JOAN
"Are you sleepy?" napalingon ako sa gilid ko ng magsalita si Michael. Hindi naman siya nakatingin sa akin. Ako ba kausap nito? "Hey, I'm talking to you" this time, nakatingin na siya. "Ako pala kausap mo. Hindi ka naman kasi nakatingin but yeah, I want to sleep. Ang aga ko kasing nagisi-"
Nagulat ako ng umakbay siya sa akin and he put my head on his shoulder. It didn't come to my mind that he would do this.
Hindi naman kami close.
"Sleep" hindi na ako nag complain. Inaantok rin naman ako eh, mag iinarte pa ba ako?
Nagising ang diwa ko ng marinig ko ang maingay na boses ni Christian at ni Gary. 'Tong dalawang 'to talaga! Bagay na bagay!
Gagalaw na sana ako na may maramdaman akong nakapatong sa ulo. Dahan dahan akong lumingon sa gilid ko and there I saw him. Michael, who's sleeping comfortably. Nakapulupot ang kamay niya sa braso ko, nakapatong ang ulo ko sa dibdib niya at nakapatong naman ang ulo niya sa akin.
W-We look like a c-couple...
Gisingin ko na kaya 'to? Pero ang himbing kasi ng tulog niya. Tsk, maya na nga lang.
"Girl, you're awake na pala" napairap ako ng magsalita si Gary. "Hindi Gary, tulog pa ako" sarcastic kung sagot. She pout. "If you're asleep pa, then why did you answered me?" langya! "Ewan ko sayong babae ka, wag mo kung kausapin!" iniingatan kung wag masyadong gumalaw dahil baka magising 'tong lalaking 'to. Pumikit na lang akong muli pero hindi ko na magawang matulog. Putek naman talaga! Ang ingay kasi ng dalawang 'to, hindi na tuloy ako kainin ng antok.
"Babe naman eh! Give me that na kasi!"
"No! Ako na lang kasi ang pansinin mo! Headset ka ng headset diyan, parang wala ako dito ah. Ako na lang kakanta"
"Don't you dare Christian!" si Brent ang sumagot kay Christian. "Bro, hindi pa tayo nakakarating. Wag mo namang pabagyuhin" dugtong nito. "Gago!" inis na sagot ni Christian na sinagot lang ni Brent ng tawa.
Lumingon ako sa passenger seat at nandoon si Lenia. Tulog na tulog din pero hindi nakalagpas sa mata ko ang kamay nilang dalawa na magkahawak. Ang lalandi!
Muli na lang ako pumikit at sinubukan ulit na matulog pero hindi talaga makapag focus ang utak ko sa pagtulog dahil sa daldal nila.
"Babe gusto kung matulog. Pasandal ah" Christian said. "Wag kang didikit sakin Christian! If you want to lean on me then give back my headset first!" in fairness naman ah. Hindi conyo si Gary doon ah. Medyo tumino ata siya ng kaunti. "Babe naman!" Christian exclaimed. "Oh shut up, lalaki! You are so nakakainis!" okay, binabawi ko na. Jejemon parin pala talaga siya!
Tsk! Bahala na sila sa mga buhay nila.