Chereads / Loving My Monster Boss (Tagalog Romance) / Chapter 3 - Chapter Three: Off From Work

Chapter 3 - Chapter Three: Off From Work

Parang gusto ko na lang isuka lahat ng mga masasarap na kinain ko `nung isang araw habang eto tambak na naman ang trabaho ko sa lamesa nagmukha tuloy hidden agenda ang pagpapakain sa kanila ni Ryan noong isang araw dahil sa mga latest projects nitong bigla na lang nagsulputan na parang kabute.

Kahit na hindi ako tumingin sa salamin sigurado akong mukha na kong zombie sa sobrang haggard ng itsura ko pero ano pa nga bang magagawa ko kung hindi ang tapusin ang sandamakmak na gawain niya.

Sakto namang tumunog ang intercom saka pumailanlang ang baritonong boses ng amo niya.

"Rizza, come to my office."

"Yes Sir." Sandali kong inayos ang itsura ko para kahit papaano ay magmukhang presentable sayang ang genes na namana ko pa sa mga magulang ko kung magmumukha akong mangkukulam sa harap ni Ryan.

Bitbit ang reliable kong tablet hindi na ko nagabalang kumatok saka isa pa alam ng amo niya na siya ang papasok dahil ito naman ang nagpatawag sa kanya.

"Can you check my schedule for the night?" anito habang hinid inaalis ang tingin mula sa binabasang files.

Agad ko namang itinuon ang atensyon sa hawak ko kung saan naka-input anag lahat ng schedule nito for the rest of the month.

"Sir, you have a dinner meeting with Mr. Santos tungkol po `to about sa mga company acquisition."

"Reschedule it and clear my appointments for the night." Saka tumutok ang mata nito sa'kin "And tell everyone na pwede na silang umuwi ng maaga."

Sandali tama pa ang pagkakarinig ko o dala lang `to ng sobrang stress? Sandali akong napamata sa amo niya at sa pagkakataon na `yon pakiramdam ko maynagsiawit na mga anghel sa langit at binigyan ako ng himala.

Pero syempre agad kong hinamig ang sarili ko baka tuluyan pa kong magmukhang timang sa harap nito.

"Okay Sir, Noted." Sabi ko sa pormal na boses pero pagkasara ng pinto n opisina ay hindi ko maiwasang mapa first bump sa ere. Gusto kong tumili dahil sa munting biyayang `to kaya naman agad kong sinabihan ang mga kasamahan na daig pa ang nanalo sa championship kung magdiwang.

Agad ko naman silang pinatahimik sa paglalagay ng hintuturo sa labi ko baka mamaya masabon pa sila ng wala sa oras kapag bigla na lang lumabas ng amo niya sa opisina nito.

Mabilis namang tumalima ang mga ito sa ginawa niya kaya kanya-kanyang plano na ang mga ito ng lakad para ngayon gabi habang siya naman ay may isa nang lugar na gustong puntahan.

Matapos niyang maayos ang mga gamit niya ay agad siyang nagpaalam sa mga kasamahan at dumiretso na pauwi.

SUOT ng hooded tshirt, skinny jeans at highcut sneakers ay pumasok ako sa Cosmic Bar sumalubong agad sa'akin ang isang relaxing atmosphere na sinamahan ng isang acoustic band na regular na tumutugtog sa lugar. Hindi ko na rin napigilan ang sarili ko na mapangiti nang mamataan ko ang bestfriend kong si Ynna— na siyang vocalist ng banda— na kumakanta.

Ang bar na `to ay ang pet project ng isa sa mga kabarkada nilang si Renz, ito rin ang siyang nakaisip nna mag invest kaming magkakaibigan sa lugar na siyang naging hang out place namin pagkatapos ng mga busy work schedule.

Iyon nga lang matagal na kong MIA o missing in action nitong mga nakaraang buwan dahil na rin sa tambak na trabaho ko sa opisina kaya ganon na lang ang pang-iinis ng mga kabarkada ko sa Facebook.

"Teka isa ka bang aparisyon o totoo ka?" speaking of the devil and the devil shall appear.

Naitirik ko na lang ang mga mata sa kisame saka kinurot ang pisngi ng malapit na kaibigan.

"Mukha ba kong multo?" tanong ko saka binitawan ang pinaggigilan niya.

"Aray, lupit mo talaga kahit kailan Riz tagal mo na ngang hindi nagpapakita sinampolan mo agad ako." Reklamo nito habang hinihimas ang namumulang pisngi palibhasa mestizo kaya masyadong sensitive ang balat.

"Dapat lang sa`yo `yan `no ." ingos ko. Sa mukha ko ba naman `to pagkamalan ba siyang multo?

Saka in the first place kasalanan ko bang may amo akong demanding? Kapag bumagsak ang kompanya nila –which is napakaimposible— saka lang siguro siya hindi magiging busy.

Inakbayan ako ng hudyo. "Ikaw talaga ang kyut kyut mo." Pasimple sana nitong kukurutin ang ako sa mukha pero nahanawakan ko ang hinliliit ng kamay nitong nakahawak sa`kin saka pinilipit `yon. "Ah, aray, ayaw na bitaw bitaw masakit." Daing nito.

"`Sakit?" pang-aasar ko, anong akala nito madali lang akong maiisahan? No way `no ako pa ba?

"Malamang, amasona ka talaga kahit kailan."

"Aba't gusto mo yatang ibalibag kita eh." Bumitaw na ko

"Ikaw naman joke lang." Nakangising sabi ni Renz.

Ito ang pinakamakulit sa kanilang magkakaibigan pero 'harmless'naman ito`yung literal tingin ko parang pet na aso.

Lihim akong natawa sa naimagine kong mukha nito kapag naging aso.

"Alam mo,hindi ko trip `yang ngiti."

"Bakit pati ba ngiti ko pagdidiskitahan mo?"

Lumabi ito childish talaga ng loko, hindi ko tuloy napansin na nakababa sa stage at nakalapit na sa kanila si Ynna.

"Oh, buhay ka pa pala?"

"Bakit niyo ko inaaway? Anong ginawa ko?"

Tinawanan lang ako ng dalawang magaling kong mga kaibigan pero wala naman akong magawa dahil alam kong malaki na ang atraso ko sa mga ito.

Nadia Lucia