop, stop time out!" awat ko kakapasok ko pa lang sa opisina pero `yung relax vibes ko kanina? Ayun lumipad na sa bintana ay tumagos pala dahil `de aircon ang opisina hindi bukas ang bintana, mabilis kong ipinilig ang ulo ko dahil kung saan-saan na naman ito pumupunta. "Pwede bang paupuin niyo na muna ko.

Huminga ako ng malalim saka napasulyap sa opisina ni Ryan mukhang hindi pa ata `to dumadating kaya nagpasya akkong pakinggan muna ang sinasabi ng mga ito.

"So ano bang meron at mukha kayong lahat na naglalakad na zombie?"

"Kasi ganito `yon Ma'am nagkaroon kasi ng problema ang delivery ng mga materyales kahapon." Pagsisimula ni Mina.

Napakurap ako at nag-alala sa narinig. "Ha? Bakit hindi niyo ko sinabihan?"

"Eh Ma'am `yung nga agad ang suggestion namin kay Sir Ryan pero ito lang naman ang sabi niya." Ginaya nito ang poker face ni Ryan. "Kayo ba kapag day-off niyo iniistorbo ba kayo ng trabaho?" saka ito bumaling sa kanila. "Banatan ba naman kami `non ni Sir wala knock out na."

Hindi ko maiwasang simpleng kiligin sa simpleng act ng thoughtfulness na `yon ni Ryan saka ako may na-realize sa sinabi ng mga ito.

"Ganon ba talaga usually? Bakit ngayon ko lang `to nalaman?" hindi ko maiwasang magtaka

Nagkatinginan ang mga ito at kung gaano ako dinumog ng mga ito sa isang segundong literal na parang naglahong mga bula ang mga walanghiya sa harap ko.

Naningkit ang mga mata ko sa inakto ng mga ito.

"Rizza." Napapitlag ako nang marinig ang boses ni Ryan sa likuran ko, kaya naman pala.

"Sir naman gusto niyo yata akong atakihin sa puso eh bakit kayo nangugulat?"

"I want my coffee please." Anito saka nito hinilot ang sentido bago bumalik sa opisina nito.

Agad naman akong tumalima rito kasabay `non ang pag-aalala dahil mukhang hindi pa ata ito nakakauwi.

Mabilsi kong hinanda ang coffee at snacks na gusto nito bago ako dumiretso ng opisina nito. Pagkalapag ng tray ay agad nitong kinuha ang mug ng umuusok na kape.

"Is there something you want to say?"

"Sir, bakit hindi niyo tinawagan kahapon kung nagka problema pala ang mga deliveries natin?"

Natigilan ito saka ibinaba ang mug. "It's your day-off kaya hindi na ko nang-istorbo."

Pinagtaasan koi to ng kilay. "Ngayon mo pa naisipang wag mang-istorbo? Ibalik niyo Sir ang tulog ko kapag nagpapahatid kayo ng lasing pabalik sa condo niyo o kaya `yung kailangan ko kayong ipagdrive ng dis oras ng gabi dahil kagagaling niyo lang sa party."

"Nagrereklamo ka ba?" parang gusto ko nang bawiin ang lahat ng pag-aalala ko ditto kanina, marami pang energy ang boss ko nakikipagsagutan pa sa katarayan ko eh.

"Hindi Sir, sinasabi ko lang ang point ko." Papatinag ba ko? Alam ko namang tama ako.

"Then why do it sounds like you're complaining?"

Jusme, katigas ng ulo ng boss ko hindi man lang makuha ang sinasabi ko. "Sir, I'm your executive secretary, I'm always at your disposal para saan pa at iyon ang posisyon ko ditto sa kompanya kung hindi niyo rin pala ako tatawagan? I'm guessing, hindi na naman kayo ng kumain sa tama kahapon dahil hindi ko kayo nasasabihan hindi ba?"

Nag-iwas ito ng tingin bago muling inabot ang mug at uminom sa pagkakataon na `yon naitirik ko na lang ang mata sa kisame. May ulcer ang magaling kong boss kaya noong unang taon ko sa kompanya muntikan ko nang ibigay ang resignation ko dahil sa nerbiyos ng mag-collapse ito sa opisina.

Kaya pagdating sa oras ng pagkain ay ganon na lang ako ka istrikto sukdulang kung kailangan kong itong subuan para lang kumain gagawin ko.

Napailing na lang ako saka nilayasan ito sigurado namang wala akong mapapala mas mabuting atupagin ko na lang ang trabaho ko kaysa makipagkuperensiya sa among daig pa ang bato sa katigasan ng ulo.